Dalawang Kati I

Kasagsagan ng pag-ulan. Kumakalampag ang bubong at dinig ang paghuni ng hangin. Sabi ng mga parents ko, baka gabihin sila sa pag-uwi dahil baha na ang daraanan. Mahirap na raw makahanap ng jeep pauwi. Baka lusungin nila ang baha kung kaya pa.

Papagabi na sa labas at sumindi na ang mga ilaw sa poste. Nasa kabilang bahay ang lola at tita ko. Nangapitbahay sila para makinood ng programa sa TV. Nakasusi kasi iyong TV rito sa bahay. Ito iyong lumang klase ng TV na de-susi pa at mukhang kabinet. Sinusian iyon ng mga parents ko bago umalis ng bahay kaninang umaga para walang makapanood ng TV at nang makatipid daw sa kuryente. Sobrang hirap yata ng buhay namin para pati panonood ng TV ay tinitipid din.

Tulog ang kapatid kong lalaki na nasa loob ng kuwarto at kami lang ni Ceris ang gising dito sa sala. Pinsan ko siyang babae at mas matanda ako sa kanya ng isang taon.

Halos lumaki kami nang sabay ni Ceris. Kung ikukumpara kaming dalawa, malayong-malayo ang aming hitsura. Kayumanggi ang balat niya, samantalang maputi naman ako. Bilugan ang kanyang mga mata at may pagkatsinita naman ako. Ang ilong niya ay mas maliit kaysa sa matangos kong ilong. Maikli rin ang buhok niya at mamula-mula samantalang kakulay ng gabi ang mahaba kong buhok. Nasa kolehiyo na ako samantalang siya ay huminto sa pag-aaral ilan taon na rin ang lumipas. Dito na tumira si Ceris sa amin, tumutulong sa gawaing bahay para abutan ng mga magulang ko kahit magkano lang at makatulong din sa kanya maski paano. Itinakwil kasi si Ceris ng stepfather niya, anak lang daw kasi siya sa ibang lalaki. Maagang namulat si Ceris sa gulo ng buhay at kailangan kaming pakisamahan para lang makaraos siya sa pang-araw araw.

Gumuhit ang liwanag ng kidlat kasunod ng pagdagundong ng kulog. Nagtaka ako kung bakit sinisiksik ako ni Ceris sa upuan. Nagbabasa kami ng komiks. May hawak akong ‘wakasan’ samantalang iyong komiks niya ay iyong mga ‘itutuloy’.

“Huwag mo nga akong isiksik, Ceris. Ang luwag ng puwesto mo, usog ka doon!” utos ko kay Ceris.

Muling kumulog nang malakas. Napansin kong hindi na nagbabasa ng komiks si Ceris. Pinapaypay na lang niya sa sarili ang hawak na komiks. Hindi naman mainit at malamig nga ang panahon dahil umuulan.

Hindi ko na lang pinansin si Ceris at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Mas masarap intindihin iyong binabasa ko kasi iyong magkasintahan sa komiks, naghahalikan na. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko.

“Ana, birhen ka pa ba? Ibibigay mo ba ang pagkabirhen mo sa akin?” Iyon ang nakasulat sa komiks na tanong ng kasintahang lalaki.

“Hindi maaari, Julio. Ibang lalaki ang ibig ng mga magulang ko para sa akin. Kahit pa ikaw ang mahal ko!”

“Ipaglalaban kita, Ana. Sa akin ka lang. Hindi ka mapupunta sa iba!”

Iyong sumunod na pahina ay pulos mga ‘ohhhh’ at ‘ahhhh’ na lang. At ang kamay ni Julio ay gumagapang na sa ilalim ng palda ni Ana na nakatingala at nakapikit. Ang husay ng pagkakaguhit ng larawan.

“Ang puso mo ay akin, pati na ang iyong katawan…” sabi pa ni Julio.

Noong mga oras na iyon ay nakadikit pa rin sa akin si Ceris. Hindi ko na siya itinutulak palayo. Sa halip ay pinabayaan ko na lang siya dahil sobra na akong nahuhumaling sa kuwentong binabasa ko.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at nakalitaw na sa komiks ang mga nakabukang hita ni Ana at ang kamay ni Julio ay nasa gitna na. Para akong biglang nanginit at pinagpawisan. Pakiramdam ko ay nababasa ang panty ko.

“Ate Yana, pahiram din ako niyang komiks mo,” biglang sabi ni Ceris.

“Hindi pa ‘ko tapos…” sabi ko sa kanya na bahagyang ikinubli ang komiks sa sarili ko. Gustong-gusto ko kasing magbasa ng mga ganoong tema. Para kasi akong kinikiliti sa kuwan ko.

Muling dumagundong ang malakas na pagkulog kasunod ang pagkawala ng kuryente.

“Ate, ang dilim…” parang takot na sabi ni Ceris.

“Siyempre, brown out, kaya madilim!” masungit kong sabi. Naiinis ako kasi hindi ko natuloy iyong binabasa ko. Nakakabitin.

Naghanap kami ng kandila at may natagpuan naman pero wala kaming makitang posporo para sindihan iyon.

“Magkakailaw rin siguro agad. Maghintay na lang tayo,” sabi ko kay Ceris saka ako bumalik sa puwesto ko kanina bago nawalan ng kuryente.

Tumabi na naman sa akin si Ceris. “Ate Yana, maglaro na lang tayo.”

“Ano naman ang lalaruin natin? Malaki na tayo para maglaro, noh!” natatawa kong sabi sa kanya. Nagdisiotso na rin itong si Ceris pero may pagka-isip bata pa rin talaga.

“Gawin mo sa akin, gagawin ko sa ‘yo!” masayang sabi niya.

Sandali akong napaisip. Kinurot ko ang pisngi niya. Kinurot din niya ako. Pinitik ko ang noo ni Ceris, pinitik din niya ang noo ko.

Para kaming mga sira sa ginagawa namin pero tawa na…