” Pre, tawagan mo na si Cham. Papuntahin mo na dito. Wala na yun klase.” ani ni Ivan.
“Oo nga pre, o ako na lang magtext? ikaw ang type non e.” Biglang tungga naman ni Cholo ng kanyang tagay.
Pito kameng magbabarkada, tatlo dito ay babae at kameng apat. Graduating student taking Mechanical Engineering sa isang unibersidad sa aming probinsya.
Si Cham naman na kanilang tinutukoy ay isa ring engineering student na mas bata sa amin ng isang taon. Nakakasa-kasama namen sa inuman dahil ito rin ay isang active sa department namen. Sya ang pinakamatalino at ang representative ng batch nila kaya madalas namen syang nakakasalamuha.
Mataray ang mukha pero kung ngumiti naman, hanep parang pilyang may iniisip laging kalokohan. At higit sa lahat sexy, literal na mala coca cola ang katawan, hindi nga lang katangkaran ngunit may dibdib at pwet na maipapagmamalaki. Kaya type na type naman namen itong magbabarkada.
“Namo! Ako na! Ako na!”
Cham, tara sa underground. Inom. Dito na kame nila Jake.
Sina ate Iya anjan? Sige sige. Sunod ako. Sama ko si Dess ha.
Gege.
Palitan namen ng text message ni Cham. Wala pang limang minuto ay nakarating din sila. Malapit lang din kasi ang Bar kung nasaan kame sa aming unibersidad.
Pagbaba pa lang ng hagdan, kitang kita na namen sila Cham at Dess. Parehas lang naman silang nakafitted polo shirt at pants pero agaw pansin talaga si Cham. Halata kasing hirap na hirap na yung butones ng polo nya. AHAHAHA
“Badtrip talaga si Sir. Prof nyo rin yun diba? Hindi man lang nagsabe na di papasok.”
Nakakunot pang reklamo ni Cham sabay upo sa aking tabi. Si Dess naman ay sa kabilang gilid nya. Bali ang pwesto namen ay ako, Cham, Dess at Iya. Kaharap namen sina Cholo, Ivan, at Gabby nasa magkabilang dulo si Grace at Jake.
“HAHAHAHA. Nagtaka ka pa don. Napakatamad non magturo.”
“Wag kang mag alala. Hindi ka naman mawawala sa dean’s list.” sagot naman ni Grace
“Sana nga ate. Roleta kaya minsan maggrade yun. Last year, ilan lang sa amin ang pumasa kahit nagkokopyahan naman kame ng assignment at quiz. HAHAHA.”
“Tagay muna kayo. Habol habol rin aba.”
Palalim na rin ng palalim ang gabi. Ilang bucket na rin ng RH at San Mig ang aming nauubos. Nauna ng umuwi sina Ivan, Gabby, Iya at Dess dahil malalayo ang kanilang inuuwian.
Nagkanya kanya na ng kwentuhan kameng natitira. Syempre kay Cham tayo. Bakod bakod rin.
“kuya, dating gawi ha. Hahatid mo ko.”, pabulong na sabe ni Cham saken.
Inakbayan ko naman siya sabay bulong rin, “oo,akong bahala sayo.”
Patuloy lamang kameng nag iinuman. Salitan naman sa pagkanta sa videoke sa may ministage si Grace at Cholo.
Nakaangkla naman ang aking mga kamay sa sandalan ng upuan ni Cham at ang aking hintuturo ay nagawa ng maliliit na bilog sa braso niya. Halos nag kanya kanya na ang lahat kaya hindi na rin nila napapansin ang ginagawa ko….