Cute But Psycho I

Masasabi kong mahinhin akong babae noong high school pa lang ako.

Bahay – paaralan – bahay lamang ang buhay ko noon sa probinsya namin.

Ni hindi nga ako nagkaboyfriend o kahit may nanliligaw man lang.

Ang paborito ko lang noon ay magbasa ng tagalog romantic pocket books.

Lagi akong nasa top ng klase namin hanggang makagraduate ako.

Nagbago ang lahat ng mag-aral ako ng kolehiyo sa Maynila.

Ang kinasanayan kong payak at mabagal na pamumuhay ay biglang nag-iba sa isang iglap lamang.

Mula sa unang araw ng klase ay may nakilala akong isang grupo ng kababaihan na nagturo sa akin ng magagandang bagay sa Kamaynilaan, magagandang lugar at masasayang eskpiryensa.

Tinuruan din nila akong mag-ayos ng sarili at kung paano magsurvive habang nagsasaya.

Kasabay ng magaganda at masasarap na bagay ay ang mga negatibong epekto ng pagbabago ko bilang babae.

Nakakilala ako ng mga “cool kids”, mga pumapasok kahit hindi nag-aaral, masarap na pagtambay – masarap lahat!

Nakalimutan ko ang dating sarili ko na may mataas na pangarap, future?

Nah!

“YOLO” ika nga ng mga kaedad ko.

Natutunan kong tumikim ng legal at ilegal na sarap.

Libre lahat e, masaya – party sa gabi, pasok sa umaga – pero hindi nag-aaral.

Masarap tumambay sa parking lot ng eskwelahang pinapasukan ko, andun ang mayayaman, ang mga sikat – ang mga hot student bodies!

Doon ko nakilala ang una kong “syota”, pangalawa, pangatlo – palit ng palit – paikot ikot lang sa magkakabarkadang mapera.

Hatid-sundo, libre kain, shopping, luho – etc etc.

Himalang umabot ako ng 2nd year habang patuloy na nagpapadala ng pera ang nagpapakahirap kong mga magulang sa probinsya.

Kapal no?

Akala nila hirap na hirap akong mag-aral sa Maynila pero kabaligtaran.

19 ako ng nalaman kong buntis ako, ang malala hindi ko alam kung sino ang ama.

Yung mga “kabarkada at bff” ko ay isa isang nawala.

Wala akong mahingian ng tulong, wala akong matakbuhan.

Bumalik ako ng probinsya na malaki na ang tiyan ko, malugod akong tinanggap ng aking ama’t ina ng walang halong poot at galit.

Ibabalik ko ang dating ako, alam kong kaya ko.

Masakit man sa akin ay iniwan ko ang anak ko sa aking mga magulang upang makipagsapalaran muli sa Kamaynilaan.

Alam kong matatag na ako ngayon dahil may paglalaanan na ako – ang future ng anak ko.

Muli, sa pag-aakalang madali lamang magkapera sa Maynila ay bigo ako, yun ngang mga nakapagtapos ng kolehiyo ay hirap na hirap maghanap ng disenteng trabaho ay ako pa kayang college drop-out?

Ilang buwan din bago ako natanggap na waitress sa isang kilalang bar, aaminin ko mahirap ang ganoong trabaho at hindi sapat iyon para mapadala ko sa mga magulang ko para din sa aking anak, pero hindi ako tumigil.

Napansin ko na malaki ang tip sa akin kapag nakapush-up bra ako or labas ang cleavage ko.

Panay din ang pambobola sa akin ng mga customers at hinihingi ang cellphone number ko, doon ko naisip na magagamit ko iyon either makakuha ng mag-aahon sa aming mag-ina sa kahirapan or gagawing stepping-stone para sa mas malaking sweldo na trabaho.

Naging friendly ako at nakasanayan ko ng maglandi ng pasimple sa mga customers na alam kong nagnanasa sa akin. Nagkaroon ako ng mga regular customers na nagbibigay ng malaking tips sa mga simpleng paglandi ko, pag-yukoyuko ko sa harapan nila at pasimpleng mga himas sa katawan ko.

Nais kong ikwento ang lahat ng aking karanasan:

Ang hirap at sarap ng buhay, ang pagkaadik ko sa sex – at ang aking kabaliwan.

Ako nga pala si Sheena, 24 anyos at ito ang istorya ng buhay ko..

To be continued.