Dream Girl Ko Part 2

AL1225: Hi =)

Si Ariel.

Ayaw sanang sagutin ni Sara pero parang mas mabilis ang daliri niya kesa isip.

SARA: Hi

AL1225: Still up? Why?

SARA: Hah! Doing some stuff, kaw, bat di ka pa natutulog? Maaga pasok mo ah.

AL1225: Hm. Wala, Di ako makatulog.

‘Stop it Sara, don’t push it’ Sa isip nito. Pinipigilan ang sarili.

SARA:?

AL1225: Di ko alam. Di ako Sure.

SARA:??

Ilang saglit bago sumagot.

AL1225: How’s Trisha?

SARA: Tulog na.

AL1225: Kelan mo siya dadalhin uli sa campus.

SARA: Not these days, napapagod ako kahahabol.

AL1225: Ako bahala.

SARA: Sure?

AL1225: Yep.

SARA: Why don’t you visit her na lang here sa house… (Ito sana ang i-sesend niya ngunit kaagad nagbago ang isip nito, binura at pinalitan ng..)

SARA: Ok.

AL1225: When?

SARA: Soon =)

AL1225: Ah, Ma’am.

SARA:?

AL1225: Is it possible…

Hindi tapos, kaya nag hintay ng ilang saglit si Sara.

AL1225:

Blanko.

Kasunod nito, nagsend ng smiley with throbbing heart si Ariel.

Na-curious si Sara

SARA: Para sa ano yun.

AL1225: Wala lang po. For you..

Kinabahan si Sara

SARA: You were saying… is it possible..Whats that?

Pero nagback out ang isip nito, ba’t niya pa nai-send yun.

Ilang saglit sumagot ang ka-chat.

AL1225: Is it possible…

Putol uli, pero nag hintay lang ang babae.

AL1225: ..for a student to fall in love with a teacher?

Namula sa kinauupuan si Sara. Pakiramdam niya ay naninigas ang mga daliri habang nakatutok ang mga mata sa monitor ng desktop. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at biglang nanuyo ang lalamunan.

Isinandal niya ang magkabilang kamay sa kanyang mukha habang nakatukod sa desk, malapit sa keyboard at nag isip.

‘Oh God!’ Nasabi niya sa sarili.

Ilang sandali bago sumagot. Mabilis, naitype at nai-send niya…

SARA: It’s wrong. Very wrong!

Wala nang sinagot ang binata sa loob ng maraming minuto, pero naka online ito.

Naghintay pa siya. Ngunit wala, hanggang sa isara niya ang window ni Ariel. Medyo nakaramdam ng guilt ang babae, sa kabila nito inisip niyang tama lang na bigyan niya ng tuldok ang lahat. Kumakabig paatras ang silakbo ng puso ni Sara.

Nang mahimasmasan, binalikan niya ang work sheet sa Excell.

***

11:04 PM

Biglang nagpopped-up muli ang YM Window ni Ariel.

Malinaw ang mga kataga, kung saan dito napaso ang buong katawan ni Sara.

AL1225: I think I’m in love with you.

Hindi sumagot si Sara. Wala siyang maisasagot dito.

AL1225: Still there..?

….

AL1225: Sorry.

Mabilis na nagtungo sa kama si Sara, nagtalukbong ng kumot at nagtakip pa ng unan sa mukha. Magdamag siyang hindi nakatulog. Magdamag siyang nag isip.

This is crazy.

***

Mag-iisang buwan na mula ng huling pag uusap nila sa chatroom, halos patapos na ang semester hindi sila nagkausap pang muli. Pilit niyang iniwasan si Ariel. Magkasalubong man sila, patio, sa corridor, sa gym, nakatungo rin lang ang binata. Hinayaan na lang ito ni Sara, inisip niyang mas mainam na ito, keysa sundan ang bitag ng pagkakamali.

Ngunit hindi ang tadhana na sadyang nagpupumilit ng kanilang pagtatagpo. Hindi aakalian ng dalawa na dadalo sila sa birthday ni Shane. Wala nakakahalata sa lahat ng kanilang gap nitong mga nakaraan. May mga sulyap ang bawat isa habang nagkukwentuhan sa sala sa bahay ng celebrant.

Sa ‘Lanai’ ng bahay, lumabas si Ariel dala ang isang beer in can, na mahigit isang oras na niyang tinitikman, paunti-unti. Gusto niya sanang mapag-isa, ngunit ilang sandali lang, nagbukas ang sliding door na yari sa salamin. Kanina pa siya hinahanapan ng pagkakataon ni Sara na masarili, upang makausap.

“Hi..”

Ayaw mang sumagot, napilitan ang binata.

“H-hi..”

“Wow, mahangin pala dito.”

“So, what’s up..” dugtong ng babae.

Nagkibit balikat lang si Ariel.

“Ariel.. we have to talk..”

Wala pa rin imik ang binata na naupo sa isang silya. Kaagad, sumunod at tumabi si Sara sa katabing upuan.

“Ariel, I think this is not good for both of us..”

Nakayuko lang si Ariel. Nag iisip.

“Si Trisha ang buong buhay ko” Mahina ang boses ng babae.

“She’s all I have, and am willing to do and sacrifice everything, para ki Trisha..”

Hindi na maintindihan ni Ariel ang ibig ipahiwatig ni Sara.

“Look..” Hinawakan ni Sara ang magkabilang balikat ni Ariel, pinahaharap sa kanya.

“If we do this, if I really do this… I could lose my job.”

Doun, napalingon si Ariel ki Sara. Naaninag niya ang bagsak na mukha nito.

“Intindihin mo ako.. I need my job.”

Nabalot ng habag si Ariel. Nakukuha na niya ang pahiwatig ni Sara.

“M-ma’am..”

Walang imik ang babae.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Ngayon, natanto ni Ariel ang lahat, bagama’t hindi ito mangyayari, nasisiguro niyang hindi siya nag-iisa sa nararamdaman.

“Naiintindihan mo ba?” Bulong ni Sara.

Narinig ng babae ang buntong hininga ni Ariel.

Kasunod nito ang isang nakabibinging katahimikan. Alam nilang may panahon, may tamang panahon para sa kung ano mang nararamdaman sa isa’t-isa.

***

Dalawang linggo matapos ang semestral break, inisip ni Sara na umuwi si Ariel sa Aringay dahil wala man lang itong text, wala ni ym messages, mula nung huli silang mag usap sa party ni Shane.

Ewan kung bakit naiinis siya. Gusto niyang maka tanggap ng text, o tawag man lang. Ngunit bakit pa, gayong nilinaw niya sa binata na kailangan nilang magin matatag. Kailangan nila na magtimpi at magin mahinahon sa kung ano mang nararamdaman sa isa’t-isa.

Alas dos na ng hapon, habang ang malakas ang ulan sa labas. Mag isa si Sara sa bahay dahil kinuha ng kanyang mga kapatid ang bata upang ipasyal kasama ang lolo at lola nito. Naiinip si Sara dahil walang mapanood sa cable, wala siyang mabasang libro. Ni hindi siya nag lunch dahil tinamad siyang magluto. Pagka ganitong, walang pasok, at kung wala si Trisha, hindi niya pinapasok ang yaya ng bata.

Pages: 1 2 3 4