Nang weekend na yon nag aya nanaman si Mike sa isang open party.
At akalain mo nga namang andoon si Dominic!! Hinanda ko na ang sarili ko na baka hindi naman ako naalala kaya patay malisya lang ako.. kunyari hindi ko siya nakita pero ibinulong ko kay Mike na anddoon nga ang baby ko! Ayy? Baby?? Hahahaha
Maya maya ay palapit siya sakin at may hawak pang dalawang beer, medyo inassume kong para sakin ang isa dahil wala naming babae sa pwesto kong iyon, alangan naming magdala siya ng para sa lalaki. At akin nga!!
Dominic : (Beso) Hi! Drink for the lady.
Ako : Hello Dominic!
Dominic : Oh, you remember. Akala ko nalimot mo na ko.
Ako : Hindi kita makakalimutan kasi hindi ka umorder sa Mcdo kahit ikaw ang nag aya kumain pero kumuha ka mula sa inorder ko. Siguro wala kang pera. Haha.
Dominic : Grabe ka. Pero oo, wala akong budget. Sabit lang naman ako sa tropa kong taga Atenista, sila ang big time. Ako, sakto lang.
Masarap kausap tong si Dom, walang kaplastikan sa katawan. Medyo hambog siya and medyo naive. Pero ayos lang kasi cutie naman. Nagkkwentuhan lang kami ng parang magkaibigan, naisip ko.. o shet, nafriendzone ata ako. Nakakatawa kasi pinipilit niyang mestizo siya eh moreno naman, sinakyan ko na lang.
Hindi na kami pareho nakigulo sa dance floor..
Ako: Makiparty ka na don, baka nastuck ka na dito dahil nahihiya ka magpaalam.
Dom: No, I’m good. Wala rin ako sa mood makigulo.
Ako : Really, eh kaya ka nga nagpunta rito para diyan sa girls sa gitna.
Dom : May girl na ako dito, okay na ko.
Matagal tagal rin kaming nakapagkwentuhan at napansin kong parang ako lang ang umiinom, dahil nang naubos ko na ang inabot niya sakin at inoffer pa niya ang kanya. Hindi ko na rin inubos dahil hindi naman ayos na ako lang ang umiinom, maya maya ay nag aya na rin siya umalis. Nag taxi kami pauwi sa Dapitan, my place. Halos nakalimutan ko ngang kasama ko si Mike noon, kung hindi ko pa nasalubong hindi na ako nakapaalam. Pagkahatid niya sakin ay kunyari inaya ko siyang magkape kahit alam ko naming sarado na ang Starbucks sa baba ng condo, so I just offered him to…