Dream Girl Ko part 15

Ang ABB ang grupong nasa likod sa ambush sa Bataan, kung saan ninakaw at itinago nila ang apat na Military Trucks pati mga military uniforms at gadgets. Mabilis sanang nahanap ng ISAFP ang mga ito, ngunit pinigilan ni Leo ang recovery, upang matuloy ang plano para sa DOOMSDAY LRA. Ito ang decoded form sa C4: Cargo Four.

***

Bago naganap ang lahat, halos paubos na ang tao sa simbahan liban sa ilan na nagdadasal pa rin. Magkakatabi si Eleanor, Meanne at Sara sa upuan habang binabasa ng kanilang ina ang kanyang novena. Si Trish ay walang interes sa ginagawa ng kanyang mga kasama kaya tumatakbo takbo ito sa altar at sa gitna. Nung tumalikod ang bata nakita niya ang mga military men na tila kausap ng kanyang lolo.

Napalingon din si Sara sa tinitingan ng anak habang nakatayo ito sa aisle.

Nanlaki ang mata ni Sara ng makitang itinutuk ng kausap ng kanyang ama ang kanyang baril sa noo ni Leo.

“Daddylo..”

BANG!

Narinig niya ang sigaw ni Tricia..

“LOLOOOOOOOOOOOOOOOOOO…”

Tumakbo ito mabilis, humahagolhol si Trishia papalabas. Sumunod si Sara.

“Trish, anak. Waaaaggggggggggggggggggg!!

Sunod sunod na mga putok ng baril ang narinig nila. Nataranta na rin si Meanne at Eleanor sa narinig at sa pagtakbo ng mag ina at mga putukan sa labas ng simbahan. Agad silang tumayo at humabol. Si Sara at Trish ay dinadampot sana ng sacristan, ngunit napadapa ito ng mag umpisa ang putukan. Tumatagos na ang mga bala sa simbahan kaya nagsipagdapaan ang mga tao. Hindi umabut ang mag ina ki Leo, bagkos natumba si Sara, kalong ang anak. Pareho silang tinamaan ng bala.

Tinakbo ito ni Third pero hindi niya rin inabut, kaya ang hinarang na lang nito ay si Meanne at Eleanor na sumisigaw. Magkasabay niyang hinablot ang mga ito at niyakap upang pigilan pang makalapit sa nagliliparang mga bala.

“DAAAAAAADDDDDD”

“DAAAADDDDDDDDDDDD..”

***

Limang ambulansiya ang sadyang naka-standby twenty meters sa Plaza. Agad itong rumesponde matapos tumawag ang nagsilbing ground commander, si General Carlito Mayo ng Philippine Marines.

Tatlong sibilyan ang malubhang nasugatan kabilang na ang mag inang sina Sara. Ganundin si General Leo Altarez. Nag escort ang patrol car ng NPD Police habang magkakasunod na tumatakbo ang mga ambulansia papunta sa V. LUNA Hospital sakay si General Altarez, Sara at Trishia at isa pang silbilyan.

***

Agad binalot ang bangkay ni Yusuff at pakubling ipinadala sa team ng NBI ang Palestenian terrorist, para sa Post Mortem Examination. Kailangang mag-match ng husto ang prints at identifying marks bago nila isumite ito sa Interpol at UNSOC. Nakahanda na ang press statement sakaling dumating ang media at wala ni isa ang babanggit sa pagkakapatay sa Palestenian Al-Quida terrorist na si Yusuf Baddi. Base sa International Protocol, ang ganitong sitwasyon ay kailangan ng full approval mula sa United Nations Security Oversight Committee upang iwasan ang matinding gulo, sa ibat ibang panig ng mundo.

Dalawang pung minuto ang makalipas, naka-set up na ang OB VAN Microwave Outside Broadcast ng GMA7 at naka-standy by na sa camera si Jiggy Manicad para sa FLASH REPORT. Wala pa siyang ideya kung anong nangyari, pero katabi na nito si General Carlito Mayo upang magbigay ng kunting situationer. Ang wrap-up sa three minute window nila, aabangan daw ang detalye mamaya.

***

Filipina Porn Pinay Sex Pinayot.com

Alas nuebe ng umaga ang klase ni Ariel pero medyo napaaga siya ngayon sa campus. Inisip niyang mag snack muna dahil hindi nag almusal kaya dumeretso siya sa canteen. Bukas ang TV na nakasabit sa wall kaya nanonood siya ng habang pumipila sa pag order. Bigla na lang itong pinutol dahil sa flash report ng shoot out sa Palanan.

Napatayo si Ariel at napatutok sa TV ng marinig ang mga Apelyidong Altarez. Mga sugatan at isinugod sa ospital. Nilihisan na siya ng mga nakasunod sa kanya dahil nawala ang interes ng binata na kumain. Kinabahan siya. Nag uunahan ang kabog sa kanyang dibdib lalo na ng lumabas sa chargen ng mga injured, video overlap sa footages na kuha sa pinangyarihan ng barilan sa harap ng simbahan.

Mga malubhang nasugatan:

LT. GEN. LEONARDO R. ALTAREZ, 58

SARA MINERVA B. ALTAREZ, 27

PATRICIA ELEINA B. ALTAREZ, 6

1 UNIDENTIFIED MALE

***

Humihingal si Ariel ng dumating sa Ospital. Fully guarded ang buong V-Luna sa dumadaming media men na nais makakuha ng update ki Gen. Leo Altarez. Buti na lang nakasabay niya si Ding, kaya mabilis siyang nakapasok sa entrance kahit walang ID kung sino ang kanyang pasyente at kung kaano ano niya ito. Patakbo niyang tinungo ang daan kung saan naroon ang mag inang Altarez.

“Meanne.”

Napalingon si Meanne.

“O, andiyan ka na..”

Maaninag ang namamaga pang mata ni Meanne. Balisa. Nagiisa siya dito nag hihintay ng abutan ni Ariel sa waiting area.

“K-Kumusta sila.”

“H-hindi ko pa alam. Me mga doctors, di pa lumalabas.”

“Si Mommy?”

“Kinuha din ng mga nurse kasi, nag collapse siya.”

“S-Si Sara? Si Trish, anong lagay?”

“Honestly Ariel, hindi ko alam. They’re both unconscious ng dalhin dito. Sumunod lang kami.”

“God.”

Takot na takot si Ariel.

“A-alam na ba ni Dindy?”

“Y-yes, tumawag siya kanina. She’s catching a flight now pauwi.”

***

Alas dos ng hapon. Medyo naka-recover na si Eleanor nasa wheelchair ito at kasama na nina Meanne at Ariel na nag-aantay kung ano kalagayan ng kanilang mga ka-anak. Naroon na rin si Ding at Third nagdala ng makakain ng magina at ni Ariel. Pero sa ngayon parang hindi magalaw ang pagkain, maliban sa dalang tubig ni Third. Ilang saglit pa, hinanap sila ng isang doktor na babae. Mga kasing edad ni Eleanor.

“Ellen.” Nakangiti ang doktor.

“Oh, Hi Jean, musta, musta sina Leo.”

“Si Sara and her baby, okey na sila.”

Napahinga si Eleanor. Ganun si Ariel at Meanne. Medyo naibsan ang tension.

“Si Baby, she suffered a bullet sa arms, hindi naapektahan ang bones. Pero ewan ko ang muscles. Oobserbahan natin, pero she’s fine.”

“Si Sara, a bullet din sa shoulder. Minor injury, nothing to worry. Natutulog pa sila. I think they can manage, baka mamaya lang magising na kasi inopera namin.”

Pages: 1 2 3 4