Paulit ulit na umaalulong sa kanyang isipan ang sinabi ng matandang anghel, ang tungkol sa proteksyon ng langit sa kanilang bahay at maaari lamang itong mapawalang bisa kung kusang papapasukin ang demonyo sa kanilang tahanan.
Di akalain ni Armando na hahantong ang ganitong pagkakataon. Masyado niyang minaliit ang kakayanan ni Egay.
Masyado siyang nagpakampante sa hindi pang gugulo nito. May pagsisisi din siyang naramdaman sapagkat sinarili lamang nya ang problema at hindi sinabi sa asawa, tuloy ay hindi ito nag ingat at ngayon ito’y walang alam na nakikihalubilo sa demonyong hatid ng impyerno.
Nandito na. Nasa harap na ni Armando. Wala na syang kawala. Ngayon ay walang syang ideya kung paano nya ito maiiwasan at malalampasan.
Hindi namalayan ni Armando na matagal na pala syang nakatulala sa kawalan. Sa dami ng kanyang iniisip ay hindi nya napansin ang pakikipag kamay ni Egay sa kanya.
“Love? Hello? Huy love! Ano na? Nakatulala ka na dyan?” Pagtatanong ni Celine.
“Ah eh. Oo hehe pasensya na kagigising ko lang kasi oo hehe… ahmm ano ba ah…. Hi Egay, nice meeting you.” Pagbati nya kay Egay at inabot rin nito ang kamay na nakalahad sa kanya.
Pagkadampi pa lamang ng kamay nya sa kamay ni Egay ay may dumaloy na init mula dito. Hindi ito kasing lakas nung una nilang engkwentro ngunit nakapag bigay init pa rin ito sa kanyang katawan.
Agad na binitawan ni Armando ang kamay ni Egay.
“Nako fafa Armando, pasensya na ha kabago bago kong kapitbahay eh nangangapitbahay na agad ako sa inyo. Sa katunayan nagdala lamang ako ng munting pagkain para sa inyo. Di ko naman akalain na may mas masarap na pagkaing nakahain dito.” Malanding pagkakasabi nito. Nakakagat labi pa ito habang mariing nakatitig kay Armando.
“Nako friend! Salamat at nagustuhan mo yung hinanda kong food for you!!!” Sagot naman ni Celine na hindi alam kung ano ang “pagkaing” tinutukoy ni Egay.
“Ah oo hihi masarap talaga friend. Parang masarap din araw arawin ang ganyan. Tipong kahit paulit ulit di ko pagsasawaan. DIDILAAN ko pa yung plato maubos lang YUNG SARSA.” Pagdidiin nito sa mga salitang sinasabi habang nakatitig kay Armando.
“Hahahaha! Ang bongga mo don friend!! Natutuwa ako sa pagiging bulgar ng words mo I like you na talaga!” Natatawang sambit ni Celine.
“Haha ano ka ba friend puro ka tawa dyan! Giliw na giliw ka na naman sa akin! Mabuti at mabenta agad ako sayo kahit kakakilala palang natin no haha!” Sagot ni Egay.
“Aba oo pano kasi si Myra lang yung kaibigan ko sa mga kapitbahay dito. At ayun nga pag wala sya at may sariling lakad wala na rin ako makausap. Kaya nga laking tuwa ko na may bagong lipat na pala dyan sa kabila. May makakausap na ko lagi lalo at sabi mo pa na sa bahay ka lang nag tatrabaho.” Magiliw na sagot ni Celine.
“Nakoooo ang clingy mo naman agad haha sige at dahil dyan….. DADALASAN KO NA ANG PAGPUNTA DITO! Okay ba yun friend?! Masaya ka na ba don? Nakuuuu naku naku! Ang lakas mo na agad sa akin!” Patiling sagot ni Egay
“Hahahahaha! Omg! Magkakasundo talaga tayo! Apir!” Sabat naman ni Celine.
“Oh teka friend ingay natin si Fafa Armando di mo pa pinapakain baka gutom na sya.” Biglang putol ni Egay sa katuwaan nila ni Celine.
“Ay oo pala Love baka gusto mo kumain muna ipaghahanda kita ng hapunan mo sandali lang ha. Dyan ka na muna at ientertain itong bisita natin ha. Oh friend maiwan ko na muna kayo at lulutuin ko muna yung ulam nya may sariling diet kasi itong asawa ko pag gabi. Haha!” Paalam nito, sabay halik kay Armando.
“Osya friend, ciao! Si Fafa Armando ang muna bahala sa akin.” Malanding tugon nito.
Nang makaalis papunta sa kusina si Celine ay agad na nag salita si Armando. Di malaman ang emosyon sa mukha nito. Pinaghalong takot, galit, at pagkalito.
“Anong ginagawa mo dito Egay?!” Mahina ngunit madiing tanong nito.
“Ha? Di ba nga bagong kapitbahay nyo ako? Tapos nagdala lang ako ng food here para makipagkilala. Ano bang meron fafa?” Inosenteng tanong ni Egay.
“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko! Lubayan mo ko! Umalis ka dito sa pamamahay ko!” Pabulong nitong singhal.
“No no noooo! Sorry ka na lang at pinapasok ako ng asawa mo dito..at sorry lang din at gustong gusto ako kaibiganin ng asawa mo….at sorry nalang din dahil sa di mo pagiging maingat ay madali ko lang napasok ang house nyo.. at sorry ka nalang dahil wala ka ng magagawa pa. Bleh!” Pang aasar nito kay Armando.
“Tangina. Hindi mo makukuha ang gusto mo! Sisiguraduhin kong di mo matitikman ang laway, tamod o dugo ko. Di mo na ako makokontrol katulad ng ginawa mo noon sa akin!” Matigas na sagot ni Armando.
“Aba nga naman hahahaha! So tinuruan ka pala nung pakialamerong anghel na yun? So ibig sabihin sya ang tumulong sayo na makatakas sa mahika ko haha…. Si Rogelio? Eh wala namang binatbat yun sa akin hahaha! Nakatakas nga ako don eh! Oh eh nasaan sya ngayon? Napigilan nya ba ako makapasok sa pamamahay nyo? Hindi di ba? Tinulungan ka ba nya? Hindi di ba? Nagparamdam man lang ba sya sayo? Hindi di ba? Wag mo na asahan yung ugok na yun dahil wala kang mapapala don! Hahaha! Alam mo kung bakit? Kasi dahil sa pagtulong nya sayo ay bukod sa pagbawi ng langit sa mga pakpak nya ay malamang pinapahirapan sya ngayon! Walang nakakatakas sa batas ng mga anghel haha! Olats kasi yang si Rogelio masyadong pakialamero! At sa susunod na tulungan ka nya at mangialam sya sa buhay mo KAMATAYAN ANG KAHAHANTUNGAN NYA! HAHAHA!” Wika ni Egay.
Gulat na gulat si Armando sa mga narinig. Sa kanyang mga nalaman ay napagtanto nyang sa oras na ito ay wala na syang ibang masasandalan pa. Wala ng maaaring magprotekta sa kanya at sa pamilya nya. Malaki din ang konsesya na bumalot sa dibdib nya ng malaman ang kinahantungan ni Rogelio sa pagnanais nitong tulungan sya.
“Saka nga pala wag ka mag alala Fafa Armando hindi ko tatangkain na pilitin ka at tikman yang tamod mo.” Diretsong dugtong ni Egay.
“Ta..talaga? Aannong.. i..iiibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong nito kay Egay.
“Kasi KUSA MONG IBIBIGAY SA AKIN YUNG GUSTO KO NG HINDI KITA GINAGAMITAN NG MAHIKA.” Nanlilisik ang mga mata ni Egay na nakatingin kay Armando.
Tila naguluhan naman si Armando sa mga sinabi nito. Kung walang mahika na gagamitin sa kanya, kung hindi sya nito pipilitin, kung hindi sya nito pupwersahin ay walang dahilan para pagbigyan nya ang kagustuhan nito.
“So nagtataka ka na siguro kung pano mangyayari yun ano? Hahaha! Grabe di ko akalaing yung biktima ko mismo ay di ko na kailangan pang…