Dominating Series: Substitute Teacher Ella Part III

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Author’s Note:
Hello reader! Just a little heads up: non-erotic chapter ahead. If you came here for quick fap, you should probably skip to the next story. Probably. Which means don’t. Please. This is just a short chapter so take a seat and enjoy!

PS. Sorry for being such a tease. Babawi ako next chapter, promise! *wink*

—–

Makailang linggo narin ang lumipas simula nang mag substitute teacher si Ella sa pinaka prestiryosong kolehiyo sa kanilang bayan. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi na niya namalayan na magiisang buwan nadin pala mula nang siya’y magturo dito. Bagama’t may mga oras na nagiinit ang kanyang ulo dahil sa walang modo niyang estudyante na si Wayne, aaminin niya na nagustuhan naman din talaga niya ang pagtratrabaho niya dito gaya nga ng hula ng kanyang co-teacher na si Sir Max. Kaya naman nang makatanggap siyang muli ng tawag mula dito ay tila ba may halong kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.

“Ma’am Ella! Kamusta ka naman dyan? Pinahirapan ka ba naman ng mga estudyante ko?”

“Sir Max, ikaw pala yan! Hindi ko narecognize ang number mo dahil international. Aba, may messenger naman. Napamahal ka pa siguro nyan makamusta lang ako, haha!”

“Ma’am alam mo namang galante ako. Barya barya lang sakin yan. Ano ba naman ang kakaunting barya makamusta ko lang ang paboritong co-teacher ko?”

“Sus, Sir Max! Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong mag facebook at mag messenger,”

“Sssshhh! Wag kang maingay at baka may makarinig sayo, hahaha!”

“Ikaw talaga Sir oh. Paguwi mo ay tuturuan kita. Kailan ka nga pala babalik?”

“Ah siya na nga kaya ako napatawag. Successful ang operasyon ni papa at ngayon nakakarecover na siya. Aasikasuhin lang namin ang pagdidischarge niya sa hospital at sa susunod na linggo ay makakauwi na ko.”

“Ganun ba? Magandang balita yan Sir Max…”

“Parang nalulungkot ka, Ma’am? Nagustuhan mo na din ang pagtuturo dyan ‘no?”

“Aaminin ko napamahal nadin ako sa klase mo Sir Max. Well, maliban sa isa.”

“Hahaha! Ang tinutukoy mo siguro ay si Wayne.”

“Siya na nga.”

“Sinasabi ko na nga ba. Un