“Tsk tsk. Punuan love yung parking. Baba na muna kayo ni Adrian. Mauna na kayo sa loob at hahanap muna ako ng mapaparkingan.” Wika ni Armando.
“Oo nga love mabuti pa nga. Tara na anak baba muna tayo magpapark lang muna si Daddy.” Paanyaya ni Celine sa anak.
Pagkababa ng mag ina ay agad ng pinaandar ni Armando ang kanyang sasakyan at dahan dahang nilakbay ang kalsada papunta sa plaza.
Paikot ikot ang ulo nya. Sa sobrang dami ng pumunta ngayon sa simbahan ay pati ang plaza ay puno na ng sasakyan.
Sa di kalayuan ay may binatilyong naka sumbrero ang tumawag sa kanya at tila sinasabing doon sya mag park ng kotse sa nireserba nitong espasyo. Para hindi na matagalan at mahirapan ay minabuti na lamang nito na puntahan ang binatilyo.
Agad na inihinto ni Armando ang kotse at pinatay na ang makina nito matapos makapag park. Chineck nya kung may gamit ba syang dapat dalhin. Nang masigurong maayos na ang lahat ay dumakot na lamang sya ng barya sa kanyang lagayan upang ibigay sa binatilyo.
“Boy oh! Tanggapin mo ito. Maraming salamat buti andyan ka ang hirap mag park eh. Salamat ulit ha.” Sambit ni Armando at nagsimula ng lumakad papuntang simbahan.
“Walang anuman boss! Teka iiwan nyo na lang po ba ang kasama nyo sa loob?” Pagtataka ng binatilyo.
“Ha? Wala akong ibang kasama. Nasa loob na ng simbahan ang mag ina ko. Anong sinasabi mo dyan?” Gulat na tanong ni Armando.
“Ah eh kanina po kasi nung nasa malayo po kayo may katabi po kayong maputing lalake. Medyo mapayat at mapungay ang mata. Ah eh sige ho baka namamalikmata lamang ako.” Pagmamadaling sagot ng binatilyo.
Agad namang kinabahan si Armando. Alam nyang hindi nagkakamali ang binatilyo sa nakita nito. Malakas ang kutob nyang si Egay ang nakita nito. Pero bakit hindi nya naman ito nakita? Bakit hindi ito nagparamdam sa kanya? Bakit tila nakasunod lamang ito sa kanya ngunit hindi sya nito ginugulo? Mga tanong na umuusbong sa isipan ni Armando.
Gaya nga ng sabi ng matandang anghel ay hindi sya nito kayang saktan. Inisip na lamang nya na hindi sya dapat mabahala kung ganon man ang sitwasyon. Ang kailangan lang nyang gawin ay iwasan ito at huwag magpapabiktima sa mga panlilinlang nito.
Naglakad na si Armando patungo sa simbahan at pumasok. Hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang mag ina. Sa di kalayuan ay nakita nya ang kanyang napakagandang misis na kumakaway sa kanyang direksyon. Agad syang lumapit dito at umupo sa tabi nito.
Natapos ang misa at agad na tumayo ang mag anak. Masaya silang nagyakapan at humalik sa isa’t isa. Agad namang nagyaya si Adrian na dumiretso na sila sa amusement park na kanina pa nito bukambibig sa kanilang bahay.
“Daddy! Mommy! Tara na po gusto ko na sumakay ng rides!!!” Excited na paanyaya ni Adrian sa kanyang mga magulang.
“Aba aba! Masyadong excited ang baby namin ha! Sige tara na ng makarami ng rides!” Masayang tugon ni Armando sa anak.
___________________________________
Agad na tumungo ang pamilya ni Armando sa isang sikat na amusement park malapit sa bayan. Tuwang tuwa ang kanyang anak habang sila ay bumibili ng tickets para sa rides na kanilang susubukan.
Mga hindi humigit tatlong oras din ang nilagi nila Armando sa loob ng amusement park hanggang tuluyan na ngang napagod ang anak nitong si Adrian.
“Daddy!! Naiihi po ako samahan mo po ako mag cr!! Pleasssseee!” Nagmamadaling salita ni Adrian sa ama.
“Okay sige tara hanapin natin yung cr. Love ikaw ba baka gagamit ka rin ng cr? O dito ka na muna?” Tanong nito sa asawa.
“Oo love dito na muna ako. Hintayin ko nalang kayo kausap ko lang sa chat itong empleyado natin sa negosyo. Nagkaproblema daw sa isang supplier. Ayusin ko na muna. Tatawagan ko muna sya para turuan pano gagawin nya.” Medyo iritableng sagot ni Celine kay Armando.
Sanay na sya dito kay Celine. Pinaka ayaw nito ay kapag oras na para sa pamilya ay may biglaan na lang na kailangan ayusin sa negosyo.
Tumungo si Armando at Adrian sa cr na malapit kung saan sila nanggaling ngunit sarado ito at may karatulang nakalagay na under maintenance. Nakita ni Armando ang isang malayong signage ng cr at doon sila pumunta ng kanyang anak.
Mukhang lumang cr ang mayroon dito. Hindi pa siguro ito kasama sa mga inaayos na cr. Medyo sira sira din ang pintuan nito at basag ang salamin sa may bandang lababo.
Di na nagpatumpik tumpik pa si Adrian at agad na lamang itong pumasok sa loob at umihi. Rinig na rinig ni Armando ang lakas ng pag ihi nito. Nang matapos ay agad na lumabas si Adrian sa cubicle ng cr. Sa di inaasahang pangyayari ay nadulas ito sa putik na kanyang natapakan at agad na bumagsak sa sahig ang katawan nito.
“Ahhhh!! Daddy huhu! Ang sakit!” Umiiyak na sigaw ng bata.
Agad namang pumasok ng palikuran si Armando at nakitang nakahandusay sa sahig ang anak nito.
“Oh! Anak! Anong nangyari?!” Pag aalala nito.
“Nadulas ako Daddy huhu. Tapos masakit itong kamay ko.” Pinakita ni Adrian sa ama ang kamay nito na may dugo.
Tinulungan muna ni Armando na makatayo ang anak at saka tinignan ang sugat nito. Pagkita nya ay mukhang natusok ito ng maliit na tangkay ng halaman na nakakalat sa sahig ng palikuran.
“Nakuuuu po ayan na nga ang sinasabi ko hin…