Nakaluhod si Pocholo at humagulgol, lumapit si Teresa, lumuhod siya at tinignan ang sugat sa tuhod ng kanyang kaibigan. “Masakit?” tanong ni Teresa. “Hindi” sagot ni Pocholo sabay lalong lumakas ang kanyang iyak.
“Uy wag ka na iyak, mahuhuli tayo ni tita di na tayo paglalaruin” bulong ni Teresa kaya nagpigil ng iyak si Pocholo at pinunasan ang kanyang mukha. Nakarinig sila ng kililing ng nagbebenta ng sorbetes. Sabay sila napalingon at sabay silang tumayo.
“Choy gusto ko yon” lambing ni Teresa sabay hila sa shirt ng kanyang kaibigan. “Hingi ako pera kay mama” sabi ni Pocholo at natuwa si Teresa. “Bilisan mo Choy…kuya pabili! Pabili po!” sigaw ni Teresa.
Tumakbo ang batang babae palapit sa nagbebenta ng sorbetes, ang batang lalake tumakbo naman papunta sa pinto ng kanilang bahay. Kinabog niya ng malakas yung pinto, “Mommy penge pera! Penge pera mommy!” sigaw ng batang lalake.
“Choy!!!” sigaw ng malakas ni Teresa. Napalingon si Pocholo, nakita niya binuhat ng nagbebenta ng sorbetes ang kanyang kaibigan. “Chooooy!!!” hiyaw ni Teresa, ang batang babae nagpupumiglas, natakpan bibig niya kaya napatakbo ng matulin si Pocholo. “Tesaaaaa hoy!!!” sigaw niya.
Buhat ng lalake si Teresa, “Bilisan tado!” sigaw niya at sumenyas sa malayo kung saan may isang kotse nag aabang. Lumapit na yung kotse, binuksan na yung pinto at pilit pinapasok si Teresa sa loob. Nagpupumiglas ang batang babae, “Bitawan mo siya!” sigaw ni Pocholo.
Nahampas ng lalake ang batang lalake, bagsak si Pocholo at tinadyakan pa ito sa dibdib. “Wag kang makikialam bata” sigaw ng lalake. “Wag mo na patulan, pumasok ka na!” sigaw nung driver. Nakalabas si Teresa, bago pa ito makatakbo nasabunutan siya at muling nabuhat nung nagbebenta ng sorbetes.
“Anak ng pu…” hiyaw ng lalake, ang umiiyak na Pocholo kinagat siya braso. Gigil na gigil ang pagkagat ni Pocholo, pinagsusuntok pa niya dibdib ng lalake. Nabitawan si Teresa ngunit inabot siya nung driver at hinila sa buhok. “Walang hiya kang bata ka” sigaw nung naglalako ng sorbetes at sinuntok sa ulo si Pocholo.
Nahilo ang batang lalake ngunit di niya binitawan kagat niya, lalo niya diniin at pinagkakalmot ang mukha ng lalake. “Pocholo!!!” sigaw ni Irene, ina ng batang lalake na kalalabas lang ng bahay. “Pocholo! Teresa! Tulong!!!” hiyaw niya sabay napasugod siya.
Madaming bata ang lumapit ngunit nanonood lang sila, nakita nila yung lalakeng kagat ni Pocholo nagsisigaw sa sakit. “Peste kang bata ka!” sigaw niya at sinabunutan ang kulot na buhok ni Pocholo, lalo nanggigil sa kagat ang batang lalake, diniin ang mga kalmot niya, nagsisipa pa habang si Teresa napasok na sa kotse.
“Hayaan mo na yan pumasok ka na ang dami nang tao!” sigaw nung driver. Ang nagpapanggap na maglalako ng sorbetes, sinubukan ihampas si Pocholo sa gilid ng kotse. Napabitaw si Pocholo at napahiga sa kalsada. Papasok na yung lalake ngunit niyakap ng bata ang kanyang paa. “Diyan ka na” sabi ng driver at pinaandar na yung kotse.
Humarang na yung ibang kapitbahay, mabilis niya pinaatras yung kotse, nabundol niya yung kasama niya. Napahinto yung kotse, ang driver bumusina ng malakas at handa nang banggain ang mga nakaharang na tao. Nagsisigaw si Teresa, nagulat yung driver nang pumasok si Pocholo at bigla siya kinagat sa pisngi.
Gigil na gigil si Pocholo, kinalmot pa niya mukha nung driver. Yung pekeng maglalako kinuyog na ng mga kapitbahay. Ibang mga lalake kinaladkad palabas ng kotse yung driver ngunit ayaw bumitaw ni Pocholo. Nagdudugo na pisngi nung driver, ganti niya sabunot at mga suntok sa ulo ng batang lalake.
“Pocholo anak! Tama na anak!” sigaw ni Irene. Nakuha na si Teresa at nilayo, gulping gulpi na yung pekeng maglalako habang yung ibang mga lalake pilit hinihila paalis si Pocholo. Parang asong ulol na ang batang lalake, walang tigil agos ng luha niya, duguan na mukha nung driver sa kagat at matinding kalmot.
“Choy” sigaw ni Teresa, napalingon si Pocholo, nakita niya kaibigan niya karga na ng kanilang kapitbahay. Bumitaw na siya at agad siya nabuhat ng isang lalake para ipasa na siya sa kanyang nanay.
Sa isang pribadong hospital tinakbo ni Irene…