Dream Girl Ko part 15

“My God Mommy, did you just f..se..”

Napangiti si Eleanor.

“Ssshh.. me bata.”

“God mom! Gross. Eww!”

“Heh! di dapat nahahalata yan.” nakangiti si Eleanor. May hiyang nararamdaman.

“Well, good job Mom. Good job.” Naka ngiti si Sara. Naiilang pero masaya.

“Bakit good job si Mommylo? what did she do?” Si Trishia, nalimutan ni Sara na hawak niya.

“Heh! bat ba nakikinig ka sa usapan ng matatanda!”

Nalito tuloy ang bata kung ano ba ang kasalanan niya. Napakamot.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

***

Military Geyla ang sout ni Leo dahil pagkatapos ng kanilang pagsimba, deretso na siya sa Aguinaldo para sa napipintong turn over of command sa office of the Vice Chief of Staff at Office of the Director General ng National Intelligence Coordinating Agency. Mag-aalas sais na ng umaga. Sinalubong siya nina Ding sa sala. Naka full uniform din ang mga ito. Pagbaba niya sa hagdan, mabilis na tumayo si Ding, Third at tatlo pang military NCO na nag silbing aide-de-camp ni Leo sa loob ng maraming taon. Tuwid ang pagkatayo ng mga ito at mabilis na sumaludo.

“Sir.”

“As you were boys.”

Pero hindi ibinaba ng mga sundalo ng mga kamay, saka umusal si Ding.

“We’d like to tell you Sir, na it is really an honor for us to serve you. Whenever you need us, whatever it is, we will always be there for you, General.”

Parang maluluha si Leo sa tagpong ito. Pero nilakasan niya ang loob. Nasa may hagdan ang mga anak asawa at mga anak ni Leo, liban ki Dindy. Nalulungkot din sila sa tagpong ito, dahil patapos na ang serbisyo ng mga taong pinagkakatiwalaan nila ng matagal.

“Well, mamamatay na ba ako?”

“S-Sir?” si Third.

“Come on guys. Quit. Hindi ako mawawala. Masamang damo ako. Magsasama pa rin tayo.”

Ngunit nakasaludo pa rin ang mga ito.

“Permission to speak, Sir.” Si Third.

“Speak.”

“Baka pwede sir, pag tinanggap niyo ang Cabinet Position, kami uli ang kunin niyo.”

“I- I really don’t know guys. Hindi ko pa iniisip yun. My mind tells me not to accept eh. Kilala niyo naman ako. Hindi ako sanay makipag plastikan.”

Nilapitan niya ang mga tapat na sundalo. Isa isang niyakap.

“Today, after I hand my flag to General Quintanar, you guys will work for him from now on. Promise me that you will serve and protect him, as you guys did to me and my family. We will see each other and we will be talking more in the future but I want you to become a good and honest soldiers. Your mission is always to protect the people specially the needy..”

Lumuluha na si Ding.

“Putang inang sundalo ka, ano ba!”

“So-Sorry Sir. It’s really rare to work with an officer with such brilliant mind like you. Mahihirapan kaming mag-adjust.”

“Oh come on, Baron din yan si Quintanar. Matalas. Hahh! Let’s go, it’s late. Merong pa tayong last mission, remember?”

Nagkatinginan ang mga tauhan.

“So ano? all set?”

“Yes Sir.”

“Good.”

***

Puno ang simbahan dumating sina Leo. Malapit lang ito sa kanilang lugar. Sa harap nito ay malaking plaza, at ang left side ay national highway. Gaya ng inaasahan, kulang ang sasakyan sa oras na ito. Taimtim na nagdasal ang buong mag-anak sa misa, habang nasa likod sina Ding.

Malakas pa rin ang mga kaba ni Leo sa mga oras na ito.

Paulit ulit ang kanyang dasal, kung ito ang gusto ng Panginoon sa kanya, kung ito na talaga ang itinakdang araw ng kanyang kamatayan, tinanggap niya ito. Nagpapasalamat siya sa mga biyayang naibigay sa kanya sa loob ng maraming panahon. Sana ay pantubayan ang kanyang buong pamilya.

Patapos na ang misa at malapit ng magbigay ng huling basbas ng mapansin ang apat na truck ng mga sundalo na nagsipagbabaan sa plaza. Ang mga sacristan at ang mga choire members ginigiyahan ang mga tao na sa left and right-wing dumaan. Tinungo ito ni Third at nagmasid. Lumabas pa siya at may kinausap ang nagpakilalang opisyal.

Pagbalik niya sa simbahan, ibinulong niya ki General Altarez ang sitwasyon. Naririnig din ito ni Ding.

“A certain Colonel Mendez Sir. They have orders daw to conduct full military salute paglabas mo, at yun na din daw ang escort papunta sa Aguinaldo.”

Natawa si Leo.

“Dito sa simbahan?”

“Yun ang sabi Sir.”

“Ok. Ding, do it. Move.”

“Yes Sir.”

Umalis si Ding.

“Problem Dad?” Si Eleanor

“Wala.” Nakangiti si Leo.

“Maraming military sa labas, ano yan?”

“Kaletsehan, magbibigay daw ng military honors for me.”

“Dito sa simbahan? this is a public place.”

“Kaya nga.”

“So, mauuna ba kami?”

“No, diba mag no-novena ka? isabay mo na muna ang mga bata dito, tatawagin na lang kayo ni Ding. Huwag lalabas, ok?”

“Ok.”

“Mommy..” Malambing ang tinig ni Leo.

“Yes.”

“You know I love you, ha?”

“Ley. Ano ba? you’re so weird mula pa kanina.”

Hinalikan ng heneral ang labi ng kanyang misis. At ang noo.

“You’re beautiful as ever, Ellen. A perfect wife, and a perfect mom to my kids. Thank you for always being there for me all these years. I love you forever, sweetheart.”

Napangiti ang asawa sa sweetness ngayong ni Leo. Hinaplos ang kanyang mukha.

“Happy Birthday.”

Tumayo si Leo ng tuwid.

“Let’s go guys. Party time.”

Mapapansin na walang pinalalabas sa main door ng simbahan. Umaalalay din si Ding na sa left at right doors dumaan ang mga tao. Naglakad si Leo, kasama sina Third at iba pang aide palabas sa simbahan. Malalakas na kabog ng kanyang dibdib.

Pages: 1 2 3 4