Davao

Binisita ko ang kaibigan kong me sakit na lung cancer sa ospital, nginitian ko ito nung nakita niya akong nakatayo sa me pintuan ng kwarto niya. Sininyasan niya akong pumasok at tinuro ang upoan malapit sa kama niya. Tinanggal ang oxygen mask niya at tinanong ako kung kumusta na ako “ok lang ako, ikaw? ano na update sayo?” tanong ko sa kanya “haa hehehe heto malapit ng kunin.. ni lord” mahinang sagot nito. Natawa nalang ako sa sagot niya na kahit nahihirapan ito sa pagsalita nakuha paring magbiro.

College buddy ko si Jake, magkasangga kami sa lahat ng bagay lalo na sa lakaran at sa kung ano-anong kalokohan. Di maikaila na inevitable ang sakit na naramdaman niya ngayon dahil sa sobrang sugapa ito sa yosi, halos dalawang pakete ang nauubos nito sa isang araw. “pare… me… problema ba?” tanong nito sa akin na pansin niya siguro na medjo tulala ako. “wala pare ok lang ako” sabay ngiti ko sa kanya “ki..kilala kita Dirk” sabi nito “alam… ko… kung..me problema ka (sabay suot ng oxygen mask nito at huminga at tinanggal uli) sige na… sabihin mo sa akin” sabay suot uli ng oxygen mask niya.

Tumingin lang ako sa kanya at natawa “kilala mo talaga ako pare” sabi ko sa kanya sabay turo nito sa akin at kita kong ngumiti ito. “sige na nga” sabi ko sa kanya sabay hila sa upoan ko papalapit sa kama niya. “Naalala mo ba yung byahe ko noong nakaraang buwan pare?” tanong ko sa kanya na tumango lang ito “sa totoo lang Jake, me nakilala akong babae at…” napatigil ako dahil nakita kong tumaas ang isang kilay niya. “… me nangyari sa amin” tuloy ko na napatawa naman ito habang suot ang oxygen mask niya. “Kwento mo nalang pare makikinig ako” sabi nito kaya kinwento ko sa kanya ang nangyari.

Alas onse ng umaga nung lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa Davao International Airport, pinadala kasi ako ng management namin para umattend sa isang meeting na gaganapin sa dito. Matapos kunin ang bagahe ko sumakay ako ng taxi at hinatid ako sa hotel kung saan gaganapin ang meeting ng mga bagong clients namin. Tinawagan ko ang misis ko para ipaalam sa kanya na safe ang byahe ko at nasa hotel na ako. “sige ling ingat ka dyan ha?” sabi ng misis ko bago ito binaba ang phone.

Inayos ko na ang gamit ko at nilabas ko yung laptop ko at mga dokyomento para ipepresent ko mamaya sa clients namin, tumingin ako sa oras at nakita kong mag-aala una na. Naisip ko me oras pa ako kasi alas sais yung meeting namin kaya bumaba ako at nagtanong sa receptionist kung saan ang pinakamalapit na mall. “SM city is closer sir, walking distance lang po dito sa hotel” sabi sa akin nung receptionist “thank you so much” sagot ko at paalis na sana ako ng me babaeng lumapit sa reception. “Hi, good afternoon ma’am how may I help you?” dinig kong sabi nung receptionist.

“Hi, my name is Isabel I made a reservation here online” sabi nung babae sabay tingin nito sa akin at ngitian ako kaya nginitian ko din siya “yes ma’am we have your room ready and I will have the bellboy carry your bag for you and usher you to your room” “thank you” sagot niya sabay tingin uli sa akin bago ito umalis at sinundan ang bellboy sa elevator. Tiningnan ko siya hanggang sa sumakay ito sa elevator at di ko napansin na nakatingin pala sa akin ang receptionist, napahiya akong umalis at kita kong natawa nalang ito sa akin.

Nasa SM city na ako at naghanap ng souvenir shop para bumili ng pasalubong sa dalawang anak ko at para narin kay misis, dalawang araw lang kasi ako dito sa Davao kaya sinulit ko na ang free time ko. Kumain ako sa jollibee at pumasyal sa iba’t-ibang boutique at outlet stores. Nung nasa huling outlet store na ako para tumingin para pangregalo ko kay misis nagulat nalang ako dahil andun din tumitingin ang magandang babae na nakita ko kanina sa reception area ng hotel. Parang nagulat din ito nung makita ako at nagkahiyaan pa kami nung magkasalubong kami.

“Hi” bati ko “hello” “ako nga pala si Dirk” sabay abot ng kamay ko “Isabel” at inabot ang kamay ko at nagkamayan kami “dami mo atang pinamili?” nakita kasi niyang marami akong bitbit na bag “ah hehehe oo para sa pamilya ko” sagot ko “ikaw?” “anong ako?” tanong niya “i mean ikaw, namimili ka din ba?” tanong ko sa kanya “ah oo para sa mama at sa kapatid ko” “gusto mo bang mag kape?” tanong ko sa kanya at tumingin ito sa oras “sure” “me lakad ka ba?” tanong ko sa kanya “oo, mamayang alas otso me aatenan akong meeting” sabi niya.

Sa isang coffeeshop kami pumunta na nasa loob lang ng SM city at nagkwentohan kami tungkol sa trabaho namin at sa mga bagay-bagay. Ngayon ko lang napansin na me dimple pala si Isabel sa kaliwang pisngi, straight ang ipin niya at ang kintab ng buhok niya na halatang lahi ito ng mayayamang angkan. Maganda talaga si Isabel, napapansin ko sa mga lalakeng dumadaan na napatingin ito sa kanya at yung iba pansin kong nginitian siya na pilit kinuha ang atensyon niya.

Mga Pahina: 1 2 3 4