Dustine- Ako Nalang Sana (3)

Dustine POV

Christmas season ng may lumapit sa kanyang isang lalaki na hindi niya kilala pero parang pamilyar. Akala niya ay magtatanong lang ito. Pero nagulat siya na sabihin nito ang pangalan niya at sabihing ito ang kanyang ama.

Alam niya na iniwan sila ng ama, naging mabuting ina naman si Aleli sa kanya kahit na nga may galit sa ginawa ng ama. Kaya ang inisyal na reaksyon niya ay magalit sa lalaki. Iniwan niya ito at diretsong umuwi sa bahay upang kausapin ang ina.

Madaling araw na ay wala padin ang Mommy niya, halos lumiliwanag na ng may humintong sasakyan sa tapat at inilabas ang ina ngunit nabigla siya ng halikan ng lalaki ang babae. Hindi niya masyadong nakitaang mukha ng kasama ng ina pero may ibang kirot siyang naramdaman. Pilit nalang niyang nilabanan at umakyat sa sariling kwarto bago pa makapasok ang ina,. Kinabukasan ay hindi sila nagkita dahil kinakailangan niyang pumunta sa group project na dapat matapos by Monday.

Pinilit lang niyang umuwi sana para makausap ang ina ngunit pag pasok sa kwarto ay may kausap ito sa telepona na sa tingin niya ay hindi normal dahil mabilis na ibinaba ng makita siya. Ang nais na makausapang ina ay isina-isang tabi na muna. Ipinagpabukas nalang niya at mukhang kailangan pa nito ng pahinga. Pagdating naman niya ng gabi ay tulog na ito.

Inaya siyang magsimba ngunit may na-tanguan na siyang mga ka basketball dahil usually ay gabi sila ang sisimba. After ng laro ay umuwi din siya kaagad expecting na nakauwi na din ang ina ngunit umabot na ang dilim ay wala pa din ito. Dahil sa kagustuhang makausap ang ina kaya naman nagtiyaga siyang naghintay at katulad nung Sabado ng madaling araw ay inihatid ito ng kaparehong sasakyan.

Saan ito nanggaling at bakit parehong sasakyan ang gamit nito. Pagpasok palang ay kinompronta na niya ang ina kahit na nga hindi niya ito ugali, mariin ang pagsasagutan nila na humatong sa pagbuhat nito ng kamay sa kanya kaya ang nais itanong ay hindi na niya naitanong pa.

Mabigat ang dibdib na umakyat nalang sa kwarto at itinulog ang inis na nararamdaman.

Kinabukasan ay sinadya niyang maaga umalis upang hindi makaharap ang ina, pagdating ng hapon ay muling nakita ang lalaking nag sasabing ama niya. Sa pagkakataong ito ay binigyan niya ng chance namakausap ang lalaki, ipinaliwanag nito ang dahilan kung bakit iniwan sila. Kasama na din ang reason kung bakit nakipagkilala sa ina dati.

Nito nalang daw niya nalaman na may anak siya kay Aleli nang ibigay ng tatay tatayan niya ang isang sulat na iniwan ni Aleli nuon pa.

Nang sumunod an araw ay halos hindi na sila nagkikita ng ina, laging ovetime pag tinatanong niya sa lola niya. Naging malapit din sila ng ama, may asawa ito at kambal na anak babae at lalaki babae. Isang lalaki si Aethan na iba din ang nanay. At baka may iba pa.

Kakatapos lang ng final exams nila kaya nag kayayan silang manood ng cine, papasok na sila ng movie house ng kalabitin siya ng isa sa mga classmates niya.

“Bro is it your Mom?”

Kitang kita ng mga mata niya na may kasamang lalaki ang ina, nakaakbay sa babae habang palabas ng sinehan. Dahil sa kabilang parte ng sinehan sila papasok kaya hindi siya nito napansin.

“Brad di na ko sasama, habulin ko lang si Ermat. Jays pede mo ba akong samahan?’

“Sige bro.”

Lumayo na sila sa mga kasama at sinimulang sundan ang ina. Malapit na sila ng mag decide siya nahuwag ipahalata dito ang pagsunod. Dumistansya sila ng konti para hindi mapansin.

Diretso sa parking ang dalawa, sinabihan niya si Jayson na kunin ang motor nito para gamitin sa pagsunod. Kaya ito ang niyaya niya ay dahil kinutuban na siya na aalis ang dalawa kaya kailangan niyang sasakyan.

Parang gusto niyang manapak ng makita kung saan pumasok ang sasakyan ng dalawa, sa BIGLANG LIKO.

Inihinto ni Jayson ang motor kaya mabilis siyang bumaba, susugod na sana siya sa motel ng hilahin siyang kaibigan.

“Tol hayaan mo na muna ang Mommy mo. Kausapin mo nalang pagdating sa bahay nyo.”

Nagpapigil naman siya sa kaibigan at pinakiusapan na wag nalang maikwento sa ibang kaibigan. Inihatid na din siya sa sakayan at parang wala sa sariling nakauwi ng bahay.

Gusto niyang kausapin ang ina ngunit tingin niya hindi pa ngayun. Tinawagan niya ang ama at sinabi nakung puwede siyang sunduin sa bahay. Nagpa alam nalang sa lola niya na sa Daddy niya siya matututlog ng ilang araw. Dala ang bag ay nilisan ang bahay upang magpalamig.

Dahil bakasyon na ay pinili muna niyang manatili sa ama, samantalang ganun pa din daw ang ina. Isang araw ay dinatnan niya ang ina na hindi karaniwang nangyayari. Mabilis siyang umakyat sa kwarto ay ipanakita ang litrato ng ama para ikumpirma.

Nakita niya ang galit sa ina ngunit ng sabihin niya na sasama na siya sa US ay natigilan ito. Yun ang huling pagkakataon na nagharap silang mag ina, hindi na muna siya umuwi sa kanila at hindi din niya sinabi kung saan ang bahay ng ama.

Aleli POV

After ng pag uusap nila ni Dustine ay hindi na ito umuwi, mahigit isang lingo na nang nagdecide siya napuntahan ito sa school ngunit nagulat siya dahil bakasyon na pala at security lang ang dinatnan. Pag uwisa bahay ay pinuntahan ang ina upang kumprontahin sa hindi pag uwi ng anak.

“Aba Aleli, ngayun mo lang ba napansin na hindi umuuwi ang anak mo dito?”

Napahiya naman siya sa ina.

“Madalas nang sa bahay ni Nathan siya natutulog, natingnan mo ba manlang ang gamit niya sa kwarto?”

Napaisip na malalim sa sinabi ng ina, kailan nga ba niya huling sinilip ang kwarto ng anak.

“Anak ano ba ang nangyari sayo? Bakit parang masyado kang lulong sa trabaho?”

Hindi siya makasagot sa ina, lumapit ito sa kanya at saka hinimas sa likod bago siya iwan. Umakyat siya at tinungo ang kwarto ni Dustine at laking gulat niya na halos bakante na ito, kahit ang mga damit ay iilan nalamang.

Napaupo siya sa kama at walang sabi sabing tumulo ang luha, napabayaan nga niya ang anak.

Babawi siya dito, gusto niyang makita nang anak yung dati niya ina.

Buhat ng sinabi niya kay Tyrone na may anak na siya ay hindi na ito nagpakita sa kanya at hindi nadin matawagan. Nang puntahan niya ang bahay nito ay saradong sarado din. Parang lahat ay gumuho sakanya.

Pilit niyang hinanap ang anak pero hindi niya ito makita at hindi din umuuwi ng bahay. Halos dalawang buwan na din buhat nung huli silang magkita.

Dustine POV

Iniwan niya ang ina at nagpasyang maglibot upang makalimutan ang mga nasasaksihan dahil hindi kinakaya ng murang puso niya. Sumakay siya patungong south, biyaheng Lucena ata. Bakante ang pang dalawahang upuan sa dulo pero may paakyat pa.

Tahimik lang siya ng may magsalita sa gilid niya.

“Brad me katabi ka?”

Nag angat siya ng mukha at nakita ang lalaking halos kasing age lang niya or baka matanda ng konti. Me porma din at may dalang bag.

“Wala brad.”

“Patabi, punoan na eh.”

“Sige brad.”

Inayos niya ang upo para makapwesto ang lalaki.

Umusad na ang sasakyan pero tahimik lang silang dalawa.

“Bard pa Lucena ka din?” tanong ng lalaki sa kanya.

“Hindi, basta lang ako sumakay. Gusto ko lang lumayo.”

“Mukhang me problema ka.”

“Wala, magulo lang ang isip.”

“Usually pag magulo ang isip ang puso ang dahilan.”

Nginitian lang niya ang lalaki.

“Rom bro.” inabot ng lalaki ang kamay sa kanya.

“Dustine.”

“Ako din problemado pero hindi puso kundi pamilya.”

“Bakit naman.”

“Magulo eh.”

“Baka mas magulo sitwasyo ko hehehe.”

Hindi man nila kilala ang bawat isa pero nagkaroon sila ng koneksyo na hindi nila alam kung bakit magaan ang loob sa bawat isa.

Naikwento ni Dustine ang pinagdadaanan pwera lang ang katotohanan na ang ina ang lihim naminamahal. Pinalabas niya lang na nagmamahal siya sa isang babae na mas matanda sa kanya pero meron na itong mahal at alam niya na lolokohon lang siya ng lalake. Ang mahirap ay wala siyang magawa.

Ikinuwento naman ni Rom sa kanya ang sitwasyon na hindi niya kilala ang ama, ang ina ay lumipat ng Lucena kaya siya susunod ngayun dahil ang kaibigan nitong lalaki ay nain-love sa kanya. Pati ang teacher na namatay na unang minahal niya.

Duon nila nakita ang connection nila, pareho silang nagmahal ng mas matanda sa kanila at attracted sa mas matanda.

Naunang bumaba si Rom samantalang siya naman ay bumaba sa terminal. Nag ikot lang ng kaunti tapos ay umuwi.

Aleli POV

Biyernes, galing siya sa opisina ng madatnan ang anak…