Binago ko na lang ang pangalan ko ngunit hindi ang pangalan niya upang kung sakaling mabasa niya ito, hindi halata.
Hindi ko naman kasi inaasahan na mauuwi ang lahat sa ganoon at marami rin akong natuklasan nang ipagtapat niya sa akin ang tunay niyang pagtingin sa akin. Ganoon daw ako kamanhid ayon sa kaniya. Doon nagsimula ang aminan ng feelings para sa isa’t isa na nauwi sa kantutan.
Paano nangyari ang lahat? Heto ang istorya namin ni Josephine.
Ako nga pala si Frank. 27 years old ako noon nang makilala ko si Josephine at hindi naman nagkakalayo ang edad namin.
Pareho kaming med rep pero magkaiba kami ng pharma company. At mas matagal na akong nage area sa Ilocos mga dalawang buwan na bago ko siya nakilala.
Nangyari iyon nang magtanong siya sa akin habang hinahabol ko ‘yung doctor na kino-cover ko. Naabutan ko naman kaya sinundan niya ako dahil cover din pala niya ang naturang doctor.
Hanggang sa naghihintay pa kami sa ibang doctor at doon na siya naging mausisa sa area naming dalawa. In short, friends agad kami. Pinakilala ko rin siya sa ibang tropa kong med rep na bago nga siya sa area kaya tinutulungan namin.
Kahit magkakalaban kami sa produktong gamot, pamilya ang turingan namin dahil nga ang iba sa amin taga-ibang lugar gaya ko na tubong Maynila.
Describe natin si Josephine. Morena siya at chubby kaya noong una hindi talaga ako fond sa kaniya. Pero nang mapagmasdan ko ang mukha niya, ang lalim pala ng dimples niya. Matangos din ang ilong niya at maganda ang mata niya para sa akin. Kamukha kasi nito ang idol ko noon na si Sora Aoi.
Sinabi ko sa kaniya iyon na kamukha niya nga at hinanap niya ito sa web browser.
Nagulat siya nang makita ang nude photo ni Sora Aoi at nasa computer shop pa kami noon kaya agad niyang pinindot ang ekis ng browser.
“Hindi mo man lang ako in-inform kung sino ba si Sora Aoi.”
“Hindi ko naman alam na hahanapin mo ‘eh!”
Sabay palo niya sa balikat ko.
“Mabuti pa kung sinabi mong kahawig ko si Jennilyn Mercado tutal marami naman nagsasabi nun.
“Bakit hindi ba maganda si Sora? Idol ko kaya iyan.”
“So, nagagandahan ka pala sa akin ‘ah!”
Ngumiti siya sa akin. Lalong lumalim ang dimples niya at nagningning ang kaniyang mga mata.
Magsasalita na sana ako kaya lang biglang lumabas sa screen niya ang video ng lalake.
“Sandali lang, Frank. Kausapin ko lang ang boyfriend ko.”
Holy shit! Hindi niya rin ako in-inform na may boyfriend pala siya.
Red flag!
Isang hakbang na lang mapo-fall na ako. Ang laki ko rin kasing tanga. Hindi ko pa natanong sa kaniya kung may boyfriend na siya.
O ayoko lang magtanong. Dahil gusto ko na lang isipin na wala nga siyang ibang karelasyon. Na masaya na akong kasama siya.
Ayoko na lang bigyan ng kulay ang pagiging clingy niya sa akin. Baka naman nakikita niya lang sa akin ang Kuya niya dahil nabanggit niya na may Kuya siyang super close niya at dalawang taon lang ang tanda sa kaniya na kasing-edad ko.
Mukhang kuya-zoned nga ako.
Kada sasamahan ko siya sa computer shop ay lagi niyang kausap ang bf niya habang ako naman panay ang laro ko ng Dota sabay sound trip sa YouTube.
Ayoko na lang pakinggan ang pinag-uusapan nila kaya nakasalpak na lang ang headphones sa tainga ko.
Hanggang sa nadagdagan na raw sa kaniya ang area ng Ilocos Norte. Dati kasi Sur lang ine-area-han niya mula Tagudin hanggang Sinait.
So ang siste, gusto niya na naman sabayan ang itinerary ko.
“Gosh! Ang laki na nang area ko.”, atungal niya.
“Bawasan mo na ‘yung mga doctor na hindi tumutulong sa iyo. Sayang din kasi gumagastos ka ng pamasahe pero hindi ka naman nila tinutulungan. Alam mo naman siguro ang RoI (return of investment) ang tinitignan ng mga kumpanya natin.”, payo ko.
“Oo nga. Thanks, Frank. Buti na lang nand’yan ka.”, pasalamat niya sa akin.
Hanggang sa mag area na kami sa Bayan ng Batac. Sinabayan niya akong mag-cover mula sa mga maliliit na clinic hanggang sa government hospital.
Nang sumapit na ang gabi, doon niya nakita kung gaano kadilim ang highway paglabas namin sa ospital.
“Nakakatakot naman pala kapag gabi rito. Ni hindi pa ako nakakahanap ng transient dito.”, sabi ni Josephine.
“Nyeh! Bakit hindi mo muna inasikaso ang tutuluyan mo?”, pag-aalala ko.
“Hindi ko kasi naisip na gagabihin pala tayo sa ospital.”, katuwiran niyang ewan.
Napatapik ako sa aking noo.
“Pero pwede naman ako mag hotel na lang. May alam ka ba?”, tanong niya.
“May alam akong mura kaso wala na tayong masasakyan sa ganitong oras at nagsiuwian na rin ang ibang kasabay nating med rep na may kotse.”
“Paano kaya tayo?”
Aba? Malay ko sa iyo. Sa loob loob ko lang.
Pero ‘yung tanong na, “Paano na kaya tayo?”, hindi ko maiwasan mapahugot. May boyfriend siya kahit pa long distance iyon, ayoko naman makasira kung sakali.
Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng pabayaan ‘to at baka kung anong mangyari sa kaniya. Kaya kargo de konsensya ko na siya.
Mabuti na lang ‘yung tropa kong med rep din ay wala sa tinutuluyan naming bahay dahil naka area naman siya sa Vigan at doon naman magpapalipas ng gabi. Nakikihati rin ako sa upa para makatipid. Hindi rin kasi ire-reimburse ng kumpanya ko ang gastos ko kapag lumagpas ako sa alloted budget.
Kaya ang mungkahi ko, “Kung hindi ka naman maarte sa tutulugan, mabuti pang sa inuupahan ko na ikaw magpalipas ng gabi.”
Wala namang pag-aatubili ang kaniyang pagpayag.
“Sige! Pero kain na muna tayo. Gutom na ako ‘eh!”, aya niya.
“Kaya ka tumataba, Josephine Girl ‘eh! Puro ka kain. Mag diet ka naman.”, asar ko sa kaniya.
“Grabe ka sa akin Frankenstein! Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng Josephine Girl. Ang laswang pakinggan ‘eh!”, inis niyang sabi sa akin sabay palo na naman sa aking balikat.
Sarap asarin kasi nito. Masyadong patola. Pero hindi naman siya napipikon sa akin. Enjoy nga siya na lagi niya akong kasama at ganoon din ako sa kaniya.
Sa tapat na kami ng ospital kumain. Pagkatapos ay naglakad lang kami patungo sa tinutuluyan ko.
Medyo sanay na akong maglakad sa madilim na lugar pero itong si Josephine Girl kapit na kapit sa braso ko.
Tahimik maliban sa tunog ng kuliglig at walang katao tao sa dinadaan namin.
Kaya minabuti kong magsalita at magbahagi ng salaysay sa kaniya kung anong nangyari sa akin noong mga unang araw ko dito sa Ilocos na nangangapa rin.
“Siguro nga marami ka nang iniisip kaya nakaligtaan mo ang tutulugan mo ngayong gabi. Naaalala ko tuloy noong bagong salta ako dito. Nangangapa rin gaya mo.”
“Bakit ano bang nangyari sa iyo noong bago ka lang dito?”, usyoso niya.
“Noong una kasi, huling na-cover ko ‘yung pedia sa clinic ng Magsingal. Mga alas siete na iyon ng gabi. Tinanong niya ako kung bakit sa ganoon oras daw ako nag cover. Ang sabi ko bago lang ako sa area, ako ‘yung kapalit ni ganito, etc. Nagtanong siya kung may sasakyan ba ako kasi nga kapag ganitong oras daw, wala na daw masasakyan. Sabi ko naman okay lang po, kung sakali baka maglakad na lang ako. Sabi niya, ikaw ang bahala.
Doon ko nga napagtanto na madilim nga sa main road. Wala man lang poste ng ilaw at tanging clinic lang ni doktora ang maliwanag.
Naghintay ako ng masasakyan. May dumaan pero provincial bus lang na papuntang Maynila. Siyempre pinalagpas ko iyon dahil mahal ang flag rate sa aircon bus. Naglakad lakad muna habang nag aabang pero mag alas otso na, wala pa ring dumarating na local bus. Kaya diniretso ko na ang paglalakad.
Nakalayo na ako sa clinic ni doktora at nasa Magsingal pa rin ako. Ang lawak pala ng bayan na ito. Ang tanging tanglaw ko lang ay ang liwanag ng buwan. Naglakad pa ako hanggang sa makita ko na ang sementeryo. Oo nga pala, napansin ko noong ako’y papunta kila doktora, bawat bayan pala may sementeryo na na malapit sa main road. Kaya kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko.”
“Huwag mo nang tapusin, Frank. Natatakot na ako ‘eh!”
“Pero nilagpasan ko pa rin ang sementeryo. Hanggang makarating ako sa tulay.
Nang makita kong may ilaw sa likod ko, lumingon ako. Kotse pala pero bumusina siya ng tatlong beses bago lumagpas ng tulay.
Naglakad pa rin ako at nakalagpas ng tulay, doon ko narating ang palengke ng Magsingal. Diyos ko nasa Magsingal pa rin ako. Naghintay na muna ako saglit para magpahinga at dahil maliwanag din ang lugar. Pero napapansin ko talaga na halos wala nang tao kapag ganitong oras. Malayo sa Maynila na doon palang nagsisimula mag-videoke ang mga tao.
May dumaan ulit na provincial bus. Hinintuan naman ako subali’t hindi ko pinansin at umaasa pa rin na makakasakay ako sa ordinary bus. Pero wala kaya nagpatuloy ako sa paglalakad baka sakaling makakarating din ako sa Vigan.
Napadaan naman ako sa gasoline station. Wala siyang pangalan gaya ng Big Three. Pero ang kinagimbal ko nang lubos, maraming aso. Tahol sila nang tahol sa akin hanggang ang iba ay tumakbo patungo sa akin.
Kahit hindi ko gawain, dasal ako nang dasal na sana huwag niya akong pabayaan at ilayo sa kapahamakan. Buti na lang hindi naman mababangis pero nakakatakot talaga baka bigla na lang akong sakmalin.”
“Buti naman at hindi ka kinagat, Frank.”
“Buti na lang talaga. Hanggang natanaw ko na ang arko ng Sto. Domingo. Napakadilim pa rin at kada may dadaang sasakyan, bumubusina sila ng tatlong beses. Hindi ko alam kung courtesy beep ba nila ‘yun.
Hanggang sa sumasakit na ang paa ko, dumaan na naman ako sa may sementeryo at dasal na lang ako nang dasal para maibsan ang takot ko. Nang may dumating ulit na sasakyan. Nagulat ako sa aking nakita, nanlilisik ang mga mata niya nang tamaan ng ilaw mula sa headlights at kulay pula ito. May mahaba ring sungay na pakurba…”
Biglang pumalo sa aking balikat si Josephine.
“Kwento lang, Frank. Walang takutan!”
“Napapadalas na iyang palo mo sa balikat ko huh?”, angal ko.
“Kasi naman natatakot na ako ‘eh! Malapit na ba tayo sa inyo?”, tanong niya.
“Oo malapit na tayo. Teka, huwag mong ibahin ang usapan. Hindi pa nga tapos ang kwento ko ‘eh!”
“Lumabas pa ang dalawang tao na may salakot at gulok na nakasukbit sa kaniyang baywang. Lalo akong natakot na baka ito na nga ang katapusan ng buhay ko.
Nang ito’y magsalita ng ilokano. Kinausap ko siya sa tagalog. Buti na lang at marunong din pala sila magtagalog. Sila pala ang may ari ng kambing na may malaking sungay na nakatali sa puno.”
“Ah! Kambing naman pala!”, wika ni Josephine na napanatag na ang loob.
“Panay kasi ang sabat mo, hindi pa nga ako tapos magkwento.”
“Akala ko kasi mananakot ka, alam mo nang ang dilim dilim ng dinadaanan natin.”
“Balik tayo sa kwento, tinanong ko sila kung may dumadaan pa bang sasakyan papuntang Vigan at kung malapit na ba ako kapag nilakad ko pa. Sumagot ang isa na malayo pa at may dalawang bayan pa akong dadaanan bago makarating sa Vigan.
Kaya sumuko na ako at naghintay na ng provincial bus dahil hindi ko na rin kayang magpatuloy sa tindi ng pamimitig ng paa ko at bumuka na rin ang swelas ng sapatos ko.
Simula noon, natuto na akong hindi magpalipas ng gabi kapag alanganin ang lugar dahil nga mahirap makahagilap ng masasakyan kapag ganitong oras.”
“Ah? Iyon lang pala ‘yun.”, ang tangi niyang nasambit sa aking salaysay.
Napanganga lang ako at napatingin nang blangko sa kaniya. Naisip ko, wala bang katuturan ang kwento ko? Wala bang kwenta?
Humanda ka sa akin, Josephine Girl. Kuwentuhan kita nang malupit mamaya. Pamamagatan nating, “Patayin sa Sindak si Josephine.”
Hindi naman mahaba ang nilakad namin at agad kaming nakarating sa tinutuluyan ko.
“Heto na tayo!”
“Lumang bahay pala ito.”, sambit niya na may kasamang kamot sa ulo.
“Siyempre. Gusto namin makatipid kaya tiyaga muna sa ganitong bahay. Huwag mong ismolin ‘to kahit maliit ay presko naman sa loob.”
“Okay. Ligo na muna ako.”, paalam niya habang tumutu…