Ipinagpatuloy ni Eleanor ang pagiging nurse sa Veterans Memorial Medical Center dito sa bansa, ngunit pinahinto ni Leo dahil sa pam-pamilyang suliranin. Apat ang sana ibinayaya sa kanilang anak.
Ang panganay nina Sara, si Miranda o Dindy, 29, Interior Designer na sa isang malaking kumpanya na naka-base sa Singapore. Kada ikatlong buwan, umuuwi si Dindy, bukod ito sa mga vacation passes na ibinibigay sa kanya tuwing holidays. Engaged ngayon si Dindy ki Jet, isang Pinoy na IT Manager din doon.
Halos dalawang taon lang ang pagitan ni Dindy at Sara, kaya malapit ang dalawa sa isat-isa. Ang sumunod sana ki Sara, si Leonardo Junior ay maagang pumanaw dahil sa karamdaman. Dose anyos noon si Sara nang ma-diagnosed na may advance stage ang kapatid ng Lymphoblastic Leukemia. Ginawan pa sana nina Leo at Eleanor ng paraan na madala ang bata sa Houston, upang doon gawin ang Prophylaxis Treatment, ngunit ng sumailalim ito sa dalawang chemotherapy sessions para sa bone marrow remission, bumigay ang katawan ng anak nila at namatay sa edad na sampu. Mula noon, hindi na pinapasok ni Leo si Eleanor na mag-trabaho sa ospital upang mas maalagan ng husto ang natitira nilang mga anak.
Sumunod sa namayapang si Jun, ang bunso nina Sara, si Mary Anne o Meanne, 19, ngayon ay second year college sa kursong Business Admisnistration sa De La Salle University.
***
Kabado si Ariel. Mag-aalas dos ng hapon ng dumating siya kahit 4pm ang party ni Trishia. Dala niya ang munting regalo na nabili nung isang araw. Casual ang sout na khaki pants at collared navy blue shirt.
Pinindot niya ang buzzer sa gate.
Halos nakahanda na ang lahat sa lawn kung saan gaganapin ang party ng lumabas ng pinto si Sara mula sa dalawang palapag na mansion. Naka simpleng walking shorts ito na beige, at naka-light green tshirt na body fit kaya hapit na hapit ang kurba ng katawan nito. Nginitian siya ng dalaga, habang papalapit sa gate.
“Nahirapan ka bang hanapin ang lugar?” Sabi nito habang binubuksan ang gate.
Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com
“Hindi naman, kilala naman kayo ng mga tricycle drivers. Alam mo bang last year, three blocks away lang ako dito? Nandiyan ang tiyahin ko, dati kung tinutuluyan.”
“Talaga? Hmm. You look good.” Bulong ng dalaga. “At nag-perfume ka pa?” Natawa ng kunti si Sara, habang isinasarang muli ang lock ng gate pagpasok ng binata.
Hindi na sumagot si Ariel. Napakaganda ni Sara sa araw na ito, kaya tinitigan niya ng husto ang teacher. Natauhan lang siya ng marinig ang munting tinig mula sa may pintuan ng bahay
“Hello Tito Ariel.” Si Trishia.
Lumapit ang binata.
“Hi Trishia, Happy Birthday.” Saka inabut ang regalo sa bata.
“Thank you po.”
Hinalikan niya sa noo ang bata habang nasa likod si Sara.
Sa bintana ng bahay nakasilip sa kurtina ang ina ni Sara. Maiging pinagmamasdan sa unang pagkakataon ang binata. Nung papalapit na sila sa pinto, agad nitong tinabig ang kurtina at namamadaling naglakad papalayo sa sala. Wala na siya ng makapasok sina Trishia, Sara at Ariel sa bahay.
Nagtaka si Sara ng makitang tila wala ang nanay niya, samantalang iniwan niya ito kanina ng marinig ang door bell. Pinaupo niyang saglit ang binata, habang si Trishia na mismo ang nag-entertain ki Ariel.
“Hay, ang tagal ng oras, wala pa yung mga friends ko. Nasan na kaya.” Sabi ng bata.
“Maaga pa kasi, antayin mo saglit pa darating na sila.”
“Ay tito, look ito yung gift sakin ni Daddylo, ang ganda di ba?” Itinuro ng bata ang isang mini-bike na may training wheels. Pink na may mga imprentang barbie na ni-regalo ng Dad ni Sara na kung tawagin ng bata ay Daddy-Lo.
“Wow.” Sabi ni Ariel.
Pagbalik ni Sara, kasama na nito ang ina. Napatayo si Ariel.
“Hi Mommylo, ito po si Tito Ariel, friend ni Mommy.”
Natawa si Sara dahil mukhang inunahan na siya ng anak.
“Trish, magbihis ka na, malapit ng dumating ang mga friends mo, nanduon si Yaya sa taas. Susunod agad ako.”
Tiningnan ni Trish si Ariel. Nagkibit balikat at saka sumagot, “Oh-keyy.”
Nakatayo silang lahat at sinundan ang bata papapunta sa itaas. Saka lang nakausal muli si Ariel, kaharap ang ina ni Sara.
“Good afternoon Ma’am.”
Ngayon niya lang naaninag ng husto ang ina ni Sara na tila dito nagmana ang dalaga sa kanyang makinis at maputing kutis. Maging ang straight na buhok na kulay dark-brown. Ang chocolate brown eyes. Ang manipis na mga labi, ang maliit na hugis ng mukha at katamtamang tangos ng ilong. Ang kilos nito ‘with grace, style and elegance’, walang duda, American Beauty si Mrs. Eleanor Altarez sa edad na 56.
“Have a sit.” Sabi nito.
“Diyan ka muna ha, kasi aayusan ko lang si Trish.” Si Sara. Tiningnan niya ang ina.
“Mommy, be good.” Nakangiti ito.
Ngumiti din lang si Mrs. Altarez.
Medyo kinabahan si Ariel, dahil mukhang one-on-one na sila ng ina ni Sara dito. Tumalikod ang dalaga kaya nagumpisang maupo ang binata at ang ginang sa sofa. Ilang minutong katahimikan. Nakaka nerbyos na katahimikan. Saka umusal ang ina.
“I understand, secret pa rin ang relationship ninyo ng anak ko sa school?”
Sa tagal niya sa Pilipinas at dahil Filipina din ang ina, sanay at malinaw managalog ang ina ni Sara. Mahinang tumango ang binata.
“O-opo.”
Napailing si Eleanor.
“When we left for Hong Hong to celebrate Christmas at di sumama si Sara, I knew something is going on.” Sabi nito.
“So, I ask around. At yun, base sa nakarating sa akin, tila magkasama kayo sa bahay ni Sara nung bumabagyo almost two-years ago.” Malamig naman ang paligid dahil me electric fan ang bawat sulok, pero parang pinagpapawisan si Ariel. Hindi makasagot.
“Tinatanong ko si Sara about you pero hindi siya nagsasabi. Ayaw niyang sabihin.” Patuloy ng ina.
“What I don’t understand is the risk. Alam mo ba na pwedeng mawalan ng trabaho ang anak ko, sakaling malaman ng buong campus na she’s dating a student?”
Naibaling na ni Ariel ang paningin sa sahig. Pinipisil pisil niya ang kanyang palad. At tila, nakakaramdam siya ng ihi mula sa pagkakaupo. Sabi ng dalaga, handaan niya ang oras na magkaharap sila ng kanyang ama, ngunit bakit di niya nasabi ang tungkol sa ina. Mukhang ang unang sabak ng pressure sa araw na ito, nag uumpisa na.
May tension na sa paligid.
“You know Ariel, in all honesty, I don’t approved this relationship. My goodness, ilang taon ba ang gap ninyo. And the risk, yung kahihiyan na sana di naman mangyari, pero what if magka iskandalo sa campus. Hindi kita mapapatawad.”
Medyo napalingon ang binata sa kausap, namumula na ang mukha ng binata. Hindi niya ipinapahalatang nangingnig ang buo niyang katawan sa nerbyos.
“I know your old enough, you’re like what, 20?” Tanong nito.
“T-twenty one po.”
“Twenty one..”
Natahimik muli.
“I love my daughter.” Dugtong ng ina. “Ilang beses ko na siyang pinagsabihan, ayaw kung masaktan siya. Ayaw ko nang madapa siyang muli. Ayaw ko ng makita siyang umiiyak. Kasi mas nasasaktan ako…”
“…I remember, ganitong ganito siya noon. She told me she’s in love. She told me, she’s happy. She’s was so excited. Kaya we were so happy for her.”
“But then, all of the sudden, biglang naglaho ang sigla niya. Hindi siya lumalabas, hindi siya kumakain. She never spoke to us. Day and night, nakakulong lang siya sa silid. Huli na namin nalaman na nasa States na si Freddie, iniwan siya. Nag-iisa. And worst, ni hindi namin alam na nagdadalang tao siya. She’s pregnant at ang taong pinagkatiwalaan namin, tinalikuran si Sara. Lahat kami, galit na galit kay Freddie.”
“Nakakalungkot ang mga araw na yun. Yung Dad niya, parang nabaliw yata. He was in rage. He was lost for a time.”
Makikita ang pagpatak ng luha ng ina ni Sara sa mga sandaling ito.
“Nung dumating si Trishia parang naka-recover si Sara. Pati kami. Naging masaya kami kasi unti-unti bumabalik sa normal ang aming buhay…
“At ngayon ito, we’re back to square one because of you. You’re a student, my goodness. Hindi namin alam kung ano ba ang plano mo sa buhay. Kung ano ang plano mo para sa anak ko. You know she is a single mom. And we all know, na this relationship would never be good. At.. dahil diyan.. natatakot kaming lahat.”
Tumatagos sa laman ni Ariel ang mga binibigkas ni Mrs. Altarez. Nanghihinga ang kanyang tuhod.
“Kaya nakiki-usap ako sa’yo, as a mother at para rin sa aming apo… si Trishia, please Ariel, please…”
Nakatitig ang lumuluhang mata ng ginang ki Ariel.
Tumigil yata ang tibok ng puso ng binata. Mas lalong lumaki yata ang bara sa kanyang lalamunan. Hanggang sa dugtungan ng babae ang kanyang pakiusap..
“…huwag mong sasaktan si Sara.”
Natahimik muli.
Pero parang naibsan ang tinik sa dibdib ni Ariel sa narinig. Nakahinga siya. Isa lang ang pahiwatig ng paki-usap na ito ng ina ni Sara. Sana nga tama ang kutob niya.
“Maipapangako mo ba yan?” Malambot na ang tinig ni Mrs. Altarez.
Sumagot si Ariel. Mabilis.
“Y-yes Ma’am.”
Ngumiti ang ina. Inabut ang kanyang balikat at pinisil.
“T-thank you. Thank you so much.”
May sigla ng muli ang mukha ni Ginang Altarez.
“Halika, tulungan mo ako dito sa kusina at darating na ang mga bisita, you don’t mind helping?” Sabi nito.
“Naku no ma’am, sige po.” May kunting sigla ng muli sa mukha ni Ariel ng tumayo ito upang tulungan si Mrs. Altarez sa kusina.
***
Inabutan ni Sara si Ariel na abala sa pag-ayos ng ilang menu sa tamang sisidlan sa kasina na medyo komportableng nakikipag-kwentuhan sa kanyang ina. Medyo nakampante ang dalaga sa nakikitang ito.
“Uhurm.”
Nilingon siya ng ina.
“O, Okay na si Trish? Ilabas na ninyo ito. Me mga dumadating ng bisita, paki-entertain na lang ninyo sa labas.”
Sa lawn nakalatag ang ilang set ng mesa para sa food and drinks. Dinala nila ang ibang mga pagkaing sa bahay mismo niluto, bukod pa sa inihanda ng catering. Patapos na sila halos ng di makatiis si Sara na usisain kung ano ang naging laman ng kaunting oras na kwentuhan ng binata at ng ina.
“So, anong sabi ni Mommy?”
Ngumiti lang muna binata.
“Ano?” Usisa ni Sara.
“Ok naman. Mabait si Mommy.” Pabulong ding tugon ni Ariel.
“Mommy ka diyan, mamaya marinig ka nabatukan ka.”
“Si Daddy, nasaan?” Bulong ni Ariel.
“Aba, kung maka-Daddy ka na eh kala mo naman close na kayo, humanda ka mamaya, tingnan ko lang.”
Natigilan ang binata.
“Namumula ka..” Natawa si Sara.
“Wala ba sa bahay?”
“Wala pa, sinundo nina Meanne sa airport, darating na yun.”
“Galing sa?”
“Mindanao, naroon ang concentration niya this quarter.”
“Ano nga uli trabaho ni Daddy?”
Medyo natawa si Sara. Dalawang taon na sila at ni minsan hindi niya naikwento ang buong buhay niya ki Ariel, lalo na ang kanyang pamilya. Ni mga larawan nito, wala siyang nakikita sa bahay ng dalaga.
“Si Dad, military officer.”
“Officer?”
“Yep. Lieutenant General, to be exact.”
Napatigil ng tuluyan sa ginagawa si Ariel. Napatingala sa harap ng bahay nina Sara, at sa dalaga. Nagtaka naman si Sara.
“Oy?”
Nakatitig na sa kanya si Ariel. Medyo matagal bago nakasagot.
“Teka. Tatay mo yung General Leonardo Altarez?”
Medyo napaatras si Sara. Natigil na rin sa ginagawa ngunit may ngiti pa rin ang labi.
“Hello? Ako si Sara Minerva Bergman Altarez, and the last time I check, yes. Anak ako ni General Leo Altarez, second-in-command ng Armed Forces of the Philipppines. Bakit? Is there a problem?”
Nakangiti pa rin si Sara. Mas inasar si Ariel. Napaupo ang binata sa isang silya.
“Hoy, ano ba.” Naguluhan ang dalaga.
“W-wala, napanood ko siya sa TV. Minsan. P-parang nakakatakot.”
Natawa lalo si Sara.
“So, uuwi ka na? You wanna back out?” Biro nito.
“P-pwede pa ba?” Nakatingala siya sa dalaga.
“Ah, di na pwede. Prisoner kita eh! Hahaha. ” Tawa nito. “Pa-kiss nga.”
Natawa na rin si Ariel.
***
Nasa labas na sila ng bahay at nagkakasiyahan na ang mga bata sa event na nagaganap malapit sa gazebo. Meron mga clowns at magicians, kung saan tuwang tuwa ang mga batang nanonood ng kanilang mga skits. Pero ang celebrant na si Trish, wala dito dahil nasa may gate ito pasilip silip sa mga dumadating na sasakyan.
Nilapitan siya nina Ariel.
“O, ba’t andito ka Trish? Dapat nanonood ka ng show, tingnan mo, tuwang tuwa ang mga friends mo.”
“Wala pa si Daddylo, asan na? Uuwi ba siya? di ba nag promise siya.”
“Parating na yun..lika punta na tayo dun sa show.”
Halata ang lungkot ng bata. Hanggang dumating at pumarada ang dalawang sasakyan sa harap nila.
“O ayan na si Dad.” Sabi ni Sara.
Napanganga si Ariel ng makita ang nakabuntot na sasakyan, agad nagsipagbabaan ang mga naka sibilyang tauhan at nagmamadaling nagtungo sa naunang Nissan Prado, upang buksan ang pinto.
Nakita niya ang pagbaba ng matangkad na lalake at may kasunod na dalaga.
Dahil sa iron moldings na nakatayo sa konkretong bakod, hindi niya pa gaano maaninag ang mga ito. Naramdaman niya mula sa likuran na papalapit na si Mrs. Altarez, upang salubungin ang asawa sa gate.
Binubuksan na ni Sara ang tarangkahan.
“Daddylo!” Sigaw ni Trish at patakbong umakap sa kanyang lolo.
“Pretty, hello. Happy Birthday baby ko.” Sagot ni Leo. Mahigpit na yakap at kinarga nito ang bata at pinupog ng halik ang leeg.
“Hi Dad.” Halos nagkasabay na bati ni Sara at ng Mommy niya.
“Hi. Pasensiya na, sumaglit ako sandali sa Aguinaldo at me iniwan lang. Na-traffic kami papunta dito.”
Nakangiti si Leo, sinulyapan rin ang halos kasing taas niyang binata na nasa likod ni Sara. Medyo napayuko si Ariel ng tingnan siya nito.
Pero biglang parang nabuhusan ang binata ng malamig na tubig sa sumunod na segundo.
Inaasahan niya ang nerbyos sa pagharap ki General Altarez, ngunit ang hindi niya inaasahan ang surpresang bumulaga sa hapong ito. Ang kasamang dalaga ni Leo.
Hindi siya maaraming magkamali.
“O, eto ang sister ko, si Meanne. Meanne, ito na para matapos na ang pangungulit mo, this is ‘him.’”
Nagkatitigan si Ariel at Meanne. Naputol ito ng hilahin siya ni Sara.
“Tara na.”
Parang natulala ang binata. Nakasunod si Meanne sa kanyang magulang, pero nilingon siya uli nito habang naglalakad papunta sa main door. Halatang nag-iisip din. At parang nagulat sa pagkakakita sa kanya. Hindi nga ito inaasahan ni Ariel. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya maaraming magkamali.
Ang babae sa kanyang mga panaginip. Si Meanne. Ang babaeng hindi maalis sa kanyang isip.
Si Meanne nga. Kapatid pala ni Sara ang nakatabi niya noon at nakasabay. At Nakasalubong. Hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkakilala, ngunit naging laman ng isip niya sa loob na ng maraming buwan.
Hanggang ngayon.
***
Nagmukhang tanga si Ariel na nakatayo sa loob ng sala, habang pinagmamasdan na abala ang lahat sa pagdating ni Leo, karga pa rin ang birthday celebrant. Liban sa damit, me dala siyang mga kahon na laman ay iba’t ibang prutas at mga kakanin, gawa sa probinsiya. Dala ito ng dalawang matatangkad na military aide. Mula sa hagdan, bumaba ang isa pang babae, na halos kasing tangkad lang ni Sara. Gaya nila, maputi din ang kutis nito, mahaba rin ang brown na buhok . Tulad din ni Meanne at Sara, brown din ang iris ng mata nito. Me maliit nunal ito sa ibabang bahagi ng kaliwang pisngi.
Halatang bagong gising.
“Dindy, nandito ka pala. Nabigyan ka ng vacation pass?” Nagulat si Leo dahil narito ang panganay na anak.
“Nope, tumakas ako. hahaha. Weekend eh.”
Yumakap sa ama ang babae at humalik.
“Hi Dad, miss you.”
“Asan si Jet? kasama mo?”
“Damn. Yoko marinig ang pangalan. Grrrr.”
Napadako ang tingin ni Dindy ki Ariel. Hindi alam ng binata kung anong klaseng bati ang gagawin pero bahagya siyang tumango at ngumiti. Sumagot din si Dindy ng matamis na ngiti.
Nagkamot si Leo ng ulo sa narinig kay Dindy tungkol sa nobyo. Napatingin sa asawang si Eleanor, na kaagad naman nagkibit ng kablikat.
“Malay ko diyan.” Sabi ng ginang.
Filipina Porn Pinay Sex Pinayot.com
“Mahabang kwento. Later.” Sagot ni Dindy.
Biglang kumalas sa pagkaka-karga si Trishia sa bisig ng kanyang lolo, bumaba. Napatingin ang lahat dahil halos magsumigaw ito.
“Daddylo…” Papalapit ito ki Ariel, binatak ang kamay ng binata at akmang hinihila siya.
“Daddlylo.. hindi mo pa nakikilala si Tito Ariel.”
Lahat napa-tingin ki Trishia at Ariel.
“Siya na ang magiging Daddy ko. Di ba Mommy?” Nakatingala ang bata ki Sara.
Parang tumigil ang orasan. Mula ki Ariel, bumaling ang lahat ng mga mata sa kinatatayuan ni Sara. Walang nagsasalita. Tumulo ang dalawang pawis sa noo ni Ariel ng sandaling ito. Tila nangatog ang kanyang tuhod sa hiya.
Naputol ang tension ng lapitan ni Sara si Trishia upang kunin ang kamay ng bata.
“Alam mo, magtatampo na yung mga friends mo, hindi mo sila ini-entertain eh, halika.” Sabi ni Sara at senenyasan niya na rin si Ariel na sumunod – sa labas.
Lahat sila, sinundan ng tingin ang tatlo papalabas.
Natahimik.
***
Halos madilim na ang paligid nang paisa-isang magsiuwian ang mga bisita ni Trishia. Tila inaantok na rin ang bata kaya karga na ito ni Sara. Wala na ang isang sapatos nito. Sa porch, kausap ng heneral ang mga kasing edad niyang mga kaibigan dito sa subdibisyon, habang umiinom ng Black Label. Ang mga asawa nito, ay kausap rin ni Mrs. Altarez sa kabilang mesa at pinagsasaluhan ang natirang cake. Si Dindy at Meanne ay abala na sa pagligpit ng mga gamit habang katuwang nila ang ibang catering crew na naghihiwalay ng kani-kanilang mga gamit na hindi magkahalo.
Hanggang ngayon, tensionado pa rin si Ariel. Nakita niyang hinihila ni Dindy ang pinagpatong patong na mga monoblocks, kaya patakbo siyang lumapit upang tulungan ang kapatid ni Sara.
“A-Ako na.”
Nagulat si Dindy.
“Ha? Ah, S-sure. Pakidala na lang please sa likod.”
Umalalay na rin ang dalawang aide ni Leo, dahil may ilang sets pang mga kinalas na mesa at mga upuan na inililigpit.
Pagbalik niya, wala na sa dati nilang pwesto si Sara, dahil nakaupo na ang magkakapatid sa gazebo. Naalangan si Ariel na lumapit pero ng makita siya ng dalaga, napansin niya ang senyas nito. Tila nagkakasiyahan ang magkakapatid dahil masigla sila habang nagkukwentuhan.
Kung maririnig niya lang, pinaguusapan nila ang kanyang matipunong katawan. Ang mga tanong ni Dindy kung matigas ba ang muscles niya sa loob ng suot na damit. Namumula na si Sara sa pagbibiro nina Meanne at Dindy.
Tulog na si Trishia habang karga ni Sara. Katabi nito si Dindy at si Meanne sa loob ng gazebo na may konkretong upuan ng abutan sila ng malapitan ni Ariel.
“Nakalimutan ko kanina, Ariel this is my elder sister si Miranda, we call her Dindy. Si Meanne nakilala mo na kanina.” Bestfrieds bukod sa magkapatid ang turingan ni Dindy at Sara kaya hindi niya ito tinatawag na Ate.
“Hi.” Ngiti ni Ariel.
“Hello Ariel..” Si Dindy.
“Teka, nangangalay na ako, dalhin ko lang tong si kulit sa loob. Plastado na yata eh.”
“Ako na kaya magbuhat..” Ani Ariel.
“Huwag na, kaya na to. Sige na, dito ka muna kina Dindy, babalik ako sandali lang.”
“Nagugutom ako, I need something. Me lasagña diba?” Sabi ni Dindy ki Meanne.
“Oo, madami sa ref. Ate, kuha ka na rin ng ice cream, please.”
“Okie dokie, ikaw Ariel, ice cream?”
“S-Sure.”
Magkasabay na si Sara at Dindy na pumasok sa kabilang pinto ng bahay. At sa kinauupuan, naiwan si Meanne at Ariel. Medyo nakakaramdam sila ng malamig na hangin ng oras na ito, bagama’t maaliwalas at medyo lumiliwanag na ang sikat ng buwan.
Matagal tagal na sandali, bago may nagbukas ng usapan.
“Nakikita kita noon dito sa subdivision, papalabas.” Sabi ni Meanne.
Nawala ang kaba ng binata. Hinarap niya si Meanne.
“Naalala mo pala. Dati akong nakikituloy diyan sa tiyahin ko, siguro three or four blocks galing dito.”
“Wala ka na diyan?”
“Wala na, lumipat ako malapit sa campus, nahihirapan ako sa sked ng training. Kaya nag-rent ako sa may España.”