Nagsimula ng mag decorate ang school namin para sa darating na JS Prom at 80’s and 90’s ang theme these year. “Excited ka na ba, Dave?” tanong ni Gilbert sa akin at nakatingini lang ako kay Helen.
Hoy!” tinulak niya ako ng mahina dahil hindi ko raw siya pinapansin “ha? Ah okay lang” sagot ko sa kanya. “Bakit hindi mo nalang kasi lapitan at kausapin” sabi niya “paano nga? Nandyan yung bantay niya” sabi ko.
“Madali lang yan, Billy!” tawag niya sa kaklase namin at nakita kong tumango ito “Helen!” tawag ni Billy at lumingonsi Helen pati ang yaya niya. “Hindi ba, bawal magdala ng hayop dito?” sabi niya at nakita kong nagreact ang yaya niya.
“ANO ANG SABI MO?!” galit niyang hinabol si Billy “oh, ayan, punta kana” nakangiting sabi ni Gilbert sa akin. “Thanks!” sabi ko at nagmamadali akong lumapit kay Helen at naririnig kong nagsisisigaw ang yaya niya sa malayo.
“Babe” tawag ko at parang balisa siyang nakatingin sa malayo “baka makita tayo ng yaya ko” pag-aalala niyang sabi. “Sandali lang naman eh, na miss na kasi kita” sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya at mabilis niya itong binawi.
“Lumayo kana please, ayaw kong mapagalitan ni mommy” sabi niya “nahihirapan na ako, isang kalabit nga lang ang layo natin sa klase pero, parang sobrang layo mo na sa akin” naluluha kong sabi sa kanya.
“Pasensya kana, Dave” sabi niya “sige na please, mag-usap naman tayo” pagmamakaawa ko sa kanya. “Sorry talaga, hala, nandyan na ang yaya ko” sabi niya at itinulak niya ako palayo sa kanya.
“Please...” sabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya pero pilit niya akong tinutulak palayo. “HOY!” narinig namin ang yaya niyang sumigaw sa malayo “umalis kana, Dave!” sabi niya at siya na mismo ang umalis at tumakbo papunta sa yaya niya.
“HELEN!” sigaw ko kaya nilapitan ako nina Billy at Gilbert at hinila nila ako palayo dahil papalapit na yung yaya ni Helen sa amin. “Dave, takbo na!” sabi ni Gilbert kaya napatakbo narin ako.
Tumambay kami sa classroom ni sir Pacomo dahil ito lang ang lugar na alam naming hindi kami gagalawin ng yaya ni Helen. “Sorry, Dave, hindi ko nailayo ng matagal ang yaya niya” sabi ni Billy.
“Okay lang yun, Billy, salamat ha” “walang problema yun, Gil?” lumingon siya kay Gilbert “oona” sabi ni Gilbert at binigay ang libro niya sa mathematics. “Nice!” sabi ni Billy at naupo sa silya at kinopya ang assignment ni Gilbert.
“Maaasahan ka talaga, Gilbert” sabi ko sa kanya “ako pa? Hehehe!” pagmamayabang niya “ano ang ginagawa niyo dito?” tanong ni sir Pacomo sa amin. Napangiti lang kami sa kanya at hinayaan lang kaming tumambay sa klase niya since me kalahating oras pa kaming free time.
“Billy, nakita kitang tumatakbo kanina” sabi ni sir sa kanya “hehehe, nag eexercise lang po, sir” sagot niya. “Ano nanaman ba ang kalokohang ginawa niyo?” tanong ni sir sa amin at hindi kami nagsalita.
“Bueno, dito na muna kayo habang wala pang oras” tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. “Billy!” tawag nito “po?” “palalagpasin ko ang pangongopya mo ngayon” sabi niya at lumabas ng classroom “shit!” napa mura nalang si Billy.
Uwian na at sinundo na kami ni daddy, nakita kong sumakay si Helen sa kotse nila kasunod ang yaya niya. “Hindi parin ba kayo okay ni ate Helen, kuya?” tanong niya nung nasa kotse na kami “hindi pa nga eh” sagot ko.
“Son” “yes, dad?” “give it time” sabi niya kaya napangiti lang ako at pinaandar na niya ang kotse. Nadaanan namin ang kotse nina Helen at galit akong tiningnan ng yaya niya. “Natawa ako sa ginawa ng kaklase mo kanina, kuya” sabi ni Jenny.
“Anong ginawa niya, baby?” tanong ni daddy “hinabol ng yaya ni ate Helen yung kaklase ni kuya” natatawang kwento niya kaya natawa narin ako. “Ganun ba? Hindi naman nahirapan tumakbo, sa laki ba naman nun?” tanong ni daddy.
“Yun nga ang nakakatawa eh” sabi ni Jenny at nagtawanan sila ni daddy habang nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang relasyon namin ni Helen.
One week later; dumating na ang gabi ng JS prom namin “ang pogi ng anak ko” sabi ni mommy nung sinuot ko na yung binili niyang suit. “Thanks, mom” pasalamat ko “looking sharp. kuya” sabay thumbs up ni Jenny.
“Thank you, baby” “ano? Ihatid na kita?” tanong ni daddy “dad, mom uhm… request ko lang po sana” “ano yun anak?” tanong ni daddy. “Pwede ho bang ako nalang ang magdrive sa sarili ko papunta sa school?” tanong ko sa kanila.
“No!” sagot agad ni mommy “babe” “no, babe! You are not driving yourself” sabi ni mommy at kinuha ang susi sa kwarto nila at binigay kay daddy. “You drop him off and pick him up later” sabi niya kay daddy.
Bumaba na kami sa parking lot after ng photo shoot at naglakad na kami papunta sa kotse ni daddy. “Tell you what” sabi niya “ano po?” tanong ko at binigay niya sa akin ang susi ng kotse.
“I’ll let you drive on the way there” nakangiting sabi ni daddy kaya napangiti ako sa gesture niya.
Pagdating namin sa school pinaalala sa akin ni daddy na bawal uminom at bawal magbasag-ulo. “I promise, dad” pangako ko sa kanya at nagpaalam na akong pumasok sa loob.
“DAVE!” tawag sa akin ni Gilbert nung papasok na ako ng gym at nakita kong nandun narin ang mga kaklase at schoolmates namin. Tumingin-tingin ako sa paligid “wala pa” sabi ni Gilbert sa akin.
“Baka hindi ata aattend yun” sabi niya kaya nalungkot ako “darating yun!” sabi bigla ni Ednalyn “Edna!” nagulat kami pareho ni Gilbert. Classmate namin si Ednalyn simula pa 1st year at running valedictorian at kakompetensya ni Gilbert sa position na yun.
“Bakit mo nasabi?” tanong ko “kaibigan ko yun, at isa pa, last JS prom na natin kaya bakit hindi siya aattend?” sabi niya at napaisip kami ni Gilbert. “Gilbert, kunan mo ako ng maiinom” utos sa kanya ni Edna.
“Ha? Sino ka ba para utosan ako?” sarkastikong tanong niya “bakit? Angal ka? Hmp!” sabi niya kay Gilbert “oo na sus!” sagot ni Gilbert at umalis siya “yan!” natatawang sabi ni Ednalyn.
“Bakit palagi mong pinagtitripan si Gilbert?” tanong ko sa kanya “simula first year palang tayo, ganun na ang pakikitungo mo sa kanya” dagdag ko. “Wala lang” nakangiting sabi niya “hay naku, Edna” “bakit?” tanong niya.
“Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo” sabi ko “ayaw ko nga!” sabi niya kaya napailing nalang ako. “Oh, heto!” na inis si Gilbert nung inabot ang maiinom ni Enda “walang ice? Ano ka ba naman, Gilbert?” sabi ni Edna.
“Putcha naman, ikaw na nga tong pinagbigyan” sabi ni Gilbert kaya natawa lang ako sa kanila. Me gusto kasi si Ednalyn kay Gilbert at ewan ko ba kung bakit hindi nakuha ng loko ang mga signals na pinapakita ni Edna sa kanya.
“Kunan mo ako ng bago” sabi ni Edna kaya tiningnan siya ni Gilbert sa mata at sabi “kumuha ka kung gusto mo!” sabi niya sabay hila sa akin palayo kay Edna. “Gil!” sabi ko dahil hinila niya kasi ang sleeve ng suit ko.
Naglibot-libot kami ni Gilbert sa buong gymnasium habang naghihintay mag-umpisa ang program nang biglang “Dave, Dave, ayun oh!” turo ni Gilbert sa me pinto. “Si Helen” sabi niya at napamangha ako sa kagandahan sa suot niyang gown.
“Teka, me kalaban” sabi niya nung sumulpot sa likod ang yaya ni Helen”shit naman” napamura nalang ako at na fufrustrate dahil hindi ko siya makakasama. Importanteng parte ito ng High School Life namin.
“Gil, tulong” sabi ko “i’m on it!” sabi niya at nagulat kami pareho dahil kasama pala ang mommy niya. “Shit, man, ibang level na ito” sabi ni Gilbert “takot kayo no?” biglang nagsalita sa likuran namin si Edna kaya napalingon kami sa kanya.
“Edna, kaibigan mo si Helen hindi ba?” tanong ko “hmp! Oo na, pero hindi ko alam kung malalayo ko siya ng matagal sa bantay niya” sabi niya sa akin. “Sige na, kahit ilang minutos lang” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Oo na! Gil, samahan mo ako” sabi ni Edna “ayaw ko!” sabi niy “sabi ng samahan mo ako eh!” “sige na, Gil” sabi ko at nagmamaktol siyang sumama kay Edna.
Naghintay lang ako sa tabi ng poste at hinihintay ang signal nila “Dave, what are you doing here?” tanong ni sir Pacomo. Napatingin siya sa direksyon ng tinitingnan ko “ah sir.. ano po..” nauutal kong sabi.
“Haayyy, say no more” sabi niya “hold my drink” sabi ni sir at umalis siya para pumunta kina Helen. Nakita kong kinausap ni sir Pacomo si tita Julia at tinitingnan naman siya ng masama ng yaya ni Helen.
Parang me pinaliwanag si sir Pacomo kay tita Julia at sa expression ng mukha niya parang nagustohan niya ang sinabi ni sir sa kanya. Nakita kong lumapit si Ednalyn kay Helen at niyaya siya nitong pumunta sa mga kaklase namin.
Nagpaalam sila at sumunod ang yaya niya at tingin ko wala talagang chance na makausap o makasama ko siya sa gabing ito. Nakita kong kausap parin ni sir Pacomo si tita Julia at paglingon ko muli kina Edna at Helen nawala na sa likuran nila ang yaya niya.
“What?” nagulat ako “anong...” tanong ko ng biglang tinawag ako ni Annette kaklase rin namin. Sumunod ako sa kanya at doon nakita ko si Helen nakatayo sa likuran ng stage “Helen” tawag ko kaya nagulat siya.
“Sorry, girl” sabi ni Edna sa kanya “five minutes, Dave” sabi ni Edna sa akin “salamat” sagot ko. “Ano ito?” tanong ni Helen sa akin “gusto talaga kitang makausap, tungkol sa atin” sabi ko “……. ” hindi siya nagsalita.
“Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon and to be honest, i’m not giving up on us!” umpisa ko. “Babe, please don’t give up on us, I love you so much at nasasaktan ako everyday na nakikita kitang iniignore mo ako pero, hindi ako susuko, hindi ako susuko” sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang umiyak.
Hinawakan ko ang mga braso niya at hinila ko siya palapit sa akin pero nilagay niya ang mga kamay niya sa dibdib ko para pigilan ako. “I’m… i’m sorry…” sabi niya “it’s okay, you don’t have to worry about it, na iintindihan ko naman eh” sabi ko sa kanya.
“No… i’m really sorry, Dave” sabi niya kaya nagulat ako at naluha “don’t tell me… please….. don’t….” sabi ko sa kanya. “Please… tell me… please… huwag… hindi.. hindi ko kakayanin… huhuhu.. please...” sabi ko sa kanya at umiyak nalang ako.
Binabantayan kami nina Edna at Annette habang nag-uusap kaming dalawa “huhu.. please… mahal na mahal kita…” naiiyak kong sabi kaya hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa akin.
“Know.. that I love you so much...” sabi niya “no….” sabi ko “after.. huhu.. graduation… dadalhin na nila ako sa Canada” naiiyak niyang sabi. “Huhuhu… babe…” “bata pa daw tayo… para sa huhuhu.. relasyon na ito..” naiiyak niyang paliwanag sa akin.
“Dave” tawag sa akin ni Edna pero inignore ko lang siya “huwag… huwag mo akong iwan… huhuhu…” sabi ko kay Helen at humagolgol na ako ng iyak “….. I love you, babe…” sabi ni Helen sa akin at binawi ang kamay niya at tumakbo siya palayo.
“HELEN!… huhuhu… HELEN!!” naiiyak kong tawag sa kanya at pinigilan ako ni Edna “Dave, please…” pakiusap niya. Biglang sumulpot si Gilbert sa tabi namin “shit.. muntik na akong mabogbog ng baboy ramo” hinihingal niyang sabi.
“Anong nangyari?” tanong niya nung makita akong umiiyak “they.. broke up…” sabi ni Edna at inakbayan agad ako ni Gilbert “tol..” sabi niya. Lumabas kami ng gymnasium habang tinutogtog ang kanta ni April Boy Regino (Sanay Laging Magkapiling) at naupo kaming apat sa labas.
“Look at it this way” sabi ni Edna “at least alam mo na ang status niyo” sabi niya “Edna! Ano ka ba?” sabi ni Gilbert. “Bakit? Ano ba ang masama sa sinabi ko?” tanong niya “kita munang broken hearted ang kaibigan ko, napaka insinsitive mo talaga” sabi ni Gilbert.
“Bakit? Ikaw lang ba ang kaibigan niya Gilberto?” tanog ni Edna sa kanya “guys, guys please… kita niyo ng me problema si Dave” sa…