Dream Girl Ko Part 10

“Tigilan mo nga ako. Bodyguard lang ang papel ko sa pagsama sayo.”

“Ikaw alam mo praning ka. OA mo masyado. Gusto mo bang ipaalam ko pa ki Ate? Tawagan ko? Na gusto kung asarin si Ryan, tapos patutulong ako ng kunti sayo? Papayag yun, wala namang problema diba?”

“Ayan ka naman, nagpapahinga yung tao, araw ng linggo tatawagan mo para lang ipag paalam na paakbay ka sa akin. Tama ba yun? Para kang bata.”

“Duh! Whatever.” Eyes rolling.

Natawa si Ariel. Kalaunay narinig niya ulit si Meanne.

“Niloko ako ni Ryan.”

Kumunot ang noo ni Ariel sa narinig. Gusto niyang takpan ang tenga. Gusto na niyang bumaba.

“Ewan ko ba, di naman yun guwapo. Mabukadura lang at ang taas ng sense of humor, napapatawa niya ako. Siya lang yata ang nakakagawa nun.” Patuloy ni Meanne habang nagmamaneho.

Nakapikit pero naririnig ni Ariel na tila seryoso si Meanne sa pagkakataong ito.

“Anong nangyari? nag away ba kayo?” Tanong niya habang nakapikit.

Napalingon saglit si Meanne. Saka nagpatuloy.

“Ano pa ba, classic story. Nahuli ko sila ng best friend.”

“Nahuli mong ano?”

“God, kailangan ko bang mag spell-out?”

“Ehh, baka naman kasi nahuli mong magkayakap tapos nag over act ka. O naghahalikan tapos nataranta ka. Minsan ganun, nauunahan ng galit ang katotohanan. Malay mo, magkayakap dahil me lumundag na ipis. O baka napuwing ang mata, mali ang anggulo mo kala mo naghahalikan. Kayong mga babae kasi masyadong…”

Pinutol siya ni Meanne.

“…Ay putris na mga rason yan. Hahaha, nakakatawa. FYI, nahuli ko sila. Caught in the act while fu… having sex. Nagsurprise visit ako sa bestfriend ko sa apartment niya. Eh hindi naka lock, kaya nakapasok ako. Akala ko si Melai lang ang nandun. Pero ang inabutan ko sa kama, silang dalawa, nakaluhod si Melanie at hubad, hubad din si Ryan nasa likod niya, nakasalang ang cock sa pussy ng bestfriend ko. Nilalaro ni Ryan ang dede ni Melanie, sarap na sarap sila. So, tingin mo? over acting ba ko?”

Napaayos ng upo si Ariel. Parang pinagpawisan sa kwento. Hinarap si Meanne at muling inasar ng binata.

“So, nag-panic ka. Sure ka ba na si Ryan at best friend mo yun? Aba, baka naman mga bisita lang ng bestfriend mo sa apartment yun na naki-gamit lang, umalma ka agad, malay mo diba?.” Natatawa si Ariel.

Biglang hinampas ng babae ang dibdib niya.

BLAG!

“Ulol, kala mo saken blind and stupid?”

“Hahahaha, sorry.”

“Tatawa-tawa ka diyan, ihulog kita sa kotse.”

“Sorry na. Tama nga, dapat yung Ryan ang hinulog mo sa apartment.”

“Seriously, galit talaga ako sa kanya.”

“Kelan pa to?”

“Four months ago.”

“So, kasama sa outing now? Ang tanong, bakit?”

Nakapagat labi si Meanne, napatingin ng sandali ki Ariel.

“Kanila ang resort.”

“Namputsa, eh bakit ka nga pupunta? Ang labo.”

Napaisip si Ariel. Natigilan..

“Unless…”

“Unless what?” Palinga linga sa kanya si Meanne.

“Hmm in-love ka pa sa kanya.”

“Huh! Masaya siya. Hindi. Never. Over my dead body.”

“Aminin mo na.”

“Hindi sabi. Pupunta ako to take my revenge.”

“Revenge?”

“Yes.”

“Pano?”

Walang imik ang dalaga. Nakatutok ito sa binabagtas nilang daan. Nakangiti.

“Huwag mong sabihing…”

Nanlaki ang mata ng binata.

“Yes, my future brother-in-law. Tutulungan mo ako.” Mas lumaki ang ngiti ni Meanne.

Hindi muna nakapagsalita si Ariel. Nakatitig siya sa mukha ng dalaga na abala sa pagmamaneho.

“Meanne..”

***

Inabutan nila ang grupo sa junction ng Trese Martirez. Tatlong sasakyan sila, dalawang pick-up at SUV. Hindi mabilang ni Ariel kung ilang pares ang magkakasama, pero parang halos hindi nalalayo ang mga edad nila sa kanya. Ang ilan sa mga mukha, tila nakita at nakalaro minsan sa court ng Araneta.

Nasa loob pa rin sila ng sasakyan, nagaayos ng sarili si Meanne sa salamin.

“So, this is it. The show starts here, Ladrido.” Sabi ng babae.

“Meanne, baka naman me iba pang paraan.”

“Relax ka lang, show lang to, huwag kang mag-alala. Gentle ako.”

Pinisil ni Meanne ang pisngi niya.

“Shit mas pogi ka pag namumula. Haisst, kung di lang mahal ko si Ate, aagawin kita ng totoo.”

Napabuntong hininga ang binata. Wala na yatang mailalabas na tinig ang bibig niya.

“Tara, papasikat ako. Hunk ang jowa ko, hihihi.”

Lumabas si Meanne. Halos hindi makagalaw si Ariel sa kinauupuan. Nakita niya si Meanne na niyakap ng ilang babae at nakipag beso sa ibang lalaki. Binalikan siya ng tingin ng dalaga nung mapansin na di pa rin siya lumalabas ng kotse. Lumapit na ito, upang buksan ang pinto ni Ariel.

“Hoy, Ladrido. Nanginginig ka ba? Lika na.”

“Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo?” Si Ariel.

“Arte naman, lika na.” Hinablot na ni Meanne ang braso ng binata palabas.

Sabay sara ng pinto.

BLAG!

“Wooo! Meanne, me kasama ka pala.” Halos sabay sabay na sabi ng mga babaeng kaibigan.

“Sinits Ititz?” Sabi ng isa.

“Guys, meet Ariel.” Hila niya ang kamay ng binata papalapit sa grupo.

“Babes, si Anette, Erika, Java, Megan, si Ella, Si Clint, EJ, si Abet, tsaka to si Baste, Emert.. kilala mo nayan..”

“Hunk.” Narinig ni Ariel ang isa.

“Aba lintek, si Ladrido yan ah!” Sabi ng isa naka upo si hood ng kotse niya.

“Ah, oo nga ano. Oy tol!” Lumapit ito.

“Musta ang pinaka-tigre ng uste? Langya yung siko mo last season, masakit pa tol, bukol pa ang ribs ko! hahaha.”

Natawa si Ariel. Kakilala niya nga ang mga ito.

“Musta guys..” Nakipag kamay din siya.

“Ayos, kayo pala ni Meanne, masyadong tahimik ka Sis, nansyota ka pala, kalaban!”

Tawanan.

Biglang yumakap si Meanne sa bisig ng binata. Lumapat ang dibdib nito sa katawan niya.

“Don’t worry guys, di ako nanonood ng laro niyo.” Ngiti ni Meanne.

“Sweet.” Sabi ng isang babae.

“Sino pa ba ang inaantay natin?” Si Meanne uli.

“Kayo na lang.”

“Asan si Melanie?”

“Oh, her.” Napatingin ang isa sa iba pang girls.

“Actually, nag-back out si Melai.”

“At bakit?”

Nakatitig na lahat sa kanya ang mga babae, habang abala na ang mga lalaki sa pag ayos muli ng kanilang mga gamit sa sasakyan.

“Teka, baka naman feeling guilty pa siya. Naku, kung yun lang wala na yun, sabi ko naman ki Ryan, magpakasaya na sila.”

Pages: 1 2 3 4