Dream Girl Ko Part 14

Nagkatinginan si Ding at Third. Kapwa napabuntong hininga saka sumagot.

“Copy Sir.”

Sa tabi ni Ding si Third kapwa sila naging abala sa sumunod na ilang minuto sa kanilang cellphone. Ang lahat ay magka-kasabay na magaganap apat na oras mula ngayon ayon sa sinanay na drill.

Sa harap, napayuko sa pagkakaupo si Leo. Binalot ng mga palad ang kanyang mukha at taimtim na nagdasal..

‘Lord, forgive me. Bless their souls.’

***

Si Julius Canojado, Grand Chancellor ng Alpha Phi Omega, Beta Rho Chapter ay na-corner ng ilang grupo ng mga kabataang nakasout ng t-shirt na Tau Gamma Phi sa harap at Triskillon sa likod. Pinagtulung-tulungan nila itong bugbugin sa isang sulok sa Escolta, saksi ang ilang sidewalk vendors. Matapos lamugin ang binata, isa sa kanila ay humugot ng icepick at tinusok ng anim na beses si Julius sa tagiliran sa dibdib at sikmura. Binatawan nila itong wala ng buhay at hinila sa madilim na pasilyo. Kinuha din nila ang bag at lahat na gadgets. Pagkatapos, mabilis silang naglaho sa dilim.

Sa kasabay na oras, ganito rin ang sinapit ni Dennis Barba habang naglalakad sa may Pedro Gil. Kinurner din ito ng grupo at linamog sa bogbog. May mga tama din ng saksak sa katawan ng datnan ng mga pulis ang kanyang bangkay. Nakalugmok ang ulo sa pusali. Nung magtanong ang mga pulis, nag uunahan ang mga testigo sa pagsabing Tau Gamma ang nasa likod ng krimen.

Ganito pa ring oras, dalawang magkahiwalay pang grupo na nakakubli ang mga mukha at armado ang nanloob sa mga bahay ng mga Canojado at Barba. Iginapos nila ang mga tao at tinakot na papatayin sakaling may sumigaw. Ninakaw nila ang mga alahas, pera, at iba pang mapapakinabangan doun. Pati laptop, desktop, mga cellphones at iba pang gadgets, tinangay nila upang maging lihitimo ang pagkakanakaw.

Ilang oras ang makalipas, nagkakagulo ang Triskillons. Llitong-lito ang grupo sa boung Metro Manila sa naganap. Kalat na kalat silang salarin sa naganap na patayan, gayong wala ni isa sa mga kasamahan ang may alam kung sino o kaninong grupo ang tumira sa Grand Chancellor ng APO at isa pang miyembro nito. Alam nila na may kasunduan sa buong sangay na itigil ang kanilang tradisyon tuwing anniversary dahil masyadong mabangis ngayon ang mga kalaban. Naka posisyon kasi sa mga matataas tungkulin ang mga alumnus at haligi ng APO, sa PNP sa NBI sa Senado at maging sa Malakanyang.

Lingid sa lahat, ang OPLAN SARA, ay tahimik na isinagawa ng mga baguhang CAFGU mula sa lalawigan ng Rizal na sumunod lang sa utos ng kanilang nakatataas. Matagal nila itong pinaghandaan, kaya pinili lang ang kasama. Ang alam nila, mga batang kumunista ang dalawang subjects na may mga inililihim na subersibong hakbang sa sambayanan. Hindi sila maaring magyabang ng kanilang ginawa, dahil ito ay natatanging utos mula sa heneral. Proud sila na mapili na iligtas ang bayan sa kamay ng mga kalaban.

Pero ang susunod na mga araw ay magiging madugo ang fraternity war, dahil nag uumpisa ng rumesbak ang APO, sa ibat ibang bahagi ng Manila laban sa TAU GAMMA PHI. Nagsipagtakbuhan at nagsipagtago na ang karamihan, dahil tiyak na may mamamatay sakaling may makakita sa sino mang kasapi ng Triskillons.

Ang susunod rin na labing dalawang oras ay walang tulugan sa mga tauhan ng Philippine Communications Satellite (PHILCOMSAT), dahil nakatutok ang lahat na technicians ng NICA. Tinatsani nila ang lahat na mga videos na may kaugnayan kina Sara at Ariel, upang pigilan ang pagkalat nito. Apat na main servers na ng mga pangunahing local sex at porno websites ang pansamantalang isinara nila.

Mag-aala una ng hapon nung sumunod na araw ng masigurong malinis ang mga sites sa natuwang videos bago nila ibinalik ang mga isinarang websites. Ang mga foreign porno websites ay madaling kausapin kahit sa emails lang dahil – nasa batas nila ito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayong lang gumamit si Altarez ng impluwensiya, upang sagipin ang kanyang pamilya. Inipon niya ang mga tao sa NICA office at nagpasalamat ng lubos sa kanilang tulong sa operasyong ito. Nangako siya na kung sino man ang mangailangan, ay hindi niya ipagkakait na gamitin ang kanyang lakas upang makaganti sa kanilang kabutihan.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

***

Limang araw matapos ang insidente, nagbitiw si Sara bilang PE teacher. Hindi siya nagbigay ng dahilan, kahit nagtataka ang admin department sa kanyang biglaang pag-bibitiw. Wala ni isa, kahit mga estyudiante ang may ideya tungkol sa video. Walang nakakita, walang nakarinig. Pero para kay Sara, ito ang pinakatamang gawin bago pa man may makaalam.

Bukas naman ang pintuan ng pamantasan, sakaling bumalik si Sara. Hindi siya nangako, pero hindi rin siya nagsara ng posibilidad. Subalit hindi ngayon. Hindi sa panahong ito. Ang kailangan niya ay mapag-isa at makapag isip at makapapahinga.

Sinundo siya ni Eleanor at Meanne sa tinitirhang bahay, upang ilipat muli sa kanilang tunay na tahanan. Sa loob ng mga susunod na araw, gusto niyang magkulong muli at magtago sa mundo. Narinig at nabasa niya sa mga balita ang sinapit ni Canojado. Gusto niyang magtanong kung talagang fraternity war ang dahilan ng kanilang kamatayan, ngunit sa pagkakataong ito.. wala ng paki-alam si Sara. May kinalaman man o wala ang kanyang ama, ipagdadasal niya ito. Nangingibabaw pa rin ang galit sa kanyang dibdib tuwing naalala ang ginawa ng taong iyon.

***

“Tito!”

Sigaw ni Trish. Tumakbo, umakap at agad nagpakarga ki Ariel ng magkita sila park.

Hindi mabilang ni Ariel ngunit maraming araw at linggo ang lumipas bago sila muling nagkita ni Sara sa araw na ito. Isinama din ni Sara ang bata upang libangin ang mga sarili. Hindi sila nawalan ng ugnayan gamit ang mga gadgets, chat, text at tawag – pero iba pa rin ang ganitong pag uusap.

Pages: 1 2 3 4