Call Center – Part 1

Call Center

( ORIGINAL STORY )

Part 1 – Kaye

2013 nang matanggap ako bilang isang call center agent. Di ko akalaing ang pag babaka sakali kong iyon ang magiging tulay para makapasok ako sa mundo ng BPO.

Ang kuryosidad ko sa inalok na trabaho sa akin ng tropa ang naging simula ng pagbabago ng buhay ko. Pero bago ako lumakad, nag register na ko sa Jobstreet para sakaling malasin, may backup plan agad.

To cut the story short, hindi ako natuloy sa inalok ng tropa. Bagkus ay napadad sa mundo ng mga inggleserong palaka na walang ginawa kundi bumili ng mamahaling kape at mag inom.

. . . . .

Sa MOA ako na nadestino. Di na bago sa akin ang mahabang byahe papasok at pauwi dahil kung saan saan naman kami napapadpad ni erpats pag may raket sya.

Dalawang oras ang byahe ko kada pauwi at papasok.

Swerteng sa non voice ako natanggap.

Sa mga di pamilyar sa BPO Industry, dalawang uri yan.

Isang Voice o yung literal na sumasagot sa mga tawag o tumatawag sa mga customers abroad or local.

Isang Non Voice o nakikipag komunikasyon sa mga customers sa pamamagitan ng chat o email.

Natanggap akong Chat Support ng isang sikat na Telco sa US.

Nuong una, sobrang kabado ako dahil barok talaga ako mag inggles kapag nagsasalita pero nakakasabay ako kahit papaano kapag chat.

Hindi na rin ako nagulat na ang bilis ko sa pagtipa sa keyboard ay normal na lang dahil mas marami pang mabibilis sa akin.

. . . . .

Dumaan kami sa Training na tumagal ng halos isa’t kalahating buwan.

Bente uno kami sa wave namin at masasabi kong naging masaya naman ang training days ko.

Hanggang sa swerteng na deploy kami sa kanya kanya naming team.

Malungkot ang last day namin dahil naging malapit na sa akin ang mga ka-wave ko pero sabi nga ng mga matatagal na sa industriyang ito, “people come and go”

. . .

Dumating ang araw na ipinakilala na kami ng trainer namin sa magiging supervisor o team leader namin.

Apat kami sa wave namin ang nagsama sama at ang nakakatuwa pa nito ay sila pa yung mga close ko talaga.

Lahat sila may experience na sa industriya at ako lang ang “virgin” sa call center.

Namangha ako ng una naming makita ang Team Leader namin.

Maliit na lalaki sya at long hair. Tadtad din ng tattoo sa katawan.

Isa isa nya kaming kinausap na parang “Getting to know you” session.

Duon ko napag alaman na wala pala talaga sa itsura ang talino ng isang tao. Patunay na ang magiging Team Leader ko.

. . .

Isang linggo ang lumipas, unti unti na akong nasasanay sa schedule namin na alas dose.

Unti unti na rin akong nakakabili ng mga gamit dahil sa sinahod kong di hamak mas malaki ng ilang ulit kumpara sa dati kong trabaho sa construction.

Aircon pa.

Tandang tanda ko ang araw na yon.

Lunes ng madaling araw, kasalukuyan kaming nakapalibot sa team leader namin habang nag huhuddle sya.

Maya maya, napakunot noo ako ng magpalakpakan ang mga ka team ko.

Napaigtad ako ng may bumangga sa akin mula sa likod at dire direstong naki login.

Team Leader: Tangina ka talaga Kaye, late ka na naman.

Sabi nya pero nakatawa.

Marahil ay ayaw ma badvibes.

Kaye: Sorry na boss, traffic eh.

Nag siungol ang ibang teammates ko.

Teammate 1: Ulol! Lasing ka na naman kamo. Nasa leave pa ata katawan neto boss eh.

Paggatong pa ng isa.

Tumawa lang sila at nagpatuloy sa pag aannounce ng scores ang team leader namin pero wala na sa kanya ang atensyon ko.

Nasa bagong dating.

. . .

Si Kaye.

Masasabi kong hindi sya sobrang ganda pero sobrang lakas ng sex appeal nya.

Patunay ang mga napapatinging agents din sa ibang team.

Pati pananamit ay dalang dala nya.

Hapit na jeans at blouse na kapag gumagalaw sya ay nakikita ang pusod.

Morena din sya at itim na itim ang mahabang buhok.

Umaalingasaw din ang bango nya na talaga namang kaakit akit sa mga tulad ko.

Eto pala ang sinasabi nilang teammate namin na naka leave dahil nag bora.

Bali balitang party girl daw ito at kung kani kanino sumasama basta may pera at kotse.

. . .

Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.

Natawa din ako sa sarili ko dahil sa sandaling oras, umasa akong mag kakagusto sya sa akin.

Malayo.

Malayong malayo ang itsura ko sa mga pinapatulan ng tipo ni Kaye.

Bukod sa hindi ako gwapo, payatot at mahirap lang ako.

Pinilit kong ibaling ang tingin sa monitor pero lalo lang itong naging mahirap ng lumapit sya sa amin.

Kaye: Eto na ba mga bago? Naku mali kayo ng team na pinuntahan.

Nagtawanan ang iba naming ka team pati ang leader namin at isa isa na kaming pinabalik.

Dahil sa kami ang magkaka wave, natural na lagi kaming magkakatabing apat.

Pero nag buddy system ang team leader namin. Mga bago partner sa mga tenured o matagal na sa trabaho para mabilis kaming matuto.

. . .

Isang bay kami at magkatalikod.

Hindi ako matanong dahil mahilig akong magbasa basa ng mga tungkol sa product. Hindi rin naman ako bida bida pero kapag may tanong ang mga kawave ko, ako na ang sumasagot basta alam kong madali lang naman.

Kapag may tanong ako, hindi rin ako nagpapakabayani. Tanong agad sa mga datihan para naman hindi ako masabihan na nagmamarunong.

. . .

Lumipas ang dalawang oras.

Narinig ko ang isang kong teammate na niyaya si Kaye na magyosi.

Di ko alam pero tila nawalan ako ng gana bigla.

Hindi ko masyadong gusto ang babaeng naninigarilyo. Pakiramdam ko ay bumabaho ang hininga nila at laway na hindi masarap kapag nakikipag laplapan.

Nagka girlfriend na rin naman ako nuong college at highschool. Hindi na rin ako virgin sa sex at kahit papaano ay nakatikim na rin.

Natawa na lang ako sa sarili ko.

Mukhang tulad ng karamihan, nagka instant crush ako kay Kaye.

Pero batid kong hanggang tingin lang ako sa kanya.

. . .

Lumipas ang mga araw na naging buwan.

Unti unti na kong nasanay sa mga work around sa trabaho.

Natututo na rin akong kumain ng 15minutes lang at matulog ng isang oras.

Paulit ulit na routine.

Napagmasdan ko rin na kaya naman pala mahihilig sa kape ang mga agents ay dahil ito ang ginagawa nilang panlaban sa antok.

Ang madalas na pag inom din ang nagiging tila pang pa antok nila dahil kapag tinamaan ka ng insomnia at nagkataong may shift ka pa, zombie ka talaga sa buong shift mo.

Stress at puyat ang kalaban ng mga call center agents na binabawi na lang sa madalas na gala at pagkain kung saan saan.

Nuon ko napagtantong hindi naman pala lahat ng call center agents ay puro gastos ang inatupag.

Marami akong nakilalang propesyunal. Nurse, Engineer o mga IT graduates na ginawang tuntungan ang pag cacallcenter para makatapos. Pero di na nakaalis dahil napamahal na sa kanila ang trabaho at mga kasama.

. . .

Saktong dalawang buwan at papalapit na ang pasko, pauwi na kami ng mag pahuddle ulit ang leader namin.

Leader: Oh team, may pa teambuilding sila Meyor. 10 thousand to, san tayo?

Kanya kanyang suggestions ang mga ungas.

Isa sa mga bago naming ka team ang sumingit.

Bagong Teammate: Boss, baka gusto nyo dun sa dati naming nakuhang resthouse. Sa tagaytay. Pwede din nating kontakin yung driver ng VAN na naarkila namin, mura lang.

Nagkasundo ang lahat at tinanggap ang alok nya para di na kami maabala pa sa kakaisip.

. . .

Sabado ng umaga, eksaktong paglabas namin sa trabaho ay agad na kaming dumiretso sa nag aabang na puting van.

Eto yung tipo ng van na pampasada.

Katorse kaming laman sa loob dahil yung dalawa ay nauna susunod na lang dahil naka leave sila ng araw na yon at sila ang nakatokang magdala ng mga gagamitin pangluto.

Siksikan kami sa loob.

Isa sa mga ka team ko ay literal na kenggkoy at sya ang naging buhay ng byahe namin. Kantahan at kanya kanyang kwentuhan habang ako ay nakikijoke na rin.

. . .

Isang oras ang lumipas, huminto kami palengke para pickupin ang dalawa pa naming kasama. Dahil sa sikip, nag pasya ang iba na ayusin ang pagkakaupo.

Pinagtabi tabi ang mga maliit at payat at nilikod ang mga medyo malalaki.

Napalunok ako ng makitang si Kaye ang magiging katabi ko.

Sa paglipas ng panahon, sinikap kong wag syang pansinin masyado dahil di mo maiiwasang mahulog sa karisma nya.

Pero huli na, tinulak na ko ng isa kong ka wave para sumiksik sa loob.

Muli, kantahan.

Maya maya, muli kaming huminto para mamili ng mga lulutuin.

Apat lang ang bumaba kasama na ang leader namin dahil sya ang may hawak ng budget.

Si Kaye ang nasa pinakagilid at ako ang sumunod sa kanya.

Tulad ng dati, humahalimuyak sya sa bango.

Sa gilid ng mga mata ko, kita kong nagtetext sya sabay bumubuntong hininga.

Batid kong may problema sya.

Baka jowa, sa isip isip ko.

. . .

Ilang saglit pa, dumating na ang mga kasama namin at muli na kaming bumyahe.

Maganda sa tagaytay.

2013 yon at hindi pa masyadong matao. Di tulad ngayon na halos lahat umaakyat na para lang magpalamig.

Bumagal ang takbo namin dahil sa sikip ng trapiko.

Napasimangot si Kaye.

“Ano ba yan, pati dito traffic na?” reklamo nya.

Natawa lang ako bigla.

Napatingin sya sa akin.

“Oh bakit?” mahinang singhal nya.

Nasindak ako at natahimik.

Pero bigla nya kong siniko.

“Eto naman di mabiro, ang tahimik mo. ” bulong nya.

Napapikit ako sa bango ng hininga nya. Infairness, di halatang nagyoyosi.

Ngumiti lang ako.

“Mali ka kasi, dapat sinabi mong “pati dito walang traffic”? katwiran ko.

Nagtaka sya.

Natawa ako.

“Traffic means movement of vehicles. Eh di tayo gumagalaw, so walang traffic” paliwanag ko.

Tila nag isip sya at biglang nag google.

Sabay napangiti.

Parang anghel si Kaye ng mga oras na iyon.

“May tama ka dyan ah. So dapat, walang traffic. Okay okay.” sagot nya.

Duon nagsimula ang kwentuhan namin.

Saka ko lang din nalaman na hindi sya nagyoyosi at mahilig lang sumama sa mga kateam.

Marami din akong natutunang bago sa kanya.

Nag iisa pala syang anak at di na nya kailangang magtrabaho pa dahil may sarili silang negosyo.

Pero dahil sa gusto nyang kumawala sa mga magulang, kaya nag paka independent.

. . .

Sa tagal ng byahe namin, di namin nakuhang matulog ni Kaye.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang natutulog ang mga kasama namin.

Panaka naka din nya kong kinukurot sa braso kapag nagpipigil syang tumawa sa mga jokes ko.

Pero mabilis na bumalik ang reyalidad. Biglang nag ring ang phone nya.

Nag excuse sya at nag headset.

Nalungkot ako at tumango lang. Pinikit ko ang mga mata ko para magpanggap na natutulog.

Sa di malamang dahilan, nasasaktan ako sa ideyang may ibang nag mamay ari sa kanya.

. . .

Hapon na ng makarating kami sa rest house. Napawow kami dahil sa ganda. May pool pa at jakuzi.

Agad kaming nag group photo pagkatapos ay kanya kanya nang akyat sa kwarto.

Dalawa ang kwarto sa itaas.

Labing anim kami lahat at pito sa amin ay babae.

Agad naming tinalon ng isa kong ka team ang isang kama para ireserve na ito sa aming mga sarili.

Pagkatapos magbuhad ng sapatos at magpalit ng tsinelas, nag pasya kaming bumaba at tulungan ang mga mommy naming ka team sa pagluluto ng hapunan.

Bago ako bumaba ng hagdan, napatingin ako sa bukas na pinto ng kwarto ng mga babae.

Nakita ko si Kaye na kausap pa rin ang boyfriend nya sa phone.

Nagtama ang mga mata namin. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng selos kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Dumiretso na ko sa kusina.

. . .

Gabi, sabay sabay kaming kumain.

Sobrang sarap ng luto ng isa naming ka team na mommy kaya naman nagkamay na ang lahat.

Sinadya kong lumayo kay Kaye at tumabi sa kaldero ng kanin.

Sa payat kong ito, malakas akong kumain.

Kulang ang isang kaldero sa aming lahat kaya agad na nagsalang ang isa naming ka team.

Habang nag hihintay, nakikinig kami sa isang naming kasama na abala sa pagbabahagi ng buhay nya sa call center.

Matagal na kasi sya kaya naman marami na rin syang expe…