Ellen (One Shot)

***This story is entirely fictional. Any person or event in this story that is similar to real life is completely coincidental.***

“Hi ma, kumusta po!” bati ni Ellen sa byenang si Malou habang nakatalikod sa kanya. Humalik siya sa pisngi nito.

“Oh, anak magandang araw naman. Halika kayo, sumabay na kayo sa pagkain.”

“Thanks ma!” balik ni Ellen.

“Gary, halika dito anak!” tawag ni Malou sa kanyang anak na lalake.

“Ma, pa! magandang araw po.”

“Magandang araw anak! Upo ka at nang mahainan kayo ng pagkain,” apela ng ama niyang si Gene.

“Hi po pa! Mano po!” nag mano si Ellen sa byenan nitong lalake.

“Kumusta kayo mga anak!” usisa ni Gene sa mag asawa.

Kumakain ang pamiliya ni Gary sa gardens ng kanilang ancestral home sa probinsiya. Galing sila ni Ellen sa Maynila. Nag desisyon silang umuwi muna sa probinsya dahil sa isang pangyayare kamakailan lang.

Isang secretarya si Ellen sa isang pulitiko. Habang si Gary naman ay isang abogado. Noong huling lingo lang ay tinangkang patayin ng di pa nakilalang kalalakihan si Gary, ngunit siya ay naka iwas.

“What happened?” tanong ni Gene sa anak.

“Nakatayo lang ako doon pa, nag babasa ng text tapos bigla ko nalang napansin yung magka angkas, naramdaman ko na lang na may balak silang masama,” sagot ni Gary.

“Good thing anak na vigilant ka sa surroundings mo! Kaya ayaw ko kitang maging attorney eh! Sinabi ko sayo na dito ka na lang,” ika ni Malou.

“Oo nga anak! Dapat dito ka na lang sa probinsya. Kailangan ng magaling na mayor dito sa Santa Fe,” udyok ni Gene.

“Anong mayor. Pinag retiro nga kita ng maaga eh. Tapos sasabihin mong mayor mayor. Hindi interesado anak ko jan,” saway ni Malou sa asawa.

“Malou, I’ve served as mayor for 18 years. And I know served well. Lahat ng barangay kapitan at mga leaders dito sa bayan, inerereklamo sakin ang pamamalakd ni Maeng.”

“Odi kumandidato ka ulit. Ang anak ko ang ayaw kong pumasok sa politika. Magulo yang mundong yan,” paliwanag ni Malou.

“Ma, I am lawyer. Malamang madadamay ako sa politika,” si Gary.

“Oo nga ma. legal counsel siya ni Congressman Uytengko, remember?”

“Anong remember ka jan, hindi pa ako uliyanon Ellen!”

“Hahaha!” sabay tawa ng lahat.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin ma. Nasa dugo ni Gary ang politika. Kung madadamay lang naman siya sa ayaw at sa gusto niya, edi mas maganda yung kontrolado niya yung clima,” si Ellen.

“Exactly what I want to say!” si Gene.

“I don’t care! I’ve had enough of politics. Gusto ko ng kapayapaan.”

“Haha! Dont’t worry ma!” Tumingin si Gary kay Malou at hinwakan ito sa kamay. “I don’t intend to get into politics.”

***

Si Gary ay isang matangkad at matipunong lalake. May taas na 5’10 at isa ring magandang lalake. Si Ellen naman ay isang babaeng may porcelanang kotis. Matangkos na ilong, at may mahabang buhok. Si Ellen ay galing din sa bayan ng Santa Fe. Ngunit sa kamaynilaan siya lumaki, matapos lumipat ang kanyang mga magulang na kapwa doctor. Ang mga magulang ni Ellen ay pinag aral ni Don Gervacio sa maynila. Ngunit noong sila ay magpapakasal na, binigyang laya sila ni Don Gervacio.

Ang lolo ni Gary na si Don Gervacio Santa Feliciana ay ang nagtayo ng bayan ng Santa Fe. Ipinangalan niya ito sa kanyan inang si Feliciana na ipinangalan naman sa patron saint ng bayan. Namatay si Don Gervacio noong si Gene ay nasa twenties pa lamang niya. Kaya hindi siya naka sunod sa lakad ng kanyang ama. Ngunit naging prominenteng leader siya sa bayan at naging konsehal, naging vice mayor, at naging mayor ng labing walong taon. Noong pangalawang pagtatapos niya ng kanyang ikatlong termino, nag retiro na siya sa pulitika. At ngayon ay ang kanyang dating vice mayor na si Ismael Puno ang mayor ng bayan. Sa kanyang edad na 60 ay malakas pa naman siya. Ngunit ayaw siyang sang ayonan ng kanyang aswa sa pagbabalik niya sa politika. Si Malou naman ay kasalukuyang principal sa Don Gervacio National High School. Ang paaralang itinayo niya ni Gene sa pangalan ng kanyang ama.

***

“Gary, gaano tayo katagal mag s-stay dito?” tanong ni Ellen sa asawa.

“Ikaw? Wala naman tayong time line eh. We can stay as long as we like. Pero kung gusto mo na bumalik, edi ikaw bahala,” sagot ni Gary.

“Okay. Sige. muwah! Goodnight,” halik ni Ellen.

Pinikit nila ang kanilang mga mata at natulog.

***

Nagising si Gary sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha. Tumingin siya sa wall clock. Alas nwebe na pala, at wala na rin si Ellen sa kanyang tabi. Bumanong siya, nagtungo sa banyo at nag hilamos. Saka lumabas ng kwarto papunta sa kusina upang magtimpla ng kape.

Habang nagtitimpla ng kape si Gary ay napansin niya ang mama niya at ang asawa niyang nag uusap sa labas. Natutuwa si Gary dahil tawa sila ng tawa, na curious siya sa pinag uusapan ng kanyang asawa at ina kaya lumapit siya sa kanila. Habang papalapit siya ay napatigil ang dalawa tumingin sa kanya.

“Asawa ko, dito ka! Hihihi!” tawag ni Ellen.

Binalik naman ni Gary ang ngiti niya.

“Gar, tumawag nga pala sakin si Mark ngayon lang. Nakarating na daw siya sa Manila. Didirecho daw siya dito. Gusto daw niyang pumasok sa Mossy Forest,” sabi ni Ellen.

“Nag book daw siya ng hotel, pero dito ko na pintuloy. Hindi pwedeng kung saan saan na lang natutulog ang mga kaibigan ng anak ko,” si Malou.

“Well okay. Matagal ko din namang hindi nakita si Mark. Para naman makapag kumustahan,” sabi ni Gary.

“Very good! Magpapa handa ako para mamaya. So anak, tell me about Mark,” si Malou.

“Nakilala namin si Mark noong inilalaban namin yung kaso ni sir Uytengko. Grabe ma! Ang galing galing niya. Hihihhi!”

Tumaas ang kilay ni Malou. “As in! Magaling ha!”

“Totoo ma, tanongin mo pa si Gary. Diba Gar?” si Ellen.

“Yes ma. In fact, yung strategy niya ang nagpa panalo kay Uytengko,” pagkokompirma ni Gary.

“Oh diba ma? Isipin mo ma, yung kaso lang ni Sir Uytengko ang inuiwan niya dito. Kakatapos lang niya ng PhD niya sa Harvard. Halos six months din kami hindi nagkita.”

“Wow ha! Nakaka impress naman ng lalaking iyan ha! May asawa ba siya?” tanong ni Malou.

“That’s the amazing thing. Wala siyang asawa, hihihi,” si Ellen.

“Mayor din yung daddy niya ma. Old family din sila sa kanila eh,” dag dag pa ni Gary.

“At nag aaply siya ngayon bilang fiscal. Gusto niya maging judge,” sabi pa ni Ellen.

“Well, wala akong masabi, except that I want to meet him.”

“You will meet him ma. And you will be impressed. He’s charming, and funny and gorgeous, hihihi!”

“Okay, good!”

***

Mag aalas tres ng hapon ng maka tanggap ng tawag si Gary na kailangan niyang puntahan ang kanyang ama dahil nagkagirian sila ng mga pamiliya ni Mayor Maeng Puno. Nag rally ang mga tao sa tapat ng bahay ng alkalde nang lumabas ang anak ni Puno at inutusan ang kanyang mga tao na paalisin ng pwersahan ang mga nag rarally. Sumaklolo si Gene at ipinagtanggol ang mga tao, ngunit nagka initan sila ng anak ni Maeng.

“Pa, kailangan mo nang dumistansya sa gulo. Alam mo namang matanda ka na at retirado kana. Wala ka nang responsibilidad sa mga tao,” paalala ni Gary sa ama habang nga d-drive. Kalong parin niya ang armalite sa dibdib niya.

“Nakita mo ba yun ha! Pag tumagal iyang si Maeng sa posisyon, tiyak marami ang malulugmok sa kahirapan dito. Hindi nilikha ni Papa ang bayang ito para lang pagharian ng mga hayop na yan,” balik ni Gene.

“Pa, naiintidihan ko. Pero maari kang mapahamak. Si mama kanina, alalang alala sayo.”

“Alam ko. May plano ako anak. Kakandidato akong mayor ulit. At pag nanalo ako, mag reresign ako, at ilululok-lok ko si Benny sa posisyon.”

“Ibig mong sabihin, planong mong kunin si mang Benny bilang vice mayor mo? Eh grade six lang natapos non eh.”

“ANO? Seryoso ka ba? Kailan ka pa natutong maliitin ang kapwa mo?”

“Hindi pa! Ang ibig kong sabihin, hindi kaya ni mang Benny ang pakikipagtagisan ng galing sa ibang mayors. Bakit hindi ka pumili ng iba.”

“Si Benny ay dating barangay kapitan. At tatay niya ang pinaka loyal na tao ni Papa. At si Benny naman ang naging katuwang ko sa lahat ng suliranin ko simula pa noong konsehal ako. May tiwala ako kay Benny.”

“Fine! Pero konsultahin mo muna si mama bago ka mag desisyon.”

“Oo naman! Pero buo na ang desisyon ko.”

Tumingin si Gary sa ama. At naintindihan na niya.

“Ah, I see. Matagal mo nang pinlano to? Patago kang nakikipag usap sa mga leaders mo.”

“Oo. At wag mong sasabihin sa mama.”

“Bakit?”

“Kasi ang nasa isip niya, ay ipa-papatay kami ni Maeng. Kahit naman ganyan si brod, may pinagsamahan kami.”

“Okay. Basta’t ang priority mo ay ang buhay mo. Hinding hindi ka magpapaka bayani pa ha!”

“I know anak. I know.”

***

Pag dating nila nang bahay, ay sinalubong sila ng alalang-alang madre de pamiliya.

“Generoso, anong nangyare?” usisa ni Malou sa asawa.

“Lourdes, wala kang dapat ipag alala. Hindi ako sasaktan ni Maeng. Utang niya sakin ang buhay niya.”

Tumuloy si Gary sa loob at tinanong ang mga katulong nila.

“Nasaan ang maam Ellen niyo? Dumating na ba yung bisita niya?”

“Opo sir, nasa taas ata sila. Ipinasyal ni maam Ellen yung bisita niya sa buong bahay,” sabi ng isang katulong.

“Sige.”

Lumapit si Gary sa hagdan at tumawag sa taas.

“HELEN! ANDITO NA KAMI!”

Matapos ang ilang sandali ay sumagot si Ellen.

“Yes Gar, pababa na kami.”

Naka akbay si Mark kay Ellen habang sila ay pababa. Naka amerikana si Mark, at napa kulay ng buhok ng ginto. Nang makalapit ay kinamayan at niyakap ni Mark si Gary.

“Hey bud! Long time no see! I heard you were almost killed.”

“Yeah, but they did not get me.”

“Good. I don’t want to lose good friends. Now tell me about it.”

“Haha. I’ve retold sa story a thousand times. Mamaya sa inuman pare. Let us eat first.”

“Of course, please. Lead the way.”

Tumuloy ang grupo sa hapag kainan.

***

Tulad ni Gary at Ellen, nasa early thirties narin si Mark. Habang nag uusap ay pinapaliwanag ni Gene ang mga nangyayare sa kanilang bayan. Madaling nakuha ni Mark ang situwasyon at nakapag bigay ito ng magagandang insights. Nang lumalim ang gabi, ay nagtungo sila sa gardens at inihanda ang mga inumin.

Nagkwentuhan sila at nagtawanan. Ngunit may kakaibang napapansin si Gary sa galaw ni Ellen at Mark. Parang may kakaiba sa dalawa. Hindi lubos maisip ni Gary na kaya siyang lokohin ni Ellen, sa harap pa mismo ng kanyan…