Normal lang naman yong crowd lagi. July of 2018, after one year na naging part ng buhay ko ang commute, ng makita ko itong guy na ito. Katabi ko sa bus. Ang una kong napansin ay mahaba ang braso nya, then ang haba ng mga legs nya na halos di na magkasya sa space. Then dahan dagan ko ni trace ang tingin ko sa katawan nya paakyat sa mukha nya. Naka hat sya at … Omg! ang gwapo nya! Mabuti na lang tulog sya. Whew! Pahiya sana ako. Ramdam ko init nya at ang paghinga nya halos sabay ng paghinga ko. Still the reality is nasa bus lang ako by myself, all alone. I am over men na in general. Inisip ko love does not exist and maybe it just wasn’t for me. Tanggap ko na rin in a way to grow old with my current partner.
Naidlip ako at nagising na lang dahil sa ticket inspection.
Medyo nagpanic ako kasi di ko alam nasaan ang ticket ko at nahalo sa ibang tickets. Since di ko rin naman talaga alam kung anong ticket ang hinahanap ko, nang naramdaman kong nagising ang katabi ko, tinanong ko sya if pwede ko makita yong ticket nya at e match sa ticket ko.
Mabait naman sya. Inabot nya ticket nya sa akin. At finally nakita na rin namin ang ticket ko. Napangiti na lang ako. What a relief.
Me: thanks ulit. (Sa ganda ng ngiti ko ewan ko na lang kung di to mahulog sa akin. Tinanggal ko na rin ang shawl revealing my face, red lips, and the delicate curve of my neck. Yes, siniseduce ko sya ng slight lang.)
Sya: welcome. Saan ka pala sumakay nyan?
Me: hah?
Sya: di kasi kita nakitang sumakay.
Me: ah dyan lang sa Ortigas.
Actually di namin maalala na tumabi kami sa isat isa. Basta nagising na lang kami na magkatabi na.
Medyo nakakahiya naman mag initiate ng conversation so tumingin na lang ako sa bintana. Then nakatulog na ako at sya ay di yata natulog na. Nagising na ako kasi stop ko na pala, agad2x! ang bilis naman ng biyahe ngayon. Bakit pa kasi ako natulog, ang tanga lang! So nag excuse ako at dadaan lang ako. Mabilis syang tamayo. Since mukha naman syang walang balak bumaba akala ko next bus stop pa sya. Gusto ko dumeritso hanggang dulong bus stop para samahan sya pero mabuti na lang di ko ginawa yon. Pero kailangan ko na bumaba. Monitored ang uwi ko. May cctv si partner.
Pero bumaba din sya at nasa likuran ko lang sya na naglalakad din. Then noong sumakay ako ng jeep tumabi sya sa akin kaya magkadikit na naman ang mga katawan namin. Naramdaman ko nakatitig sya sa akin kung hindi ako nakatingin. Then umiiwas ng tingin nang napatingin ako sa kanya.
Me: Dito ka rin pala?
Sya: saan pa punta mo nyan?
Shocks nagsabay pa kami.
Me: dyan lang sa unahan.
Sya: ah dyan lang din ako.
Weird ayokong isipin pero parang sinusundan nya ako. Parang gusto nya akong kausapin or to spend time with me pero parang nahihiya. Ako naman di ko alam ano itatanong or sasabihin. Pumara na ako. Maliwang at madami tao sa condo residence namin.
Me: sge, dito na ako.
Sya: wait, bababa na rin ako.
Me: dito ka rin bababa? (Ano bang nangyari! Bakit nakabuntot na sya sa akin??)
Ang tangkad nya compared sa akin. Nalaman ko 5 11 pala height nya. Ang gwapo talaga nya. Maganda pa katawan.
Sya: Pwede pahingi ng number mo.
Me: bakit?
Sya: Para ma message kita.
(Oo nga naman! Nag aaway na naman ang isip ko. Ibigay mo na! Teka lang!)
Tumigil ako sa paglalakad.. napahinto rin sya at hinihintay nya number ko. Madami tumatakbo sa isip ko, if magbibigay ako but fake number. I gave him my real number. Malamang di naman sya tatawag talaga. Then tumingin ulit ako sa kanya. Then pumasok na ako sa gate. Grabe ang perfect nya. Alam kaya nya na sobrang gwapo nya? Malamang. Pero di ko talaga type yong sobrang gwapo. Kasi ayoko may madaming kaagaw or baka di rin nila ako type.
Kung malaya lang sana ako. I’ll invite him to my place. But the reality is I am not free. Lahat ng open thingy matagal ng na revoke.
Pagkatapos ng dalawang oras, biglang may call sa phone ko though nakasilent mode ito. Alam ko na sya yon. Bago na kasi number ko at people sa work lang nakakaalam nito at yong sa bahay. Napapangiti na lang ako secretly. So hindi lang pala imagination ko ang kanina. Weird talaga yong night na yon.
I did not cancel his call pero di ko rin ni receive. Nandyan kasi si partner. At hindi rin ako nagmessage.
Inisip ko na lang na magmessage sya kinabukasan.
Well nag message nga sya the next day, and the days after next. Ang sweet ng mga messages nya. Yong tipong nililigawan ba ako nito? Halata naman na di talaga ako free pero bakit? Ano kaya gusto ng guy na ito sa akin? Impossible naman na free din sya sa gwapo nyang yon.
Minsan, pauwi na ako, ng tinanong nya kung nasaan na ako. Then nag ask sya if pwede kami magkita. (Ngek bakit?)
Hihintayin nya raw ako sa bus stop namin. Hala? Bakit kami magkikita? Na excite na kinakabahan ako.
Sinabi ko sa kanya na gabi na at malalaman ng partner ko na late ako sa normal time malaking gulo yon. Yup i finally told him na sobrang di talaga ako malaya.
Saglit lang naman daw. Kulang na lang magmakaawa sya kasi puro No sagot ko. Sabihin ko na lang daw if one bus stop away na ako. Sa sobrang kakulitan sabi ko na lang cge pero di ko sasabihin kung which bus at hanapin nya na lang ako sa crowd kung gusto nya akong makasama. If di nya ako makita better luck next time na lang. Sinabi ko lang yon at balak ko rin talaga na maglaho na lang bigla. I mean bakit ako. Baka kasi kung saan pa mapunta yong mga ganito. Eh madami naman iba dyan na mas bata at mas available.
So pasimple akong dumaan ng tahimik pagbaba ko sa bus stop ng biglang may umakbay sa akin. Tapos inilayo ako sa mga tao. Kala mo talaga kami huh.
Opposite direction ang papunta sa place nya. Kaya na figure out ko na sa first meeting namin talagang sinamahan nya lang ako umuwi. Na figure out ko rin na same naman talaga kami ng bus stop pero di sya kagad bumaba kasi nandun pa ako sa tabi nya.
Sya: Tara dito tayo. Ipapasyal lang naman kita sa place ko.
Me: ah. Pero gabi na kasi. Pag 9pm uwi na ako ah. (7pm na yong time na yon).
Halos magkatapat lang pala mga condo namin. Mukha namang decent yong place nya. Hindi ako takot sa kanya maski ang tangkad nya kasi gentle naman sya sa akin. Tapos nagproperty tour pa kami habang papunta sa building at unit nya. Huminto muna kami at tumingin sa baba bago pumasok sa place nya. Kinabahan ako. Syempre paano if may mangyari. (O mag hinay2x lang.)
Tama nga ako. Inamin nya na bahala na raw kung saan bus stop sya makarating sa gabing yon basta sasamahan nya lang ako. Shocks matindi ang tama. (Mabuti na lang bumaba ako nun kung hindi mastranded kami sa lugar na di namin pareho kabisado. Almost pareho pa yong isip namin.)
Nakarating kami sa pinto ng unit nya. I felt like all woman beside him.
Nagkukwentuhan kami na nakaupo ako sa sofa sa space between his legs. Yong kamay ko nakapatong sa isang knee nya na nakataas. Nakasandal ulo ko sa dibdib nya. Yong isang kamay nya nakaembrace sa body ko. Pero sinabihan ko sya kagad na No sex kwentuhan lang. Gusto kitang makilala.
Mas bata lang sya ng 2 years sa akin. Yong asawa nya may ibang kinakasama na at may anak na rin ito sa iba.
Time is up na. Hinatid nya ako pauwi. Pero since late na pagbalik nya di na sya nakamessage pa.
Hindi na sya nagparamdam. Na akala ko na nawalan sya ng interest or nagbago ng isip. Parang di naman sya ganun na klasing tao. Well ganun lang siguro talaga. Life moves on. Nagfocus na lang ako sa work. At mukhang malapit ng matapos mga commute days ko. Ready for turnover na ang unit ko.
Maraming mga araw din na lumipas. Na miss ko mga messages nya. Na miss ko sya.
Until a few days after, nagkita kami! Sumakay ako ng bus at tumabi sa kanya! Literal na ganun sa gulat namin pareho. What were the odds diba. Ang daming bus, ang daming oras, at ang daming upuan. We could easily miss one another.
I wanted to ask him ano nangyari sa kanya. But sya na mismo nagsabi. He lost his phone. Di pa kami nakapag exchange ng fb sa time na yon kaya di talaga makakapag message. Pinagdasal na lang daw nya na sana makasabay nya ako ulit. Then heto na nga. Grabe ayoko maniwala. Parang joke ba ito. (But it really happened. Tandang tanda nya kasi ito maski magkwentuhan kami ngayon.) Hindi ko alam ano sasabihin. Hinayaan ko na lang sya na hawakan ang kamay ko. Magkalapit mga ulo namin ng nag uusap kami quietly. Then nakatulog ako na nakasandal sa kanya.
We had dinner that night. Sa place na near sa amin pareho. Hiningi nya ulit ang number ko at fb na rin. Since mahirap e search fb ko, ako na mismo nagsearch para sa kanya sa messenger lang, hindi sya nag ask na maging friend ko sa fb. We had dinner that night na na reunite kami.
Inabangan daw nya ako sa place ko pero di nya na talaga ako nakita pa.
Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga gusto ko mangyari. Di naman pwede dalawang lalaki ang maghahati sa oras ko. Tatahakin ko ba ulit yong path na yon. Naalala ko pa ang regret ni Nathan (ex fubu ko) na sana di na lang daw kami nagsex para friend pa rin kami until now.
Napakaunderstanding nya sa situation ko. Yong dinner namin nasundan pa ng maraming dinners na magkasama kami. Sometimes breakfast na rin kami after nya ako samahan magwalking sa ne…