Dream Girl Ko Part 1

UNANG NAKITA ni Ariel ang babae noong pangalawang araw ng pasukan. Second year college na ang binata ngayon na tubong La Union. Dahil mahiyain, bihira itong maglaskwatsa kaya iilan lang ang kakilala niya dito sa tinitirhang bahay ng kamag-anak sa Manila.

Wala ng ibang tricycle papalabas ng subdibisyon, kaya pilit na nakisabay ang isang dalaga na tila nagmamadali rin. Walang imik ang dalawa sa masikip na upuan. Mainit ang pakiramdam ng magkadikit na braso ng dalawa. Umiiwas sana ang dalaga, ngunit mahirap sa sikip ng kinauupuan ng bawat isa.

Maganda ang babaeng ito, lalo na sa sout nitong school uniform. Maputi, balingkinitan ang katawan. Maamo at makinis ang maliit na mukha nito. Nangungusap ang mga mata dahil sa natural at mahabang eye lashes, maliit ngunit mapula rin ang labi nito.

Si Ariel ay may malaking pangangatawan. Sa edad na 19, 5’10 ang tangkad nito. Basketball ang nagdala sa kanya dito sa Maynila, matapos kunin bilang varsity player sa pinapasukan niya ngayong university.

Pagbaba nila sa labasan, hindi nakatiis ang dalawa na sulyapan ang bawat isa. Pawang nakaramdam ng kilig ang mga ito, ng magtama ang mga mata. Ngunit pareho sinukluban ng hiya.

Wala man lang ni isang nagsalita kahit isang kataga,o ngiti na binitawan ng maghiwalay sila nang araw na iyon.

Si Ariel sa Jeep, ang babae sa taxi.

Mula noon, hindi na maalis sa isip ng binata ang mukha ng babae. Gabi-gabi sa pagtulog, ito ang laman ng kanyang isip.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Nung mga sumunod na araw, kung hindi man magkasunod sa labasan, tahimik silang nagaabang ng masasakyan. Gaya ng dati, binabalot ng hiya ang dalawa — kung sino ang mauunang magpapakilala o magsasalita.

Kahit sana ngiti man lang, kahit kunting gesture, upang makilala nila ang isat-isa,

Wala.

At dahil parang walang nangyayari tuwing umaga, tila naglalaho ang pag-asa na makilala nila ang bawat isa. Naging pangkaraniwan na lamang ang bawat umaga nilang animoy walang nakikita, tuwing magtatagpo.

Hanggang sa parang mas pinipili pa nila na iwasan na lang na magkasabay, magkatabi o kaya magkalapit. Nagin madalang na ang kanilang pagkakasabay ng mga sumunod pang linggo.

Makalipas ang dalawang buwan, hapon, sa Robinsons Mall, nakasalubong ni Ariel at babae taga subdibisyon nila. Ngunit may nakaakbay ditong binata. Hindi magawang lumihis ng daan ni Ariel dahil alam niyang nakita na siya nito. Diyahe nung araw nay un dahil ang dala ni Ariel ay groceries.

Binalot ng nerbyos at selos ang binata, lalo na ng makita nito na mas hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa kasama, na sandaling umirap pa sa kanya, ngunit kaagad ibinaling. May ngiti ang labi ng babae na para bang sinasabi sa kanyang mukha na…

‘TORPE’

Lungkot at hiya ang tumagos ki Ariel. Malakas kasi ang mensahe ng tagpong yun. Tila wala na silang pag-asa.

Sa kabila nito, ang babae pa rin ang laging laman ng kayang isip lalo na sa kanyang mga panaginip.

***

Alternate lang sa ngayon si Ariel para sa team nila. Ngunit marami-rami na ang nakakatawag pansin sa talent nito sa court. Mabilis na parang kabayo kung tamakbo ito, at mataas ang accuracy ng shooting power nito, kaya nakakitaan siya ng potensiyal ng coach. Sinasanay na lamang ito upang mas maging matatag sa bawat game. Bukod kina coach at sa ibang team, tawag pansin na rin si Ariel sa mga girls. Ilang buwan pa lang siyang nakikita sa mga practice — tila may ilang fans nang nagmamantiyag sa kanya, isinasigaw na rin ang pangalan nito tuwing may ensayo.

Nakakadagdag ito ng confidence sa binata, kaya pinag iigihan niya ang bawat laro. Kabilang sa mga nagmamasid sa kanya ay si Sara, PE teacher at moderator ng cheering squad.

***

25 na ngayon si Sara, may isang anak na babae. Apat na taon na ang nakararaan ng iwan siya ng boyfriend na walang paalam papuntang Florida. Nataranta ang lalake ng malaman na nagdadalang tao si Sara, kaya sa isang iglap, agad itong nagdesisyon na sumunod sa mga magulang sa US imbes na harapin at panagutan ang kasintahan. Magkahalong galit at hinagpis ang naramdaman ng babae sa sinapit nito, ngunit pilit na itinayo ang sarili upang ipagpatuloy ang pagbubuntis. Isinumpa nito na kahit ano pa man ang mangyari, kakayanin niyang labanan ang tadhanang sadyang iginuhit para sa kanya.

Mula ng mangyari ito, pansamantalang isinarado ni Sara ang sarili sa ibang manliligaw. Kahit naman kasi may anak na ito, marami pa rin ang nagkakainteres dahil sa ganda niya. Medyo payat ngunit maganda ang hubog ng katawan ni Sara. Maputi, balbon, at ang kutis nito ay parang porselana, dahil may lahing amerikana. Nakuha niya ito sa ina, na anak ng isang American-Filpino.

Nung araw na iyon, alas kuwatro na ng hapon, may ensayo ang team. Naki-jam si Sara ibang girls ng cheer squad na nanood ng ensayo. Magkakaibigan na ang turingan nila ng mga girls, at parang nakatatandang kapatid na rin ang pagtingin nila sa kanya. Sa mga larong kasama siyang nanonood, ikatlong pagkakataon na niyang napanood si Ariel na naglalaro.

Isa sa kasama sa grupo ni Sara ay si Shane, na kanina pa sigaw ng sigaw ng pangalan ni Ariel. Kaya nung hindi na nakatiis ang teacher.

“Shane.. relax ka lang..” Naka ngiti si Sara, habang hinahablot niya ang braso nito paupo sa bleacher.

“GO ARIEL, GO!!”

Sigawan uli ng mga girls na nanunood.

“Ang cute niya ma’am, pansin niyo ba?”

“Oo na, pero try to relax, di pa naman main event ah.. at tsaka, baka mamaos ka sa kasisigaw diyan..”

Pages: 1 2 3 4