Dominating Series: Substitute Teacher Ella Part VI

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Author’s Note:
Hi reader! First of all, thank you for hyping up the series at palagi kayong naka abang sa next update. I always wrote the next chapter with that in mind. Your comments really motivate me, thank you for being patient with the slow unraveling of the story. Think of it as foreplay nalang *wink* Don’t worry, this is the last time na bibitinin ko kayo, so please bear with me for the last time. We are nearing the climax.

Feel free to show your love and leave any comment down below. Enjoy!

—–

Wayne: I have your purse. How can I return this to you

Isang gabi habang siya’y nagaasikaso ng mga documents sa kanyang laptop ay may natanggap na message request sa kanyang facebook si Ella. Tinignan niya kung sino ito. Walang iba kundi si Wayne. Chineck niya ang profile nito saglit at nakitang meron silang isang mutual friend. Jared Corporal. Hindi niya kilala, marahil ay random mutual friend lang.

Inaccept niya ang message request ni Wayne at nag type ng kanyang reply.

Ella: May pupuntahan ako bukas sa central. After ng klase are you free?

Wala pang ilang minuto ay nagreply din ito kaagad.

Wayne: See you at 5.

Ella: Great! Thanks. Magkita nalang tayo sa coffee shop in front of the cathedral

Hindi na muling nagreply ito sa kanya kaya ipinagpatuloy niya na ulit ang pagaasikaso niya ng mga documents.

Ilang araw nalang ay lilipad na papuntang Switzerland si Ella kaya busyng busy na siya sa pagaasikaso ng mga papeles at pag iimpake ng kanyang mga gamit. Natapos na niyang asikasuhin ang mga gamit nyang maiiwan dito at naka selyo na ang mga ito sa mga box box na ang iba ay idodonate niya sa charity at ang iba ay ipapamigay niya sa mga kapitbahay. Nakatabi na ang mga ito sa isang sulok at halos furniture na lang ang laman ng kanyang bahay at maging ang mga ito ay na naka schedule na din for pick up ng mga second buyer. Ang pagbebenta na lang ng lupa ang kailangan niyang asikasuhin kaya pupunta siya bukas sa real estate agency para maipost ang bahay at lupa for sale. Buti at nahanap ni Wayne ang purse niya, nabawasan na siya ng alalahanin dahil nandun sa wallet ang mga importanteng ID na kailangan niya para maka alis ng bansa. Nakahinga na ng maluwag si Ella. Tuloy na tuloy na talaga ang flight niya papuntang Switzerland.

xxxxx

“Wayne! Sorry I got caught up sa agency. Ang dami pa kasing hininging papeles sakin. Kanina ka pa ba dyan?” Sumisipsip si Wayne sa kanyang kape nang dumating na din sa wakas ang kanina pa niyang hinihintay na si Ella. Kunot noong sumilip ito sa kanyang mamahaling silver wrist watch.

“You’re 30 mins late.” iritableng tugon ni Wayne. Naupo naman si Ella sa kaharap na upuan ng table for two ng coffee shop na ito.

“I know, I’m really sorry.. Let me treat you something para makabawi. Para na din sa pagbalik mo ng purse ko.”

Sarkastiko lang itong tinignan ni Wayne at hindi inimik. Naalala ni Ella na mayaman nga pala ito. Baka nga mabili niya pa ang buong coffee shop na ito gamit lang ang perang dala niya sa wallet.

Napabuntong hininga na lamang si Ella. Wala ding namang mangyayari pa kung subukan niya, mukha din namang masama na talaga ang timpla ni Wayne kanina pa.

Bahagyang nakokonsensya tuloy si Ella nang maalala niya kung pano niya pinagdudahan ang pagmamagandang loob ni Wayne kaya napikon tuloy ito at iniwan siyang magisa. Buong akala niya nga ay maglalakad na siya pauwi, sa huli ay tinulungan padin naman pala siya nito sa kabila ng mga pagpaparatang niya. May parte kay Ella ang gustong mag sorry pero may parte din naman ang nagsasabing hindi siya nito masisisi dahil talaga namang hindi katiwa-tiwala si Wayne lalo na sa mga inasta nito sa kanya mula nung una palang.

Pero ngayon ay ramdam niya ang konsensya dahil ibabalik pa nito ang kanyang nawawalang purse na naglalaman ng kanyang mga importanteng ID. Nung nawala ang purse niya ay malungkot niyang ibinalita sa kababata niya sa Switzerland na hindi na siya matutuloy dahil mahabang proseso pa ang pagdadaanan niya para makakuha ulit ng mga government IDs. Hindi naman siya makaka labas ng bansa ng wala ang mga yon. La…