College Girl Ivy Part 19

College Girl Ivy Part 19
By Yes Man

Mayroon dahilan kung bakit dumadating ang mga pagsubok sa ating buhay. Puwedeng isa itong paraan para alamin ang tatag o kahinaan ng ating kalooban. Puwede din namang dumating ito para tayo ay patatagin para sa darating pang masmatinding pagsubok sa hinaharap.

Dumadating din ang mga pagsubok sa ating buhay para itama tayo sa nalilihis nating daan. Kung ano paman ang dahilan nang pagdating ng pagsubok sa ating buhay, sana huwag makalampas sa atin ang aral na gustong itinuturo nito.

Hinuhubog ng pagsubok ang ating pagkatao. Hindi man pansin ni Ivy, siya ay binago ng kanyang karanasan ng mga nakalipas na mga araw. Huminto na siya sa pag-iyak sa kanyang sinapit na kapalaran sa mga lalake na kanyang minahal.

Hindi na niya iniisip si Peter. Ang lalakeng nakauna sa kanya. Ang lalakeng dapat ay masasandalan niya sa oras ng kagipitan ay iniwan siya na walang idea sa kanyang hinaharap na problema. Ang tangin nasa isip lamang nito ay ang kanyang sarili.

Natuto na si Ivy na tangapin na makikita si Joseph Gabriel sa campus araw-araw. Ang lalake na sa kanyang panaginip. Panaginip na naging bangungot. Naakit siya sa gandang lalake nito. Hindi niya masisi nang lubusan ang professor dahil siya ang unang nang-akit dito. Pero sa huli wala din siyang lakas na maaasahan dito.

Ngayon ay malapit na matapos ang semester. Naayos niya ang kanyang pag-aaral at matatapos niya ang semester na walang bagsak na grado. At ang mas mahalaga dito ay hindi siya na kick-out. Hindi siya na kick-out dahil sa ginawang pag-areglo ni Mr. Mike Aquino.

Nasa ilalim ngayon si Ivy ng isang puno sa loob ng campus habang nagmumuni sa mga kaganapan sa kanyang buhay ng mga nagdaang araw. Si Mr. Mike Aquino ang nasa isip ngayon ni Ivy. Wala ba talagang binabalak na masama sa kanya ang singkwenta anyos niyang professor? Alam ni Ivy na malaki din ang pagnanasa nito sa kanya. Alam niya ito dahil sa nahuhuli niya ang mga malalagkit na tingin ng matandang professor sa kanyang katawan. Mga tingin na punong-puno ng pagnanasa.

Meron tinatagong alas si Mr. Aquino na puede niyang gamitin laban kay Ivy pero matatapos na ang semester ay hindi niya ginagamit. Ito na ang huling semester ng pagtuturo ni Mr. Aquino. Kung hindi pa niya gagamitin ang alas na ito laban kay Ivy sa lalong madaling panahon ay mawawalan na siya ng pagkakataon.

Magulo ang damdamin ni Ivy. Hindi niya alam kung matutuwa, matatakot o maghihinayang siya sa kawalan ng aksyon ni Mr. Aquino. “Manghihinayang?

Naloloka ka na ba Ivy?” Inis na tanong ni Ivy sa sarili.

“Kainis…” nabulalas ni Ivy sa sarili.

Naiinis siya sa kaguluhan ng kanyang isip. Pinasya na lamang ni Ivy na huwag pansinin ang kung kung anu-anoung idea na pumapasok sa kanyang utak. Isa lang malinaw sa ngayon. Kung hindi magbabago ang ihip ng hangin ay meron siyang dapat ipagpasalamat kay Mr. Aquino.

Alas singko ng hapon ay kasama ni Ivy si Mr. Aquino sa loob ng opisina ng matandang professor. Katatapos lang ni Ivy sa mga pinapagawa ni Mr. Aquino at nag-aayos na ang dalaga ng mga gamit nito.

“Sir, una na po ako…” pagpapaalam ni Ivy matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit.

“O sige na iha.” Sagot ni Mr. Aquino na hindi man lamang tumitingin kay Ivy. Nakatungo lamang ito habang may sinusulat sa kanyang lamesa.

“Ah Sir….” Pag-aatubiling sabi ni Ivy.

“Ano yun Miss Ivy?” pagtatanong ni Mr. Aquino na hindi parin tumitingin sa dalaga.

“Ah Sir… salamat po.” Sa wakas nasabi ni Ivy.

“Salamat saan?” tanong uli ni Mr. Aquino.

“Sa lahat Sir… alam nyo na…” sagot naman ni Ivy.

Dito lang tumingin si Mr. Aquino kay Ivy sabay tanggal pa sa salamin nito. “Mmmmm, Alam mo Ivy, educator ako.” Pagsisimula ni Mr. Aquino. “Tungkulin namin na hubugin ang buhay ng aming mga estudyante at hindi para sirain ito.” Walang makitang ekpresyon sa mukha ni Mr. Aquino nang sabihin niya ito.

“Ganoon pa man… salamat parin Sir.” Pormal na sagot ni Ivy.

“Sige na Miss Ivy, ingat…” pagtataboy na ni Mr. Aquino kay Ivy. Pero meron ng ngiti sa mga labi ni Mr. Aquino nang sabihin niya ito tapos ay agad yumuko uli para balikan ang kanyang ginagawa.

Biglang merong bumuhos na tuwa sa puso ni Ivy. Kahit saglit ay nakita niyang ngumiti uli si Mr. Aquino. Para bang sa puso niya ay may nagsasabing, lahat ng bagay ay magiging maayos na. Umuwi na si Ivy na punong-puno ng pag-asa sa kinabukasan. May nakikita na siyang liwanag sa kanyang hinaharap.

Lumipas pa ang isang buwan at natapos na ang semester at retiro na si Mr. Aquino. Pero pa bago pa dumating ang araw na ito ay meron ng pinaplano ang management para kay Mr. Aquino. Isang farewell dinner sa isang hotel ang hinanda ng universidad para sa magandang serbisyong ibinigay ng professor.

Lahat ng mga professor at staff ng universidad ay dumalo dito pwera lang si Joseph Gabriel. Ipinasa na ni Joseph ang kanyang resignation letter sa universidad. Nakatangap parin si Joseph ng imbitasyon para dumalo sa hapunan pero pinili nalang professor na huwag dumalo.

Meron din ilang piling estudyante na dumalo sa hapunan na ito. Karamihan ay ang mga student assistant ng mga professor. Isa na dito si Ivy.

Napakaganda ni Ivy sa gabing ito. Suot niya ay isang black mini-dress. Lutang na lutang ang kaputian ni Ivy sa suot niya. Labas ang kakinisan ng batok ni ivy dahil nakapusod ang kanyang buhok. Halata din ang kakinisan ng balikat ng dalaga dahil sa spaghetti strap na desenyo…