Dream Girl Ko Part 10

Nakatitig lang ang binata sa katatapos na usapan. Bluff ito. Sigurado siya.

“Pumayag si Ate.” Nakangisi si Meanne.

“Hindi ako naniniwala.”

“Ano ka ba, kausap ko nga.”

Umiling si Ariel.

“Tsk, Mary Anne…”

Pero nataranta si Ariel ng biglang maramdaman ang vibration ng kanyang cellphone sa bulsa. Agad niya itong binunot at tiningnan ang caller. Hindi siya makapaniwala, agad sinagot.

“Babes… Yes, how are you?…Ha?… Sunday?… Me practice yata ako… Aba, coach ka ba at alam mo sked ko? Hahahaha… Sure ka ba… Si-sige Ok lang. Ah Babes… I love you.” Nakangiti ang binata ng ibinaba ang cellphone.

“Naks, magkaka-diabitis yata ako sa tamis. Hahaha!” Sabi ni Meanne.

“Salbahe ka akalain mong..”

Pero agad tumayo ang dalaga, sabay dampot ng mga gamit at pilit na ininom ang natitirang ice tea. Halos hindi nagalaw ang inorder na salad.

“Mauuna na ako. 7:30AM, Sunday. Daanan kita sa may Harrison.”

“Teka, sandali..”

Nakatayo na ang dalaga.

“Sunday. You and I. It’s a date Ladrido.”

Sabay talikod. Iniwan si Ariel sa pagkaka upo. Tulala. Litong lito sa bilis ng pangyayari.

***

Gustong mag-back out ni Ariel, pero tumawag muli sa kanya si Sara. Mukhang desperada nga si Meanne na alalayan niya, lalo pa at naroon daw ang ex nito, baka magkaroon ng tension. Ang text ni Meanne, magdala siya ng pang-over night na gamit. Dahil nasa resort, pinagdadala din siya ng mga pampaligo.

“Sige na, alalayan mo na si Meanne. Besides, I trust you naman.” Sabi ni Sara nung huling mag usap sila.

Totoo, malaki ang tiwala ni Sara ki Ariel. Ang hindi pinagkakatiwalaan ni Ariel, ang kanyang sarili. Masyado siyang nanghihina tuwing kaharap si Mary Anne dahil bago pa man niya nakilala ng lubusan si Sara, si Meanne ang laman ng kanyang isip.

Naguguluhan si Ariel.

Alas siete, linggo. Nakagayak na si Ariel. Hindi pa rin siya mapakali sa mga nagaganap. Tumatawag siya ki Sara upang sa huling sandali pigilan siya ng kasintahan, embes ay yayain siyang magkita na lang. Silang dalawa lang. Ngunit naka-off ang cellphone ng dalaga, siguro’y drain ang battery o naka-charge. Kabado talaga si Ariel sa mga sandaling ito.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Nilakasan niya ang loob. Kakayanin niya ang ipinagagawa ni Meanne. Wala dapat manaig na malisya. Sasama siya bilang alalay na kaibigan na chaperon na bodyguard at iba pang rason na magpapalakas sa kanyang loob na ito ay isang simpleng pakikisama lang sa kapatid ng kanyang nobya.

***

7:45 nang dumating si Ariel sa lugar ng kanilang napagusapan. Naroon na si Meanne, nakatayo at bahagyang nakasandal ang isang paa sa pinto ng kanyang Honda Civic na itim. Habang papalapit ang binata, kumakabog ang kanyang dibdid sa itsura ni Meanne.

Nakapony tail at maayos nakatago sa likod ang mahabang buhok. Mala-porselana ang kutis ng katawan lalo na ang mukha na tila American-Korean sa kinis. Masyadong maiksi ang light green shorts, na tila hanggang singit lang yata kaya makikita ang bilugan at makinis na hita pati binti na kumikinang sa kaputian. Naka strap ang sandals sa paa, at hapit na hapit sa kumukurbang katawan ang white t-shirt nito na may embossed printed pink letters sa harap:

DREAM GIRL.

Napahinto at napapikit ng mata ang binata. Naalala niyang ganitong t-shirt din ang nagamit noong unang punta niya sa bahay nina Sara.

“Hoy, late na tayo! Ano ba? Alas kuatro na.” Sigaw ni Meanne.

Natauhan ang binata.

“Grrr ang tagal mo. Di ka sumasagot sa text. Kala ko di na dadating.”

“Yun nga eh, tsk. Di na ako sure, good idea ba to?”

“Heh, tara na. Naghihintay sila.”

***

Sila lang ang nasa kotse, si Meanne ang nagmamaneho. Pilit na inilalayo ni Ariel ang sarili sa tukso na nasa kanyang tabi, ngunit di magagawa ng kanyang mata at katawan.

Napansin ni Meanne ang mga sulyap. Lalo na sa kanyang hita. Nakikiliti si Meanne sa dahil tila namimilipit sa takam si Ariel sa kanyang kinauupuan. Ganito ganito din siya noon nung magkasabay sila sa tricycle papalabas sa subdibisyon. Hindi ito nakakalimutan ni Meanne.

Napapailing siya at umaandar ang kanyang kapilyahan.

Automatic ang kotse, kaya di gaanong gamit ang kaliwang paa ni Meanne liban sa pag apak minsan sa preno. At paminsan-minsan inaangat niya ang paa at medyo ibinubuka ang hita kaya tumatambad ang kanyang singit sa napakaikling shorts. Napapabaling si Ariel sa kanyang kanan upang mamintana na lang sa kanilang dinadaanan. Kailangan niyang labanan lang ang mapang-akit na display ni Mary Anne.

Ang katahimikan ay kagyat na binasag ng dalaga.

“Alam mo bang ki Ate itong gamit kung t-shirt.”

“H-ha?”

“Itong shirt sabi ko hiningi ko kay Ate. Lam ko me kwento ka dito, sinuot mo na daw to. Hahaha. Di ko ma-imagine ang itsura mo. Tawa ako ng tawa nung kwenento ni Ate Sara.”

“Sabi?”

Tumango si Meanne, nakatutuk pa rin sa highway ang mga mata. Muling pinasadahan ni Ariel ang buong katawan ng babae hanggang sa binti. Kailangan niya ng maraming dasal sa mga susunod na oras.

Natahimik muli sila. Pero makaraan ang ilang saglit..

“Ladrido, me papakiusap pa ako.”

Napa buntong hininga ang binata. Una, irita si Ariel sa tawag sa kanya. Pangalawa, alam niyang problema na naman ang kasunod.

“Ano na naman ba yan?” Inis na si Ariel.

“Galit ka na ata hahaha. Problema kasi yung itatawag ko sayo eh. Alangan namang kuya magkasing edad lang tayo, alangan namang bayaw di pa naman kayo kasal ni Ate.”

Agad siyang binara ng binata.

“Una, ayos naman ang first name ko. Ok na yun. Pangalawa, bente uno na ako, disi nuebe ka kaya panganay ako. At pangatlo, ano na naman yung problema mo, ang dami mo yatang dala-dala?”

“Ey, huwag na kasing mareklamo. Ganito, naroon yung ex-bf ko, balak ko sanang asarin. Di ako natutunawan, asshole kasi.”

“Anong papel ko diyan?”

Sumandal na si Ariel sa upuan at ipinikit ang mga mata.

“O-okay lang ba, ipakilala kitang boyfriend ko?”

“Sinasabi ko na nga ba. Meanne, Si Sara magagalit na diyan. Buti kamo ikaw, siguro di ka gaanong affected, pano naman ako?”

“Tsk, defensive ka masyado. Wala ka namang ibang gagawin, akbayan mo lang ako. Yun lang. Promise, hindi malalaman ni Ate.”

Pages: 1 2 3 4