Dream Girl Ko part 15

Sumigaw muli ang isang lalaki.

“HAN—DA, TA!”

Isang dipa ki General Altarez huminto ang matangkad na lalaki na naka uniporme din, at bumati sa heneral.

“Good Morning, General Leo Altarez.”

Nakatitig si Leo, at bumati.

“Yusuf.”

Bumunot agad si Yusuf ng kanyang Caliber 45 Pistol. Ikinasa. At itinutuk sa noo ni General Altarez. Nagulat ang mga nakakitang sibilyan. Napaatras sa kanilang kinatatayuan.

Hindi si Leo.

Tumingala siya sa langit. Pumikit.

Kasabay ng pagbaba ng kanyang ulo. Pumutok ang baril ni Yusuf ngunit halos nauna mula sa isang building sa gawing kanan, dalawang poste ang distansiya sa 4th floor, pumutok din ang isang Carbine Sniper nang isang sharp shooter na Marine Officer.

PING!

Sa laki ng bala, halos nabiyak ang buong mukha ni Yusuff ng tumagos ito mula sa kanyang batok. Tinamaan din si Leo ng bala galing ki Yusuff, pero dumaplis sa ibabang bahagi ng kanyang panga. Nang matanto ng mga kalaban na set-up at ambush ang lahat, nagpaputok sila ng walang dereksion sa harapan.

Ngunit sa bubong ng simbahan at plaza, lumitaw pa ang hukbo ng SWAT TEAM ng Northern Police District at pina-ulanan ng bala ang mga kalaban sa baba. Ilang saglit lang, sumigaw na si Ding..

“WALANG PAPALAG! BABA! BABA ANG GAMIT!”

Natutukuan niya ng baril sa sentido ang nagpakilalang Colonel Mendez.

Natigil ang mga pekeng sundalo. Patay na si Yusuf at hawak na ang kinikilala nilang Kadre. Agad nilang inilaglag ang mga armas. Sa ibat ibang sulok ng plaza, kalapit na mga building at sa simbahan, lumabas pa ang tropa ng composite team, mula sa SWAG ng Navy, Marines, NPD Police at strike force ng National Bureau of Investigation. Lahat naka full battle gear gamit ang mga high caliber fire arms. Bukod dito, siyam pang snipers ang nakalatag sa ibat-ibang anggulo.

Ang bangkay ni Yusuf ay nakahandusay sa may harapan ni Altarez. Bumagsak din si Leo dahil sa tama ng mga bala, ngunit naaninag niya sa may pinto, si Trishia at Sara, nakahandusay rin at duguan. Hawak ni Third si Eleanor at Meanne, kapwa sumisigaw at gustong umaalpas. Wala nang marinig ang heneral sa paligid ngunit bago pumikit at dumilim ang kanyang pangingin, nakausal pa ito ng manipis na tinig.

‘Anak. Trish. God. Sorry.’

***

Ang buong pangyayari ay eksakto sa prediction ni Lieutenant General Leonardo Altarez ng ilatag niya ang lahat sa conference room ng NICA ang kanyang natuklasan. Ang malaking debate habang ginagawa nila ang plano, ay kung bakit kailangan naroon ang pamilya ni Leo at kung papayagan nilang lumabas pa siya sa Simbahan.

Ipinaliwanag ni Leo na ang lahat ay dapat masunod ayon sa naiisip at plano ng mga kalaban. Siya lang ang target kaya ang kailangan, precise ang bawat galaw. Diskusyon din ang pagdala niya ng baril. Una, naka-geyla siya kasi papunta siya sa turn over ceremony. Pangalawa nasa simbahan sila. Sakaling mag sukbit siya ng armas, lahat ay magbabago sa papanaw ng mga kalaban. Expected na ang mga mata na susunod sa kanya, ay magmumula sa kanilang bahay. Sakaling magkaroon ng pagkakamali, o makitang mag-isa siya, iisipin ng mga kalaban na alam niya ang mangyayari.

Hindi nila makukuha si Yusuf.

Ang plot para sa kanyang kamatayan ay nakita ni Leo sa huling usap nila ni Emma tungkol sa Doomsday. Nang makita niya ang huling conversation, at naroon na ang petsa, lugar at Bravo Yankee, kinabahan siya dahil natanto nitong hindi Land Registrations Administration ang target. Ang LRA ay initials na kumakatawan sa kanyang pangalan. Leonardo Robles Altarez. Mismong si Yusuf ang magsasagawa nito na ang plano ay isang firing squad sa harap ng publiko. Tama ang hinala niya na personal ang lahat. Ganti ito sa brutal na pagpatay ki Akhmed sa Lamitan. Ang araw at lugar ay nabasa din Leo sa na-intercept na usapan nina Emma.

Ang PAL-D 82207A ay hindi flight code ng Philippine Airlines-Domestic. Ito ay lugar, petsa at eksaktong oras kung paano isasakatuparan ang pagpatay sa kanya. Malinaw na naintindihan ni Leo sa coded message: Palanan Drive August 22, Seven in the Morning. Araw ng birthday at retirement ni Leo at oras kung saan magsisimba sila sa Palanan Drive.

Ang risk ng kanyang kamatayan ay napag-usapan. Pero idiniin ni Leo na kung ito ang katumbas makuha lang si Yusuf, handa siya sa ano mang mangyayari. Ang pangalawang concern, nasisiguro nilang magkakaroon ng civilian casualties dahil magiging open gun battle ang magaganap sa pampublikong lugar.

Upang makaiwas, isang Paring chaplain, Army Captain ang pinagmisa nila sa oras na iyon. Pati mga sacristan at ang choir ay mula sa Camp Aguinaldo Church na mga servicemen. Sila ang nagsilbing giya sa pagpapalabas ng mga tao sa tabi at nakiusap na huwag gumitna sa may mga sundalo. Ang sumabit lang ay si Buddy. Isa sa junior aide ni Leo, dahil ang assignment niya ay isara ang main door upang di makita at hindi mataranta sina Eleanor sa magaganap. Hindi niya ito nagawa dahil matigas ang malaking pinto at hindi niya mahanap kung ano ang lock, gayong apat na beses siyang nag-ensayo sa pagbukas at pagsara ng pintong ito.

Naging palaisipan ang partisipasyon ng NPA . Nalungkot si Leo ng makunpirma kung bakit naki-anib ang notorious liquidation squad ng New Peoples Army, ang Alex Boncayao Brigade o ABB. Ang kasagutan ay nasa profile na hawak niya sa estyudiante ni Sara, si Julius Canojado. Si Canojado ay totoo ngang student leader at may dugo na konektado sa Communist Party of the Philippines. Ang kumpletong pangalan ng binata, Julius Caesar Boncayao Canojado. Tubong Camarines Sur ang kanyang ina, kapatid ng nasirang si Alex Boncayao. Number one NPA hitman, noong dekada otsienta at nubenta na pumaslang sa apat na heneral sa magkakaibang panahon. Liban ito sa mga pulis at iba pang military na nalitis din at hinatulan ng Hukom ng Bayan.

Nasusundan ng mga espiya ng ABB Group ang imbestigasyon sa Canojado-Barba double murder case, sa pakiusap ng ina ni Julius. Ang nakawan sa bahay nila sa oras ng maganap ang pagpaslang ay hindi nalalayong may kinalaman sa isat isa. Nalaman nilang isang grupo lang ito kung saan ang direct order ay nagmula General Altarez. Dito, nakipag kutsaba sila sa planong pagpatay ki Altarez na siyang pinag-usapan sa The Peninsula Hotel, kasama ang ilang Muslim Extremists.

Pages: 1 2 3 4