Dakilang Hokage (1)

Authors Note : This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2020 aero.cock78 . This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

Habang nag aayus ng mga panindang makakain si aling sonia ay nakita nanaman nya ang matandang si Ren na dumaan na tulaktulak ang kanyang kariton ng mga binibintang mga bakal at lumang dyaryo…

Araw araw ay nakagawian na ni mang Ren ang dumaan sa harapan ng tindahan ni aling sonia tuwing umaga para mag pahinga at maka pag kape.. May isang upuan na mahaba sa tabi ng tindahan na inuupuan ng mga tumatambay na kumakain o nag kakape sa tindahan ni aling sonia.. Isa si mang Ren sa mga matatawag na regular costumer ni aling sonia dahil araw araw nga ito ma dumadaan sa kanyang tindahan para mag kape sa umaga.. Kumain ng tanghalian at kumain ng hapunan sa gabi…

Sa di kalayuan ay doon na din tinatabi ni mang Ren sa maliit na tindahan ni aling sonia ang kanyang kariton na sya na ding pinakabahay nya at tulugan..

Kahabag habag ang kalagayan ni mang Ren.. Dahil matatawag sya na taung grasa.. Walang bahay, walang pamilya.. Ngunit di naman sya subrang dungis na masasabi at matino ang kanyang pag iisip.. Talagang mahirap lang talaga sya..

Habang iginarahi ni mang Ren ang kariton nya sa unahan ay naupo si mang Ren sa upuan kung saan na pinaka paburitong lugar ni mang Ren na upuan ay sya naman ay pinag mamasdan ni aling sonia..

“tsk.. tsk.. Itong si mang Ren na ito kung bibihisan to eh magandang lalaki to eh.. Bukod sa maputi eh gwapo.. Talagang kapos palad lang talaga at inabandona ng kanyang pamilya.. Kawawang matanda..”.. Ang bulong ni aling sonia sa kanyang sarili habang nag lalagay ng 3in1 na kape sa tasa na kanyang ibibigay kay mang Ren..

Ito ang palaging nakagawian na ni aling sonia na mag timpla ng kape ni mang Ren sa tuwing paparada ito sa kanyang tindahan…

“magandang umaga po mang Ren ..” ito na po yung kape nyo.. “ang dami po ng na kolekta nyung dyaryo ah at mga bakal.. Big time nanaman kayo nyan mang Ren hahaha”.. Ang naka ngiting turan ni aling sonia habang inaabot ang tasa ng kape kay mang Ren ..

“magandang umaga.. salamat sonia..slurrrppp..hmmmm..ang sarap ng kape sa umaga..” ang nakangiting tugon din ni mang Ren kay aling sonia habang humihigop ng mainit na kape…

“oo naka tsamba ng mga dyaryo at bakal sa kabilang warehouse.. Nag linis sila tamang tama na nilabas lahat ng basura nila kaya yun saktong sakto.. Hahaha..”.. Ang tuwang tuwa na turan din ni mang Ren …

“o sya dyan na muna kayo mang Ren at busy na mamaya konti madami nang customer haha”.. Ang paalam ni aling sonia kay mang Ren ..

“o sige sonia, ito yung bayad nga pala sa kape ko”.. Ang turan ni mang Ren sabay abot kay aling sonia ng 15 pisos na bayad nya sa kanyang kape..

“salamat mang naldo saglit lang at susuklian kita..” ang tugon ni aling sonia sabay nya dalidaling balik sa kanyang tindahan para kumuha ng sukli..

Habang kukuha sya ng sukli ay agad namang dumating para bumili ang estudyanteng si neo..

“aling sonia.. Milo nga po at isang order ng pansit..” ang turan ni neo habang kumakalikot ng cell phone nya at sabay nya tabi sa kinauupuan ni mang Ren ..

Napalingon si neo kay mang Ren na kasalukuyang humihigop ng kape..

“magandang umaga po mang Ren ..”.. Ang aga nyo po ngayun ah.. Ang nakangiting turan ni neo sa matanda..

“haha.. Ikaw talagang bata ka.. Palagi naman akong maaga ah.. Palagi ka kasing naka tingin sa cell phone mo kaya di mo ako napapansin..” ang nakatawang turan ni mang Ren kay neo..

“hahaha.. Ganun po ba?.. Sorry po.. Busy po kasi ako sa nobya ko eh”.. Ang pabulong ni neo kay mang Ren habang inilapit pa talaga ang kanyang bibig sa tinga ni mang Ren para I bulong ang kanyang sasabihin…

“oyy wag ka munang mag nobya neo.. Mas maganda na walang nobya at tapusin mo muna ang pag aaral..” ang turan ni mang Ren kay neo sabay pitik nito sa tainga ni neo na nakatawa…

“ehhh…sayo lang yan mang Ren kasi wala kang nobya.. Kaya inggit ka lang.. Hahaha”.. Ang pairap ngunit nakatawa na turan ni neo…

Si neo ay 19 yrs old na.. 3rd year college ito at kumukuha ng business administration , maputi at may ka gawapuhan.. Mabait at magalang halatang may kaya ang pamilya ngunit di mahahalata na may kaya sa buhay dahil di sosyal at pihikan makihalubilo sa kapwa.. regular na costumer din ni aling sonia..sa tuwing papasok ito sa skwela ay dumadaan ito kina aling sonia para bumili ng milo at pansit.. Ito palagi ang kinakain nya tuwing umaga habang uupo sa upuan na gustong gusto nya ding pwesto.. Malapit sa paboritong pwesto ni mang Ren ..

Kilala na ni neo si mang Ren at aling sonia.. Ganun din naman si neo ay malapit din kina mang Ren at aling sonia..

Di man nila kilala ang isat isa kung ano man ang kanilang pinanggalingan ngunit dahil sa araw araw nilang nakikita ang isat isa ay para na din silang mag kakaibigan at pamilya…

“neo.. Wala akung panukli sayo kulang pa ako ng 3 pesos..” ang sigaw ni aling sonia kay neo..

“mamaya ko nalang babalikan aling sonia..” ang tugon ni neo habang nakatutuk pa din ang mata sa cellphone at may binubutingting dito..

“sonia.. Yung sukli ko pala na tres pesos wag mo na ibigay sa akin.. Bigay ko nalang kay neo.. Ang sabi ni mang Ren na nakangiti na naka tingin kay neo..

” wag na po mang Ren .. “ang nahihiyang turan ni neo..

” nahihiya ka pa tigilan mo nga yang kaka cellphone mo at kakanobya mo na di ka pa nakatapos kasi balang araw p…