( ORIGINAL STORY )
Part 2 – Kaye v2
Sa kabila ng puyat at pagod, kataka takang maaga pa rin akong nagising.
Napangiwi sa pagsirit ng kirot mula sa aking bumbunan.
Agad kong sinulyapan ang cellphone para tingnan ang oras.
“Six pa lang pala. ” sa isip isip ko.
Ramdam ko pa ang antok at sinubukan ko muling matulog ngunit nakarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng silid.
Kilala ko boses, eto yung ka team kong nag pareserve ng resort. Hindi sya nag iisa at tila may kausap.
Tinalasan ko ang pandinig. Duon ko nalamang papauwi na sya.
. . .
Tumihaya ako ng higa at saglit na nag inat.
Pinakiramdaman ang sarili at wala sa loob na napangiti habang nakatitig sa kisame.
Sariwang sariwa pa rin sa aking ang sarap na naranasan kani kanina lamang.
Bagama’t masakit ang ulo, di nito kayang talunin ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na ito.
Muli, pinikit ko ang aking mga mata at binalikan ang mga eksena.
Parang nalalasahan ko pa ang katas ni Kaye sa aking dila.
Ang init at lambot ng puke nya habang atras abante sa ibabaw ko.
Para kong nanalo sa lotto.
Napakaswerte ko. Hindi ako gwapo, lalong di ako mayaman pero nakaranas ng di makapaniwalang sarap mula sa isang maituturing na diwata.
. . .
Matutulog na sana akong muli ng marinig ko ang isa pang pamilyar na tinig.
Para kong tangang napabalikwas ng bangon ng marinig si Kaye.
“Ate, sure ka na ba? Di mo na ba gigising si Boss?” tanong nya.
Di pa ko nakakarinig ng sagot ng biglang bumukas ang pinto at dire diretsong pumasok ang ka team ko.
Dahil sa dilim ng silid, mukhang di ako nito napansin at dumiretso sa isang kama kung saan nag hihilik ang team leader namin.
Napatingin ako kay Kaye at nagulat ng makitang nakatitig din sya sa akin.
Naglandas ang tingin ko sa buo nyang katawan.
Hayup talaga ang isang to.
Malaking TShirt na puti at aninag ang bra sa loob. Hanggang kalahati ng hita ang haba ng damit.
Kahit anong isuot, mukhang babagay sa kanya.
Nagtama ang paningin namin.
Di ko masabi kung anong reaksyon meron sya pero tila blangko ito.
Gusto ko sanang ngumiti, pero napabaling ang pansin ko sa team leader naming unti unti nang nagising.
“Oh, uuwi ka na? Anong oras na ba?” tanong nitong di pa nahihimasmasan.
“Opo boss, nag iiyak daw yung anak ko eh. Bawi na lang ako sa susunod. ” sagot nito.
Tumango tango lang ang leader namin.
“Ah ganun ba. Oh sige, hatid na kita sa labas. ” wika nya pero umiling lang ang kasama namin.
“Di na boss. May tricycle na hanggang samin. Bente lang. Matulog ka na ulit. Nagpaalam lang ako sayo. ” sambit nya.
“Oh sige sige. Thank you ha. Mag text ka kapag nakauwi kana. ” sabi ng leader namin at muling nahiga.
Naglakad palabas ang ka team ko at dahan dahang sinarado ang pinto.
Nanatili akong tulala at di malaman ang gagawin hanggang sa napagpasyahan kong lumabas para makasama pa si Kaye.
. . .
Naabutan kong pababa ng hagdan ang kateam ko pati sya.
Umiwas ako ng tingin at kunwaring nagtanong.
“Oh ate, uwi ka na?” tanong ko.
Tumango naman ang kateam ko.
“Oo, umiiyak anak ko e. Bakit nagising kana agad?” sagot nya.
“Naiihi ako ate. Saka nagugutom ako. ” agad kong palusot.
Tinulungan ko sya sa mga bag nya.
Magkakasunod kaming bumaba ng hagdan.
Diretso agad ako sa banyo at saglit na napatigil ng muling bumalik ang alaala.
Napailing na lang ako at tinotoo ko na ang pag ihi.
Matapos maghugas, dumiretso ako sa labas at nakita kong nagpapaalam si Kaye sa ka team namin.
Sakto namang may humintong tricycle. Humalik sya pisngi sabay kaway sakin.
Dahan dahang sinara ni Kaye ang gate at naglakad palapit sakin.
Nagtitigan kami.
. . .
“Aga mo ah” puna nya.
Nagkibit balikat ako.
“Na jingle lang. ” tipid kong sagot.
Tumangu tango sya at dumiretso sa salas sabay upo.
Wala kong masabi.
Sumunod na lang ako sa kanya at naupo sa harap.
Saglit na katahimikan ang namayani sa amin nang di ko natiis.
“Y-yung kanina.” bungad ko pero agad syang nagsalita.
“I know. Ginusto ko yon. ” tanging sagot nya.
Natameme ako.
“T-thank you?” mahinang sabi ko.
Natawa si Kaye.
“For what?” tanong nya.
“Kasi sa nangyari. Di ko alam kung anong pumasok sa isip mo pero thank you kasi alam kong di ko to malilimutan. ” sagot ko ng mabagal.
“Drama mo. ” natatawang wika nya.
“Seryoso ako. Ikaw ang pinakasikat sa office at sobrang swerte ng nararamdaman ko. ” pag amin ko.
Ngumiti lang si Kaye.
“So sigurado, ikakalat mo yan sa mga friends mo. ” wika nya.
Nagtitigan kami.
“Syempre hinde. ” agad kong sagot.
“Sus, ganyan naman kayong mga lalaki eh. Kapag naka score, niyayabang na sa iba. Go ahead. Sira na naman ako sa office e. ” sumandal sya sa sofa at tinaas ang dalawang paa.
Tumambad sa akin ang makinis na hita ni Kaye.
Napalunok ako at pilit inanig ang panty nya.
Pero malas dahil tinakpan nya ito ng unan.
Nagtamang muli ang mga mata namin.
“Aaminin ko, gusto kong ipagyabang sa lahat. I mean, look at you. Dyosa ka. Look at me, para lang akong taga tanim ng palay sa kaharian nyo. Pero naisip ko, wala rin namang maniniwala kaya wag na lang. ” kwento ko.
Tumingin si Kaye na blangko ang mga mata.
Magsasalita pa sana sya pero nakarinig kami ng yabag.
Napalingon ako at nakita kong pababa na ang isa naming mommy na ka team.
“Oh gising na agad kayo? Titibay nyo ah. ” nakangiting bungad nito.
Tumayo si Kaye.
“Luto ka mommy ng breakfast please. ” lambing nya.
“Okay, ano bang natira sa dala natin?” tanong nito sabay halungkat sa mga pagkain.
Tahimik lang akong nakasunod sa mga kilos ni Kaye. Maya maya ay umakyat ito sa hagdan.
Nanghinayang ako.
Akala ko matagal ko pa syang masosolo.
Nagpasya na lang akong tumulong sa kateam naming naghahanda ng almusal.
“Anong gagawin ko ?” tanong ko.
“Ako na dyan, hanapan mo nga ko ng pandesal. ” utos nito. sabay abot ng isandaan.
Nagkibit balikat lang ako at naglakad na patungong gate.
Pagbukas ko, narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Nagliwanag ang mga mata ko nang makita si Kaye. Halatang nakashorts na sya.
“San ka punta?” tanong nya.
Binuksan ko ang gate.
“Maghahanap ng pandesal. Nag crave ata si Mommy. ” sagot ko.
“Sama. Jogging tayo. ” aya nya.
Natawa ko pero na excite sa ideya.
Nagpauna na kong tumakbo na agad naman nyang sinabayan.
. . .
Wala pang limang minuto, natatawang tumigil si Kaye.
Paakyat kasi ang napili naming takbuhin.
Naupo sya sa damuhan.
“Wag na tayong magpanggap. Ayoko na. Nakakapagod.” hingal na sabi nya.
Natawa lang ako pero sa loob loob ko ay nagpapasalamat dahil di ko na rin kayang magpanggap.
Lumapit ako sa kanya sabay upo.
“Nagtataka ako. ” bungad ko.
Nakakunot ang noo ni Kaye habang hinihingal.
“Baket?” tanong nya.
“Kagabi, lasing ka pa pero ang tibay ng resistensya mo. Ngayon, wala pa tayong 5 minutes ah pero bagsak na tuhod mo. ” pang aasar ko.
Kita kong natigilan sya sabay natawa ng malakas. Sinuntok nya ko sa braso.
“Ungas ka! Syempre iba yon. ” natatawang sagot nya.
Nagtawanan kami at nagpasyang magpahinga saglit.
Tila nagkasundong iwasan ang nangyari kanina at nag usap na parang matagal nang magkakilala.
Nagkwento sya. Nagkwento rin ako pero mas lamang ang kanya.
Hanggang sa napansin naming sumasakit na ang tama ng sikat ng araw.
Nagpasya na kaming maglakad pabalik.
Masaya ang pakiramdam ko.
Alam kong di na ito mauulit kaya ng malapit na kami, huminto ako sa paglalakad at hinawakan ang kamay nya.
Nagtatakang napatingin si Kaye sakin.
“Why?” tanong nya pero di naman binawi ang kamay.
Ngumiti ako.
“Thank you ulet. Basta thank you lang at napansin mo ko. ” drama ko.
Natawa si Kaye at lumapit sa akin.
Tumingkayad sya sabay dampi ng halik sa labi ko.
“Nope, sabi ko sayo ginusto ko rin yon kaya chill lang. ” sagot nya.
Hinawakan ko sya sa balakang at hinalikan.
Lumaban agad sya pero agad kaming nagkalas ng marinig ang langitngit ng gate na pabukas.
Eksaktong lumabas ang kateam naming mommy na may hawak na tila plastic ng basura.
“HOY, nasan yung pandesal? ” tanong nito.
Nagkatinginan kami ni Kaye at sabay na natawa.
. . .
Mahirap man pero batid kong matatapos din ang team building namin.
Tanghali, isa isa na kaming nagsipasok sa van.
Natuwa ako dahil muli kaming pinagtabi ni Kaye ng leader namin pero tatlo na lang kami dahil sa likod pumwesto ang isa naming kasama.
Habang nasa byahe, kanya kanya silang picture pandagdag remembrance.
Nahihiya akong mag request sa katabi ko.
Gusto ko sanang makiusap na kunan nya kami ni Kaye pero alam kong pagtatawanan nila ako.
Kaya naman tiniis ko na lang.
Nagbalak akong makipag kwentuhan pa sa kanya pero natahimik kami pareho ng mag ring ang phone nya.
Alam kong mali pero may kirot akong naramdaman.
Ngumiti lang ako ng malungkot kay Kaye at sinandal ko na ang ulo ko sa upuan.
Nagsuot ako ng headset at pinikit ang mga mata para itago ang selos.
. . .
Mag aalas kwatro na nang makarating kami sa MOA.
Kanya kanya kaming baba at nagpaalamanan na.
Lahat sila halos malapit lang ang mga bahay at ako lang ang malayo kaya naman naglakad na ko palayo.
Tiniis kong wag sumulyap kay Kaye pero tinalo ako ng kagustuhang masilayan sya kaya naman pinagbigyan ko na ang sarili ko.
Para lamang masaktang muli dahil nakatayo lang sya sa isang tabi at tila may kausap sa phone.
Nagtama ang mga mata namin.
Ngumiti si Kaye sabay kaway na tila nagpapaalam.
Ngumiti din ako at kumaway.
Mabibigat ang mga paa kong naglakad palayo hanggang sa sakayan ng bus.
. . .
Tulad ng dati, kalbaryo talaga ang mag commute sa edsa.
Mag kakalahating oras na pero di pa rin ako nakakasakay.
Sakto pang bumuhos ang ulan kaya n…