Genesis 3:1
Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
Sa kanyang unang araw ng training, si Daniel ay tulad ng Diyablo na sa wakas ay nagtagumpay na gumugol ng isang araw sa Langit. Sa loob ng buong siyam na oras, nakatitig siya sa kanyang anghel at kinahuhumalingan, naaamoy, nakakausap, at nasa presensya niya.
Nabighani lalo ang Diyablo sa kulay-kapeng mga mata ni Bela. Sa tuwing gumagalaw ang kanyang mga labi para magsalita at ngumiti, ang tanging naiisip ng Diyablo ay halikan ang mga iyon at itulak ang isang matigas na titi sa kanyang bibig. Ang masikip na dyaket ng babae, na sinadyang isuot upang itago ang kanyang malaking hinaharap, ay nagsilbi lamang upang patindihin ang pagnanasa ng Diyablo. Nakatutok din ang mga mata ng Diyablo sa maiksing palda at malaman na hita ni Bela–kapareho ng pagnanasang ipinahamak niya kay Eba nang ito ay tuksuhin niya para kainin ang bunga ng Eden.
Sa mga break time ni Daniel, hahanapin niya ang address ni Bela sa Google Maps. Kakabisaduhin niya ang mga kalye at mga lugar sa paligid nito na para bang doon siya titira sa mga susunod na taon. Ginugol niya ang kanyang lunch break sa sleeping quarters, gising ang mga mata at nakatitig sa kisame sa buong limampungminuto habang pinagtitibay niya ang kanyang plano mamaya.
At pagkatapos ng ilang pang oras, gayun na nga, natapos ang shift at lahat ng mga trainees ay pinauwi na.
Naglagay ng inosenteng ngiti si Daniel sa kanyang mukha at lumapit kay Bela para magtanong, “Um, Ms. Bela, sorry, ask ko lang po baka po may alam kayong sakayan dito papuntang Baranggay Acitore?”
Humarap si Bela sa kanya. Mas maganda pa siya at nakakatukso sa malapitan. “‘To naman, ‘Bela’ na lang! Wag ng ‘Ms. Bela’. Pero ano, um, pwede ka mag jeep from here. Why, doon ka ba nauwi?”
“Ay, sige po, Miss… ay, Bela.” Kinakabahan siyang tumawa. Kung alam lang ng kausap niya na peke iyon. “Opo, doon po kasi ako nauwi. Ano po ba sign board?”
Bakas sa mukha ni Bela ang sorpresa. “Taga doon ka lang din pala! Baka kapitbahay pa kita! ‘Di naman asul gate niyo, ‘no?” Pabirong tanong, na medyo seryoso.
“Ay hindi naman po!” Sa pang labas na mukha, nakangiti si Daniel. Sa loob, siya ay ngumisi–ang kanyang mapanlinlang na mga pangil ay napakatalim. Agad niyang itinago sa kanyang isipan ang nag-iisang impormasyong iyon: May asul na gate ang kapitbahay ni Bela.
“Yung signboard… ‘Acitore’ lang din. Sabay ka na lang kaya sakin, uuwi na rin naman ako?” Nakakapagod ang araw na ito para kay Bela. Wala siya sa mood na tiisin sina Carlo at TJ.
At iyon na iyon. Mas madali kaysa sa inaasahan ni Daniel. Pumunta siya sa susunod na bahagi ng kanyang plano.
Habang nasa jeep kasama si Bela, ang sumunod na misyon ni Daniel ay kunin ang kanyang tiwala. Dito pumapasok ang lahat ng impormasyong ini-stalk niya mula…