Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 2)

Di maintindihan ni Armando kung bakit sya napapayag na magpapasok ng isang estranghero sa kanyang sasakyan. Basta ang nasa isip lang nya ay naaawa sya sa binabaeng pulubi na kanyang kasama ngayon.

Nagtataka man ngunit totoo ang sinabi ng pulubi sa kanya. Marumi ang damit nito, butas butas, ngunit hindi naman masama ang amoy. Kung pipikit ka iisipin mong di marungis ang taong katabi ni Armando sa sasakyan.

Ipinagsawalang bahala nalang ito ni Armando at pinagmasdan ang binabaeng pulubi.

Kung ieestima, mga nasa edad 20 na ang binabae. Medyo mahaba na rin ang buhok nitong lagpas ba sa balikat. Matangos ang ilong nito at makapal ang mga labi. Mapungay din ang mga mata nito.

Ngunit ang ikinabigla ni Armando ay ng makita nya ang dila ng pulubi habang kumakain. Napakahaba nito! Parang hindi normal para sa isang tao ang may ganitong dila. Pero pinagwalang bahala muli ito ni Armando. Inisip nya na baka may mga tao talaga na may ganong katangian.

Habang nagmamasid sya sa kumakain na binabae ay bigla na lamang itong nagsalita.

“Nako kuya maraming salamat talaga ha! Kanina pa po ako nagugutom. Walang nagbibigay sa akin ng pagkain. Pinandidirihan nila ako. Iniiwasan. Ikaw lang po ang natatanging pumansin sa akin at tumulong.” Wika ng binabae

“Ah eh walang anuman. Gawain at hilig ko talaga ang pagtulong sa kapwa. Nakakahiya nga at iyang chichirya lang ang meron ako na maibibigay sayo di ka naman gaanong mabubusog dyan.” Paliwanag ni Armando.

“Okay na okay na po ito sa akin. Nakakabusog na rin po ito. Kung okay lang po matanong ko lang ano nga po palang pangalan mo? Ako po pala si Egay!” Nakangiti nitong sambit at inabot ang kamay kay Armando.

Kahit na medyo marumi ang kamay ni Egay ay parang nahihiya naman si Armando kung hindi nya tatanggapin ang pakikipagkamay nito.

“Nice to meet you, Egay. Ah ehh…. Ar..Armando ang pangalan ko.” Nakangiti ngunit naiilang na sagot ni Armando.

“Wow pang fafa talaga ang pangalan mo kuya! Bagay na bagay sa gwapo mong mukha at malaking katawan! Ughhh!” Malanding sambit ni Egay.

Medyo naasiwa man ay binalewala na lamang ni Armando ang pinagsasabi nitong si Egay. Sanay naman na din syang pinupuri dahil sa kanyang angking kagwapuhan at kakisigan. Alaga rin kasi ng gym itong si Armando. Dati rin syang varsity ng basketball sa university kung saan sya grumaduate.

Kung itatanong sa mga kakilala, kahawig ni Armando ang sikat na aktor na si Henry Cavill. Halos parehas din ng bulto ng katawan. May pagkasingkit nga lang ng kaunti itong si Armando.

Kaya naman di na rin sya nagulat sa paghanga sa kanya ni Egay. Ngunit dahil sa pagiging konserbatibo nya ay medyo naasiwa lamang sya sa kung gaano nito kalandi sinabi ang papuri nito sa kanya. Para bang hinuhubaran sya nito sa bawat salita.

Napatingin si Armando sa kanyang relo at tinignan ang oras.

“Aba’y bakit parang ang bagal ng oras? Kanina pa to kumakain dito parang ang bagal din maubos ng pagkain nya? Kanina 6:00pm na nung pumasok sya….. Tapos ngayon 6:02pm palang? Pano nangyari to?” Sabi nya sa kanyang isip.

“Ah Egay, hindi pa ba ubos yang pagkain mo? Anong oras na kasi baka hinahanap na ako ng asawa ko.” Naiilang na tanong ni Armando.

“Ha? Kakapasok ko palang kuya. Di ba nag check pa po kayo sa relo nyo? 6:00pm po ako pumasok dito, anong oras na po ba?” Tanong ni Egay.

“Ah eh uhmmm.. may sira kasi yata itong relo ko, 6:02pm pa rin kasi eh parang nasa sampung minuto ka na andito” paliwanag ni Armando.

“Eh kuya 2 minutes palang pala eh sabi mo 15 minutes ako dito?” Nagpapaawang tanong ni Egay.

“Sira nga kasi siguro itong relo ko eh. Saka pwede mo naman na kainin yang chichirya sa labas. Kunin mo na rin itong inumin ko.” Wika ni Armando.

“Ang daya naman kuya. Ah basta sabi mo 15 minutes eh. Di ako aalis dito. Di ba sabi ko sayo susulitin ko to?” Determinadong sagot ni Egay.

Di makapaniwala si Armando sa kanyang naririnig. Ang kaninang nakakaawang pulubi na kausap nya ay bigla na lamang naging agresibo at demanding.

“Teka aba sumusobra ka na ha. Pinagbigyan lang kita sandali. Ako na nga tong tumulong sa iyo ako pa tong gaganyanin mo?” Medyo may kataasang tanong ni Armando.

“Eh sabi mo 15 minutes! Kung talagang sincere ka sa sinabi mo gawin mo. Alam ko pulubi ako pero hindi mo dapat ako pinapaasa sa pangako. Hindi ako aalis dito hanggat hindi nagiging 6:15pm yang nasa relo mo.” Palaban na sagot ni Egay.

Natulala si Armando sa sinabi ni Egay. Kung kanina ay may liwanag pa sa labas. Ngayon ay wala na. Madilim na. Pero ang oras sa relo nya ay napakabagal ng usad. Para bang katumbas ng 1 minuto ay 10 minuto.
Nakaisip syang icheck din ang oras sa kanyang cellphone ngunit kagaya sa relo ay parehas din ang oras na lumalabas dito.

“Aba matigas ang ulo mo ha! Bumaba ka na ngayon na!” Singhal ni Armando.

“Ayoko! Wala pang 15 minutes! Matuto kang tumupad sa usapan fafa! Hmpp!” Giit ni Egay.

“Di ba sabi mo kayang kaya kita balibagin at saktan? Ayokong gawin yun kaya ngayon huling beses ko na to sasabihin. Bumaba ka na! Abusado ka ha!” Sigaw ni Armando.

Nagtataka sya kung bakit tila hindi natatakot itong si Egay sa kanya. Parang confident pa nga ito na alam nyang hindi sya kayang saktan ni Armando. Patuloy lamang itong kumakain ng chichiryang binigay nya na hanggang ngayon ay di maubos ubos.

“Alam kong di mo k…