Kinuha nya ang scalpel at kinalikot ang dalawang bala sabay tanggal ng mga ulo nito. Naglagay sya ng pulbura at binudbod sa tama ng baril sa tyan sabay sindi nito…
Kagat ang isang maliit na sanga, sumigaw ang lalake sa sakit.
Dating Sparrow unit itong si Julian. Trabaho nito ay medic kung hindi naatasang pumatay ng pulis o sibilyan noong 1st Quarter storm sa panahon ng rehimeng Marcos… Nag bago ang buhay nito nung kinuha sya ng tatay ni Diego at tuluyang kumampi sa Alsa Masa nung naliwanagan sa maling idolohiya ng mga kumunista.
Kumuha sya ng penicilin at mga antibiotic sa aparador at nilapatan ng mga panlunas ang natamong sugat. Uminom din ito ng alak sabay tahi sa butas na dulot ng mga tama.
Sa tindi ng kirot at sakit muntik na itong mawalan ng malay… buti na lang at may naiwang pang mga habak na bigay ng albularyong kamaganak nito kaya madali nyang napagaling ang sarili.
Umabot ang gabi at isa isa nitong kinalikot ang mga gamit na nakulimbat sa cottage nila Danny. May mga camera at tape… pati cellphone pera at kung ano ano pang kagamitan.
Nakatawag pansin ang isang librito na balot ng itim na tela… nakasulat dito ang pangalan ni Danny at rango nito sa hanay ng isang kulto.
Nagulat si Julian dahil hindi lang basta bastang grupo ito… Ang lider nito ay isang prominenteng pastor na sa pagka alaman nya ay malapit sa mga pulitiko sa kanilang bayan… dinadayo nga ito tuwing may eleksyon dahil sa block vote ng mga kasapi ng kanilang relihiyon.
Doon nya na alala ang isang tagpo kung saan inayawan ni Diego ang isang pinadalang pastor kasi gusto nitong bilhin ang lupang pagmamay-ari ng mga Bautista upang gawing compound ng kanilang samahan. At naging mainit ang tagpo na yun dahil umabot sa puntong naglabasan na ng mga baril ang bawat panig.
Nahinto lang ito nang namagitan na si Mayor Duterte at sinabing saka na lang nila ito pag usapan kapag malamig na ang kanilang mga ulo.
Naisip nya na kapag pinuntahan nya ang kulto, baka doon nya makuha ang kasagutan sa mga tanong… lalo na sa sumpang naiwan sa pagkatao ng dalagang si Angel.
Lumamig na ang eksena nang nilisan ng SOCO ang lugar at dineklarang case closed ito. Sapat na panahon yun upang makahanap ng paraan si Julian at nakatakas sa isla.
Narating ni Julian ang Davao. Gusto sana nitong puntahan ang estate nila Diego sa toril ngunit nangamba ito dahil sa mga natuklasan ng amo nya. Siguro alam na rin ni Diego na sya ang gumahasa sa katipan nito pati na rin sa ibang babae sa kanyang pamilya… lalo na kay Angel.
Nagpasya syang mamundok at doon muna tumuloy sa mga kamag anak nya ngunit kahit doon, ayaw din ng mga pinsan nya dahil gulo lang ang inaabot nila sa pamamalagi nya… kung hindi man napabalitaang may binuntis na kapitbahay, ang kanilang mga anak na babae naman ang nagrereklamo dahil minamanyak sila ng lalake. Hindi tumatagal ng dalawang araw at palipat lipat ang lalake sa mga tahanan ng mga kaibigan at kamag-anak.
Habang nanonood ng TV natunghayan nya ang wedding nila diego na napabalita sa kanilang nayon… nakita nyang tuwang tuwa si Marissa… napaisip tuloy sya sa sanggol na tinanim nito sa sinapupunan ng babae. May panahon na bumibisita sya sa estate ngunit hanggang sa malayo lang ito… nagmamasid.
Saksi sya sa paging magmabutihan ni Goryo at Angel tuwing sumasama ito sa farm kung may harvest. Naabutan nyang may kalong na sanggol si Angel… anak yun ni Clariza. Hindi alam ni Julian na yun din ay kanya.
Tuluyan nang lumayo si Julian dahil sa isip nya na wala na syang maiaambag na mabuti kapag bumalik sya sa kanilang buhay.
Ngunit sadyang mapaglaro ang panahon nang sa isang pagtatagpo, nag kita sila ni Goryo.
Sinalaysay ni Goryo ang mga kaganapan at sinabing napatawad na sya ng mga tao sa bahay dahil isinakripisyo nya ang kanyang buhay alang alang sa kanilang kaligtasan.
Inilahad din ni Julian ang kanyang mga natuklasan at doon napaisip si Goryo na samahan ang kaibigan upang tuklasin kung ano ang kuneksyon ni Danny sa kulto.
Nag sama ang dalawa at nag pa indoktrinate sa kawsa ng kulto. Marami silang natuklasan sa kanilang pamamalagi doon. Nag ipon sila ng ebidensya at isa sa natuklasan nila ay ang Brainwashing kung saan tulad ng ginawa ni Danny sa mga bautista, ginamitan ng hypnotismo upang gawin ng mga kasapi ang kanilang gusto. Kinamkam ng kulto ang mga lupain sa katabing lugar at may mga ibang kalokohan din ito tulad ng human trafficking kung saan pinapadala ang mga magagandang babae sa ibang bansa upang gawing highclass na pokpok… dahil dolyares ang nakukolekta, lalong yumaman ang kanilang supreme leader.
Nang akmang aalis na sana sila Goryo upang isuplong sa pulis ang kanilang natuklasan, natunugan ito ng head security at agad silang hinabol.
Nag lunsad ng manhunt ang kulto at na naisip ni Goryo na isangguni ang problema sa NBI… dito nya rin nakilala ang bagong assign na si Agent Patrice.
Ginawaran ng award sa witness proteksyon ang dalawa at upang malihis ang ginagawang patutugis sa kanila, naisipan ng otoridad na ipalabas na namatay si Goryo sa isang aksidente. Si Julian naman napunta sa Luzon at inassign sa ibang agent para doon mamalagi at mag tago. Alam kasi nila na malawak ang network na saklaw ng kulto at hindi imposibleng magkaroon ng bayarang daga din sa kanilang hanay.
Nakipagugnayan ang NBI sa Interpol at ibinahagi sa kanila ang mga ebidensya kaya nagkaroon ng hot pursuit sa ibang bansa at isa isang nahuli ang mga galamay ng network nila.
Galit na galit ang pinuno at binigyan ng top priority ang pag huli sa dalawa. No expense spared.
Balik sa Kasalukuyan…
Nasa laguna si Julian at madaling nakahanap ng trabaho dahil din sa referal ng mga agent na naka assign sa kanya. Sa Calamba sya namamalagi at nagtratrabaho bilang caretaker ng isang private pool sa pansol. Ito naman talaga ang kanyang trabaho dati pa kaya hindi na sya kailangan pang turuan kung paano gampanan ito.
May isang panahon na may nag celebrate ng bachelorette party… sinaluhan ito ng mga magagandang dalaga na sa tingin nya ay may floral shop dahil sa dami ng mga bulaklak na palamuting dala. Napag alaman nyang mag pinsan ang tatlo at yung iba mga tauhan o di kaya mga kaibigan sa negosyo. Karamihan mga kartada otso at yung iba nga sampu… Tawag pansin ang medyo ate sa kanilang grupo… narinig nyang Aileen ang pangalan at yung ikakasal naman ay Gwen kung hindi sya nagkakamali.
Tuwang tuwa naman si Julian dahil nga caretaker sya at stay-in pa, sya ang na atasan na tignan at tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga panauhin.
Masaya naman ang party… meron pa nga silang dalawang bisitang lalake na hindi naman kagwapuhan…. kung tutuusin mas pogi pa nga si Julian kesa kanila. Naghiyawan sila at malamang pinaghubad ang mga lalake gaya ng ginagawa sa mga ganitong mga okasyon.
Dahil pribado nga, hindi nya na nasaksihan kung ano ang sumunod na nangyari sa loob.
Ala una na ng madaling araw nang pasuray suray na at lasing na umuwi ang mga bisita… may iilan na nag pa iwan upang doon na ipalipas ang gabi at mahimasmasan sa pagkalasing. Yung Aileen sinundo ng asawang medyo chinese kasam…