Ang panaginip ay paulit-ulit.
Halos gabi-gabi. Naging mas madalas na kung dalawin ng panaginip si Ariel tungkol sa babaeng umaakit sa kanya. Naalala niyang nakakita niya ito palabas sa kanilang subdibisyon, nakatabi sa tricycle. Nakita niya pa ito ng ilang uli ngunit hindi sila kailanman nagkakilala.
Ngunit ngayon nakikita niya ang hubo’t hubad nitong katawan – papalapit sa kanya.
Maamo.
Nakangiti.
Pinagmamasdan niyang maigi magandang nilalang. Ang manipis at mapulang mga labi, ang mahaba at straight na buhok. Ang balingkinitan at maputing katawan. Ang malusog na dibdib, ang mapula at matulis na nipples.
Nakukuryente ang buo niyang katawan.
Lalo na nung idadako ang paningin sa pagkakabae nito na dinadampian lang ng manipis na buhok ang guhit sa hiyas. Nakikita niya ang pagbuka at pagsara na tila perlas na nangingintab sa pusod ng karagatan.
Basa’.
Kilala niya ang babaeng ito. Minsan, nakasabay niya ito papalabas noon sa dating lugar na kanyang tinitirhan. Nagkasabay na sila sa tricycle.
Nag-aalab sa init si Ariel. Gusto niyang hawakan ang magandang dilag na nasa kanyang harapan. Gusto niyang maramdaman. Ngunit unti-unti itong naglalaho hanggang sa magiging abo, na sumasama sa hangin.
Bumabagabag ito sa kanyang katauhan dahil paulit-ulit ang panaginip na ito.
Magigising siyang pagod na pagod. Uhaw na uhaw, at basa’ ang brief sa loob ng shorts dahil nilabasan siya ng semilya habang nagpupumiglas pa rin sa galit ang kanyang sandata.
Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com
~~~
Jolo, Sulu. Southern Mindanao. Bumubuhos ang ulan sa hapong ito. Bumaba ng sasakyan si Lieutenant General Leonardo Altarez, Vice Chief of Staff ng AFP at Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine counterpart ng Central Intelligence Agency (CIA) ng America.
Kunot ang noo at halatang nagsisilakbo ang poot sa kanyang dibdib dahil sa kaganapan kagabi. Bukod sa nalagasan siya ng tao, nakatakas ang grupo ng mga rebeldeng moro, kasama ang dalawang Muslim Extremist na sangkot sa mga pambobomba sa Metro Manila, Davao at Cebu. Naka-engkwentro ito ng Bravo Company ng 3rd Battalion unit ng Army. Ngunit tatlo sa kanila hindi na nakabalik ng buhay. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga sundalo dahil tadtad ng mga bala ang katawan.
Lahat pinugutan ng ulo.
Dito sa kampo ng 21st Infantry Army sa Jolo, nakakulong ang isa sa mga nakasagupa ng mga sundalo kagabi. Inakala itong patay ng mga kasama matapos tamaan ng bala at mahulog sa matarik na burok. Narecover ito ng reinforcement unit, na walang malay.
Hindi pinansin ni Leo Altarez ang hukbo ng mga military officials na sumalubong sa kanya at nagkakandarapang sumaludo kahit basang basa ng ulan. Sinabayan siya sa paglalakad ni Colonel Ishmael Olimpio, Commanding Officer ng 5th Army Brigade. Mabilis nilang nilakad ang isang tent habang nagbibigay na ng briefing si Olimpio.
“Confirmed Sir, kasama si Yusuf at Akhmed ni Wahab Suhala. We are still in hot-pursuit operations. Positive tayo sir that we will track them anytime sooner, today or.. t-tomorrow. S-sir baka matsambahan natin.”
Malakas ang buhos ng ulan, narinig ni Olimpio ang mahinang tinig ng heneral.
“hindot!”
Kilala si Leo na sadyang marumi ang bibig. Lalo na sa mga pagkakataong tila pinagmumukha siyang tanga. Alam niya kasing nangangapa at nahihirapan ang mga tumutugis sa tropa ni Suhala at mga kasama nito.
“..we are planning Sir to transport the suspect today papuntang Camp Aguinaldo, kasi ihaharap daw po ito sa press briefing. I’ve already coordinated na with the Air Force to lift..” Patuloy sana ni Olimpio, ngunit natigilan ng biglang huminto sa paglalakad si Leo.
Hinarap at tinitigan siya nito. Kaya ang naidugtong..
“..C-cancel na lang siguro S-Sir? Para ma-interrogate further..?”
Nagngitngit na ngipin ng heneral. Parang matutunaw sa nerbyos si Olimpio habang nakatingala sa nakatayong five-foot-eleven na heneral at sa makisig na katawan nito, sa edad na 57.
“Here’s what you are going to do.” Malakas ang tinig ni General Altarez. “File a report that the suspect, unfortunately died while we are treatin’ that mother fucker here. He sustained fatal wounds and there was a lot of blood lost..”
“P-po? eh.. Bu-buhay pa.. po..na-nasa loob..Sir.”
Para siyang bata na itinuturo ng nahihiyang daliri ang tent kung saan naroon ang moro na alam niyang pinakapain ng mga sundalo matapos gamutin sa infirmary.
Alam niyang isang tama lang bala sa binti ang sugat nito.
Pero hindi siya pinakinggan ni General Altarez. Umiling ang ulo nito at nagpatuloy,
“He died this afternoon due to multiple organ failure caused by severe infection.” Walang kurap ang pagkakatitig sa kausap na si Olimpio. “Adding to that, the doctors in our infirmary told us, that this asshole has serious contagious disease. So, we immediately buried his body upon his death…”
Halos mataranta sa isasagot si Colonel Olimpio. Litong-lito sa instructions.
“S-sir?”
Matagal silang nagkatitigan, habang parang sumpit ang ulan na bumubuhos sa kanila. Siya at ang mga opisyal na sundalong nakaririnig ng usapan ay nakatitiyak na kung ano ang mangyayari sa loob ng tent sa susunod na mga sandali.
“Can you do that? Or you want me to ask your deputy to do it instead, Colonel?”
Natakot si Olimpio, tila naaninag niya ang demotion at madaliang transfer. Kaya, tumuwid siya ng maayos, inaanag ang kanyang assistant brigade commander na nakangisi. Saka sumagot.
“Y-yes Sir. I’ll do it.”
Saka lang kumurap ang heneral.
“Good.”
***
Tatlo lang ang inabutan nila sa loob ng malaking tent. Dalawang sundalong armado at nakabantay. At ang bihag na moro na nakaupo habang tahimik na kumakain sa isang mesang yari sa kawayan. Nakabenda ang binti ng lalake dahil sa sugat na tinamo nito. Liban dito, wala na siyang ibang karamdaman. Nang makita niya ang pagpasok ng heneral at ilang mga sundalo, bahagyang ngumiti ang lalake.
Naupo si Leo sa harap ng bihag.
“Nasabi mo na ba kung saan ninyo dinala ang ulo ng mga tao ko?” Kalmado ang tinig ni Leo.
Tiningala lang siya ng lalaking bihag, tapos na itong kumain kaya dinampot nito ang baso upang uminom ng tubig. Tinutpik pa ng daliri nito ang tinga’ sa ngipin. Tiningnan niyang mabuti ang kaharap at nakita ang tatlong bituin sa balikat ng military camouflage uniform. Alam niyang mataas ang katungkulan nito. Saka umusal..
“So-sorry Mister General, pero isang sagradong bagay para sa amin ang bagay na yan, patayin niyo man ako hindi ko po ma-aaring sabihin dahil parte yan ng aming tradisyon.”
Tinututpik tutpik pa rin nito ang tinga sa ngipin gamit ang hinliliit na parang nakakainsulto sa panginin ni Leo.
“Very well.” Sagot ng heneral.
Tumayo si General Altarez. Mabilis. Hinatak nito ang kwelyo ng kaharap at hinila pataas hanggang sa madala ang buong katawan nito sa kabilang mesa sa kanyang harapan. Binunot nito ang caliber 45 pistol sa kanyang baywang at sabay baba ng safety.
‘Click’
Walang nakapagsaglita dahil maging mga sundalo sa loob, natutulala sa bilis ng pangyayari dahil narinig agad nila ang dalawang putok. Double tap.
BANG. BANG.
‘AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
Napaluhod ang lalake at nagsisigaw dahil sa tama ng bala sa magkabilang balikat. Inakala niya kasing bluff. Ang isang kapsula ng balang bumanda ay tumalsik sa pisngi ni Leo. Ininda niya ito, lalo pa’t malakas na napasigaw ang lalake sa sakit ng tumagos ang bala sa katawan.
Kumalat ang dugo.
Akmang tatakbo si Olimpio upang sawayin ang heneral, ngunit dalawang magka-ibang pares ng mga kamay mula sa mga aide ni Leo ang agad kumapit sa kanya upang pigilan. Buhay pa ang lalake, paisa isa ang hingal at uma-atungal sa sakit.
Tumutulo ang luha sa mata. Kumakalat rin ang ihi niya sa pantalon.
Hawak pa rin ng heneral ang kwelyo habang bahagyang nakaluhod ang lalake. At saka itinutok sa noo nito ang gatilyo. Nang maramdaman ang malamig na bakal sa ulo, humahagolhol na kumanta ang lalake. Mabilis. Nag uunahan ang mga banghay sa talata.
“Sa paanan po ng Sitania, sa Marede Creek, daan ng Ahabi. Me Kuta po kami doon General, meron pong kubo at doon po namin dinadala lahat. Inilibing po namin lagi ang mga ulo doon.”
Paisa-isa ngunit malinaw na narinig ng heneral ang pagtatapat ng moro.
“H-huwag niyo po akong papatayin, maliliit pa po ang mga anak ko General.”
Tila wala siyang narinig sa pagmamaka-awa.
“Saan pupunta sina Yusuf?” Tanong ng Heneral.
Lupaypay ang lalake, ngunit hawak ng heneral ang kwelyo. Di alintana sa kanya ang bigat ng bihag sa laki ng braso ni Altarez.
“Hi—hindi po ko alam, maniwala po kayo.. S-Sir.. General..”
Takot na takot na ito at nagmamaka-awa ngunit mapapansin ang maitim na mga mata ng heneral na tila isang taong walang kalululuwa. Kaagad niyang ibinaba ang gatilyo ng baril sa paanan at ipinutok muli.
BANG. BANG.
Sa pagkakataong ito, tumagos sa magkabilang tuhod ng lalake ang mga bala.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
Tuluyan na itong nalaglag sa lupa. Kumapit siya sa katawan ng heneral, pero lumuhod si Leo. Pilit na inalsa ang katawan ng lupaypay na lalake. Ang mga kasama niyang sundalo sa likod, parang hinihilab ang sikmura sa nasasaksihan. Mabangis din sila, pero kung tibay dibdib ang paguusapan, wala sila sa kalingkingan ni Altarez.
Muling itinutok ni Leo ang gatilyo sa sentido ng bihag. Nataranta na ang isip ng rebelde kaya’t wala siyang nagawa kahit namimilipit sa sakit dulot ng mga butas na sugat sa kanyang balikat at mga tuhod, sinabi niya ang nalalaman.
“M-may pagtitipon po bukas sa Durak, Lamitan, naroon po sila lahat sa Basilan, na-naroon po lahat G-General.. Sina Akhmed, sina Yusuf.. h-huwag po ninyo akong Papatayii..”
BANG!
Di na natapos ng lalake sa kanyang sintonadong kanta dahil tumagos ang punglo sa ulo nito. Kumalat ang utak nito sa lupa. Maging sa combat ni Leo, tumilamsik rin sa kanyang mukha ang pira-pirasong laman mula sa nabutas na sentido. Kaagad na nalaglag ang katawan ng lalake nang bitawan ng heneral ang kwelyo. Nangingisay, hanggang sa malagutan ng hininga.
Parang mamamatay sa nerbyos ang mga sundalo sa nasaksihan. Kaya pala tinawag si General Altarez na ‘Diablo’. Marahas, makamandag at mapanganib.
***
Si Altarez ay Baron (top one) sa batch ng PMA ‘Mandirigma’ class of 1978. Siya ang utak ng grupong ‘El Diablo’ isang secret fraternity ng upper class sa Philippine Military Academy. Nung sumikat ang Diablo Squad ni Altarez sa unang assignment sa Iligan City, marami ang umanib sa kanya hanggang sa maging Diablo Guardians ito at kalaunan ay maging Guardians Brotherhood, samahang ng Army, Navy, Police At Constabulary. Ngayon, ang Philippine Guardians Brotherhood na may civilian members na rin ay pinamumunuan ng pitong active at in-active police at military officers, bilang mga co-founders at si Lt.Gen. Leonardo Altarez ang kinikilala nilang Supremo.
Pitong coup d’etat ang lihim na minaestro ni Leo. Ginuhit niya ang mga salitang Reform the Armed Forces Movement, kaya sumikat ang RAM, lalo na ng basbasan niya ang isang mistah, isang Army Colonel noon na si Greg, co-founder ng El Diablo, para sa isang assassination plot sa Malakanyang. Hindi ito nagtagumpay pero naging usap-usapan ang Diablo’s Guardians. Sinundan pa ito ng iba pang mga coup hanggang Oakwood stand-off.
Plinano niya ang lahat at inilatag ang mga tauhan sa isang tila sarsuelang mga palabas upang takutin ang mga naka-upo sa pwesto. At may dahilan ang lahat. Alam niya kung sino sa kanila ang magiging senador, congressman, mayor at cabinet officials. Bagama’t na-discharge sila sa hanay ng military chain of command at kunway nakasuhan ng pag-tataksil sa bayan, at nilitis ng Military Court Martial kung saan ang Military Judge ay kasapi nila sa Philippine Guardians Brotherhood, ang lahat na ito ay bahagi ng kanilang plano.
Planong iginuhit ng utak ni Altarez mula pa noong kabataan niya bilang kadete, nang marinig na magsalita sa isang pulong sa PMA noon si General Fabian Ver ng AFP, General Fidel Ramos ng Constabulary, Defense Minister Juan Ponce-Enrile at si Prime Minister Cesar Virata. Ipinaliwanag nila kung ano ang buod na pamantayan ng Martial Law sa hanay ng militar at pulis, at kung bakit kailangang – aprubahan ito ni Apo, ang naka-upong Pangulo noon. Hinangaan ni Altarez ang prinsipyo at ang ideya. Sana pagdating panahon, gusto niyang mamayani ang mga magigiting na sundalo bilang lider ng bayan.
Totoong lider ng bayan.
Wala siyang ibang hiling kundi ang maayos na pamamalakad. Galit siya sa mga tiwaling kasama, at alam ng karamihan ang mga nangyayari sa mga ganid na heneral. Pulis o sundalo man.
Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ang kinasadlakan ni Retired General Ramiro Rustico, na ang huling kausap ay si Leo Altarez – bago mapabalitang nagpakamatay ito sa sementeryo sa puntod ng mga magulang.
Paanong nangyari na ang entry point ng isang slug ng caliber 40 ay tumagos mula sa likod, bago lumabas sa puso at dibdib nito, ay sasabihing nag-suicide ang dating pinuno ng Armed Forces, na sangkot sa 53 million peso kickback/stash, mula sa hindi kalianman ina-audit na military intelligence fund? Binaril niya ang sarili mula sa likod?
Isa itong napakalaking puwang at palaisipan sa mga opisyal na tanging si Altarez lang ang nakakaalam. Pero suicide daw ayon sa final report ng PNP-SOCO at NBI Medico Legal. Ang asawa at mga anak ni Rustico, naki-usap na itigil na ang Senate Hearing dahil nagpaka-martir na ang Tatay nila sa pagpapatiwakal nito.
Bilang respeto sa namayapang punong sundalo, pinatigil na ni Leo ang usapin sa nawawalang pera sa kaban ng AFP. Pero binigyan niya ng ticket papuntang Australia ang buong pamilya ni Rustico. At binalaan, hindi na sila muling makakabalik sa Pilipinas. Kailanman.Tatlong tawag din ginawa ni Altarez, natigil bigla ang entertainment show sa senado.
Ang 53 million? Wala ng nakaalala.
Ngayon, ito ang huling ground assignment niya sa mahigit apat na pung taon sa Military Service, bago mag retiro pitong buwan mula ngayon. Ang balikan ang Mindanao sa kamay ng ibat ibang factions ng mga rebeldeng moro na iba iba ang pananaw para sa Mindanao.
***
Walang nagsasalita ng mga oras na iyon nang kunin ni Leo ang kanyang bandana upang punasan ang katawan, kamay at mukha sa nagkalat na dugo mga laman at hibla ng mga utak mula sa pinaslang na lalake. Tiningnan niya si Olimpio at iba pang mga opisyal sa paligid. Kita sa mga mata nito ang takot at pagkagulat.
Nagbigay uli ito ng instructions.
“You know what to do, you heard di ba? I want you to wipe them all sa Lamitan.”
Sa pagkakatayo, muli niyang ibinaling ang tingin sa bangkay sa kanyang paanan. Tinadyakan ang tagiliran ng walang buhay na moro.
‘Blag!’
“Itong putang inang ito, hatiin niyo sa lima at sunugin sa likod!”
***
Pabalik na sila sa bayan kung saan naroon ang Hewey Chopper na magdadala sa kanya sa Cagayan de Oro City. Naroon ang pansamantalang Command Center ni Leo, habang inaayos ang Bangsangmoro National Security Realignment, ayon sa peace agreement ng pamahalaan sa MILF. Ang MNLF ni Misuari ay kasaluyang walang papel sa usapan, kaya pinag-hahandaan niya ang mga posibleng pag-atake nito sa Mindanao.
Sakay siya ng Toyota Land Cruiser kasama ang apat na mga military-aides. Narinig niya ang pagtunog ng cellphone na hawak ni Ding, Navy Lieutenant Senior Grade at chief aide-de-camp ni General Altarez.
“Si Ma’am, Sir.” Ibinigay nito ang cellular phonel.
Huminga muna ng malalim ang heneral.
“Mommy?..”
“Dad, kumusta.. nasaan ka?”
“Okey naman, galing kami sa conference, kayo?”
“We’re fine. Tumawag ako kasi sa Saturday na ang birthday ng apo mo.. kailangan umuwi ka.”
“Oo, uuwi ako, nakaready na ang ticket ko. Nandiyan ako.”
Ang totoo hindi niya sigurado kaya pinandilatan niya ng mata si Ding, tumango naman ito na ibig sabihin, affirmative.
“Ok, siguraduhin mo’t miss na miss ka ng apo mo. Ay, by the way, isasama daw ng anak mo yung boyfriend niya, gusto kung umayos ka Leo.”
Kumunot ang noo ng heneral.
“Oo. Ikaw naman …” Pinilit niyang ngumiti sa malambing na tinig.
“Ok, naniniguro lang kasi kilala kita pagdating sa lovelife ng mga anak mo. Ingat ka diyan ha? Kumakain ka ng maayos?”
“Opo. Don’t worry. Sige na mommy papunta kami sa HQ ha? Love you I miss you.”
“Love you too Dad. Take care.”
Nang matapos ang usap nila, nilingon ni Leo si Third, isa din sa aide.
“Yung mga pinakuha kung files, naipadala ba?”
Mabilis na tumango si Third.
“Yes Sir dala ko po, actually kahapon pa po dumating galing sa ISAFP. Me kinuha din po akong version sa classmate ko na nasa Intel ng WPD.”
Iniabut nito ang dokumento na nasa plastic cover ng Air 21.
Binasa ang briefing na naka imprenta sa apat na pahinang papel. Meron ding nababalot na memory card na nasa maiksing envelope. Tiningnan niya rin ang ilang mga letrato ng binatang ang pangalan ay Ariel. Kasalukuyang boyfriend ng anak niyang si Sara.
Pero napaiktad siya sa kinauupuan ng makita isa pang larawan.
Filipina Porn Pinay Sex Pinayot.com
“Jesus!”
Sa picture, torrid ang halikan ni Sara at Ariel habang nakasandal sila sa pader, kuha sa bahay ng dalaga. Nakapasok pa ang kamay ng lalake sa palda ng babae. Nangilabot si Altarez sa nakikita. Halos hindi siya makapaniwala. Kaya muling umigting ang galit nito.
“Third.”
“Sir?”
“May tao ba tayong nakabuntot dito?”
“Yes Sir.”
“How about itong Dennis, buddies sila diba?”
“Yes Sir, binabantayan din po.”
“Ok, good. Huwag lubayan. Bantayan ang lahat ng kilos. And I want daily updates.”
“Yes Sir.”
“I don’t want loose ends, tell our men. Baka may makahalata.”
“I know Sir, yun din ang instructions ko.”
Muling natahimik ang heneral, ilang saglit.
“What do you think, Ding. Should we do it?”
“Sir?”
“Itumba na natin to. Wawasakin nito ang buhay ni Sara, nakikita ko.”
“That’s up to you Sir. Madali lang naman, pasagasaan ko po sa taxi. O ipa-holdap ko po.”
Nag-isip muli si Altarez. Malalim. Matagal bago nakapagsalita.
“Sige, pero huwag ngayon. Wait for my signal.”
***
Labag man sa kalooban ni Sara, plinano niyang maigi ang pagpunta ni Ariel sa bahay ng kanyang mga magulang. Hiling ito ng bata, na hindi nila matanggihan ni Ariel.
At dahil dito, masusing kinausap ni Sara ang kanyang ina at mga kapatid.
Alam na nila ang tungkol sa binata at sa kanilang relasyon. Ngunit dahil hindi ito masyadong ikinukwento ni Sara, inisip nilang di gaanong seryoso ang dalaga dito. Nababahala sila ki Sara, dahil estyudiante ang kasintahan sa kanilang pamantasan. Persistido si Sara, at tila wala na silang magagawa sampu ng kanilang pagtutol. At upang maalis na ang mga agam agam, panahon na, ayon ki Sara na makilala nila si Ariel. Panahon na rin para ki Ariel na makilala niya ng lubos ang buong pamilya ng dalaga.
Ang kanyang ina, si Mrs. Eleanor Bergman-Altarez, Filipino-American, ay nag-iisang anak ni retired US Navy Admiral Randolf Bergman na naging Fleet Commander ng Battleship USS Abraham Lincoln, noong 1984. Ang ina ni Eleanor si Flora Madrid ng Pampanga ay isang rin dating US Navy Petty Officer noon. Sa States na halos lumaki si Eleanor at nag-aral. Baguhang nurse siya noon sa Lyndon Johnson General Hospital ng makilala niya si Leo sa isang Military Banquet na inihanda ng US Army sa isang pagtitipon ng International Armed Forces Delegates na ginanap noon sa Houston, Texas. Kabilang si Leo sa mga batang tenyente na nakasama sa Philippine Contingent na magsasanay ng Military Intelligence and Security Course. Sa opening ceremonies, si Eleanor na date noon ng isang US Marine Captain, ay di nilubayan ni Leo na makilala. Bukod sa training, naging abala si Leo sa pagkikita nila ni Eleanor araw-araw. Nung matapos ang schooling ni Leo, 68 days later, pumayag ang Fil-Am na sumama sa kanya pabalik sa Pilipinas. Balak ni Eleanor magbakasyon din lang sa pamilya ng ina sa Angeles City, Pampanga. Pero hindi na ito pinabalik ni Leo, hanggang sa makasal sila sa Manila.