Dream Girl Ko Part 9

“Kaya pala di na kita nakakasabay.”

Nagkaroon muna ng kunting katahimikan, pagkatapos nito. Saka nag usisa si Ariel..

“A-asan na yung kasama mo nun sa mall?”

Napatitig si Meanne sa binata, tila nag-isip.

“Hmm naalala ko yun. Yes. Teka, si Emman, tama si Emman ang kasama ko. Classmate ko yun. Bumili yata kami ng mga gagawing project. Oo, naalala ko na.” Medyo natawa si Meanne. Nakamasid si Ariel. “Hahaha, nalala ko, nag grocery ka. Ang cute mo nun.”

Ang ngiti ni Meanne ay unti-unting napawi matapos maisip ang kanyang pinakahuling nasabi. Nakaramdam siya ng hiya. Ganun din si Arien, bagama’t umiinit yata ang kanyang pakiramdam sa narinig.

Mula dito nailang ang isat-isa. Nagkaroon muli ng katahimikan dahil nag aantay kung sino ang mau-unang magtanong o mag salita. Mapadako sa mag ibang lugar ang kanilang mga mata.

Halos magkasabay na lumabas si Dindy at Sara pero sa magkaibang pinto. Si Sara mula sa main door, malapit sa porch , si Dindy mula sa kusina dala ang tray kung saan me laman lasagna at ilang baso ng ice cream. Papalapit sila.

“Psst. Lika muna sandali.” Tawag ni Sara.

“Me dala akong snacks.” Sumabad agad si Dindy.

“Si Dad eh, kausapin daw to.”

Sa narinig ki Sara, kahit aka-angat na sa pagkaka-upo si Ariel, bigla siyang napaupo. Natawa tuloy si Dindy at Meanne. At magkasabay na nanakot.

“Hala. Lagot.”

“Dindy ano ba. Meanne.” Saway ni Sara. “Halika na at gabi na.”

“Ariel, dalhin mo na itong ice cream mo, matutunaw eh. Saka, kailangan mo to. Sure ako mainit ang upuan dun. Hahaha.”

“Hot seat. Hahaha.” Si Meanne.

“Hey, stop it.” Medyo pikon na si Sara.

Tumigil si Dindy, bagamat naka ngiti, pinalakas niya ang loob ng binata, na halatang kinakabahan.

“Sige na Ariel. mabait naman si Dad. Kunting usisa lang naman yan. Curious lang yun, kaya mo yan.” Sabi ni Dindy.

“Go bro. Aja!” Sabi ni Meanne.

Walang nagawa ang binata kundi samahan ng tuluyan si Sara. Bitbit niya ang isang baso ng ice cream. Tama si Dindy, kailangan niya ang pampalamig sa gabing paigting ang init.

***

Wala na ang mga kausap ng heneral. Wala ng bisita. Ang mag-asawang Altarez na lang nakaupo sa iron sets na nasa porch. Maging ang mga aide ni Leo ay hindi makikita sa paligid. Tatlo sa kanila nasa gate nakabantay. Ang dalawang opisyal, umiinom na ng beer sa tabi ng kalsada.

“Dad si Ariel.” Si Mrs. Altarez na mismo ang nagpakilala sa binata, habang katabi ito ni Sara.

“Maupo kayo..” Sabi ni Leo.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Tahimik na naupo ang magkasintahan. Kinuha ni Leo ang hindi gamit na brandy glass at tinagayan ito ng Jack Daniels saka itinulak sa harap ni Ariel. Napakilos si Sara.

“Uhm Dad, di yan umiinom.”

Tiningnan ni Leo ang dalaga. Iniusog pa rin nito baso sa tapat ni Ariel. Tiningnan ni Sara ang ina, ngunit sumenyas ito na hayaan ang ama. Ibinaba ni Ariel ang hawak na ice cream, upang damputin ang alak.

Tahimik muna ng maraming segundo. Hanggang sa bumira ng bigwas ang tatay ni Sara.

“You two are fuckin morons!” Bungad ni Leo.

Nagulat si Sara at Ariel, lalo na ang ina ni Sara.

“Leo, ano ka ba!” Si Eleanor.

Nagkibit balikat ang heneral.

Binuksan ni Leo ang bag sa tabi ng kanyang silya at hinugot ang isang brown envelope. Inilapag sa mesa.

“Buksan mo. Tingnan mo.” Utos nito sa anak.

Nanginignig ang kamay ni Sara ng kunin ang brown envelope at dahan-dahang ilabas ang isang larawan, na nasa 8″x 9″ ang sukat. Super imposed ang picture. Pero mas lalong tumulo ang luha ng dalaga ng makita ng maayos.

Tumambad sa kanya ang torrid na halikan nila ni Ariel sa loob ng kanyang tahanan. Nakapasok pa ang kamay ng binata sa laylayan ng kanyang bestida. Tila kuha sa may bintana. Dito, biglang nanikip ang dibdib ni Sara. Alam niyang invation of privacy ang ginawang ito sa kanila.

Walang karapatan ang kanyang ama na panghimasukan ang kanyang personal na buhay, lalo pa’t kuha ito sa sarili niyang bakuran at tahanan. Tumutulo ang kanyang luha at hinarap ng namumula niyang mukha ang ama. Umusal ang nanginginig na labi.

Galit.

“H-how could you..? Dad!?”

Napatitig si Leo sa anak. Muling tumagay ng kunti sa kanyang baso. At umusal, una mahina hanggang sa palakas na tinig.

“Fool. Do you think I did that? Can I do that to you? Jesus Christ, Sara. Grow up.”

Nababagabag si Mrs. Altarez kung ano ang nasa larawan. Ngunit ayaw niya munang makialam. Naaninag ni Ariel ang picture habang hawak ni Sara. Nangangatog ang tuhod niya sa nakikita.

Nakatitig pa rin ang dalaga sa ama. Naghihintay ng karugtong. Dahil kung hindi siya ang may gawa nito, sino? paano? at bakit? Hinarap siya ng maayos ni Leo.

“Kuha yan nang a certain Julius Canojado. Does the name ring a bell?”

Kagyat na napaisip si Sara. Pamilyar.

“Well, ‘tong hayop na to, Ibinagsak mo for being late and most the times absent almost everyday sa 7:20am class mo. Tamad eh. Laging lasing kaya di umaabut sa klase mo na napaka-aga sa kanya. You warned him, kinausap mo pero patuloy siyang wala sa klase. Make the story short, you failed him…”

“…When he realized the damage, saka lang siya nag isip na kausapin ka. Pero hindi ka niya naabutan sa campus. Isang Sabado, around 6pm on 27th of October pumunta siya sa bahay mo para makiusap at magpaliwanag. That didn’t happen. Ito ang dinatnan niya. Bukas ang mga bintana mo. Umakyat siya sa bakod, kinunan ka sa cellphone..

Pages: 1 2 3 4