Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 4)

Maagang nagising si Armando sa amoy ng pagkain na umaalingasaw sa kanilang bahay. Pag mulat ng mga mata nya ay agad nyang napansin na wala na sa kanyang tabi ang kanyang misis. Marahil nagluluto na ito ng umagahan nilang pamilya.

Bigla na lamang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya kagabi. Nakadama sya ng pandidiri ng maalala nya ang ginawa ng binabaeng pulubi sa kanya. Di nya lubos maisip na aabot sa puntong maiisahan sya ng isang nagnanasa sa kanya.

___________________________________

Noon pa man ay habulin na ng mga malalanding babae at binabae si Armando. Simula high school hanggang college ay hindi sya tinantanan ng mga ito. Paano ba naman, hindi lang sya basta gwapo at matipuno ang katawan. Siya rin ang pinakasikat sa varsity team nila at kahit pa athlete ito ay nakakaya nya itong ipagsabay sa kanyang pag aaral.

Sa katunayan sya rin ay Valedictorian nung high school at Magna Cum Laude noong grumaduate naman sya ng kolehiyo. Dito rin nya nakilala ang kanyang kaklase na si Celine at ngayon ay misis na nya.

Sobrang ganda ni Celine. Marami ding nanliligaw dito gayunpaman ay naka focus din ito sa pag aaral kaya’t puro basted ang mga sumusuyo rito.

Pero iba ang naging kaso nung ang manligaw sa kanya ay si Armando. Hindi kinaya ng prinsipyo ni Celine ang angking kagwapuhan at karisma ni Armando. Sa madaling salita, laglag panty ang ate nyo.

Dalawang buwan rin syang niligawan ni Armando at sinagot nya rin ito. Pagkatapos ng pag aaral nila ay namuhay lamang sila bilang mag boyfriend at girlfriend. Alam nila ang priorities nila sa buhay. May trabaho si Celine, ganoon din si Armando.

Hanggang umabot na nga sa oras na naisipan na nilang magpakasal at bumuo ng pamilya.

Tatlongput limang taon gulang na si Celine at tatlongput anim na gulang naman si Armando nung sila ay nagkaanak na.

Ngayon ay walong taong gulang na ang kanilang anak na si Adrian. Grade school na ito at kasalukuyang nag aaral sa isang pribadong paaralan.

Naging maganda ang daloy ng kanilang buhay. May maliit na negosyong natayo ang mag asawa at si Celine ang paminsan minsang nagchecheck nito. Naghire rin sila ng empleyadong tagapangasiwa dahil ayaw ni Celine na mawalan ng oras sa anak dahil sa negosyo. Gusto nya tutukan ang pag laki ni Adrian.

Bukod sa kanilang maliit na negosyo ay maganda rin ang takbo ng karera ni Armando sa kanyang trabaho. Lagi syang nakaka close ng deals kung kaya’t malaki at maraming commissions ang kanyang kinikita.

Sa loob ng walong taong pagpapalaki kay Adrian ay wala silang naging problema na pinansyal. Oras lamang ang naging kalaban ni Armando sapagkat masyado syang naging in demand sa kanyang trabaho. Gusto man maglaan ng maraming oras para sa pamilya ay nasasayangan naman sya sa mga dumadating na oportunidad sa kanya. Kung kaya’t minabuti nya na lamang piliin ang trabaho dahil alam nyang para rin ito sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

_________________________________

Nagulat man at naguguluhan sa mga pangyayari ay napagdesisyunan na lamang ni Armando na itago ito sa kanyang asawa. Wala naman ng rason para ikwento nya pa ito sapagkat nakatakas naman na sya sa binabaeng pulubi na nakasama nya kagabi. Tingin nya ay mabuti na ang sitwasyon at hindi naman din sya nasundan pa ni Egay.

Kung ano man ang nangyari kagabi ay ibabaon na lamang nya ito sa limot.

Bumangon si Armando at nagsuot ng tsinelas pambahay. Agad syang lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.

Habang pababa ay amoy na amoy nya ang aroma ng kape at tinustang tocino na niluto ng kanyang asawa. Ang swerte nya talaga rito. Sobrang maalaga nito hindi lang sa kama, kundi pati na rin sa kusina. Wala na syang iba pang hahanapin. Nasa asawa nya na lahat.

“Oh love! Gising ka na pala! Good morning! Tara umupo ka na at kakain na tayo kanina ka pa namin hinihintay ni Adrian. Di muna kita ginising kasi alam ko late ka na nakauwi at nakatulog.” Masayang bati ni Celine.

“Good morning din love! Wow ang sarap naman ng umaga ko. Pakiss nga ko sa napaka ganda at maalaga kong misis!” Sabay halik kay Celine.

“Daddy pano ako? Di mo na nga ako nabilhan ng buko pie, di mo pa ako pinansin.” Nagtatampong sambit ni Adrian.

“Aba syempre di ko makakalimutan ang baby ko! Pakiss nga anak namiss ka talaga ni daddy eh!” Sabay halik at yakap din nito sa anak.

“I love you daddy! Tara kain na po tayo!” Magiliw na wika ni Adrian.

“Aba oo kanina pa ko gutom no! Mamaya lalabas tayo ha ipapasyal ko kayo ni mommy mo. Okay na yun sayo?” Excited na sagot ni Armando sa anak nito.

“Yehey!! Family time ulit! Excited na ko daddy! Gusto ko rin po itry sumakay ng rides sa amusement park!” Malakas na sigaw nito sa ama.

“Osige na kumain na at ng maaga tayo makaalis anak. Magsisimba muna tayo bago pumuntang amusement park ha! Dapat mag pasalamat muna tayo kay God at magdasal. Okay?” Masayang tanong nito sa anak.

Tumango lang si Adrian senyales ng pag sang ayon. Punong puno ang bibig nito ng pagkain. Sarap na sarap sya sa umagahan nila.

Tila tuwang tuwa namang pinagmamasdan ng mag asawa ang kanilang anak. Mas masaya sila sa tuwing nakikitang masaya rin ito at nakangiti.

____________________________________

Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay agad ng nagprepara ang mag anak para sa kanilang family date.

“Love una na ako lumabas ha! Ireready ko lang yung kotse!” Sigaw ni Armando.

“Sige love! Sunod nalang kami ni Adrian. Nag mamake up pa kasi ako eh!” Sagot ni Celine.

Agad na lumabas si Armando at dumiretso sa naka parkeng sasakyan. Paglapit nya sa sasakyan ay agad sumulpot ang taong grasa na tingin nya at nagligtas sa kanya noong gabi.

“Woahhh! Paumanhin sino po sila? Ano pong maitutulong ko sa inyo?” Gulat na sambit ni Armando.

Sigurado syang ito ang taong grasa na nagpakita sa kanya at nagligtas ngunit umarte syang hindi nya ito naaalala.

Biglang nagsalita ang taong grasa.

“Wag ka na mag panggap. Alam kong naaalala mo ako iho.” Sagot ng taong grasa.

Dito ay napag alaman ni Armando na isa itong matandang lalake. Mahaba ang balbas nito. Puti na rin ang mga buhok. Ang kakaiba lang rito ay ang tenga nito na mahaba at matulis ang dulo, at ang mata nito na kulay asul.

“Ah eh hindi ko po alam kung paano ako magsisimula. Pero ah eh… Tama po ba na ikaw yung nagpakita sa akin kahapon ng tanghali dito sa labas ng bahay?” Tanong ni Armando.

“Oo ako nga.” Matipid na sambit ng matanda.

“Ah matanong ko lang po kung bakit po nanlilisik ang mata nyo noon sa akin at nakangisi pa po kayo ng konti?” Wala sa isip na tanong ni Armando sa matanda.

“Walang ibig sabihin iyon. Tirik lang ang araw kaya nasisilaw ang mata ko. Hindi rin ako nakangisi. Kumakain kasi ako ng buto ng sampalok non may nagbigay sa akin sobrang asim kasi.” Walang emosyon na sagot ng matanda.

“Ah hahahaha hehe pasensya na po akala ko kasi may masama po kayong balak sa akin.” Napakamot sa ulong sabi ni Armando.

“Ako walang masamang balak sayo. Pero ang demonyong si Etricio mayroon. Oo yung nagpakilala sayong si Egay, ang totoong pangalan nya ay Etricio. Isa sya sa mga bihag ko na diablo. Nakawala sya at tumawid dito sa mundo ng mga tao.” Paliwanag ng matanda.

Tila naguluhan ng husto at di makapaniwala si Armando sa kanyang mga naririnig. Para sa kanya ay masyadong mahiwaga ang pinagsasasabi ng matanda. Ngunit sa kabilang banda ay alam nyang may katotohanan ang sinasabi nito sapagkat sya mismo ang nakaranas ng kasamaan ni Etricio kagabi lamang.

“Ahhhhh… Hmmm… Seryoso po demonyo si Egay? Hindi lang po ako makapaniwala na nag eexist pala ang mga ganong nilalang dito sa mundo. Pero bakit nyo po nasabing may masama syang balak sa akin? At tama po ba ako ng hinala na kayo ang nagligtas sa akin kagabi?” Sunod sunod na tanong ni Armando.

“Alam kong mahirap paniwalaan pero ikaw na rin ang nakaranas kagabi lamang. Ang pagkontrol ng bilis ng oras ay isa sa mga kapangyarihan ni Etricio o Egay. Hindi ba’t ginamit nya sa iyo yun?” Tanong ng matanda.

Tumango naman si Armando.

“Isa pa sa mga kakayanan nya ay ang kumontrol ng katawan ng isang tao. Ngunit magagawa lamang nya ito kapag natikman nya ang kahit na anong likido na nagmumula sa katawan ng kanyang biktima. Naaalala mo bang pinainom mo sya sa bote kung saan ka uminom na?” Tanong ng matanda.

“Ah opo naaalala ko nga po…