Davao

Nagpaalam na ito matapos maubos ang kape niya “sige, sorry me lalakarin pa kasi ako” sabi nito sa akin “ok lang mukhang naabala na kita” sabi ko “no, no its ok. kailangan ko din kasing magpahinga hehehe” natawang sabi nito “ah mabuti naman”. Binigyan ko siya ng calling card ko just incase na gusto niyang mag venture sa business namin at binigyan din niya ako ng calling card niya. “sige Dirk thanks for the coffee” “no problem Isabel, til we meet again” sabi ko na napatawa lang ito “oo, magkikita talaga tayo kasi iisang hotel lang tinutuloyan natin” natawa narin ako.

Bumalik na ako sa hotel dahil mag-aalas kwatro na noon at kailangan ko pang maghanda para sa meeting ko mamaya sa mga investors namin. Matapos maligo at ayosin ang gamit bumaba na ako at pumunta sa restaurant ng hotel kung saan kami magkikita. Sinalubong ako ng waiter at binati ako “good afternoon sir” “hi, good afternoon” “how many party sir?” “ah Shelby Industry meeting, andito na ba sila?” narinig siguro ako nung receptionist ng restaurant dahil lumapit ito sa amin. “Shelby Industry meeting sir?” tanong niya sa akin “yes” “sorry sir na move po yung meeting niyo around eight at sa ibang venue na po”

Binigyan niya ako ng envelope at nung binuksan ko, nabasa ko ang pangalan ng restaurant at address nito “na move pala?” sabi ko sa sarili ko “thank you for the info” sabi ko sa kanila at bumalik nalang ako sa taas at tumawag sa office namin sa manila. “Hello, yes si Dirk ito” “sir, buti napatawag kayo kanina pa kita tinatawagan sa cell niyo po” sabi nung secretary ko “na move pala ang meeting?” “oo, kasi me unexpected changes daw sabi ni sir Bob” “andyan ba siya?” “wala na sir nakauwi na pero sabi niya me bagong investor na sasali sa meeting” “ganun ba?” “oo, naisend ko na po sa e-mail niyo yung additional changes” sabi nito sa akin.

Inopen ko ang laptop ko at nag log-in, matapos basahin ang additional changes sa investment contract, dinownload ko kaagad ito sa disk at bumalik sa SM city para iprint ang kontrata. Pumasyal muna ako dahil me isang oras pa akong papatayin bago ang meeting at nung napadaan ako sa coffee shop kung saan kami nagkape ni Isabel napangiti nalang ako. “Sana magkita uli kami para makita ko uli yung napakagandang dimples niya” sabi ko sa sarili ko. Tumingin-tingin ako ng mga damit at mga sapatos ng mapansin kong thirty minutes nalang bago mag-alas otso kaya nagmadali akong lumabas at pumara ng taxi.

Pagdating ko sa restaurant nakita kong andun na ang mga investors at pinakilala ko ang sarili ko bilang representative ng Shelby Industry at isa-isa ko silang kinamayan. “Good evening Mr Rodriguez but we have to apologize for the delay” sabi ng investor sa akin “its ok Mr Enriquez there is no problem, sir, I’ve heard that there is another party going to join us?” tanong ko sa kanya “ah yes, business partner namin na gustong ma sure na ok yung bagong business venture na papasokan namin” sabi nito sa akin. “Ah good heto na pala sila” nagulat ako sa nakita ko.

“Glad to see you again Isabel” bati ni Mr Enriquez sa kanya “nice to see you again, Ronnie” at nagbeso ito sa kanya “hi Dirk” bati niya sa akin “oh, you two know each other?” tanong ni Mr Enriquez “ah yes, we check in at the same hotel” sabi ni Isabel sa kanya “yes at nagkape narin kami kaninang hapon” sabi ko “that’s good, at least magkakilala na kayo di ko na kayo dapat pang iintroduce sa isa’t-isa” nakangiting sabi ni Mr. Enriquez sa amin “let’s have a seat and get this deal over with” dagdag nito. Naupo na kami at sinimulan ko na ang presentation ko sa kanila at binigyan ko sila ng copy ng kontrata at portfolio ng company namin.

Matapos ang presentation at signing ng contract nag dinner na kami, kakatuwa dahil ngayon nakita kong naka dress si Isabel na litaw-na-litaw ang kurba ng katawan niya. Napakaganda ng legs nito at yung pagkaayos ng buhok niya na lalong lumitaw ang kagandahan niya, napansin siguro ni Mr. Enriquez na nakatingin ako kay Isabel kaya nagsalita ito “ah Dirk, me asawa ka na ba?” na napatingin ako sa kanya at pansin kong nakatingin din sa akin si Isabel “ah o-oo meron na po Mr Enriquez” “ilan na ba ang anak mo?” “dalawa na po, sir” sagot ko sa kanya “ako me apat at puro lalake” kwento nito sa amin.

“Ikaw Isabel? ilan na ang anak mo?” tanong ko sa kanya “ha? wala pa” sagot nito “hahaha busy kasi pareho yan sa business kaya di pa sila makabuo ni Mark” sabat ni Mr Enriquez. Pansin kong medjo nahihiya si Isabel kaya sinalo ko nalang ang usapan “ok lang yan kita mo ako di nagmamadaling masundan ang mga anak namin ni misis” “tama yan, dapat pagplanohan ng mabuti ang susunod ng hakbang” sabi ni Mr Enriquez sabay tingin nito sa relo niya “malapit na pala mag-alas dyes at me lalakarin pa ako” sabay pahid nito sa bibig niya at tumayo ito.

“Magpapaalam na ako sa inyong dalawa and don’t worry about the bill its already taken care off” sabi nito sa amin. Sabay din kaming tumayo ni Isabel at nakipagkamayan kami sa kanya “goodnight Ronnie, regards mo nalang ako kay Monet” “sige sir goodnight po” sabi ko sa kanya at umalis na ito at naiwan kaming dalawa ni Isabel sa table namin. “well, the night is young” sabi ko sa kanya na ngumiti lang ito at sabing “yeah, want to go somewhere else?” “sure” sabi ko at umalis narin kami.

Mga Pahina: 1 2 3 4