——-
Matapos yun ay naligo na ako at lumabas para makigulo na sa kanila. Pagkalabas ko ay nagiihaw si James at si Jasper. Nakaupo naman sa lamesa si Paul na siyang tanggero kasma din niya si Nikko, yung tatlong babae naman ay nakaupo at tila relax na relax sa mahahabang beach benches na nasa harap ng pool.
“Ke puputi talaga ng mga to” sabi ko nang makita ko mga legs nilang makikinis din. Napatingin ako kay Nicole tapos bigla siyang kumindat. Sinimangutan ko lang siya.
Nagsimula na kong abutan ng alak. Nagumpisa na ang kwentuhan, madilim na rin non. Nang matapos ang mga iniihaw ay pumalibot narin kami sa malaking lamesa at itnuloy ang inuman. Mabagal lang yung ikot ng inumin, marami pa nga yung kwento at yung pulutan e. Chill na chill kami.
Matapos kaming maka dalawang bote ng alak ay nagpasya kami na magbonfire sa buhanginan di malayo sa cabin. Bumili kami ng mga panggatong na kahoy. Dun namin itinuloy ang inuman. May mga konting amats na lahat, halata e. Makukulit na tsaka sobrang dadaldal.
Puro kwela ang kasabay ng inuman namin. May asaran ganyan, may bumubuo pa ng love team loveteam, at kung anu ano pa. Nauwi kami sa truth or dare, yung spin the bottle. Bilang may birthday ako na pinauna nilang mag spin.
“Teka teka may rules to ah, trip trip lang, walang kj, walang maiinis o walang pikon ah” sabi ko.
Una parang medyo boring yung laro, puro simpleng tanong simpleng dare lang pero habang tumatagal naglevel up ito. Hanggang sa nagka aminan na. Yung tatlong lalake, si James, Nikko, at Jasper napaamin kay Nicole. Kaya tawanan kami ng sobra. Ako naman e naka halikan ko si Nicole daily un ang nagging dare sa kanya. Sa Dalawang magsyota naman na si Gladdys at Paul, kapwa ganito yung tanong.
“Pwera sa syota mo, sino type mo o possible mong maging ka relasyon kung single ka” dito kami sumabog sa asaran at kantyawan.
Si Ella, ang sagot ni Paul, at si Gladdys naman ay AKO ang sinabi. Aaminin ko, kinilig ako the way na sinabi ni Gladdys na ako yun.
Buti nalang walang pikon samin AHAHA. Lintek na mga trip yan. Pagtapos ng tanong nay un ay sinabi ko na “Oh tama na, mga bugok, pahinga na tayo”
Umagree naman lahat. Parang nadrain mga energy namin. May naglakad lakad munam pahangin may pumunta muna sa may tumalon sa pool sa tabi ng cabin. Tapos kami ni Paul naiwan nakaupo sa harap ng bonfire.
“Gagong laro yan…” natatawang sabi ni Paul “… Napaamin tuloy ng wala sa oras.” Dugtong niya.
“Yung kanino?” sabi ko.
“Lahat gago, ahaha. Pero yung kay Ella kaming dalawa lang may alam non. Alam mo bang si Ella talaga una kong niligawan kaso umpisa palang busted agad ako tangina” natatawa siya.
Ngayon ko lang nalaman to. “Hindi nga?” matipid kong sagot
“Oo tol, kaya ako nauwi kay gladdys kasi nga na reject ako ni Ella babes” kwento niya habang nagsindi ng yosi.
Tumuloy ang kwentuhan, sinabi niya na si Ella talaga type niya, hanggang ngayo nga daw e kung single siya itatry niya ulit. Tawa ako ng tawa, dahil dun lang pala siya nabusted.
Dumako ang usapan namin kay Gladdys at Hazel. Kinuwento niya na ayun nga, nung una parang trip trip lang niya si Gladdys, parang pang bawi lang niya sa nangyari kkay Ella. Pero ngayon unti unti narin daw nabubuo yung feelings niya sa kaibigan namin. Sa katunayan nga daw, hindi pa niya nagagalaw si Gladdys. Pero wala na raw sa kanya yun dahil handa niyang intayin at nirerespeto niya si Gladdys.
Na rerealize ko na na oo medyo magulo, o hindi pa buo yung feelings ni Paul kay Gladdys pero nandun na unti unti nang nabubuo iyon. Dahil ang kilala ko tong tropa ko, may pagka fuckboy to, iba iba girlfriend nito mula first year college tapos madalas ayun palit agad pag sawa na. Pero ngayon seryoso na, kaya naman lalo akong nakukunsensya, dahil ako lang naman ang kumuha ng virginity ng girlfriend niya, ako lang naman ang nagpapakasasa sa katawan ng girlfriend niyang ni minsan di pa niya natikman.
“… Ang ikinakatakot ko lang tol e yung mangyari sa aming dalawa ni Gladdys yung nangyari sa inyo ni Hazel. Para kasing hindi imposible, parang andaming sikreto ni gladdys ang dami ko pang hindi alam…” sa lahat nang sinabi niya eto pinaka tumatak sakin.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya na papasok na sa room at magpapahinga na. Nagpaiwan naman ako. Maya maya ay bumalik na rin yung mga naglakad lakad. Inaya ako pumasok para makatulog na daw. Sumama naman ako pero nagpaiwan ako sa labas dahil ang sarap magpahangin, ang lamig. Naupo lang ako sa may upuan sa balcony ng cabin.
…..
May kumalabit sakin”Ba’t di ka kaya pumasok sa loob para matulog” sabi ng boses ng babae.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa labas. “Uy, Nicole kaw pala”
Agad ko namang naalala yung nangyari kanina yung teasing part. “Di ako makatulog bwiset” sabi niya sabay upo sa upuan sa harap ko.
Sobrang lamig non, sobrang lakas ng hangin.
“Anong oras naba?” tanong ko.s
“Mag tu2:30 na. Naghihilik na mga tao sa loob” sabay ngisi niya.
“Makapasok na nga” sabi ko parang pinaparamdam ko na naiinis ako sa kanya.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko ng tumayo ako. “Uy teka teka, kwentuhan muna tayo, to naman galit kaba?” parang nangiinis pa.
“Hindi ako galit, yung titi ko nagalit” banat ko sabay upo ulit.
Natawa kami parehas. Lalo siya tawa ng tawa, “Sorry na, quiet ka lang dun sa ginawa ko nay un ah gago ka pabirthday ko lang sayo yon.”
“Asan ang pa birthday don e binitin mo lang ako.” Sabi ko.
“Enough na yon oy, nahawakan mo naman na yung dede ko, di ka pa nakuntento” sabi naman niya.
“Di talaga kung alam mo lang libog na libog na ko kanina, bwiset ka” sabi ko sa kanya pero nakatingin ako sa malayo.
Natawa siya “Alam ko, parang bato na yang si junjun kanina e, laki pala niyan…” biro niya.
Pasimple akong napangiti, “Mukhang matutuloy nato a” sabi ko sa isip ko.
“…Kaya naman pala baliw na baliw sayo si Gladdys.” Bigla niyang sabi.
PUTA! Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa bintana kung may gising pa baka kasi may nakarinig. Tsaka ako nag salita “WHAT?! Sinasabi mo?”
Muli ay tinawanan niya ko “Lul, wag kana mag inaso HAHAHA”
Hindi ako nagsalita. “Tingin mo ba may isinisikreto sakin si Gladdys? Jusko po e parang kapatid ko nayon, Mula bata palang kasama ko na yon. Sabay pa ata kaming umiiyak sa crib nun e” sabi niya.
Napakunot noo ako, ayoko paring magsalita dahil who knows baka binabluff lang ako neto.
“… Ikaw nakakuha ng Vcard niya diba? Nung naginuman tayo after niyo mag break ni Hazel.” Sabi niya.
May pagkabigla pa rin sakin dahil alam kong totoo yung sinasabi niya.
“…Sweet niya no? Ganun yon, alam mo bang ikaw first love nun?” tanong niya.
Ayaw kong maniwala kasi mula nung nangyari yung kay Hazel, nagkaroon ako ng bad habit of not trusting anyone, feeling ko kasi lahat sila niloloko nalang ako.
“Yep sweet nga siya pero first love? Abay kelan lang tayo nagkakilala tapos ako first love niya? Tsaka totoo ba to, walang gaguhan ah. Yung totoo lang sabihin mo…” sabi ko.
“Oo naman, kung may paniniwalaan ka man ako dapat yun, best friend ko si Glad, kilala ko yun mula ulo hanggang papa. Kaya listen to me carefully…” sabi niya sabay tayo at talikod sakin. Sumunod naman ako sa tabi niya parehas kaming naka tingin lang sa may dalampasigan habang nakatukod ako sa railings ng balcony.
“For real, First love ka non, hindi naman cheap yun na ibibigay niya sayo yung virginity niya nang trip trip lang. Jusko naihi pa ata yun nung una kang makausap nung 1st year tayo. Tawa ko ng tawa habang nagkukwento siya, Mula nun araw araw ka niyang ikinukwento. Ako na yung nabuburyong dahil walang kasawaan…”
Natawa ko sa kwento niya at sa paraan niya ng pagkwento, alive na alive e.
“… Pero bilang supportive BFF, puta panay ang push ko sa kanya dahil puta akala ko tomboy yung hayop na bespren ko na yun. Ba naman e, sa ganda niyang yun, ang daming pumoporma nung highschool pero kahit isa walang pinapansin kahit yung mga gwapings. Kainggit nga yung gagang yun, kahit ang weird weird ng personality niya, medyo off siya kumilos andaming nagkakagusto.” Kwento niya.
She’s right sapagdescribe sa personality ni Gladdys, Basta may pagkaweird siya but in a cute way. Hirap idescribe pero basta sobrang cute niya kumilos the way she talks basta lahat sa kanya adorable… “Puta! Nahuhulog na ata ako sa kanya” bulong ko sa isip ko.
“Ang cute nga niya, bagay naman sa kanya yung personality niya a” sabi ko.
“See, ewan ko ba lakas ng charm ng babaeng yun ahahah. Tapos ayun nga kaso may Hazel ka non, so ikaw din ang first heart break niya. Dahil din kaya sayo kaya natutong uminom yan, kapag nakikita kayo ni Hazel na sweet, mag aaya uminom yan. Ewan ko ba’t baliw na baliw sayo yun.” Tuloy alng siya sa pagkwento.
“And then nung nagbreak kayo ni Hazel, nangyari na yung hindi dapat. Nagaway pa kami nung sinabi niya na may nangyari sainyong dalawa. As in minura ko siya. Tangina niya kako ano pinag kaiba niya kay Hazel. Pinaalala ko sakanya na may boyfriend siya…” biglang nagging seryoso yung mood namin parehas.
Ang matured din magisip nitong si Nicole.
“… Iyak siya ng iyak non. Sa akin nag sosorry, at ano daw ba gagawin niya. Sabi ko wag ka sakin mag sorry, kay paul siya may kasalanan. Huwag niya kakong lokohin yung tao kung hindi talaga niya mahal e makipag break na siya…”
Sumabat ako “Nics yun nga e, tangina natatakot ako na mauwi sa nangyari sa amin ni Hazel ang lahat… I think I became the man, that I once hated the most.” Sabi ko na tinutukoy ko yung dati kong tropang yumari kay Hazel.
Tumingin siya sakin sa mata. “Mahal mo ba?” seyosong seryosong tanong niya.
“Ha?” medyo nabigla ako sa tanong niya.
“Tinatanong kita, Mahal mo ba si Gladdys?” titig na titig siya sa akin.
Putangina! Walang lumalabas sa bibig ko, wala akong masabi. “Aahh…e..ewan ko ewan ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Naguguluhan ako dahil nandito parin si Hazel. Pero alam ko sa sarili kong tapos na talaga yun…” tanging nasabi ko.
“Stop! I’m not asking something about Hazel. Sagutin mo lang, diretsong sagot may feelings ka ba para sa bestfriend ko.” Sabi niya.
Napahinga ako ng malalim. “Meron na oo tangna, meron.” Lumabas sa bibig ko.
Kahit anong deny ko pa sa sarili ko. Meron na talaga, iba si Gladdys, gaya ng mga nabanggit ko dati, may something sa kanya. Yung sweetness, yung personality niya, basta yung kabuuan niya, yung si Gladdys mismo, hinahanap hanap ko na. Wala na, ang dahilan lang talaga kung bakit pilit kong itinatanggi sa sarili ko eh yung magiging consequences.
Yung barkada ko, ilalaban ako ng mga to ng patayan tapos ako yung sisira ng pinagsamahan namin.
“… Handa mo bang ipaglaban? Tangna baka libog lang yang nararamdaman mo.” Sabi niya.
Hindi na ko sumagot dahil wala na kong masabi pa. Meron akong nararamdaman, alam kong hindi lang basta libog. Eto yung naramdaman ko kay Hazel noon.
Nawala yung gigil niyang boses “…Sana kaya mong ipaglaban. Dahil alam mo, ilalaban ka non hanggang sa dulo, lalo na’t ngayong ganito na yung set up niyo. Eh tawagin mo na kong kunsintidor, kahit alam kong mali tong ginagawa niyo, susuportahan ko kayo…” sabi niya.
“kasi ang mga taong minsan lang tamaan ng love gaya ni Gladdys, ay sagad at totoong kung magmahal.” Muli ay tumingin siya sa akin mata sa mata at ngumiti.
Sabay kaming napatingin muli sa dalampasigan. I’m speechless, really. Nawala yung doubt sa isip ko na laro lang ang lahat ng ito. Tama si Nicole, iba si Gladdys, minsan lang siya magmahal and I’m so damn lucky na ako yun and I should appreciate it.
“Nics…” sabi ko sabay tingin sa kanya. “Salamat ah, sa lahat. tulungan mo ko, tulungan mo kami along the way dahil syempre ang gulo ng sitwasyon namin ngayon. Ayokong masira si Gladdys sa kahit na sino.”
Napangiti siya “Sus jayyy, nandito lang ako lagi para kay Gladdys, syempre ngayon para sayo narin. Kahit anong tulong gagawin ko hanggang kaya ko. I just want Gladdys to be happy, I promise mo …” Sabi niya.
“I promise mo to protect that girls precious heart, utang naloob, UTANG na LOOB, she’s been through a lot kaya please lang wag na wag mo ng iiwan o sasaktan si Gladdys. Kung hindi, kalimutan mo nang magkaibigan tayo, talgang yari ka sakin” parang pagbabanta pa niya.
“Pramis boss, pramis” pabiro ko.
“Seryoso ako” sabi niya.
“Seryoso din naman ako… Sa kanya” banat ko.
Napailing siya habang nakangiti “Jusme, sa kanya ka nga bumanat ng ganyan at wag sa harap ko kairita” sabay tawa niya.
Konting minuto ng katahimikan then nagsalita ulit siya. “One last thing, please don’t ever mention kahit kanino lalo na kay Gladdys yung nangyari satin kanina a. Nun lang yon” sabi niya na parang nagmamakaawa.
“Eh bakit wala naming nangyari satin a” biro ko.
“Bwiset!!! Basta Whatever You call it. Just please what happens in the cabin stays in the cabin.” Sabi pa niya.
“hmm. Okayy” matipid kong sagot nang biglang bumukas ang pintuan kaya’t napalingon kami.
“Oh kanina pa kayo gising?” tanong ni Ella nasa lkod naman niya si Gladdys na lumabas din.
“Ako kakagising ko lang, etong mokong na to di pa pumapasok sa loob mula kanina” sabi ni Nicole.
“Tara lakad tayo” aya ni Gladdys
“Wait…” sabi ko sabay pasok ko para kumuha ng jacket kasi kanina pako nilalamig.
Paglabas ko ay nauna na pala sila maglakad pero hindi pa naman sila nakakalayo. Nangmakahabol ako, syempre una tahimik muna ko. Nakikinig lang ako kung ano topic nila. Iginagala ko lang yung mata ko, I’m admiring the scene, the dim light that the full moon provides, the sound of crashing waves and the breeze.
Mahaba yung coast. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad at kwentuhan ng biglang sumingit si Nicole. “Shit! Sakit ng tiyan ko. Na ccr ako”
“Tara balik na rin tayo malayo layo narin to” sabi ko
Napakunot noo niya at sumesenyas “Wag na, Balik ako agad, wala naman tayong gagawin dun boring. Tara Ella samahan mo ko mabilis lang to.” Sabi niya sabay mabilis na kindat sakin.
Nakuha ko na, she’s giving us time to talk. “Ahh. O sige, dun sa kubo ah sa kanina nating pinuntahan” sabi naman ni Gladdys.
“Sige guys, balik kami agad, baka gising narin yung mga yun para m…