“Baby, masama pa rin ba pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Raffy nang bisitahin siya nito kinagabihan.
“Okay na `ko, babe,” sagot niya. May pilit na ngiti sa mga labi. Pilit na pinasigla ang boses.
Yumakap sa kanya si Raffy. Na siya namang nagpapitlag sa kanya. Parang nag-flashback sa kanyang isipan kung paano siya hinawakan at hinalikan ni Michael.
“Are you sure you’re alright?” Kunot-noong tanong nito.
“Yes, babe.” Niyakap niya ito ng dahan dahan hanggang sa natagpuan niya nalang ang sarili na tila umaamot ng lakas sa mga bisig nito. Unti unti na siyang napaiyak.
“`Nique?” Naalarma naman si Raffy nang mapagtanto nitong umiiyak siya.
“Hey, what’s wrong, baby?” Masuyong pinunasan nito ang kanyang luha. Pinaupo siya nito sa gilid ng kama. Tumabi naman ito sa kanya.
“Babe, what’s wrong? Tell me.” He coaxed her as he cupped her face.
Napabuntong hininga siya. Kinamumuhian niya ang sarili sapagkat alam niya na magsisinungaling na naman siya rito.
“It’s nothing, babe. I guess, the reason why I’m a bit emotional is because I’m gonna have my period any time soon…”
He stared at her intently. Tila inaarok kung nagsasabi nga ba siya ng totoo. Kaya naman niyakap niya ito at pinaliguan ng halik sa mukha.
“Babe!” Tila kinikilig na sambit ng kanyang nobyo. Kapagkuwa’y kiniliti siya nito ng kiniliti.
“Raffy, stop!” natatawang sambit niya. But he just intensified his tickles. Napatili siya.
“Raffyyyyyyy, stop it!” Halos hindi na siya makahinga. Sa wakas ay tumigil naman ito.
Humanap lang siya nang tiyempo. Hindi siya makakapayag na hindi makaganti rito. Umakto siyang hihiga na sa kama para magpahinga.
“Pagod na ang baby ko?” nakangiting tanong nito sa kanya. Nagpapa-cute na tumango siya.
Akmang hahalikan na siya nito nang sunggaban niya ito at walang humpay na kiniliti.
“Akala mo ha? `Etong sa’yo…!” hindi lang kiliti ang inabot nito sa kanya kundi pati na rin kurot at kagat.
“Enough na, enough na baby!” Habol habol ni Raff ang kanyang hininga. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.
“`Love you, `Nique.”
“`Love you too, Raf.”
Tumayo na ito at tinungo ang pinto.
“See you later for dinner.” Anito saka tuluyan nang umalis.
Nakapikit na sumandal siya sa nakasarang pintuan.
Mahal niya si Raffy. Sigurado siya roon. Nagkabikig sa kanyang lalamunan. Bakit ba nangyayari sa kanya ang lahat ng ito?
Binulabog siya ng mahihinang katok sa pinto. Agad niya naman iyong binuksan. Baka may nakalimutan lang sabihin sa kanya si Raffy.
Laking gulat niya ng mabungaran si Michael.
“Michael, ano’ng ginagawa mo rito?!”
He entered the room.
“Get out! Are you insane nasa kabila lang si Raffy!”
“Don’t worry, maingat ako.”
“He will kill us!”
He pinned her against the door.
“Stop denying it, Monique. I know how you feel.”
She looked downward as she bit her lip.
“Alam ko kung ano ang gusto mo.”
“Ayoko na, Michael. Parang awa mo na. Maawa ka sa akin, sa amin ni Raffy. Ayoko na—” naputol ang iba pang sasabihin niya nang halikan siya nito sa labi.
Banayad noong simula p…