Dream Girl Ko Part 16 Final

Tiningnan siya ng tatay sa sout na toga. Nakangiti ito. Tinawag siya at niyakap ng mahigpit.

“Masaya ang Mamang mo, alam ko. Nakikita ka niya ngayon nakangiti yun anak. Magiging magaling kang Engineer, Ariel.”

Niyakap lang ng binata ang ama.

***

Naguumpisa na ang processional rites, nababagot na si Ariel dahil hindi na niya pa maaninag si Sara. Dalawang buwan na ang nakakaraan ngayon, bumalik siya bilang PE teacher ng campus. Malugod naman siyang tinaggap agad dahil tila walang nagbago sa set up ng kanyang iniwan. Parang nag bakasyon lang si Sara. Naroon pa rin ang mga gamit niya sa PE Room office, walang halos na nagalaw maliban sa mas malinis ito ngayon. Inaasahan ni Ariel na narito na ito ngayon ayon sa kanilang usapan, lalo pa at narito ang kanyang mga kamag-anak mula sa La Union.

Hanggang sa maka upo ang binata sa kanyang pwesto at mag umpisa na ng tuluyan ang programs, palinga linga si Ariel sa paligid. Nababahala tuloy ang kanyang mga kamag anak na nasa may likuran, kasama ang iba pang mga magulang at kamag anak ng mga graduate dahil sa hindi siya mapakali sa kinau-upuan.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Si Sara ay nasa may Grandstand at abala sa pagsasaayos ng sequence ng ginaganap na graduation rites. Nakita niya na kanina si Ariel ngunit hndi niya malapitan dahil inaasikaso ang kanilang panauhing pandangal sa back stage. Nakita niya na rin ang Papang at tiyahin ni Ariel at mamaya, balak niyang lapitan sila.

Nag-umpisa ng magtawag ng pangalan ng Graduates, ayon sa sa pagkakasunod ng mga Departments. Ikatlo ang College of Engineerig.

Saka niya lang nakita si Sara.

Naka-upo na ito katabi ng ilang faculty and staff sa kaliwang bahagi ng stage. Naka-formal dress ito na kulay beige. Nung tumayo si Sara at parang me hinanap sa kanyang likuran, mas lalo pang naaninag ng binata ang dalaga. Hinugot niya ang cellphone.

ARIEL: I see u. Ganda mo in that dress. 😉

Minasdan niya si Sara na tila naramdaman ang vibration ng cellphone sa kanyang dalang purse. Kinuha ito, binasa. At ngumiti. Hinanap siya ng mata nito sa lugar kung saan nakita siyang nakaupo. Nagtama ang kanilang mata. Binilatan siya ng dalaga.

ARIEL: Love u. Lam mo?

SARA: Thanx. :p

SARA: Luv u 2 babes. Kita ko papa mo. Andito pala.

ARIEL: Yep.

SARA: Later. So busy, ako natoka sa programs. 😉

ARIEL: Babes.

SARA: Babes?

ARIEL: Mamaya. I have a surprise.

SARA: Surprise? Nu yun?

ARIEL: Surprise nga eh. 😉

SARA: Hm. Excited! :p

ARIEL: Love u. 😉

SARA: 😛

***

Nanginginig ang binata ng matapat na sa kanilang department ang tatawagin sa entablado. Nakapila na siya at nung marinig ang kanyang pangalan..

LADRIDO, ARIEL C.

Nagpapalakpakan lalo na ang kasama niyang mga kamag anak sa hapong ito. Medyo napatayo sin si Sara ng umakyat ang binata sa stage. Ngunit pag-dating niya dito binulungan niya ang Dean at agad na pinuntahan ang Emcee at may sinabi din. Nagtaka si Sara at daang daang mga tao ng kunin ni Ariel ang microphone.

Sa tabi, senensayasan niya si Devine. Ang kakutsabang kaibigan sa hapong ito. Kagat na ang dilim, medyo malamig ang hangin. Ang buong ilaw ay namatay liban sa spot light sa stage.

“Sorry po to interrupt this ceremony but I think it’s only right and proper to do this here and now or never…”

“Gusto ko pong ipa-alam sa inyong lahat, na sa matagal ng panahon, nagmamahalan po kami ng isa sa teacher sa pamantasan ito. All these years, we have proven our love even if it is being condemn because of our status. But for me, she is the most adorable woman in my eyes who captivates my heart everytime I see her.”

Litong lito ang mga tao. Pero parang naiintriga sa ginagawa ngayon ni Ariel.

Sa upuan, nakaramdam ng labis na kaba si Sara. Madilim ang paligid at tila walang mga alam ang mga katabi niya sa nagaganap ngunit para siyang matutunaw. May mga bulungan kung sino, kanino at ano ang nangyayari mula sa mga kapwa niya college instructors. Ngunit tila wala silang alam. Takot si sara sa nagaganap. Hindi nila ito napag usapan ni Ariel.

“So, infront you. The president and the membes of the board, the deans of colleges, professors and teachers and to you my fellow graduates, and dear parents, I am standing here.. to profess my love to Ms. Sara Minerva Bergman Altarez…”

Nagtayuan ang lahat ng mga estyudiante. Lahat napadako ang tingin kung saan nakaupo si Ms. Altarez. Ang dilim ay biglang kuminang sa sabay sabay na pagbubukas ng kani-kanilang mga cellphones, upang kunan ng video ang nagaganap ngayon. Nagpatuloy si Ariel. Nakatingin na sa kinauupan ni Sara.

“Sara, you know I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride..”

“I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you..”

Lumuhod ang binata sa harap kung saan naroon si Sara. Binuksan nito ang dalang maliit na kahon na may laman ng singsing. Tumili ang mga kababaihan sa nakita maging mga ang teachers sa boung campus.

“Will you marry me, Ms. Sara Minerva Altarez?”

Ito ang hudyat ni Devine upang itapat na ang isang spot light ki Sara. Mas lalong nasilayan ng karamihan ang dalaga sa madilim na sulok ng kanyang kinalalagayan.

At pinindot na rin ni Devine ang play mode sa kanta ni Elvis Costello. She.

~She may be the face I can’t forget~

~The trace of pleasure or regret~

~May be my treasure or the price I have to pay~

~She may be the song the summer sings~

~May be the chill the autumn brings~

~May be a hundred different things~

~Within the measure of a day~

Parang matunaw si Sara sa pagkaka upo. Litong-lito sa ginagawa ng binata sa stage. Labis labis ang kaba ng kanyang dibdib, lalo na’t nakatuon ang spot light sa kanya. At lahat ng mga mata sa daang daang tao na narito ngayon. Naririnig niya ang sigawan sa paligid.

Pages: 1 2 3