Cum Laude 1

“Pro Deo et……!” Yan ang unang narinig ni Jill sa paglabas nya ng org office Friday ng hapon.

“Hoy John! Ginagawa mo dyan?” bati nya sa co 1st year nya na mukhang alam nya ang nirerecite na pyesa. Yun ang Mission and Vision ng university at may recitation competition intercollege ang school nila.

“Hi! Jill, come here! Sorry akala ko walang tao. Kanina pa kasi nagbabaan yung nasa 5-2 na room.”

“Kaya pala jan ka nag ngangangawa at nag sisisgaw. Kala ko kung ano na.” balik naman kaagad ni Jill.

“Tulungan mo naman ako oh, alam ko mas magaling ka sa mga diction diction na ganyan” pakiusap sa kanya ni John. “Bakit naman kita tutulungan eh mukhang tayo pa magkakalaban. Dalawa kaming pinagpipilian ni dean. At least alam ko ikaw na kalaban ko sa Nursing kung sakali. haha.” Akmang pangigigil naman na reaksyon ni John sa pang aasar ni Jill.

Kinabukasan.

Habang paakyat si John sa taas ng SHL kung san sya magpapractice. Nakita nya si Jill sa may bintana sa 3rd Floor nakatingin sa mga nag fflare bottle na HRM sa baba.

“Tulala ka jan?” “Hindi ako ang napili eh. I don’t know? They chose me to do this tourism thing na parang mag papakilala ng iba ibang tourist spot daw competition something” maikling palitan nila.

“Tulungan mo naman ako oh, wala na akong klase ngayon, eh di ko tlga alam gagawin. Sa Tuesday na daw yung elimination sa kung sino makaksama”

Hindi well travelled si Jill. Sa totoo lang, school at bahay lang sya bilang high school noon. Lagi pang anjan si ahya Yuan at talagang subaybay sya at mahigpit ang mommy Desa ni Jill. Di nga matandaan ni Jill kung kelan sya huling pinayagan na lumabas kasama ang barkada nya.

“Gusto mo sa apartment? Wala naman masyadong tao dun, umuwi na yung mga taga Rosario. Baka si Bella at Maris na lang ang andun” imbita ni John. “Mukhang di naman ako papayagan sa inyo sa higpit ng mama mo. Kahit pa ata magkaklase na tayo ng high school parang agila pa din makatitig mama mo.”

“Loko to ah!” bawi agad ni Jill. “Eh alam mo naman si Mama, lalo pag anjan si Ayi Helen, laging akala mo mapapagsabihan. Tara na nga” yaya ni Jill kay John. Kaya bumaba na sila at naglakad na lang papunta sa apartment ni John sa may kalye Don Ramos.

“Ay Sarado! Buti na lang talaga nakapagpaduplicate ako.” Sa Isip ni John ng di nya mabuksan ang pinto at walang sumasagot sa katok nya. “Di man lang nila sinabi na aalis pala sila” sabay bunot ng susi at binuksan ang pintuan.

“Tahimik naman sa compound nyo?” tanong ni Jill. “Oo, Biyernes pa…