This is the original plot for Sean:The specialist
Pasensiya na po kayo kung medyo magulo, eto po yung 1st story sinulat ko na hindi ko rin tinuloy and plano ko po tapusin eto dito sa FSS. re-write ko na lang po may mga idadagdag at babawasin.
nagpapalit din po ako ng mga names ng characters baka po may ma miss ako mapalitan so bear with me.
i wish everybody will enjoy it. stay safe everyone and enjoy life to the fullest with dignity and happiness
Chapter 1:The encounter
Tog pak tok smak bog pug ahhhhhh; sige bugbugin pa yang gusgusing mayabang na yan; sige suntukin niyo ayan sipain niyo pa; maingay na sigawan ng mga batang lalaki nag aaral sa isang exclusive private school sa isang malayong probinsya.
“Sige hawakan niyo ang kanyang mga kamay,idapa niyo siya”,
saka lumapit ang pinaka leader nilang si Efren sa kapwa batang pinahihirapan nilang bugbugin;kitang kita na ang paghihirap ng batang lalaking si Gabriel na puno na ng dugo ang mukha dulot ng pambubugbog ng mga ka klaseng si Efren,Buddy,Randy,ej,ken at lima pa nilang kasamahan
Efren:Gabriel,uli uli wag kang masyadong mayabang sa klase natin, ikaw na lang lagi napapnsin ng mga teachers natin dahil sa kayabangan mo.
Gabriel:aarrrgg aray ko, wala naman akong ginagawang masama sa inyo,bakit niyo ako pinagtutulungan bugbugin.
Buddy:dahil mayabang ka,akala mo ikaw lang ang magaling dahil ikaw lang napapansin sa classroom;
saka niya tinanggal ang medyas at iniabot sa pinuno nilang si Efren
Efren:
sa susunod, wag kang ma epal sa loob ng school natin; itinakip niya ang nangangamoy na medyas sa ilong neto saka sila nagtawanan hahahahahaha hahahahaha ahahahahahha;
walang magawa si Gabriel kundi isubsob na lang ang mukha sa lupa.
PPPRRRRTTTT PPPPRRRRTTTT PPRRRRTTTT Sunod sunod na tunog ng pito ng mga guardiya ng eskwelahan humahangos sa pagtakbo pagkatapos magsumbong ang ibang batang estudyante ng school.
Manong Guard 1:
itigil niyo na yan at sumama kayo sa amin, ang babata niyo pa lang puro na lang away ang ginagawa niyo.
Manong Guard 2:
sige bitawan niyo na siya,nag iisa na nga lang at ka payat pa niya nagawa niyo pang pagtulungan; hala sumama kayo
Manong Guard 3:
opps opps oppps wag niyo na tangkain tumakbo kilala ko kayo
Dinala ang mga bata sa guidance counsellor ng school ng mga guardiya kaya pinag titinginan sila ng ibang estudyante;
“hay naku ang mga grupo na naman nayan,sila na lang lagi nasaangkot sa kaguluhan; wika ng isa.”
“Oo nga, at si Gabriel naman ngayon ang kanilang nakursunadahan pag tripan”;
singit naman ng dating ka klase ng mga bata.
“Hoy, wag kayong maingay,mamaya may magsumbong sa kanila tayo naman ang perwisyuhin,tara na hayaan na lang natin”,sagot naman ng pangatlo,
“hmmp palibhasa mga anak ng mga politiko kaya kung umasta akala mo sa kanila na ang buong bayan natin.”
“tara na nga nasisira lang ang aura ko pag nakikita ko mga yan”;
sabad ng pang apat sa kanila saka sila umalis at nagtungo na lamang sa playground
Matalim naman silang tiningnan ng mga grupo ni Efren dahil sa kanilang bulungan at alam nilang sila ang pinag uusapan.pagdating sa opisina ng guidance counsellor,agad silang pina upo ng mga guardia saka sila sininyasan na pwede na umalis ang mga guadiya. Titig na titig ang kanilang guidance sa mga bata at isa isa naman yumuko ang mga eto ng biglang sumigaw eto.
“Ano na naman kalukuhan eto pinaggagawa niyo Efren,Buddy,ej,ken at kayong lahat;kayo na lang lagi ang dinadala sa opisina ko; hala sige tawagan niyo mga magulang niyo dito now na;at ikaw,ngayon ka lang napasok dito,pumasok ka sa banyo at linisin ang katawan mo.”
Agad tumalima ang mga bata sa utos ng kanilang guidance,alam din kasi nilang masungit at mabagsik eto dahil tumanda na etong dalaga kahit may itsura naman,maya maya lang nagsidatingan na ang mga magulang ng mga bata kaya halos mapuno na sila sa loob ng opisina.
” Hoy ikaw, nasaan ang mama mo bakit ikaw lang ang walang parents sa inyo”
Gabriel:mam kasi wala kami cellphone kaya diko siya matawagan,saka yumuko eto hiyang hiya sa mga kasamahan.
Guaidance counsellor:ah mayor,vice,congressman ano sadya niyo dito
Congressman :
tinawagan ako ng apo ko may kaguluhan daw at may nangyari sa kanya, saka palakad lakad eto pinapaypayan ng assistant niya nakasunod;ano bang nangyari dito
Efren:
eh lolo eto kasi bad na classmate namin binubully kami huhuhuhuh;habang nakaturo kay Gabriel
Buddy:oo nga papa huhuhuhuh binalya niya ako tapos hinugot niya medyas ko, gusto niya angkinin eh mabaho pa naman yung paa niya huhuhuhuh
Randy:buti nga nakita namin kaya pinaki usapan namin siya ibalik yung medyas ni Buddy pero imbes na ibalik; pinutik putikan pa niya mga damit namin huhuhuhuh; sunod sunod na nag iyakan ang kanilang kasamahang bata
Mayor Rolan:hindi maaari eto,sino ka ba bata ka nag si-siga sigahan ka dito sa teritoryo ko?pati ang mabait kung anak na si Buddy sinaktan mo
Vice mayor Essa:lapastangan ka bataka PAK, tunog ng pagsampal ng vice mayor kay Gabriel,”Ang anak kong si Randy ay sadyang napakabait na bata sampu ng mga kaibigan niya,inaawat kana pinaki usapan pero ano ginawa mo sa kanila?
Wala kang modo sino ba mga magulang mo dika nila tinuturuan ng magandang asal; natulala ang guidance counsellor at di na niya alam ang sasabihin niya ng biglang humahangos na pumasok ang principal na siya ring may ari ng school.
Principal:ah sir,mam mabuti napasyal kayo sa school namin;nasabi ng isa kung teacher na nagdatingan kayo at pumunta dito; nabanggit na rin neto ang nangyari kaya sir,mam baka pwede hayaan niyo na ang school ang umayos neto.kami na lang bahala mag disiplina sa kanila.
Efren:ah mr principal,naisip po namin mag demanda sa pananakit sa amin, pero dahil mabait po kayo hiling ko na lang na suspendhin niyo na lang si Gabriel ng isang linggo at nais po namin magkakaibigan na di pumasok ng isang araw para po magpa kunsulta sa doctor baka na trauma po kami.
Congressman benji: o siya mr principal; narinig mo ang mabait kung apo,sana gawin niyo na ang kahilingan ng mga bata
Buddy:o pasalamat ka sa amin Gabriel mabait kami,dika na namin idedemanda;saka mr principal gusto ko dagdagan ang parusa niya; gusto ko punasan ng isang araw ni Gabriel ang mga sapatos namin sa unang araw na pagbalik niya sa school,pagdating namin at bago kami umuwi;dapat po antayin kami sa gate para punasan mga sapatos namin.
Mayor andong:ay ang bait talaga ng anak ko, siya na nasaktan at inagawan ng medyas, wala pa hangad na magreklamo;ano masasabi mo mr principal?
Principal:o sige po mayor masusunod po,ah kelan ba ninyo gusto masuspende si Gabriel?
Randy:ngayon na po,total lunes naman po ngayon sakto sa lunes na lang kami magpalinis ng sapatos
Guidance councellor: ok sige, ako na lang bahala, pwede na kayong umuwi para magpunta sa doctor at ikaw din Gabriel,umuwi kana sa lunes kana lang pumasok at gawin ang gusto ng mga classmate mo.
Gabriel:Opo mam,sige po,pasensya napo kayo, mr principal alis napo ako; nag alisan na ang mga bata kasama ang kani kanilang magulang.bago pa makalayo si Gabriel,narinig niya tinawag siya ng kanilang principal.
Principal:Gabriel, pag pasensyahan muna ang mga classmates mo, alam ko ginawa nila sayo pero wala ako magawa,sina congressman at mayor kasi ang dalawa sa mga sponsors ng mga scholars dito ayukong mawalan ka ng scholarship at dina makapag aral dito.
Gabriel:naiintindihan kopo; sige po alis napo ako.
Tumuloy na ang batang si Gabriel at nadaanan pa nya yung mga batang nanakit sa kanya. Nakita niyang nagtatawanan ang mga eto at sinisenyas pa ang pagpupunas niya ng kanilang mga sapatos;naaawa naman ang ibang mga batang estudyante lalong lalo na ang ka klase ni Gabriel na si charlene.classmate na sila ni Gabriel nung nakaraang taon sa grade 1 at ngayon grade 2 na sila,magkaklase pa rin at magkatabi pa ang upuan.
charlene:Napaka salbahe talaga nina Efren,Buddy at mga kasama neto, kaya ayaw na ayaw ko sila kalaro,tara na nga pasok na tayo sa classroom natin. Pagpasok niya sa kanilang classroom,agad niyang tinanong niya ang kanyang guro;”teacher Rhea, where are the others? Where is my seatmate Gabriel,he just pass by and he is supposedly here now.”
Teacher Rhea:
take your seat charlene,the other boys are excused for today but Gabriel was suspended for a week, don’t worry baby, he will be back on Monday.
charlene:
ahhhhh we just back to school after a short break and this what happened, I really hate Efren company;sabay padabog na umupo sa kanyang upuan. Gustong gusto niya ang ka klaseng si Gabriel dahil bukod sa guapo na eto at mabait ay subrang talino pa niya eto sa kanilang klase kaya napupursige din siyang mag aral dahil sa kanya.
Pauwi na si Gabriel sa kanila at iniisip kung paano niya ipapaliwanag ang nangyari sa kanyang mga magulang,ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang mga eto dahil naaawa din siya sa kanilang sitwasyon.
Ang nanay niya ay madalas atakihin ng kanyang sakit na astma dahil sa pakikilabada kaya halos ang lahat ng kinikita ng ama nakikipasada ng tricycle ay napupunta lamang sa gamot. Malalim ang kanyang iniisip ng hindi niya mapansin ang biglang pagliko ng isang magarang sasakyan kaya bigla siyang napaatras kaya natumba eto. Huminto naman ang sasakyan at agad sinakluluhan ng nagmamaneho.
Driver:
bata ano nasaktan kaba? Ano ang masakit sayo, may sugat kaba? Sunod sunod na tanong ng mabait na driver sa bata
Gabriel:
ah manong ok lang po ako,pasensya napo kayo diko po napansin ang pagdating niyo,wag niyo po ako alalahanin hindi po ako nasaktan.wala naman po masakit sa katawan ko
Nagmamadali naman bumaba ang amo ng driver at nilapitan din ang bata, titig na titig eto sa maamong mukha ni Gabriel,napansin niya ang mga kambal na dimples neto sa magkabilang pisngi at ang maamong mukha ng bata parang sa angel habang nagpapaliwanag eto sa kanyang driver na nakangiti.
nginitian niya eto saka agad dinukot ang panyo para punasan ang natuyong dugo sa gilid ng mga labi neto.habang pinupunasan niya ang mukha ng bata, napansin niya ang mga pasa at ang magkabilang black eye neto sa dalawang mata saka niya eto tinanong;
” sigurado kaba hindi ka nasaktan bata,sabi mo walang masakit sa katawan mo pero tingnan mo ang mukha mo puro pasa at ang lalaki pa ng mga black eye mo,ikaw bata ka pinagluluko moba ako.”
Saka biglang diniin ang pinampupunas na panyo sa mukha neto
Gabriel:
aaarrraayy ah ako na lang magpupunas sa mukha ko ok lang ako saka kinuha ang panyo pinamumunas sa kanya.”ang bigat ng mga kamay mo lalo sumasakit mga sugat ko. Makabata naman eto akala mo naman….
Ano,ano,ano sinasabi mo?napataas ang boses ng amo ng driver saka agad tumayo at namewang. Natatawa naman ang driver sa inasta ng kanyang among babae.ikaw na nga pinupunasan ikaw pa ang maarte.
Gabriel:
ay sorry po mam naabala kopo kayo,madiin po kasi ang kamay niyo kaya nasaktan po ako,paumanhin po. Saka agad tumayo ang bata at nagmadali ng umalis
Tulala ang babae habang pinag mamasdan ang palayong guapong bata, napa iling na lang eto gumana na naman ang pagiging mataray niya.pero pakiramdam niya ang gaan ng loob niya sa pagkakakita sa maamong mukha neto lalo ng masilayan ang napaka tamis na ngiti neto, sumakay na siya muli at pangiti ngiti ang kanyang driver dahil nagsungit na naman ang amo neto;matagal na siyang personal driver ng pamilya kaya kabisado na niya ang ugali ng among babae pinag mamaneho niya.
Alam niyang masungit eto pero nakita naman niya ang subrang kabaitan ng among pinag sisilbihan;”manong, anong nginingiti ngiti mo dyan aber? Lalong napangiti ang driver saka biglang napatawa sa kanyang amo.
” Ahh senyorita sorry po natatawa lang po ako sa inasta niyo kanina,tama po kasi yung batang lalaki iyon, maka bata ka….dina natapos ng driver ang sasabihin ng bigla niya narinig na sumigaw ang amo;
” aaarrrrrggggg,manong please don’t talk,stop it hhmpp
Nakarating na ang dalawa sa mansion at nakita ng driver na masayang naghihintay na ang mga magulang ng kanyang among ipina pag drive.
Donya Maria:
ohh anak bakit nakasimangot ka, agad sinalubong ang anak at niyakap eto ng mahigpit. Anak please wag ka sumimangot,papangit ka sige ka,am sure magugustuhan mo din dito sa probinsya dahil dito kami ipinanganak at lumaki ng daddy mo.
wala kasi mag aalaga sa mga negosyo natin dito lalo na ang mansion dahil dina kaya ng lolo daddy kasi old na siya. Di naman umiimik ang anak dahil ayaw niyang lumipat kasi maiiwanan niya ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa Maynila.
Nakasalubong ni Gabriel ang ina sa kanto malapit sa kanilang tinitirhan kaya nagtataka eto bakit umuwi na ang anak na dapat nasa school pa at nahintakutan ng makita ang ayos ng anak na may pasa ang mukha.
pansin ang malaking black eye sa mga mata, nalungkot ang ina at naawa sa itsura ng anak ng nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata,nakita niya ang anak na nakangiti sa kanya at bukang buka ang mga kamay na nag aanyaya yakapin siya neto kaya agad lumuhod ang ina saka mahigpit na niyakap ang anak.
Nanay Geny:
anak ano ba nangyari sayo bakit ganyan ang itsura mo,dina mapigilan ng ina ang luha at agad bumalon eto lumandas sa kanyang makinis na pisngi. Alam kasi niya palagi na lang nabu bully ang anak sa school na pinapasukan dahil sa estado ng kanilang buhay.
Gabriel:
nanay,ok lang po ako nanay,subrang guapo kasi at subrang talino ang anak niyo kaya lahat sa school naiingit lagi sa akin, tapos nanay lahaaaatt as in laaaahhaaaaattt ng magaganda kung ka klase nagpapa charming sa akin, eh seven years old at grade two palang kaya ako kaya sinasabi kopo sa kanilang lahat, sorry strick ang parents ko eh;
masayang tugon ng bata sa kanyang ina nakayakap sa kanya, ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa kanyang magulang kahit ano pa man ang mga pangyayari;
naramdaman niyang lalong humigpit ang yakap ng kanyang ina at damang dama niya ang pagmamahal neto sa kanya pero di nakatakas sa pandinig ng ina ang impit ng kanyang paghikbi kaya bumitaw ang ina at agad pinunasan ang mga luha sa mga mata saka tinitigan ang anak kaya napangiti na lang ang ginang ng makita ang maamong mukha ng anak na parang angel na masaya at nakangiti sa kanya.
Nanay Geny:
mmmmmm talagang guaaaaapppoooo talaga ng anak ko at subrang talino manang mama sa akin; saka ginulo ang buhok ng anak na puno ng paglalambing.
“Tara na anak,utang lang tayo kay aling pansing ng isang sardinas tapos puntahan natin si…