“Austin! Come here Sweetheart. Basa ka na ng pawis.”
Nasa sementeryo sila para dalawin ang mga namayapa na. Nakakalungkot lang na hindi na niya nakita pa si Austin. Matutuwa panigurado dahil kamukhang kamukha ito ni Dustine ang ama female version.
Patakbong lumapit sa kanya si Austin kaya pinunasan ang pawis sa likod at sinapian na din ng tuwalya.
“Where is Justine?”
“He is with Dad.”
“Where?”
“I don’t know”
Bigla nalang may tumakip ng maliliit na kamay sa mata niya.
“Guess who?” Ang sigaw ng cute na si Austine.
“Hmmm. Angel?”
“Mommy, its me.”
“Yes you are my angel.”
Nakatayo lang sa gilid nila si Dustine, masayang pinapanood ang mag iina niya.
“Love san ba kayo nagpunta?”
“Dun sa play place Love.”
“Bat di nyo sinama si Austin?”
“Because they went to see girls Ma.”
“She is just a friend.”
Natawa nalang siya sa usapan ng magkapatid.
Maaring ang mga ito ay hindi nanggaling sa sinapupunan niya ngunit ang turing niya sa mga ito ay higit pa sa sariling dugo.
5 years ago
Dustine’s POV
Maliwanag na maliwanag ang paligid pero kahit maliwanag ay wala siyang makita. Pagod na pagod nasiya sa kalalakad at uhaw na uhaw na din.
Kalalakad niya ay may nakita siyang babaeng nakatalikod. Mukhang kilala niya ito kahit malayo.
“La! La!” Lumingon ang babae.
Tinakbo niya ang lola niya sa sobrang pagka miss dito.
“La miss na miss kita.”
“Apo miss din kita, kumusta ang mommy mo? Inaalagaan mo bang mabuti?”
Matagal siya bago nakasagot dahil sa naalala niya ang mga nangyari sa kanila.
“Wag kang mag alala apo ako aalagaan kita. Mag sasama na tayo yun nga lang iiwan na natin ang mommy mo.”
“La di ba natin pwedeng isama si mommy?”
“Hindi pa apo pero susunod din siya.”
“Okay hintayin nalang natin. Saan ba tayo pupunta?”
“Basta apo maganda dun, masaya at maayos ang lahat.”
“Excited naman ako La.”
“Ako din.”
“Sandali La si Sharon pala isama din natin saka yung baby namin para masaya din sila.”
“Apo hindi maari, marami pa silang dapat gawin.”
“Pero La paano sila”
“Kailangan mo silang iwan apo.”
“La ayoko, mahirap kawawa sila.”
Huminto siya sa paglalakad habang ang lola niya ay patuloy lamang.
“DUSTINE! DUSTINE!”
Rinig na rinig niya ang tawag sa kanya, hinahanap niy ito pero hindi niya makita. Tanging sigaw at iyak lang ang naririnig niya.
Pagtingin niya sa lola niya ay malayo na din at unti unting nawawala.
Habang mas lumilinaw ang sigaw ni Aleli. Ipinikit niya ang mata dahil nasisilaw sa liwanag hanggang nakarinig siya ng iyak ng sanggol.
Aleli’s POV
Tahimik lang siya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon ng anak, buong araw na siyang nasa hospital kahit hirap siya na naka-upo lamang sa wheelchair.
Sinisisi ang sarili dahil sa nangyari, siguro kung sinunod lang niya ang gusto ng lalaki ay hindi mangyayari ito.
Baka kung sinunod lang siya ng lalaki at iniwan siya ay hindi mangyayari ito. Mas matatanggap pa niya na iniwan na lamang siya at nag asawa ng iba kaysa ganito.
“Dustine Anak!”
Hindi alam kung ano ang nagtulak sa kanya para ihakbang ang paa, pilit itinayo ang katawan at gumabay patungo sa higaan ng walang buhay na lalaki.
“DUSTINE! DUSTINE!” hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas para malapitan ang anak na walang buhay.
Biglang nagkagulo ang lahat dahil isinugod sa emergency si Sharon, mabilis ang mga nurse dahil kailangan din nilang tugunan ang panganganak ng babae.
Gusto sana niyang sumunod pero pinili niyang manatili sa anak.
‘Dust bakit? Di ba sabi mo aalagaan mo ako? Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan. Pero bakit ganito. Sino na ang mag aalaga sakin?’
Halos limang minuto na kung ano ano lang ang sinasabi ni Aleli mga bagay na naging daan para maging masaya sila.
“Dust tandaan mo Mahal na mahal kita.”
“Ma’am excuse me, nurse assist please.”
Muli nagkagulo ang mga tao sa loob ng ICU, ang mga nurse ay kanya kanya ng galaw pero ang lahat ay nakatuon sa iisang pasyente.
‘The patient is responding.’
Kitang kita ng mata niya ng ang flat line ay muling nagkaruon ng buhay, ang bp ay tumaas hanggang ilayo na siya at ang mga taong makakatulong ang siyang maiwan lamang.
3 days later.
“Gising na siya.”
“Water, I want to drink water.”
Mabilis na nagkilusan ang mga tao sa paligid niya mga doctor, nurse, surgeon at kung sino sino pa. Tubig lang ang hinihingi niya pero parang may operasyong gagawin.
“This is really a miracle, if I didn’t see the results I will never believe that this will happen.”
Mahabang pahayag ng doctor. Sino nga ba naman ang makapaniniwala na may milagro pa sa panahong nito. Hindi lang isa kundi dalawang milagro. Ang buhay ni Dustine at ang muli niyang paglakad.
Buhat ng magising siya ay naging maayos ang lahat, hindi na siya kinailangang operahan, walang butong nab…