Dampi

1

Sa tulad kong estudyante na mapusok at buhay na buhay ang diwa sa kamunduhan, wala akong ibang hinahangad kundi ang magkaruon ng karanasan sa kalangitan ng sex!

Pero sa isang tulad kong estudyante na umaasa pa rin sa puder ng magulang, mahirap para sa akin ang magkaruon ng pera! At kung wala akong pera, paano ako magkaka-shota? At kung wala akong shota, paano ako magkakaruon ng sex experience?

Kaya ang isang tulad kong estudyante, laging humihiling at naghihintay lang ng libreng sex! Lakas maka-punyeta, diba?! Sa mundo kung saan puro maiilap ang mga babae, saan ka makakapulot ng libreng sex?

Yun siguro ang dahilan kung bakit may lottery, jueteng at raffles, kase may mga taong kinakapitan ng swerte! Tulad ng isang estudyanteng tulad ko.

Nang makilala ko siya, hindi ko lubos akalaing mararanasan ko na sa wakas ang libreng sex, unlimited pa!

*****

“Ano Pre, tuloy ba tayo sa bahay niyo mamaya?” tanong ko sa kaklase ko, pero hindi ko siya kumpare, ah.

“Oo. Nakakahiya naman sayo, baka sabihin mo naman, lagi na lang sa bahay niyo.”

Aba dapat lang! Isang buwan na siyang tumatambay sa bahay namin, pero ako, ngayon lang ako mapapadpad sa bahay nila.

“Dala mo ba yung project natin?” paniniyak ko after class.

“Oo naman. Yun pa ba makakalimutan ko?” nakangiti niyang sagot.

Sumakay na kami ng jeep papunta sa bahay nila. Bandang hapon na, at sa layo ng bahay nila inabot na kami ng takipsilim.

Grabe, ang ganda ng bahay nila, ang laki pa. Dalawang palapag na may balcony sa taas, na bumagay sa magandang pintura. Maganda rin ang bakod nila na yari sa bakal at konkreto. May doorbell din sila na siyang unang pinindot ng kasama ko.

Mga tatlong beses na doorbell nang bumukas ang gate. Pinagbuksan kami ng isang manang na nakasuot ng bulaklaking daster. Yung daster na pang-chimay. At sa nakita kong suot niyang kitchen gloves na masabon at mabula ay halatang naglalaba siya.

“Pasensya na, anak, naglalaba kasi ako.” sabi ni Manang.

Anak?!

“Ayos lang po, ‘Nay… Nga pala,” hinarap ako ng kaklase ko sa babae, “classmate ko po, si Justin.” pagpapakilala niya sa akin. “Pre, nanay ko.”

Nginitian ako ng nanay niya, “Kumusta ka, hijo? Hindi sinabi sa akin ng anak ko na may darating pala siyang bisita, hindi na tuloy ako nakapag-ayos.” paumanhin niya.

“Naku, ayos lang po. May project po kasi kaming gagawin, kaya ako naparito.” tugon ko, at saka ako nagmano, kaso…

“Sige, sige, at basa ang mga kamay ko. Hali kayo, pasok kayo.”

Sa tingin ko nasa kwarienta pataas na ang edad niya. Halata sa hitsura niya, pero pansin ko na maputi siya, maganda ang kutis. Siguro kung marunong lang itong mag-ayos, masasabi kong maganda pa rin siya kahit may edad na.

Kaso ang gulo ng buhok niya, parang ang mahal ng suklay at hindi niya afford bumili. Ang sagwa pa ng daster niya, mas lalo tuloy siyang nagmumukhang manang.

Pagpasok namin sa bahay dumiretso kaming pumanhik sa taas ng kaklase ko. Nagpaalam naman ang nanay niya na babalikan daw yung labahin.

Fully furnished ang bahay nila. Ang dami nilang gamit, may mga figurines at paintings pa akong nadaanan sa pasilyo nila.

“Pre, mayaman pala kayo, ang gara ng bahay niyo.” sabi ko sa katabi kong naglalakad.

May dalawa kaming pintong nadaanan bago namin narating ang kwarto niya. Yung unang pinto, master bedroom daw. Yung ikalawang pinto, guest room.

“Hindi naman. Sinwerte lang ang tatay ko sa abroad kaya sila nakapagpundar ng ganitong bahay.” saad sa akin ng kaklase ko.

“Oo nga pala, nasa abroad nga pala ang erfaths mo. Saang bansa nga kasi siya?” usisa ko.

“Sa Taiwan. Uuwi nga siya ngayong summer, eh.”

“Talaga, Pre? Huwag mong kalimutan yung chocolates ko, ha?”

Aba, tinawanan lang niya ako.

Pagdating namin sa room niya, syempre ano pa bang aasahan sa kwarto ng lalaki kundi magulo? Nagkalat yung mga gamit niya sa ibabaw ng kama.

May desktop siya na nakapwesto duon sa sulok sa tabi ng closet drawer niya. At ang PC’ng ito ang gagamitin namin sa paggawa ng project.

“Ano, Pre, kain muna kaya tayo?” tanong niya sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama at nagtatanggal ng sapatos.

“Mamaya na, maaga pa naman, eh. Saka, busog pa ako.” tutol ko. Excited na kasi talaga ako sa project namin.

Pagkatapos niyang magbihis, dinampot niya yung backpack niya at kinuha yung Flash Drive kung saan naka-save ang project namin.

Hinarap niya yung computer at binuhay. Nakaupo siya sa monobloc chair, ako naman nakatayo sa likod niya habang pareho naming hinihintay ang pag-boot ng PC.

“Ba, ganda ng wallpaper mo, Pre.”

Hindi niya ako sinagot. Abala kasi siya sa pagsuksok nung flash drive dun sa USB slot sa baba ng PC niya. Halatang excited din.

“Ano’ng gusto mo, Pre?” tanong niya sa akin nang mag-flash na sa screen yung USB contents, “Naughty America, Tushy, Bangros o Blacked?’

Ito talaga ang project namin na matagal na naming ginagawa, at duon sa bahay namin kami madalas manood. Pero ngayon, dito naman kami sa bahay nila.

“Wala bang Fake Taxi?” tanong ko.

“Wala eh. Pero, puro mga bago daw ‘to sabi nung taga computer shop.”

Fake Taxi sana ang gusto ko, favorite ko kasi ‘yon, pero dahil wala, kaya yung Naughty America na lang ang pina-play ko.

Umupo ako sa gilid ng kama nang magsimula na ang palabas. Malapit naman sa PC kaya natatanaw ko pa rin, kesa naman nakatayo ako. Halata kasi kapag tumigas na ang etits ko, siguradong bubukol sa zi…