Burning Obsession

Author’s Note: Hello there, this story is inspired by something I watched a little while ago. It gives me the idea of some what ifs of life and sexual desires.
Anyway, I would like to remind everybody who will read my works, that everything I present is free to read. I do not give permission to anyone who will use my stories for their personal monetary gain. You are stealing my work and I hope you get your karma to what you do.

Chapter 1: Young and Bold
By: Balderic

Coastal Fashion Magazine. Ito ang isa sa malaking fashion magazine sa bansa. Iba’t-ibang mga fashion trends, celebs, gossips, at mga next level cosmetics ang tinatalakay dito. Both on social media and physical magazine copies ay talagang maraming nakatutok.

Pagmamay-ari ito ng CCC o Coastal Clothes Company na may hawak ng iba’t-ibang clothing at cosmetics companies sa southeast Asia, South America at European countries lalo na sa France. Ang founder nito ay ang multi-millionaire na si Don Felipe Acosta Sr. 60 years old na half Columbian at Filipino. Madalas itong nasa Columbia dahil naroon ang mga pabrika nito ng mga damit.

———-

“Hon on the way palang ako. Grabe ang traffic dito sa Malaya road. Late na nga ako eh.” Pasilip-silip sa bintana ng jeep si Miguel habang kausap ang ka live-in girlfriend nitong si Susan.

Si Miguel Belbeco o Migs sa kanyang mga katropa ay isang digital designer ng Coastal Fashion Magazine. 36 years old si Miguel at 2 years nang nagtatrabaho sa publishing company. Average lang kung titignan si Miguel. Medyo chubby ito at di rin kaputian ang kulay ng balat. Mahilig ito sa anime at maglaro ng videogames. Ilan lamang ito sa mga inspirations nya sa designing at nag iipon ng pera para may pangtustos sa plano nila ni Susan na pagpapakasal at pagkaroon ng sariling pamilya.

“Hon ingat ka nalang sa byahe ha. Sige at mag e start na rin kami dito.” Sagot naman ni Susan sa nobyo at tinapos na ang tawag.

Si Susan Ybaez naman o Susie ay 30 years old at nagtatrabahong manager ng isang catering service. Mag li-limang na taon na silang magkasintahan ni Miguel at plano na nilang magpakasal. Nagkasundo silang hinde muna sila mag kakaroon ng anak hanggat hinde pa sila kasal dahil alam nilang mahirap nang tumayo at umahon sa kahirapan kung may anak na sila at nagsisimula palang sila. Morena si Susan at simple lang ang ganda, subalit agaw pansin naman sa kanya ang malaki nitong dibdib at pwet. Bagay na hinde maiwasang titigan ng ilang mga guests sa bawat party na pinag serbihan ng catering company nila.

Abala si Susan sa pag obserba ng arrangements ng mga lamesa, upuan at mga condiments. Isang birthday party ang kanilang pinaghahandaan.

“mam Susie, male late daw po ang ilang delivery ng litchon.” Balita ng isang katrabaho ni Susan. Napakamot ng ulo si Susan.

In 30 minutes mag e start na tayo dito. Jusko bakit ngayon pa. Akala ko pa naman kasama na sa truck ang mga yan. Eh yung band, na kontak nyo na?”

“Yes ma’am . Paparating na po sila.”

“Everything under control here?” lumapit ang lalakeng may ari ng catering service. Tinignan sya ni Susan at ang isa pang dalagang kausap ng huli.

“Sir Edwin ang aga nyo naman? Akala ko mamayang hapon pa kayo.”

“May lakad ako mamaya eh kaya inagahan ko na. What seems to be the problem? Parang may naririnig ako kanina?”

“Ah sir yung litchon po ma le late.” Wika ng dalagang kausap ni Susie.

“What? Jesus Susie can you do something about this?”

“Tatawagan ko nalang sir. Ako nang bahala.” Sagot naman ni Susan.

Inakbayan si Susan ng boss nya at ngumiti ito.

“I’ll leave it to you then.” Ngumiti si Edwin at naglakad palayo.

Si Edwin Ople ang boss ni Susan. Sa edad na 25 ay nakapagtayo na ito ng sariling company ang Kitcheroma. Binata ito at may kagwapuhan. Anak mayaman at masipag sa trabaho.

———-
By: Balderic

9:30 am

Nakapasok sa conference room si Miguel at nakaramdam ito ng hiya at pressure ng makitang naroon na sa malaking table naka upo sa palibot nito ang ilang designers, staff at ang assistant chief editor ng publishing company. Sinundan sya ng tingin ng mga ito at tumabi si Miguel sa kaibigan nyang si Greg.

“May na miss ba ako?” bulong ni Miguel.

“Haha gago kanina kapa hinihintay. Ikaw sana ang pinaka unang magpepresent eh.” Sagot ni Greg.

Si Greg Amos, 29 years old ay isa ring designer na kaibigan ni Miguel.

Sa kabilang bahagi naman ng lamesa ay tahimik na nakatitig sa kanila si Mayla Eusebio. Isang 31 years old na writer at columnist ng magazine at isa rin sa mga kaibigan nina Miguel. Napatitig ang dalawa kay Mayla at ngumiting nahihiya si Miguel. Umiling lang si Mayla at tumingin sa white board.

“Bakit parang ang sungit ni Mayla ngayon?” bulong ni Miguel.

“Malay ko. Siguro kabuwanan hehehe.”

“Mr Belbeco and Mr Amos, would you care to share us what you two are talking about?” sabat ng assistant chief editor na si Mr. Francisco Salondaga. Natahimik ang dalawa. Tinuloy ni Mr. Salondaga ang kanyang presentation tungkol sa bagong image ng magazine. Plano nilang baguhin ang disenyo nito na nababagay sa makabagong trends.

“Now Mr. Belbeco, I think it is time for you to present your designs. Considering you took some time in getting here, I do hope you can reach our expectations.” Pagtawag ni Mr. Salondaga at nahihiyang tumayo si Miguel. Lumapit sya sa harapan at kinonekta ang laptop nya sa projector.

Dito prinesenta nya ang kanyang mga disenyo. Pinaliwanag ng maayos sa harap ng staff ang kanyang ideas at mga themes na ramdam nyang babagay sa magazine.

Umabot ng dalawampung minuto ang kanyang presentation at pumalakpak ang mga kasamahan nya. Tumango naman in agreement si Mr. Salondaga.

Natapos ang meeting at nag uusap at nag bibiruan sina Greg at Miguel nang biglang lumapit ang isang babae. Agad naamoy ng dalawa ang halimuyak at bango nito at nang makita sya ni Miguel ay nanlaki ang mga mata nya at nasurpresa sa angking kagandahan ng babae. Nakangiti ito at nakatitig sa mga mata ni Miguel. Ang mukha nito ay napaka amo, ang katawan ay tila sa panaginip mo lang makikita at sa suot nitong corporate attire ay masasabing ang kurba ng kanyang balakang, ang umbok ng dibdib at likuran ay rated 10/10.

“You did well in your presentation Mr. Belbeco. I feel confident that the new image of our magazine will be the talks of the town once we unveil it in public. Congratulations on a job well done.” Wika ng babae sa tulalang si Miguel na halatang nabighani sa angking kagandahan ng dalaga. Kita ang kintab ng ngipin ng babae sa cute nitong ngiti.

“Ah..ah eh..um..sa..thank you po ma’am.” Na uutal na wika ni Miguel. Napa iling si Greg sa kanya pero di rin nito maitatagong nagagandahan din sya sa dalaga.

Lumapit sa kanila si Mr. Salondaga.

“It seems na meet mo na din ang ating new Chief Editor ng magazine.” Wika nito.

“Po? Siya po sir?”

“Haha yes. Miguel I would like for you to meet Ms. Kylie Acosta.”

“Acosta?” gulat ni Miguel dahil kaapilyido nito ang mismong may ari ng buong kompanya.

“Kylie is the youngest daughter of Don Felipe himself. Kylie came from Europe and a former super model. She knows the fashion world very well and I feel confident she can be the best asset for our publishing. I will leave everything in her care from now on.”

“Kylie this is Miguel Belbeco, our best designer in this company.”

“Just call me Sky, Mr. Belbeco.” Inabot ni Kylie ang kamay nya. Nagdadalawang isip pa si Miguel pero tinanggap nito ang kamay ng dalaga at ramdam nya ang lambot nito na tila nanghina ang mga tuhod nya sa handshake pa lang.

“Migs nalang po ma’am Sky.”

“Migs…I like that. Sounds cute.”

“Well, I think it’s time for us to go Kylie. Your dad is calling you.” Sabat naman ni Mr. Salondaga.

Iniwang tulala si Miguel. Tinapik sya bigla ni Mayla na nasa likod na pala nila.

“Grabe ang tama mo kay ma’am Kylie ah. Hahaha. Tignan mo nga yang mukha mo Migs. Para kang nakidlatan eh.”

“Haha biglang nakalimutan yata ni pareng Migs na may syota na sya hahaha.” Sabat ni Greg.

“Tumigil nga kayo. Teka, saan tayo mag la lunch?”

“Gutom ka na agad? Kakarating mo lang ah. Kaya ka tumataba eh.” Sagot ni Mayla.

“Eh nakakapagod kaya bumiyahe ng traffic. Nakita mo ba ang haba ng pila sa labas? Mapapa shit ka nalang talaga”

Naglakad palabas ng conference hall ang tatlo at lingid sa kaalaman nila ay tinitignan sila ni Kylie sa malayo.

———-
By: Balderic

2pm

Busy pa sa pagmamanage si Susan at kaliwa’t kanan na ang pag serve nila ng mga pagkain. May isang matandang babae ang lumapit sa naka cater na mga pagkain. Tiningnan nito ang mga naka display na pagkain at kakaiba ang tingin nito na tila mapili ito.

“Masyadong maalat yun fried chicken ano?” wika ng matanda. Napansin ito ni Susan. Ngumiti lang sya.

“Home made recipe po lahat ng inihanda namin dito ma’am. Pero kung hinde nyo po nagustuhan yun lasa, meron pa naman pong ibang pagkain dito.” Sagot ni Susan na may kalmadong boses.

“It’s okay iha. Busog pa naman ako eh.” Umalis ang matanda at napa iling lang si Susan. Dito nag ring ang phone nya at nakita nyang si Miguel ang tumatawag. Sinagot nya kaagad ito.

“Kamusta work mo dyan hon?” tanong ni Miguel.

“Okay naman. Ikaw? Hinde ka ba napagalitan kanina? I know late ka nang pumasok di ba.”

“Ah di naman hon. Sa katunayan nga nagustuhan nila presentation ko eh hehehe. Yan din pala ang dahilan bakit ako napatawag hon. Baka gabihin ako ng uwi ngayon. May bagong editor kasi kami eh. May ibang reworks na designs pa syang gustong ipa gawa.”

“Ganun ba. Okay sige. Dyan ka nalang ba kakain? Kasi kung hinde, ipagluluto nalang kita sa bahay.”

“Most likely dito na ako mag didinner hon.”

“Okay sige. Ingat ka ha.”

“Ikaw din. Love you, bye.”

Napabuntong hininga si Susan.

“Are you okay?” lumapit si Edwin mula sa likuran.

“Oh sir Edwin akala ko may lakad kayo ngayong hapon?”

“It got cancelled. How’s things here? We doin’ good?”

“Okay naman sir. Nakahabol din yun mga kulang na pagkain kanina.”

“I see. But you seem stressed. May problema ba?”

“Wala naman sir. Medyo nakakapagod lang.”

“Well, gusto mo bang pag usapan natin yan later tonight? I’m free this ev