“Good morning, everyone” bati ni Jenny nung pumasok siya sa kusina “good morning, baby” bati ko sa kanya atyumakap siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Ganun rin siya sa lolo at lola niya “where’s your kuya?” tanong ko.
“Upstairs, on his phone” sagot niya nung umupo sa upoan at tumingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. “DAVE!” sigaw ko at pumasok si Chello “hmp! Don’t bother, that boy is glued on his phone” sabi ni Chello pagkatapos niya kaming batiin.
“Haayy.. i’m going upstairs” sabi ko nang biglang pumasok si Dave sa kusina “i’m here!” sabi niya at nakita kong natutuwa pa siya nung umupo sa upoan niya. “Someone wake up on the right side of the bed this morning?” tanong ko at nginitian lang niya ako.
“I bet its Helen!’ sabi ni Jenny “shut up!” sabi ni Dave sa kanya “don’t talk to you sister like that!” sabi ni Chello at napailing lang si papa. “Haayyy… hindi talaga kumpleto ang agahan pagwalang ganito” sabi ni papa at uminom siya ng kape.
“Hurry up, guys” sigaw ni Chello sa kanila nung nasa labas na kami ng bahay at naghahanda para umuwi. “Mag-ingat kayo sa daan” paalala ni mama sa amin at binigyan pa kami ng pagkain na nakalagay sa tupperwares.
“We will, ma” sagot ni Chello “Dave” tawag ni papa “pa?” “yung tungkol kagabi” paalala niya “ako na ang bahala doon, pa” sagot ko. “What about last night?” tanong ni Chello “i’ll tell you when we get home” sagot ko dahil nakita kong palabas na yung dalawa.
“Thank you, lolo, lola” sabi ni Jenny at yumakap at humalik siya sa kanila pati narin si Dave at sumakay na sila sa loob ng kotse. “Aallis na kami, pa, ma” nagpaalam na kam ni Chello at sumakay na kami ng kotse at nagdrive pauwi sa condo.
“Did you guys bring your stuff?” tanong ni Chello sa kanila “yes, mom” sagot nilang dalawa at napansin kong panay tingin sa akin si Dave “something wrong, son?” tanong ko “nothing, dad” sagot nito. Pagdating namin sa gate ng building binati kami ni mang Henry yung head security ng building.
“Good morning, sir, ma’am” bati niya “good morning naman po, mang Henry, ano po ang bago?” tanong ko “wala po, same-same parin po, sir” sagot niya. “Sige po, mang Henry” sabi ko “sige, sir, ingat po kayo” sagot niya at pinasok ko na sa loob yung kotse at pinarada sa parking space namin.
Umakyat na kami sa taas at pagpasok namin sa condo, niyaya ko si Chello sa kwarto namin “babe, its too early, the pawns are still awake” sabi niya kaya natawa nalang ako. “Ewww… you guys are nasty as always” sabi ni Jenny sabay takbo sa kwarto niya.
“I’m going in my room” paalam ni Dave dahil narinig naming tumunog ang phone niya “hmp! You’d better bring that girl in here this saturday” paalala ni Chello sa kanya. “Yes, mom” sagot niya at pumunta na siya sa kwarto niya habang kami naman ni Chello sa kwarto namin.
“Do you really miss me that much, baby? Hihihi” pilyang tanong niya nung nasa kwarto na kami “hehehe.. seriously, babe, we need to talk” sabi ko sa kanya dahil kanina pa ito yakap ng yakap sa akin. “just talking or hihihi” “hehehe this is serious, babe, stop!’ sabi ko dahil tinatanggal na niya ang botones ng polo ko.
“Hmp! What!?” inis niyang tanong “si Erwin” pangalan palang napatigil na siya at parang napako siya sa kinauupoan niya. Kita kong naging seryoso narin ang mukha niya kaya sinabi ko sa kanya ang binalita ni ninong sa amin ni papa kagabi.
“Delikado tayo” sabi ko “we need to do the check list” sabi niya “yeah, i’m doing that later” “no! I want you to do it now!” sabi niya kaya tumayo ako at kinuha ang check list sa loob ng drawer namin. “I’m going” paalam ko sa kanya at sumunod siya sa akin palabas ng kwarto. Naghiwalay kami ng lakad, siya papunta sa gym habang ako palabas ng condo para pumunta sa rooftop.
Hapon na nung na siguro naming nasunod namin ang nakasulat sa listahan namin at pagkatapos naming icheck ang buong condo, naupo kami sa sofa at kalmado kaming nanood ng tv. Para hindi magtaka ang mga anak namin.
Holiday kasi ngayon kaya walang pasok at nasa condo lang kami “dad, can we go somewhere?” sabi ni Jenny dahil bored-na-bored siya. Nagkatinginan kami ni Chello bago siya sumagot “no, baby, mommy and daddy are tired” sagot niya.
Nakita naming nainis lang si Jenny “its boring in here” sabi niya “why don’t you go play with your dolls” sabi ko. “Dad, i’m a lady now and ladies don’t play with dolls anymore” sagot niya kaya natawa si Chello. “Well, what do lady’s do?” tanong ko “go to the mall!” “no!” sagot ni Chello
“But mom…” “what did I say? no buts!” sabi ni Chello kaya umalis si Jenny at pumasok sa kwarto niya “dad” tawag sa akin ni Dave. “Yes, anak?” “pwede ho ba akong pumunta kina Gilbert?” tanong niya “no!” sagot agad ni Chello sa kanya.
“But, mom, me project kasi kaming tatapusin” paliwanag niya “when I said no, that means no” sabi ni Chello. “Damn it!’ mahinang sabi niya “what did you say!?” tanong ni Chello sa kanya. “Nothing… i’m sorry” sabi niya at pumasok sa kwarto niya.
“Sasamahan ko nalang siya kina Gilbert” sabi ko kay Chello at tumingin siya sa akin at sa pinto ng kwarto ni Dave. “Fine! Be home before dark” sabi niya “come on, babe” sabi ko sa kanya dahil mag-aalas kwatro na kasi ng hapon.
“Fine! Be home when they are done!” sabi niya kaya napangiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi “Dave, magbihis ka sasamahan kita kina Gilbert” sabi ko sa kanya. “Talaga, dad? Thanks!” sabi niya at nagmamadali itong nagpalit ng damit at kinuha ang bag niya.
Pagkatapos naming magpaalam, bumaba na kami at sumakay sa kotse “thanks, dad” sabi niya nung nasa daan na kami at nginitian ko lang siya. “Dad” “yeah?” “do I need to worry?” tanong niya “saan naman?” tanong ko.
“Sa narinig ko kagabi” paalala niya kaya hininto ko yung kotse sa harap ng bahay nila ni Gilbert at hinarap ko siya. “Son, kaya nga nandito kami ng mommy mo para hindi na kayo magworry ni Jenny” sabi ko sa kanya at napaisip siya.
“Paano kung...” “don’t think too much about it, that is why we are here” sabi ko “besides, a father’s job is to protect his children” dagdag ko kaya napangiti siya at yumakap ito sa akin. “Thank you, dad” “no worries” sagot ko at lumabas na kami ng kotse at kumatok sa pinto nina Gilbert.
Tumingin sa akin si daddy at ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya “hey” bati ni Gilbert sa akin nung binuksan niiya kami ng pinto. “Gil, dala ko yung materials para sa projects natin” sabi ko sa kanya “great! tuloy kayo, tito Dave good afternoon po!” bati ni Gilbert.
“Good afternoon, too, Gil” bati ni daddy sa kanya “Dave! How are you?” tanong ni tita Mildred sa kanya nung nasa sala na kami. “Tita, good afternoon po” bati ko “I meant your dad, hihihi” natawa siya at narining kong natawa ng mahina si Gilbert.
“Sorry, David, how are you?” tanong ni tita kay daddy “ah, i’m fine, sinamahan ko lang si Dave” sabi ni daddy. “It’s good that you are here, I was baking mango cake this morning, do you want a slice?” sabi ni tita Mildred sa kanya.
Napatingin ako kay Gilbert at nakita kong gumulong ang mga mata niya “Dave, lets go in my room” yaya ni Gilbert sa akin. “Dad” tawag ko “go ahead” sabi niya at sumunod ako kay Gilbert at nakita kong sumunod si daddy kay tita Mildred sa kusina.
“What’s wrong?” tanong ko kay Gilbert at nakita kong parang naiinis siya “yung mommy ko Dave, alam mo na” sabi niya. Matagal na kasing byuda si tita Mildred at halata sa mga kinikilos nito ang pang-aakit niya kay daddy.
“Bakit mo nga pala kasama ang daddy mo?” sa tuno ng boses niya halatang na iinis parin siya “ayaw kasi pumayag ni mommy na pumunta ako rito, kung hindi lang dahil kay daddy hindi ako makapunta ngayon dito” paliwanag ko sa kanya.
“Tsk naman eh” sabi niya kaya inakbayan ko siya at sabing “don’t worry, believe in my dad, kilala mo rin si mommy Chello, hindi ba?” sabi ko kay Gilbert at napaisip ito at ngumiti. “Sino bang hindi nakakakilala sa halimaw mong nanay!” sabi niya kaya natawa kami pareho.
“Halika na, gawin na natin ito kasi sandali lang kami dito” sabi ko sa kanya at kinuha na niya yung ibang materials sa project namin at sinimulan na namin itong trabahuin. Makalipas ang ilang oras “gusto mo munang mag break?” tanong ni Gilbert nung malapit na naming matapos ang volcano project namin.
“Sure, nagugutom narin ako” sabi ko sa kanya kaya lumabas kami ng kwarto at pumunta sa kusina “hey guys!” bati ni daddy sa amin nung pumasok kami sa kusina at ngkita kong naghuhugas ng pinggan si tita Mildred.
“Mom, meron pa bang cake?” tanong ni GIlbert “nasa ref, teka, maupo lang kayo at ako na ang kukuha” sabi niya at nakangiti pa siyang nakatingin kay daddy, kaya nung umupo ako sa tabi niya siniko ko ito at napatingin siya sa akin.
“David, gusto mo pa ba ng isang slice?” tanong niya kay daddy “no, but thanks, malapit narin kasing mag dinner” sabi ni daddy. “Aww come on, David” sabi ni tita Mildred “mom!” sabi ni Gilbert at nahihiya siya at hindi makatingin sa amin.
“It’s okay, salamat nalang” sabi ni daddy “Dave, malapit na ba kayong matapos?” tanong niya sa akin “konte nalang, dad, matatapos na kami” “opo, tito, yung solution nalang ang ilalagay namin matatapos na kami” sabi ni Gilbert.
“Do you guys need help?” tanong ni daddy sa amin “actually tito, yes po, kailangan namin ng tulong mo” sabay kindat ni Gilbert sa akin kaya natawa nalang ako. Pagkatapos naming mag snacks, bumalik na kami sa kwarto niya kasama si daddy.
“Wow, volcano project” sabi ni daddy nung makita niya ito “sa Science project namin ito, dad” sabi ko sa kanya. “Mount Pinatubo ang project namin, tito at kung pumutok ito as planned (sabay tingin ni Gilbert sa akin) makakakuha kami ng mataas na grade” paliwanag niya.
“So, what do you guys want me to do?” tanong ni daddy at nagkatinginan kami ni Gilbert at sabay naming sabi “just sit in there and shut up!” at nakita naming napanganga lang si daddy. “Do you guys need my help, too? David?” biglang sabi ni tita Mildred habang nakatingin kay daddy.
“No!” sabay naming sabi ni Gilbert at doon nakuha ni daddy ang hint namin sa kanya and after half an hour “finally!” sabi ko nung natapos na kami. “Tapos na?” tanong ni daddy “opo” sagot ni Gilbert at niligpit na kami ng gamit namin at inilagay ko narin sa bag ko ang mga gamit ko.
“Ano, ikaw na magdadala nito bukas?” tanong ko kay GIlbert “ano ka? Tayo!” sabi niya “dadaanan ka nalang namin dito bukas?” tanong ko sa kanya. “Oo” sagot niya “Dave, dapat maaga tayo kasi papasok narin kami bukas ng mommy mo” sabi ni daddy sa akin.
“Opo, dad” sagot ko at lumabas na kami ng kwarto ni Gilbert at nakita naming naka upo sa sofa si tita Mildred. “Mil, tutuloy na kami” paalam ni daddy kaya tumayo agad siya para lumapit kay daddy at nagdadalawang isip kung yayakap ba siya o ano man kay daddy.
“Tita, aalis na po kami, Gilbert, bukas ha?” sabi ko “oo” sabi niya at biglang yumakap si tita Mildred kay daddy at humalik ito sa pisngi niya. “Bye, David” sabi niya kaya nagulat kaming dalawa ni daddy “ah.. Mil, aalis na kami” sabi ni daddy dahil hindi parin bumitaw si tita Mildred sa kanya.
“Ah hihihi sorry” sabi niya at nakita kong kinagat pa ang ibabang labi niya at tila inaakit talaga si daddy “tito Dave, mag ingat po kayo sa daan” sabi ni Gilbert at dumaan siya sa pagitan nina daddy at tita Mildred.
“Tayo na, dad” yaya ko “ingat kayo sa daan, ha, David” sabi niya kaya hinila ko na si daddy papunta sa kotse dahil magdidilim na rin. Baka suntok at sipa ang aabutin namin pagdating namin sa bahay pag na late kami.
“Parang nag eenjoy ka doon ah, dad?” biro ko sa kanya nung nasa daan na kami “ha? Ah hahaha” natawa lang siya. “Halatang gusto ka ni tita Mildred” sabi ko “nah, ganun lang siguro siya” sabi niya at napansin kong ngumiti siya.
“Dad ha!?” sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin “don’t put any malice on it, Third” sabi niya sa akin at natawa lang ako. Pagdating namin sa condo, binati agad kami ni Jenny at niyaya kami sa kusina para maghapunan.
Pagkatapos, nagpaalam na akong papasok sa kwarto ko dahil me gagawin pa akong assignments “Davideo!” tawag ni mommy. “Mom?” sabay hawak niya sa tenga ko at inangat ito “aw, aw, aw, mom!” “how many time have I told you to do your homework days ahead of time? hmp!” galit niyang paalala sa akin.
“We had a party, tapos nag sleepover tayo kina lolo Rudy...” “stop making excuses!’ sabi niya sabay bitaw sa tenga ko. “Ouch…” nasabi ko nung hinimas ko ang tenga ko “babe, gagawin naman niya ang homework niya, right, son?” tumingin sa akin si daddy kaya tumango ako.
“See!” sabi niya “you are always defending him, the next time he will do this, i’m going to kick both of your asses!” banta ni mommy sa amin ni daddy sabay alis niya. “Pumasok kana sa kwarto at gawin muna yung assignment mo” sabi ni daddy sa akin.
Kaya pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang backpack at sinimulang gawin ang homework ko. Patapos na ako sa assignment ko nung tumunog ang phone ko “si Gilbert, hello Gil, napatawag ka?” sagot ko.
“Dude, naiwan mo yung isang libro mo dito” sabi niua “anong libro?” tanong ko “yung sa Physics, alam mo bang me test tayo niyan bukas?” “HA!? Shit, oonga pala, tsk! Paano yan?” tanong ko. “Dadaan naman kayo dito bukas, mag-aral ka nalang habang nasa daan, first period pa naman natin ang Physics” sabi niya.
“Alam ko, shit! Napagalitan nga ako ni mommy kanina dahil ngayon ko lang nagawa ang assignments ko” sabi ko sa kanya. “Tough luck, dude, either kunin mo ngayon o study ka nalang before sa klase‘” sabi niya kaya napaisip ako at napatingin sa oras. “Try ko si daddy baka papayag siya” sabi ko kay Gilbert “sige, tawagan mo ako“.
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nanonood ng tv si daddy sa sala “dad, uhm...” umpisa ko kaya tumingin siya sa akin. “I have a favor to ask, if it’s okay with you” sabi ko at hininaan niya ang volume ng tv.
“Sure, what is it?” tanong niya “pwede ho bang idrive mo uli tako kina Gilbert?” “what? Now?!” nagulat ako nung nagsalita si mommy sa likuran ko. “Why do you want your dad to drive you there?” tanong niya at natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo.
“Babe, he asked me not you” sabi ni daddy sa kanya “I don’t care, Davideo, if this is about school work you have to go there yourself” sabi ni mommy. Kaya tumayo si daddy at pinigilan siya “babe, please” sabi ni daddy sa kanya.
At tumalikod lang si mommy at pumunta ng kusina “haayy… me nakalimutan ka?” tanong ni daddy sa akin “opo, libro ko po sa Physics” sabi ko kaya umiling lang si daddy. Inoff niya tv at pumasok sa kwarto nila.
Makalipas ang ilang minutos, lumabas siya at nakita kong nagpalit siya ng damit “lets go” yaya niya at biglang lumabas si mommy mula sa kusina. “DON’T YOU DARE GO ANYWHERE, DAVIDEO!” sigaw niya at hindi namin alam kung sino ang tinutukoy niya kaya nagkatinginan kami ni daddy.
“What’s going on here?” tanong ni Jenny nung narining niyang sumigaw si mommy “babe, sasamahan ko lang naman si Dave” sabi ni daddy. “NO! That boy is too much!” sabi ni mommy at hinablot ang susi sa kamay ni daddy.
“Aray!” napasigaw si daddy sa sakit “oh.. i’m sorry, baby” sabi ni mommy at tiningnan ang kamay ni daddy sabay tingin sa akin. “You!” sabi niya “mom, please be reasonable!” sabi ko at tinaas ang isang kamay niya para sapakin ako “BABE!” sigaw ni daddy kaya napatigil siya.
Umalis si mommy at pumasok sa kwarto nila “haayy, Dave, why?” tanong ni daddy sa akin at nakita kong parang disappointed siya sa akin. “Dad, i’m….” “don’t say it!” sabi niya sa akin “do you really need that book?” tanong niya.
“Opo, first period kasi namin ang Physics and me test kami bukas” sabi ko sa kanya habang nakayuko ang ulo ko. “Haayyy… come on, let’s go” yaya niya kaya napatingin ako sa kanya “can I come too, dad?” tanong ni Jenny.
“No, baby, you stay and do your homework” sabi ni daddy sa kanya “but, i’m done with my homework, unlike kuya” sabi niya. “I’m sorry, baby, keep your mommy company” sabi ni daddy sa kanya at hin…