Destiny Chapter 6: Tragedies

This work Contains explicit and voulgar words that may not suitable for other audiances
and minors. The STORY is a FICTION; Names, Places, Events and Incidents similar to the story are purely products of the writer’s imagination; they bear no resemblance to anyone living or dead
@beep108

Maraming salamat po sa lahat na masisispag mag comment,mag likes,hearts at magpadala ng PM’s . Kahit po nahihirapan po ako dahil dalawa ang ongoing na series ko ay kinakaya ko pa rin dahil sa patuloy ninyong pagsuporta at pagbibigay ng magagandang salita na siyang nagbibigay ng inspirasyon para ipagpatuloy ang mga kwento ko.

Maraming salamat sa mga OFWs, Seaferers na naglalaan ng oras para basahin ang mga sinusulat ko bilang libangan sa paglayo sa inang bayan. Maraming salamat sa mga readers na nandito sa ating bansa na kahit gaano pa ka busy sa pang araw araw ay naisisingit pa rin nilang magbasa lalo na sa mga stories ko.

God bless us all

Destiny Chapter 6: Tragedies

Naging malungkot ang tahanan ng Monticillo mula sa araw na pag alis ng pamilya ni Gabriel. Kauumpisa pa lang ng bakasyon ng mga mag aaral at mahaba pa ang paghihirap ng mahal na anak na si Lorna dahil wala din si Charlene para damayan siya.

Kaya napag pasyahan na lamang ng pamilya na mag bakasyon sa America at susunod kina Charlene si Lorna kasama ang kanyang Ina si Maria. Naging abala naman ang mga magulang ni Gabriel dahil ginawang personal driver Ni Don Manolo ang ama at ang ina naman ang personal assistant ng Don kaya naiiwan si Gabriel sa mansion kasama si Donya Nica.

Tuwang tuwa ang Batang may bahay ng Don kay Gabriel at inako niya maging ina ng bibong Gabriel sa kadahilanang walang anak ang mayamang mag asawa dahil walang kakayahang mag anak ang babae.Madaling naka pag adjust si Gabriel sab ago niyang mundo at nawili dahil may sariling library ang bagong tahanan at binigyan siya ng sariling laptop para may mapaglibangan.

Sakto isang linggo mula ng umalis an gang mag anak ni Gabriel, bumalik sila ng probinsya para bisitahin si Lorna pero nalaman niya na naka alis na ang batang sinisinta at sumunod kay Charlene at babalik na lamang sa pasukan.

Malungkot na bumalik sa Maynila ang pamilya dahil Mahigit dalawang buwan bago muling makikita ni Gabriel ang mga kaibigan. Nalilibang lang siya dahil sa ibayong pagmamahal na ipinapakita ng mag asawang Don Manolo at Donya Nica.

Madalas silang namamasyal sa mga pasyalan sa buong metro manila, manood ng sine at kumain sa labas. Muling bumalik ang sigla sa mukha ni Gabriel lalo nakikita niyang masaya ang mga magulang sa kani kanilang Gawain at hindi na sila hirap sa trabaho, may masaganang pagkain, kumpletong gamit at naipapagamot na ang kanyang ina ng regular at may sariling sasakyan.

“Geny mahal ko, napaka bait ng panginoon binigyan niya tayo ng isang bagong pamilya sa katauhan nina Don Manolo, nakikita ko ang pagmamahal na binibgay nila kay Gabriel kaya masayang masaya ako dahil paniguradong makakapagtapos an gating anak sa kahit anong kurso nanaisin at kahit saang Universidad pa.”

“Oo Nga Rolly asawa ko,pinag pala na tayo noong nakatagpo ng tunay at mababait na kaibigan ang anak natin pero mas blessed tayo dahil sa pag aaruga binibigay kay Gabriel na tinuturing na nilang anak. Maliban doon, hindi na tayo hirap sa pamumuhay natin at mas naaalagaan na natin an gating kalusugan.

Sa mahigit isang buwan natin pamamalagi ditto, nakikita ko na masaya si Gabriel dahil marami daw siyang napag aaralan sa mga libro at sa laptop na binigay sa kanya. Palagi man niyang naiisip si Lorna at Charlene, masaya siya dahil alam niyang mag kasama ang dalawa at excited siyang muling Makita sila muli sa darating na pasukan.”

Masaya si Gabriel Habang pinag mamasdan ang mga magulang.Banaad sa kanilang mukha ang payapa at masayang itsura habang nag uusap.

“EHMMMMM, Mukhang magkakaroon na ako ng kapatid niyan Nanay,tatay; ang sweet sweet niyong tingnan at masayang masaya kayo.”

“Owssss, syempre anak dahil hindi na tayo hirap sa buhay at siguradong makakapagtapos kana ng pag aaral, yung isipin pa lang na makakatapos ka ay malaking kaginhawaan na sa amin ni Tatay mo dahil alam naming na pagdating ng araw ay hindi na kasing hirap ng buhay natin ang magiging pamilya mo.”

“kahit mahirap lang tayo Nanay,Tatay ay sisikapin kopo talaga maka pag aral kahit mamulot pa ako ng kalakal sa mga basurahan, saka matalino po ang anak niyo paglaki ko siguradong pag aagawan pa ako ng mga malalaking eskwelahan, saka alam niyo nanay, tatay; naka gawa ako ng isang program sa computer pero pinag aaralan ko pa maiigi dahil gusto ko lagyan pa ng maraming features.”

“Wooww, ang galing talaga ng anak namin, kaya proud na proud kami ni Nanay mo dahil binigyan kami ng isang mabait at matalinong anak. Pero anak pag dumating ang panahon, sana magamit mo ang yung katalinuhan para sa kapakanan ng kapwa mo, para makatulong sa mga tulad natin hirap sa buhay.”

“Makaka asa kayo Nanay,Tatay, pangarap ko po na makatulong sa kapwa ko lalo na yung mga taong nangangailangan at mga may sakit, sige po matutulog na po ako good night Nanay, Good night tatay.”

Maagang nagising Si Don Manolo dahil meron siyang importanteng meeting sa kanyang kompanya. Masaya silang sabay sabay na kumain ng agahan na parang isang buong pamilya. Napapa gitnaan ni Don Manolo at Donya Nica si Gabriel at kaharap ang mga magulang.

Masaya silang nag kwe-kwentuhan at nagtatawanan lalo na pag si Gabriel ang bumida tungkol sa kanyang kaibigan si Charlene at Lorna.

“Hay Naku, subrang sungggggiiitttt talaga ng kaibigan ko si Lorna, nooong una kaming magkita habang pauwi ako ng bahay, kambal na sampal ang binigay sa akin, unang magkita kami sa school, dalawang sampal ulit tapos noong magkahiwalay kami, dalawang sampal ang pabaon sa akin, Kaya ngayon makapal na mukha ko dahil sa kakasampal sa akin ni Lorna, pero mahal na mahal ko po siya tulad ng pagmamahal k okay Charlene.”

“Naku Gabriel ha, dala-dalawa na ang minamahal mo ang bata bata mo pa.”

Paalis na si Don Manolo kasama ng mga magulang ni Gabriel, masayang yumakap ang bata sa magulang at pinupuri pa ang mga eto dahil napaka ayos ang mga suot nila papasok sa opisina, Ang ama bilang driver at ang ina na siyang alalay ng Don.

Papasok na sila sa building ng salubungin sila ng guardiya nakangiti sa kanilang pagdating. Sadyang mabait ang Don sa kanyang mga tauhan kaya bawat tao nadadaaanan niya at ginagawaran siya ng ngiti at binibigyan ng paggalang.

“Magandang umaga po Don Manolo.” Masayang pagbati ng guardiya saka binunot ang 9mm Glock sa kanyang bewang at agad tinutukan ang Don at agad pinutukan ng dalawang magkasunod.

Agad tinakbo ni Mang Roll yang guardiya para agawin ang baril pero bago makalapit ay dalawang putok ulit ang umalingawngaw pero nagawa niyang makipagbuno sa guardiya at pinutukan sa ulo na agad na ikinamatay ng salarin.

Gumapang ang ama ni Gabriel palapit sa ina na siyang unang tinamaan ng bala sa tiyan at dibdib.

“Geny asawa ko, lumaban ka para sa anak natin, mauuna na ako sayo mahal ko, maraming salamat sa pagmamahal mo, maraming salamat at ikaw ang ina ni Gabriel.”

“Rolly mahal ko Huhuhuhuhu, wag ka nang magsalita, wag kang mag alala sa anak natin, napaka swerte ko din na ikaw ang asawa ko, masaya akong nabubuhay dahil sa pagmamahal mo.”

Agad na tinakbo ang mga magulang ni Gabriel sa pinaka malapit na hospital kasama si Don Manolo na tinamaan din ng bala sa braso dahil tumagos ang isang bala sinalag ni Nanay Geny. Hindi nagtagal ay nalagutan ng hininga si Tatay Rolly kaya napahagulgol si Nanay Geny sa iyak.

Ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa mismong kandungan niya namatay ang asawa.

“Rolly asawa ko huhuhuhu Rollyyyyyyyyyyyyy.” Hinagpis ng mapag mahal na ina ni Gabriel.

Unti unti na rin siyang nanghihina dahil sadyang maraming dugo ang nawala kay Nanay Geny kaya alam niyang hindi na siya magtatagal.”

“Don Manolo, nagmamakaawa po ako sa inyo, wag niyo pong pababayaan si Gabriel huhuhu, Pakisabi po sa kanya na Maraming salamat sa pagmamahal at ligaya binigay niya sa amin, Mahl na mahal po namin siya.”

“WAG GENY, WAG KANG SUSUKO, MABUBUHAY KA, MABUBUHAY KA PARA KAY GABRIEL.”

Napaiyak ang Don dahil sumunod na namatay ang ina ni Gabriel. Dead on Arrival ang mag asawa at agad na nilapatan ng lunas ang daplis ng tama ng bala sa braso ng Don. Sinisisi niya ang sarili dahil kung hindi niya sinama ang mag iina sa Maynila ay hindi sana mangyayari ito.

Tumatangis ang Don dahil muli siyang iniligtas ng mga magulang ni Gabriel. Inisip na sana siya na lang ang namatay para matapos na ang gulo. Doon niya naalala ang kanyang maybahay, Si Donya Nica. Ang magandang batang asawa lubos na nagmamahal sa kanya.

Nagmadaling sumugod sa hospital si Donya Nica kasama ang batang si Gabriel, hindi niya alam kung paano niya sasabihin na wala na ang mga magulang. Nakita ni Gabriel na umiiyak ang ginang kaya nahabag eto niyakap para gumaan ang pakiramdam.

Hindi namalayan ni Gabriel na tumutulo na rin ang mga luha sa mga mata dahil sa habag sa pagkakakita sa malungkot na mukha ng tinuturing niyang pangalawang ina si Donya Nica. Sinalubong sila ni Don Manolo pagkarating sa morgue at agad binuhat at niyakap ng mahigpit ang batang Gabriel.

“I’M SO SORRY GABRIEL, PATAWARIN MO AKO HUHUHUHUHUHU.”

Nakita ni Gabriel ang dalawang katawan na natabunan ng kumot sa kanyang harapan.

“Tito, Saan si Tatay at si Nanay?” tanong ng bata at nag umpisa ng tumulo ang butil ng luha umaagos sa kanyang mukha. Hindi siya nasagot ng Don kaya pinilit niyang kumawala sa Don at tumakbo palapit sa dalawang bangkay. Dahan dahan niyang binuksan ang takip na kumot at tumambad sa mukha niya ang bangkay ng mapagmahal niyang ina.

Ganun din ang ginawa niya sa bangkay ng ama. Niyakap niya sa magkabilang kamay ang wala ng buhay na mga magulang saka pinaka walan ang pinipigil niyang iyak. Iyak ng isang bata puno ng hinagpis. Napuno ng iyakan ang kuarto ng mga taong lubos na nasaktan.

Halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ang Don at Donya umiiyak at pinapanood na lamang ang batang Gabriel na yakap yakap ang mga patay ng mga magulang. Nagkatinganan ang mag asawa at magkasabay na lumapit sa naghihinagpis sa iyak na bata at mahigpit nila etong niyakap.

“HUHUHUHU Gabriel, tahan na anak, wala na sina nanay at tatay mo. Pinapasabi ng nanay mo na mahal na mahal ka nila at nagpapasalamat sila sa ligayang binigay mo sa kanila. Masaya sila na ikaw ang naging anak nila. Gabriel anak, pinangako ko sa yung ina na hinding hindi kita pababayaan. Mula ngayon, kami nan i Mommy Nica mo ang magiging Nanay at tatay mo.”

Ilang araw lang nilang binurol ang mga magulang ni Gabriel dahil ayaw na nilang nakikita ang paghihirap ng bata na hindi natigil sa pag iyak. Hindi makakain, hindi makatulog,mas pinipili niyang naka upo sa tabi ng mga kabaong ng mga magulang. Ayaw makipag usap kahit kanino man.

Dumating at dumalo sina Charlene at Lorna kasama ang tatlong mababait na guro sa araw ng libing ni Nanay Geny at Tatay Rolly. Hindi rin mapatid ang iyak ng dalawang kaibigan ni Gabriel habang papalapit sa libingan. Agad tumakbo ang dalawa palapit kay Gabriel para damayan at yakapin ng mahigpit. Nalungkot Silas a sinapit ng mga magulang ng kaibigan pero mas nalungkot sila dahil isang Gabriel na parang walang emosyon ang nakita.

Umiiyak na Yakap yakap ni Charlene at Lorna si Gabriel pero ni hindi siya lumingon sa kanila. Nakatayo lang na parang wala sa sarili nakatingin sa bangkay ng mga magulang na unti unting binababa sa hukay.

Walang reaction, walang luha. Sumisigaw si Lorna at Charlene sa kanya, niyuyugyog siya para bumalik sa katotohanan na wala na ang magulang.

“PAK PAK PAK PAK”.

Malakas na tig dalawang sampal mula sa dalawang minamahal na si Charlene at Lorna. Napaluhod ang batang Gabriel kasabay ng pagpatak balong balong luha hindi nagsasalita.

“CLAP CLAP CLAP CLAP”

Narinig nila palakpak ng palapit na lalaki kasama ang asawa at nag iisang anak.

“HEHEHEHE parang ang gandang re-union nama eto Kuya Manolo, hindi ko sukat akalain na nandito rin si Maria HEHEHEHE, Akala ko ay ikaw na ang nilalagak sa hukay.”

Agad sinugod ng Don ang parating pero pinigilan siya ni Nica dahil bumunot ng baril ang mga bodyguard ni Anus kaya nagkatutukan ang mga tauhan ni Don Manolo at Anus.

“Hayop ka Anus, mamatay kana sana. Namatay ang mga magulang natin dahil sa kagagawan mo. Magulang ko lang pala dahil pinulot ka lang namin sa lansangan nagkakalkal ng basura. Pinagsisisihan ko ang araw na dinala kita at hinilang kina Papa na iuwi ka namin.”

“Kuya naman, simple lang naman kasi ang hiling ko sa inyo, na ibigay na sa akin lahat ng yaman niyo at patikim naman ako sa maganda mong asawa.”

“Ipakukulong kita hayop ka.”

“Kuya, bilisan mo lang mangalap ng ebidensiya baka mahuli ka ikaw na ang tatabunan ng lupa.”

BRAGGGGG

Halos mawalan ng hininga si Anus dahil sa patakbong pagsugod ni Gabriel at agad sinipa sa bayag. Hindi halos makapaniwala ang mga tao sa inasal ng bata na agad naman tinakbo ni Donya Nica para ilayo at yakapin.

Agad umalis sina Anus pero bago pa makalayo; ” Nica,Maria Baby maligo kayong maiigi hehehehe sabunin niyo ng husto para mabango.”

Nagpaalam na rin sina Maria at mga kasama neto sa bagong pamilya ni Gabriel. Hanggang sa pag alis ng mga kaibigan ni Gabriel ay hindi na talaga nila naka usap eto. Napatulo muli ang luha ni Gabriel habang tinatanaw na palayo ang mga kaibigan hawak ang magkabilang pisngi.

“Lorna, Charlene”. Mahina niyang nasabi habang umaagos ang mga luha.

***********************beep108****************

Galit na galit si Anus dahil pumalpak na naman ang tao niya para patayan ang kapatid na si Don Manolo.

Gusto na niyang mamatay ang Kuya Manolo niya para mapa sa kanya na ang lahat ng ari-arian ng pamilya pati ang kayamanan ng Batang asawa namana sa mga magulang. Ayaw na niyang bumalik sa basurahan kung saan siya pinulot ng mga umaruga sa kanya.

Naalala pa niya na madalas siyang ipagtabuyan at saktan ng maraming tao dahil sa kanyang sitwasyon. Batang lansangan palaging gutom at kailangan pang magnakaw ng pagkain para magkalaman ang tiyan.

Pero sa tuwing nagnanakaw siya ay madalas siyang mahuli kaya laging masakit ang katawan sa pambobogbog ng taong bayan. Kinamumuhian din siya ng mga kapwa batang palaboy dahil gusto niyang maghari-harian kaya pinag tutulungan siyang bugbugin hanggang halos mamatay matay na siya.

Kaya nang mapulot siya at kina awaan, Nagagawa na niya lahat ng kanyang gusto. Nakipag barkada sa mga adik at mga salot ng lansangan hanggang kilalanin siya bilang lider gamit ang mga perang kanyang ninanakaw sa bago niyang tahanan.Ayaw…