Kitang kita ni Dustine ang lungkot sa mata ng asawa, pilit niyang ipinapakitang masaya siya nang sagayon ay makita nitong ang sakripisyo ay may kabuluhan. Oo nasasarapan siya pero hindi niya kayangpatuloy na saktan ang taong mahal niya. Ano nga ba ang mahalaga.
Puno ng pagkalito ang isip ni Sharon, tanong na hindi niya kayang sagutin. Paano nga ba siya tatanggi saisang bagay na inalok sa kanya ay hindi niya dapat gawin pero gusto niya. Kaya ba niyang magpagamit at magparaya para sa taong mahal?
Mga taong pinaglaruan ng tadhana, mga pusong handang magparaya. Sino ang magiging maligaya at sinoang luluha.
Kasalukuyang tinatapos ni Sharon ang labadang kinuha ng inay niya ng lumapit ito sa kanya na punongpuno nga sigla.
“Anak nakausap ko na si Ate, Tutulungan daw niya tayo na kausapin ang pamangkin kong si Aleli napag-aralin ka.”
“Talaga po Inay?”
Gustong gusto kasi niyang mag aral kaya lang ay hindi na kaya ng inay niya. Halos dalawang taon na din siyang nahinto dahil ang itay niya ay ayaw na siyang pag aralin at mag aasawa lang din naman daw siya. Sayang lang.
Hindi niya maintindihan kasi mag isa lang naman siya pero walang ka-amor amor ang tatay niya sakanya. Lagi itong galit at madalang siyang kausapin.
Kaya ng mamatay ito tatlong buwan pa lang ang nakalilipas ay magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman niya.
Lungkot dahil hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito at kung kailan huli na saka lang humingi ng tawad sa kanya sa mga bagay na ginawa nito. Saya dahil kahit papano ay nagka-usap sila.
Buhat ng tumigil siya sa pag-aaral ay tinulungan nalang niya ang ina sa paglalabada, minsan ay pagluluto at paglilinis ng bahay ng tiyahin na kapatid ng itay niya. Ito nga ang nanay ng pinsan niyang mag papa-aral daw sa kanya.
Hindi naman lingid sa kanila ang naging buhay ng ate Aleli niya, isa itong dalagang ina. Ngunit ganun pa man ay naging successful ito sa buhay kaya naman hinahangaan niya sa maraming aspeto.
Gusto din niyang maging katulad nito na kahit maraming pinagdaanan ay kaya paring ibangon ang sarili.Kahit ano ang pa ang pagdaanan niya ay gagamitin niya itong challenge para maging matagumpay.
Ipinagpatuloy niya ang paglalaba na may panibagong pag-asa, may tuwa at sigla. Napaka ganda ng araw niya kaya kahit masakit ang katawan ay bale wala na sa kanya.
Masayang masaya siya ng dumating ang araw ng enrollment at napasama siya sa mga estudyanteng mag aaral. Kahit naninibago dahil dalawang taon siyang natigil ay hindi naman din nahirapan. Sa mga classmates nila ay dalawa silang hindi regular age. Yung isa ay second courser na.
Kakauwi lang niya biernes galing sa eskwela ng salubungin siya ng inang si Celia.
“Anak pwede ka bang di pumasok bukas?”
“Bakit nay?”
“Birthday kasi ng Tiyahin mo, tutulungan sana natin si Aleli mo sa pag hahanda.”
“Pwede naman nay at isang subject lang ako bukas tapos minor lang.”
“Tamang tama pala eh. Mag ayos ka na at duon na tayo matulog ngayun para makapamili bukas ng umaga.”
Inilagay lang niya ang mga gamit sa kwarto nilang mag ina at saka kumuha ng damit na dadalin pagtulog sa bahay ng pinsan.
Kumpara sa kanila ay maayos ang pamumuhay ni Ate Aleli, may sariling bahay na naipundar ng ina nito galing sa insurance ng asawang namatay. Maganda din ang trabaho sa kilalang businessman sa kanila at ang anak daw nito ay nagsusustento din kahit papano.
Hindi pa niya nakikita ang anak ng pinsan kahit sa litrato manlang, wala kasi itong naka display sa bahay kaya malaking katanungan sa kanya ang relasyon ng mag-ina. Hindi din niya naririnig magkwento ang pinsan ang madalas maringgan ang lola lang nito.
Pagdating sa bahay ng pinsan ay ang nanay na niya ang nagluto ng pagkain habang hinihintay ang pinsan. Bandang alas sais ng pumasok ito sa bahay at masaya silang kinausap. Puro pasasalamat ito dahil sa pag punta upang tumulong sa paghahanda.
“Tita Cel, kayo na ang bahala bukas ha. Di ako makaabsent pero baka ala-una nandito na din ako.”
Habang kumakain sila ay nagbilin lang ang pinsan kung ano ba ang mga ihahanda para pag namalengke ang ina sa madaling araw. Ilang putahe din pala ang lulutuin nila kahit na mostly ay mga kamag-anak ang dadating. Ang tiyahin naman niya ay hindi na nakisalo sa discussion at masama daw ang pakiramdam nito.
Ipinagamit sa kanila ang isang kwarto na nakalaan daw talaga sa anak ni Ate Aleli, maganda ang kwarto na para sa isang lalaki. Maaliwalas ang light blue at gray color. Meron din itong beranda yun nga lang walang sariling banyo sa ngayun dahil nasira.
Pati ang kama ay parang ang sarap higan. Kaya naman ng mahiga na silang mag-ina ay wala pa atang sampung minuto ay nakatulog na siya. Parang saglit na saglit lang ay ginigising na siya ng ina upang samahan siya sa palengke.
Inayus lang ang sarili at saka sinundan ang ina na naghahanda na para umalis. Dala nito ang isang biodegradable bag na lalagyan ng bibilihing sangkap.
Halos dalawang oras ata sila sa palengke bago na kumpleto ang mga gagamitin at pag dating naman sa bahay ay sinimulan na nila ang paghihiwa sa mga sangkap. Hindi naman sila nahirapang mag ina. Saktong sakto bago mag alas sinko ay nakaluto na sila at nakahanda na din ang mga pagkain sa lamesa.
Madami ding bisita ang tiyahin mostly ay mga kamag-anak at ilang kapitbahay. Patapos na sana ang birthday ng biglang bumagsak ang tiyahin niya kaya naman nagkagulo sila.
Kasama ang isang pinsang lalaki ay dinala na ni Aleli ang ina sa hospital, sila naman ng nanay niya ang nagligpit ng mga natirang pagkain at ng ibang ginamit pa nila. Inutusan din siya ng ina na mag-ayos ng gamit para sa pinsan at tiyahin na siyang dadalin sa hospital.
Naiwan lang siya sa bahay samantalang ang ina naman niya ang nagdala ng gamit ng mga ito.
Kinabukasan na sana sila uuwi, pero hinintay pa ng mag ina na makuha ang result ng mga test bago malaman kung ano ba ang sakit ng tiyahin.
Habang nasa hospital ang mga ito ay siya muna ang nasa bahay ng mga pinsan. Halos isang lingo na nang ibalita sa kanya ng ina na cancer ang sakit ng tiyahin at ilang buwan nalang ang itatagal dahil ayaw na nito mag pa-chemo pa.
Sobrang lungkot niya dahil alam na mabuting taon ang tiyahin.
Patulog na sana siya ng may kumatok sa pinutan, pero na mabosesan niya ang isang kamag anak ay pinagbukasan na din niya. Dalawang malalaking maleta ang dala nito at isang may kaliitang kahon.
“O kuya bakit nag alsa balutan ka ata?”
“Hindi, sa anak ito ni Ate Aleli, sinundo ko sa airport.”
“Ah ganun ba, o sige akina yang kahon.”
Sumunod sa kanya ang pinsan hanggang sa kwarto kung saan siya natutulog. Ipinalagay nalang din ang maleta sa tabi ng kama bago sinamahan ulit itong lumabas.
“Sige alis na din ako at pagod sa biyahe.”
“Okay kuya, Ingat!”
Dahil alam niya na dumating na ang anak ng pinsan kaya naman inayos ang kwartong tinutulugan at nagpasyang sa sala na lang matulog. Pinalitan ang lahat ng punda at pati na din kumot kasama ang kobrekama.
Kinabukasan ay naglinis lang ng bahay, hindi pa siya nakakatapos ng may dumating na sasakyan. Sa pagaakalang ito na ang pinsan kaya mabilis na tinungo ang pintuan para pag-buksan.
Napatanga siya ng pagbukas ng pinto ang bumungad sa kanya ay isang lalaking para iniluwa buhat sa isang magazine.
Halos hindi siya kumukurap sa pagkakatitig nito sa guwapong mukha, ang mata nito ay para siyang hinihigop, ang ilong na tamang tama ang tangos at ang labing namumula.
Matangkad din ito sa taas na halos anim na talampakan, ang katawan kahit na natatakpan ng jacket na maroon ay kita ng naman ang hubog sa harap ng puting t-shirt. Nang bumaba pa ang tingin sa harap ng hapit na pantalon ay gusto niyang hawakan ang malaking bukol upang tingnan kung totoo ba ito at hindi dahil sa tela lang.
Pero tingin niya ay totoo dahil hubog ang malaking ulo sa gawing kanan.
“Ehem, your Ate Sharon?”
“Ate Sharon? Hindi kita kapatid. Ayaw kitang maging kapatid.”
“What?”
“Ay sorry po. Sino po sila?”
“Hahaha, Dustine po.”
“Dustine?”
“Mommy ko si Aleli.”
“Ay naku sorry, halika pasok na. Hindi mo naman agad sinabi.”
Pumasok na ang binata habang nakasunod sa kanya. Lihim na natatawa si Dustine sa itsura ng pinsan ng ina lalo na sa suot nito. Pero ganun pa man ay hindi niya maiwasang tingnan ang malaking suso at ang matambok na puwet. Maganda kahit baduy.
“I just need to take a shower, saka I will get some clothes para sa hospital na lang ako mag shower the next day.”
Hindi pa din makapaniwala si Sharon sa kaharap, laking panghihinayang dahil pamangkin pala niya ito sapinsan.
“Ate Sharon, are you okay?”
“Oo, nagulat lang ako sa pagdating mo.”
Inalis ng lalaki ang suot ng jacket kaya nuon niya napatunayan na wala itong taba dahil kapit na kapit ang puting shirt na suot.
Yumuko ito para buhatin ang maleta at ipatong sa kama, kitang kita niyang nag flex ang braso sa pag-angat ng bagahe. Nasa likod lang siya ng binata habang ginagawa ito kaya malaya naman niyang napapanood ang pamangkin.
Kumuha ng isang damit si Dustine bago ini-angat ang laylayan ng suot para hubarin. Napanganga ang dalaga ng mabistahan sa likod ang maskuladong likod na ang lahat ng laman at muscles ay nasa tamang posisyon. Parang scene sa movie ng unti unti itong humarap sa kanya.
“Jese!” malakas na sigaw ni Dustine.
Saka lang siya bumalik sa realidad.
“Ate Sha, kala ko umalis ka na.”
“Ah eh baka kako me kailangan ka pa.”
“I’m okay, you scare the hell out of me.”
“Sorry magugulatin ka pala.”
“Hindi naman, kala ko lang umalis ka na. Saan ang bathroom. Wala palang sariling cr ang room.”
“Halika samahan na kita.”
Nauna na siya para samahan ito sa banyo, hindi niya alam dahil sa halip na umalis na ay nanatili siyang nakatayo.
“Ate Sha, I am okay here.”
“Ah sige sige, tawag ka lang pag may kailangan ka.”
Parang wala sa sariling lumakad at nagtungo sa sala. Hinintay muli ang pamangkin. Para talaga siyang namagnet ng binata na gusto niyang sundan sundan.
Paglabas ng binata ay naka shorts na khaki at polo-shirt nag ray. Sa porma nito ay hindi pwedeng hindi mo sundan ng tingin. Napatayo pa siya para lapitan ito.
“Ate Sha balik nako ng hospital, baka in 2 days ilabas na si Lola.”
“Ganun ba, kumusta naba?” pilit niya pinapahaba pa ang usapan nila dahil totoo lang ayaw niya pang paalisin ang lalaki.
“She is not okay but she is better now.”
“Buti naman, mukhang kasing hirap na hirap siya nung dumalaw kami eh.”
“Yeah, but I guess she is better now. I need to go.”
“Oks, ingat ka nalang.”
“Thanks!” bago tumalikod ang lalaki ay kinindatan pa siya nito.
Para siyang hihimatayin kaya napakapit sa gilid ng pinto bago pa siya mabuwal.
Kung may love at first sight ito na ata iyon, pero hindi dapat dahil magkadugo sila.
Buong maghapon ay ang pamangkin sa pinsan ang naiisip, feeling niya ay isang prince charming ito nagaling sa isang fairytale book. Sad to say hindi siya ang princess.
Inilabas na nga ang tiyahin niya, hindi maitago ang sakit nito dahil sa loob ng ilang araw na pananatili saospital ay malaki ang inihulog ng katawan ng matanda. Bakas naman din ang saya sa mukha, marahil ito ay da…