“I am so disappointed at that boy” sabi ni Chello sa akin nung pauwi na kami galing grocery store. “Eh anong magagawa natin? Hindi mo naman pwedeng pagbawalan yun, sige ka kung gagawin mo yan lalo lang magrerebelde yun” sabi ko.
Nakita kong nag-isip siya “don’t do it!’ sabi ko at tiningnan nya ako ng masama at inisnaban ako pagkatapos. “Haayyyy… I understand how you feel, babe..” “you don’t!” sabi niya sa akin na napa “haayy” muli nalang.
Hindi niya pinansin si Dave simula kahapon at kahit na binati siya nito ng “good morning” at niyakap pa siya nito, hindi parin niya ito kinausap. “Dad?” “hayaan mo nalang muna ang mommy mo, nak” sabi ko sa kanya habang tinutulonga niya ako sa mga pinamili namin kanina.
“Babe, tell that boy to get out of my way” sabi ni Chello sa akin at nagkatinginan kami ni Dave. “Babe, you are being unreasonable” sabi ko sa kanya at inignore rin ako. “Baby, tell your father to stop talking to me” sabi niya sa anak namin at natawa lang si Jenny.
“Pati ba naman ako?” sabi ko sa kanya at hindi ako pinansin at dumiretso lang ito sa kusina dala ang mga napamili namin kanina. “Dad, ano ang gagawin natin?” tanong ni Dave sa akin at nginitian ko siya at inakbayan.
“Come with me” sabi ko at dinala ko siya sa rooftop at naupo kami sa silya sa gitna ng maraming mga halaman at bulaklak ng mommy niya. “Alam mo ba, dito ako tumatambay sa tuwing inaaway ako ng mommy mo” sabi ko sa kanya.
“Talaga?” tanong niya “oo, minsan sa gym kami magsparing pero mas gusto kong tumambay dito kesa suntokin ang mommy mo” napangiti siya sa sinabi ko. “Mahal mo talaga si mommy, no?” tanong ni Dave at sumandal narin ito sa beach chair niya at tumingin sa kalangitan.
Palubog narin kasi ang araw kaya nakikita na naming isa-isang lumalabas ang mga bituin. “Hahaha, oo, mahal na mahal ko ang mommy mo, kahit ganun yun sobrang mahal ko yun” sabi ko sa kanya na nagkahiyaan pa kaming dalawa sa sinabi ko.
“Ikaw, anak?” tanong ko “anong ako, dad?” “mahal mo ba si Helen?” tanong ko at nakita kong nagblush siya kaya natawa ako. “Daddy naman eh, hehehe” nahihiyang sabi niya “okay lang yan anak, basta huwag lang kayo lalampas sa kiss ha?” sabi ko sa kanya.
At napatigil siya at ngumiti “hindi ko naman gagawin yun dad pag hindi siya willing” sabi niya. “Look, okay lang sa akin na nagka girlfriend ka, but, don’t! I mean don’t, ever go that far, not now at least” paalala ko sa kanya at tumango siya at sumandal muli sa upoan niya.
Nakatingin lang kami sa kalawakan nang marinig naming bumukas ang pinto ng elevator at nakita naming lumabas si Jenny. “Daddy..” “yeah, baby?” sagot ko “i’m bored downstairs” sabi niya.
“Come here, tabi ka sa akin” yaya ko sa kanya kaya umupo siya sa tabi ko at humiga sa beach chair “oh, lots of stars!” sabi niya nung tumingin siya sa langit. Tumambay muna kaming tatlo sa rooftop at nagtatawanan at nagkukulitan.
Makalipas siguro ang isang oras nung bumukas muli ang pintoan ng elevator kaya napatingin kaming tatlo roon. “Are you guys coming downstairs or do you want me to throw the dishes in the garbage?” sabi ni Chello sa amin.
“Babe, calm down” sabi ko sa kanya at lumapit siya sa amin at tumayo sa pagitan ng beach chair namin ni Dave. “Mommy, look” turo ni Jenny sa taas at tumingin naman si Chello “Orion!” sabi ni Jenny.
Tumingin sa amin si Chello at biglang tumalikod siya at pumasok muli sa elevator “oohh, you two are in trouble” sabi ni Jenny sa amin at tumayo agad si Dave at nakita kong natatakot ito.
“Third, just relax” sabi ko sa kanya “what if.. you know…” nagpapanik na siya “she won’t go that far, son” sabi ko sa kanya. Tumayo ako para puntahan si Chello sa baba nang biglang bumukas muli ang pintoan ng elevator at nakita ko itong me dalang tray.
“Babe” tawag ko sa kanya “put the table in the middle” utos niya at agad ko namang binuhat ang mesa sa gilid at nilagay sa gitna. Nilagay niya ang tray sa ibabaw ng mesa at umupo sa tabi ni Dave.
“Eat up!” sabi niya at kumuha ito ng chips at dinip ito sa cheese at kumain “mommy… i’m..” sabi ni Dave “forget it!” putol ni Chello at nakita kong napayuko ang ulo ni Dave. “Haayy.. no kissing unless its on the cheek, you can hold hands but not all the time, you can’t date alone, If you are going out for a date, tell me, I need to know where, when and who you are with” panimulang sabi ni Chello.
Nakita kong napatingin sa kanya si Dave “no more lies, no secrets and specially, Jenny cover your ears (utos niya sa bunso namin pero ako na ang nagtakip sa tenga niya) no fucking around!” paalala ni Chello sa kanya.
Napangiti si Dave at niyakap ang mommy niya “thank you, mom!” sabi niya at nakita kong ngumiti rin si Chello. “Well done, babe” sabi ko kay Chello at tumingin siya sa akin at nakipagpalitan ng pwesto sa bunso namin at humiga sa tabi ko.
“I can’t stay mad with you two” sabi niya sa amin at nakita kong napangiti si Dave sa amin. “So, does that mean, kuya is officially taken?” tanong ni Jenny “pretty much” sagot ko.
Tumambay kami ng ilang oras sa rooftop habang tumitingin ng mga bituin sa langit at bumalik na kami sa condo nung nagsisimula ng lumamig ang gabi at nag late dinner kami sa sala habang nanonood ng movie.
Linggo: maaga kaming nagising at pagkatapos mag handa, umalis na kami dala ang pagkaing niluto ni Chello papunta sa bahay ng mga magulang ko. “I can’t wait to see lolo and lola” sabi ni Jenny at hindi nasiya makapaghintay.
“Jenny” sabi ko sa kanya dahil sobrang kulit na nito sa likod “JENNIFER!” sigaw ni Chello at nabigla kaming tatlo nung sumigaw siya. Pagdating namin sa tapat ng gate “Dave, can you open the gate” utos ko sa kanya at lumabas siya para pumasok sa loob.
“APO!” narinig namin ang boses ni papa sa loob, maya-maya bumukas na yung gate at nakita kong dumating narin pala sina Dominic. “Kuya!” tawag niya nung bumaba na ako ng kotse “Dom!” tawag ko sa kanya at nag yakapan kaming dalawa.
“Musta na ang kapatid kong under, hehehe?” biro niyapero natawa lang ako “wow!” dinig namin galing kay papa at nakita kong nakangiti itong lumapit sa amin. “Andito na sa wakas ang dalawa kong anak” sabi niya at ipinatong ang mga kamay sa balikat namin ni Dominic.
“Pa, happy birthday” bati ko at niyakap ko siya sabay humalik sa pisngi niya “pa, kinumusta ko lang ang pagiging under ni kuya” sabi ni Dominic “psst…hoy!” sabi ni papa sabay turo kay Chello na papalapit na ngayon sa amin.
“Hahaha” natawa lang ako sa dalawa “pa, happy birthday!” bati ni Chello at yumakap at humalik sa pisngi ni papa Rudy. “Andito na pala kayo” dinig namin galing kay mama “ma, kumusta na po kayo?” tanong ni Chello.
Yumakap at humalik rin siya sa pisngi ni mama Aida “okay lang ako iha, teka asan na yung… wow, malaki na ang baby namin” sabi niya nung makita si Jenny “LOLA!!!” tumakbo siya sabay yakap sa lola niya.
“Haayy… talaga yang anak mo, Dave” sabi ni papa “bakit, pa?” tanong ko “hindi ata naalala na birthday ko ngayon” nagpaparinig si papa kay Jenny at nilingon siya nito at sabing “lolo, how can I forget the day of your birth?” sabi niya.
Lumapit si Jenny sa kanya at yumakap “wow, thank you, baby!” sabi ni papa sa kany “nasaan na yung magaling mong anak, Davideo?” tanong ni mama at pansin kong bigla nalang nawala si Dave.
“Nandito lang yun kanina” sabi ko “baka nasa loob na” sabi ni papa “hindi man lang binati ang lolo niya? Kuya, not good” sabi ni Dominic kaya sinuntok ko siya ng mahina sa balikat.
Hinanap ko siya sa loob ng kotse at doon nakita kong abala ito sa cellphone niya “nasa loob ng kotse, busy sa phone niya” sabi ko sa kanila at pinuntahan ito ng lola at mommy niya.
Binuksan ni mama ang pinto “DAVIDEO!” sabay pa sila ni Chello at nakita naming nagulat si Dave sa loob kaya natawa kami nina papa, Jenny at Dominic sa reaction ni Dave. Lumabas na ng kotse si Dave at binati ang lolo niya “happy birthday, lo” “salamat, apo” sabi ni papa.
“Davideo, come here” tawag ni mama sa kanya “po?” “ano itong naririnig kong me girlfriend kana daw?” tanong ni mama at tumingin sa akin si Dave. “Hindi ako!” sabi ko “ke bata-bata mo pa me grilfriend kana?” sermon ni mama sa kanya.
“Oonga, ma” sabi naman ni Chello “naku kuya, mukhang me luluhod ata sa harap ng altar mamaya” sabi ni Dominic. “Dom” tawag ni papa kaya natahimik si Dominic “Aida, Chello” tinawag sila ni papa Rudy.
“Huwag niyo ng kornerin ang bata, hindi naman kasalanan ang pagkakaroon ng girlfriend” sabi ni papa sa kanila. “Anong hindi kasalanan? Tingnan mo nga ke bata-bata pa wala pang muwang sa mundo nagka girlfriend na” sabi ni mama.
“Haayyy… birthday ko ngayon dapat masaya tayong pamilya hindi nag-aaway” sabi ni papa sa kanila at inakbayan si Dave. “Besides, hindi naman maiwasan na sa sobrang pogi ng apo ko maiinlab talaga sa kanya ang mga kababaihan, hindi ba apo?” sabay kindat ni papa sa kanya at napangiti sa Dave.
“HMP!” dinig namin galing kina mama at Chello at pumasok ang dalawa sa loob ng bahay kasunod si Jenny. “Hahaha galing talaga magpalusot ni papa” sabi ni Dominic kaya natawa kami.
“Ayan anak, dalawa na kaming nasa likod mo” sabi ko sa kanya kaya natuwa siya “so Dave, gagraduate ka na pala next year?” “opo, tito Dom” sagot niya. “Me kurso ka na bang gustong kunin?” tanong ni Dom.
“Hmmm.. meron na po” sagot niya “me irerecommend ako sayo” sabi ni Dominic “mag doktor ka” dagdag niya. “My son will become an accountant, Dominic!” sabi bigla ni Chello nung lumabas siya.
“Ate!” nagulat si Dominic sa kanya “my son will become an accountant, like his father and me” sabi ni Chello at dinalhan niya ako ng coke. “What’s wrong with being a doctor?” tanong ni Maria nung lumabas siya ng bahay.
“Maria, musta kana?” tanong ko sa kanya “heto, anim na buwan na and counting” sagot niya “oonga, lapit na” sabi ko sa kanya. “Anyway, ate, what’s wrong about being a doctor?” tanong niya kay Chello. “Nothing, gusto ko lang maging accountant ang anak ko” sagot niya
“Dapat tanungin natin siya kung ano ang kursong gusto niyan kunin, hindi ba, Dave?” tanong ni papa at napatingin kaming lahat sa kanya. “Ah, matagal ko na po kasi itong naisipan simula nung naggraduate ako ng elementay” pasimula niya.
“Gusto ko pong sumunod sa yapak ni lolo Rudy” sabi niya “maging kapitan ng barangay?” tanong ni Dominic kaya natawa kami ni papa. “Hindi!” sagot ko “gusto mong maging pulis, apo?” tanong ni papa “opo, lolo, katulad niyo po noon at magiging tapat ako sa tungkolin” sagot niya.
Kaya nilapitan siya ni Chello at inakbayan siya “my son, a cop?” sabi niya sabay pulupot ng braso sa leeg ni Dave at parang sinakal niya ito. “Mom….miii...” “you will become an accountant, inherit the business and if you refuse to do this... (tiningnan niya ito ng masama at sabing) you will be walking like your dad for the rest of you life!” nakita kong pati sila natakot sa mukha ni Chello.
“Mom!” sabi ni Dave at agad kong nilapitan si Chello at inakbayan kaya kumalma siya at binitawan ang leeg ni Dave. “I’m sure he has his reasons” sabi ko kay Chello at siniko ako sa tyan “come on, babe!” sabi ko sa kanya sabay lakad niya papasok ng bahay at natahimik kaming lahat sa nangyari.
“Nakakatakot” sabi ni Maria at napatingin kaming lahat sa pintuan ng bahay “bakit gusto mong maging pulis, anak?” tanong ko sa kanya at tumingin siya sa lolo niya at tumingin narin sa akin. “Gusto ko pong maglingko sa community, dad” sagot niya.
Kaya napatingin ako kay papa at kita kong napangiti siya “apo nga talaga kita” sabi ni papa at nilapitan niya ito at ipinatong ang kamay sa ulo ni Dave. “Rudy!” tawag ni mama kay papa “oh?” “pasok na kayo dito para makapaghaponan na tayo” sabi ni mama “tara na sa loob” yaya ni papa at pumasok na sila habang naiwan kami ni Dave sa labas.
“Gusto mo ba talagang maging pulis, anak?” tanong ko at nakita kong nagpaisip siya “Third, if you want to set a goal, you have to see to it na susundin mo ito” sabi ko sa kanya. “Pero, dad, paano kung..” “your mom… well.. Chello will always be Chello” sabi ko sa kanya.
“Pero kung ipakita mo sa kanya na seryoso ka sa pinili mo at determinado kang abutin ito, i’m sure rerespetuhin ito ng mama mo” sagot ko sa kanya. “Sa ipinakita niya kasi kanina...” sabi niya kaya pinutol ko siya “Third, sasabihin ko sayo ang sinabi sa akin ng lolo Rudy mo na sinabi rin ng lolo kong si Davideo sa kanya” sabi ko at tumingin siya sa akin.
“I believe in you!”
“Dad!” “hehe… naniniwala ako sa kakayahan mo, anak, gaya ng tiwalang binigay sa akin ng papa ko at sa lolo ko” sabi ko sa kanya. Nakita kong nabuhayan siya ng loob at ngumiti “salamat, dad!” sabi niya at inakbayan ko siya.
“Tandaan mo, anak, pinangalanan tayong Davideo for a reason” “ang weird lang kasi ng name natin” natatawang sabi niya. “Well, weird nga pero matibay naman!” sagot ko sa kanya at nagtawanan kaming dalawa. “Are you guys coming in or do you want me to drag you inside?” inis na sabi ni Chello kaya pumasok na kami sa…