Enslaved Mind (Chapters 14-20)

Author’s Note

Kung hindi niyo pa po nababasa ang previous chapters, `wag niyo po muna itong basahin. This is for my avid readers who have been waiting for my once in a blue moon update. Sana magustuhan niyo po. Xoxo-shobe

PS, visit my profile to get access to the previous chapters.

CHAPTER 14

Move On

“MONIQUE… Monique, anak please kumain ka na.” Pakiusap ng kanyang Yaya Mercy sa labas ng pintuan.

She has locked herself up inside her room for a couple of days now. Hindi na siya nag abalang bilangin pa ang mga araw na lumipas. What for? She’s been miserable. And she figured she’ll be miserable all her life.

Every day, she cries herself to sleep thinking about how her life drastically changed. Pagkatapos nilang maghiwalay ni Raffy, kusang nagbalik tanaw ang kanyang isipan sa nakaraan. Her mind subconsciously played different scenarios of what could have happened if things turned out differently. What if she never met Michael? What if she never accompanied Raffy on his business trip?

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Paano nga kung hindi nangyari ang lahat ng iyon? Marahil ay abala na siya ngayon sa pagpa-plano ng kanilang kasal ni Raffy. Siguro ay handa na ang kanyang wedding gown. Or maybe she’s busy making sure that everything would be perfect. God, she might even become a bridezilla. She laughed at the thought. She laughed, and laughed until she burst into tears. Until she fought the urge to curl up in bed and cry unceasingly.

Ganoon naman palagi ang nangyayari sa kanya magmula nang maghiwalay sila ni Raffy. She would reminisce their cherished moments or blame herself for fucking up their relationship. Either way, she would ultimately end up crying. Sabi nga ng yaya niya, tino-torture niya raw ang kanyang sarili. Sabi rin nito, malalampasan niya raw ang lahat.

Honestly, she should be thankful that she still has her family. Palagi siyang dinadalaw ng kanyang mga magulang. Ang mga ito rin ang nagpasya na manatili muna ang kanyang yaya sa condo unit niya. And now, her Yaya Mercy does everything to appease her. Pero kahit na anong gawin niya, parang sirang plaka na paulit-ulit na rumerehistro sa utak niya ang mga pangyayari. Dahilan upang hindi niya mapigilan ang sarili sa pag iyak araw araw, gabi gabi. No matter how she tries to justify everything, it all boils down to the fact that she messed up. No, scratch that, she screwed up. And for what? How could she fuck up her perfectly normal and happy relationship just because she succumbed into temptation?

Alam niyang kung magpapatuloy pa ang ganitong sistema ay mababaliw na siya. She has to do something about this. She needs to do something…

RAFFY exasperatedly raked his fingers through his hair. Nakukulili na ang kanyang tainga sa kakatalak ni Rebecca. She has been staying in his condo for a week. She’s in hiding. Perhaps she’s busted for her affair with that senator. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari sa mga ito and frankly, wala siyang planong alamin pa. If his best friend is caught up in a mess then so is he. He’s been miserable after his break up with Monique. Kahit na anong pilit niya sa kanyang sarili na isiping tama ang desisyon niyang makipaghiwalay ay nasasaktan pa rin siya.

Yes, she made a mistake but heck, it’s Monique… His very own Monique. Hindi naman basta basta nalang mabubura ng pagkakamali ang ilang taon nilang pinagsamahan. After all, despite all the ugly mess they’ve been to, he can’t deny that he still loves her. Hindi pa lang siguro siya handang kalimutan ang lahat. Napatawad niya na ito. Well, he thinks so. It’s just that, every time he recalls every bit of memory they shared, a bitter lump forms in his throat. Sumasagi pa rin sa kanyang isipan ang pagtataksil nito sa kanya. At ang kapatawarang ibinigay niya na rito ay natatabunan ng galit at panghihinayang.

“For goodness’ sake, Gamboa! Get the fuck up!” sigaw ni Rebecca.

“Leave me alone,” he groaned.

“Stand up! Keep your shit together, Rafael, or I swear I won’t stop slapping you until you wake up from your self-inflicted misery!”

“You don’t understand what I’m going through, Becc. So, just please, leave me alone.”

“Bullshit! Ano ba’ng problema mo ha? Na naghiwalay kayo ng babaeng ‘yon? You’re throwing your life away just because she cheated on you and your ego can’t handle that? So what if she cheated on you? So what if you two broke up? Get your shit together, Rafael Ephraim Gamboa!”

He ignored her and continued to take a sip on a glass of scotch.

“That’s your problem? Huh?! That’s your fucking problem? Putang ina naman, Rafael! Do you see me crying and moping right now? Do you see me drowning myself in scotch or vodka or whatever it is you’re killing yourself for days when in fact, between the two of us, I think I’m the one entitled to get drunk! Because first off, I, Rebecca Gatchalian, got caught having an affair with the country’s top senator! Second, I’m facing both criminal and civil charges pressed by my ex-fiance. And to top it all off, my license as a lawyer is in question. I am on the fucking verge of disbarment. Do you get it? I am going to be fucking disbarred! So now, tell me who’s more miserable between the two of us?!”

Napakurap siya sa sinabi nito. Alam niyang may problema ang kanyang matalik na kaibigan pero hindi niya naman akalain na ganoon kalaki ang kinakaharap nitong problema.

“Becca…” he said, trying to reach for her shoulders but she turned away.

“Just.. just move on, Raff. Hindi pa huli ang lahat para sa’yo. Hindi pa sira ang buhay mo. You can still go on living. I, on the other hand, well… there’s no hope for me. Might as well kill myself, right? So cheers to that!” anito sabay halakhak. Inagaw nito sa kanya ang bote ng scotch at inisang lagok iyon.

“Stop it, Becc.” Aniya habang pilit na inilalayo rito ang bote ng alak. Bigla siyang natauhan sa mga sinabi nito. Indeed, between the two of them, her problem’s the one that really f*cked up. And he has to look after her because he can’t risk leaving her like this. Baka ano pa ang maisipan nitong gawin. Naalala niya ang mga sandaling naabutan niya sa bath tub si Monique, nakalubog doon at walang malay.

“Becc, you’ll be fine. We’ll get past this, okay?” pang aalo niya rito at hinalikan ito sa noo.

MONIQUE is feeling much better now. It has been tree weeks since she consulted the psychiatrist referred to her by her doctor that time she was hospitalized. Dr. Emilia Sanchez-Delgado was great. Wonderful, in fact. Ang inakala niya ay sasailalim siya sa iilang madugong therapy sessions at reresetahan ng kung anu-anong gamot.

But that did not happen. Sa unang pagkakataon na pumasok siya sa clinic nito ay nilinaw nito sa kanya na ang mga susunod na sessions nila ay hindi muna sila magsisimula ng therapy kun’di hahayaan lang muna siya nitong ibahagi ang kung ano mang parte ng buhay niya na komportable siyang pag-usapan. And she was actually fine with that. She’s happy with the thought that every meeting they have is not structured, she’s never pushed to do anything, and she’s given the liberty to share all her thoughts without feeling uncomfortable.

Katatapos lang ng kanilang session at masaya siya sapagkat kanina ay sinabi nito sa kanya na may nabuo na itong psychotherapeutic approach na dinesenyo raw nito para lamang sa kanya. Hanggang ngayon ay iniinom niya pa rin ang anti-anxiety pills na nireseta nito pero ginagawa niya lamang iyon kung kinakailangan talaga. Ang sabi ni Dr. Delgado, hopefully ay mama-manage na nila ang kanyang anxiety attacks at hindi na niya kakailanganin pang uminom ng gamot kapag nasimulan na nila ang kanyang therapy sa susunod na linggo.

Ipinaliwanag rin nito ang therapy na dinisenyo nito para sa kanya. Dr. Delgado said that she will be employing a combination of psychoanalytic, psychodynamic and choice therapy for her. Marami pa itong in-explain at sa katunayan ay excited na siyang masimulan ang kanyang structured therapy. Nagpapasalamat siya sapagkat malaking tulong talaga para sa kanya si Dr. Delgado. Magaan ang kanyang loob dito sapagkat may aura itong parang maarugang ina.

Kaya ngayon ay positibo siyang magiging okay siya. She will slowly pick up her broken pieces and see to it that she will be able to rise up again and forgive herself so she could finally move on with her life.

Kabubukas niya lang ng pintuan ng kanyang unit nang sumalakay sa kanyang pandama ang matapang na amoy ng putaheng niluluto ng kanyang yaya.

“Ya, what is that? It smells awful.” Mahinahong sambit niya sabay takip ng kanyang ilong.

“Magluluto ako ng paborito mo para sa hapunan, anak.” Lalapit pa sana siya sa kusina pero sadyang matapang talaga ang amoy ng niluluto nito at tila bumabaliktad na ang kanyang sikmura.

Dali-dali siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagduduwal sa loob ng banyo.

“Diyos ko…” wika ng kanyang yaya na ngayo’y nasa tabi niya at kinakapa ang kanyang palapulsuhan.

“A-anak… b-buntis ka?”

Sukat sa sinabing iyon ng yaya niya ay nanlabo ang kanyang paningin.

CHAPTER 15

Engagement Ring

“CONGRATULATIONS! You’re seven weeks pregnant.” Masayang turan ng obstetrician-gynecologist kay Monique.

It seems like her head is spinning as she heard the news. So it’s confirmed. Masama ang pakiramdam niya kagabi at hindi maampat ang kanyang pagkahilo at pagsusuka kaya minabuti niyang magpacheck-up kinaumagahan kasama ang kanyang yaya. Now, she’s pregnant. She really is pregnant with… is it Michael’s? Or is it Raffy’s child?

Seven weeks…

Counting back, that was the time that they went back from their Davao trip. And there is no way of telling whether it’s Michael’s or Raffy’s baby.

She laughed hysterically. What happened to the old Monique who’s prim and proper? To that Monique who wore a chastity ring since she was fifteen? That same old Monique was gone now. For God’s sake, she can’t even tell for herself who’s the father of her baby! Ang histerikal niyang tawa ay tuluyan nang nauwi sa paghikbi.

This can’t be happening…

“Hija, ssshh, tahan na. Ang sanggol sa iyong sinapupunan ay biyaya ng Diyos.” Pang-aalo sa kanya ni Yaya Mercy.

DAHAN-DAHANG kinumutan ni Mercedita ang kanyang alagang si Monique. Maaga silang nakauwi mula sa check-up nito sa doktor at minabuti niyang dalhin na ito agad sa condo unit nito para makapagpahinga.

Napapalatak siya habang pinagmamasdan ang maamo at magandang mukha ng kanyang alaga habang natutulog. Ayaw mang ibahagi nito sa kanya ang mga nangyayari sa buhay nito ngayon ay ayos lang sa kanya. Alam niyang kasalukuyang may kinakaharap na problema si Monique kahit hindi nito sabihin sa kanya kung ano man iyon. Kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang kahit papaano ay maalagaan man lang ito.

Magmula nang ito’y bata pa ay napakabait na talaga ni Monique. Hindi ito nasasangkot sa ano mang gulo at palaging matataas ang marka nito sa eskwela. Palaging abala ang mga magulang nito sa negosyo kaya nakaatang sa kanyang mga balikat ang obligasyon ng pagpapalaki at pag-aaruga sa kanyang alaga.

Ngunit kailanman ay hindi niya ikinonsiderang obligasyon, ni responsibilidad ang pag aalaga rito dahil lamang yaya siya nito. Minahal niya si Monique noon at itinuring na parang tunay na anak. At ngayon ay mamahalin niya pa rin ito kahit na ano pa man ang pinagdaraanan nitong pagsubok.

Napabuntong hininga siya. Tinungo niya ang kusina upang ihanda na ang mga lulutuin sa kanilang pananghalian. Pasado alas-diez palang kaya makakapagpahinga pa ng halos dalawang oras ang kanyang alaga. Napagpasyahan niyang buksan ang telebisyon habang naghahanda na siya sa pagluluto.

“Breaking news… sa kabila ng pag-aapilang walang sala sa pagpaslang sa kilalang businessman na si Marco Jimenez, nahatulan na ng panghabangbuhay na pagkakulong o life imprisonment ang sikat na British-Filpina Victoria’s Secret Model na si Savannah Jolene Pendleburry. Ayon sa mga awtoridad ay kasalukuyan itong nakapiit sa bilangguan. At ayon naman sa kampo ng sikat na modelo, nakahanda ang mga itong iakyat sa korte suprema ang kaso upang mapatunayang inosente at walang kinalaman sa kinasangkutang krimen ang modelo…”

“Diyos ko…” nahabag si Mercedita sa natunghayang balita. Naka-flash sa telebisyon ang pagmumukha ng nasabing modelo. Sa tantiya niya ay kasing edad lamang ito ng kanyang alaga.

Itinuon niyang muli ang kanyang atensyon sa pagluluto. Kinakailangan niyang maghanda ng masusustansyang pagkain para sa kanyang alaga at pati na rin sa baby nito.

Napangiti siya. Biyaya nga namang maituturing ang sanggol. Ipinapanalangin niyang sana ay maging masigla ang dalawa. Nagpapasalamat siya sapagkat sabi ng doktor kanina ay malusog naman daw ang baby ngunit medyo kulang sa timbang si Monique.

Tumunog ang telepono sa sala at agad naman niyang dinampot ang awditibo.

“Hello, Ma’am Consuelo..” aniya nang mapagtantong boses ng mama ni Monique ang nasa kabilang linya ng telepono.

“How’s everything, Mercy?” Nararamdaman niya ang pag-aalala sa boses nito.

“Mabuti naman po. Nagpapahinga si Monique ngayon sa kanyang kuwarto. Gusto n’yo ho ba siyang makausap?”

“No. Wag mo na siyang gisingin. I just wanted to check on her. Maraming salamat talaga at inaalagaan mo ang anak ko, Mercy.”

“Walang anuman, Ma’am.”

Pagkatapos nitong mangamusta ay ibinaba niya na rin ang telepono. Makalipas ang isang oras ay handa na ang pagkain. Napasulyap siyang muli sa telebisyon at ipinapahayag muli roon ang balita tungkol sa pagkakulong ng sikat na modelo.

“O, hija, gising ka na pala. Pupuntahan na sana kita sa kuwarto mo.” Aniya nang mamataan ang kanyang alaga na nakatunghay rin sa telebisyon.

“She was sentenced with life imprisonment?” mahinang usal nito habang hinihila ang silya sa dining table.

“Oo, bakit, anak, kilala mo ba ‘yan?”

“I don’t know her personally, yaya. Pero sobrang sikat niyan. Siya ang kauna unahang pinay na naging Victoria’s Secret Angel. And ‘yong boyfriend niyang namatay, naging kasosyo yata ‘yon ni Raffy in some of his business dealings.”

Napatangu-tango naman siya.

“O, siya, kumain ka na. Kailangang madagdagan iyang timbang mo, hija, para sa kalusugan ni baby.”

Lumungkot ang mukha nito.

“Ya, about the baby…”

Sukat niyon ay nagsimula na itong pumalahaw ng iyak. Nahintakutan siya. Ano’ng nais nitong sabihin patungkol sa bata?

“A-anak, ‘wag mong sabihing gusto mong…?” tila kinikilabutang bulalas niya.

Pinunasan nito ang luhaang pisngi at tila naguguluhang napatitig sa kanya.

“Oh, God no! I have no plans of harming this child, yaya. I will take care of my baby. This child’s all I have left.” Umiiyak pa ring turan nito.

Nilapitan niya ito at niyakap.

“Hija, walang problemang hindi nareresolba. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kayang malampasan. Alam na ba ito ni Rafael? Kailangan niyang malaman, hija. Bilang ama ng bata ay may karapatan siyang malaman iyan.”

“No!” Sigaw nito na siya namang ikinagulat niya.

“Pero, hija…”

“Yaya, I messed up. I… I…” hilam ng luha ang mga mata nito. Kumapit ito sa kanya na tila ba umaamot ng lakas.

“Anak, ano ba’ng problema? Sabihin mo sa’kin. Pakiusap, tahan na, makakasama ‘yan sa bata.”

Nagpatuloy lamang ito sa paghikbi.

“Gusto mo bang papuntahin ko rito si Rafael?”

“Yaya, no!”

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

“I’m not even sure if this is Raffy’s baby! I cheated on him, yaya… I cheated on him. I’m such a terrible person!”

“Sssshh, huwag mong sabihin iyan. Tahan na anak… S-sino ba sa palagay mo ang ama ng bata?”

“I… I don’t know, Yaya Mercy. I cheated on Raffy when we went to Davao. I cheated on him with his business partner. And when we went back I couldn’t bear the shame and guilt so I overdosed on sleeping pills and drowned myself in the bath tub. That was when I was hospitalized. Doon nalaman ni Raff yang lahat. Pero hindi niya ako iniwan. Galit na galit siya, yaya. He forced himself onto me. He was raging mad to the point that he was already hurting me. Pero okay lang sa akin ‘yon dahil napakalaki ng nagawa kong kasalanan. W-we somehow worked it out, ang sabi niya mahal niya pa rin ako. But eventually, he broke up with me. H-hindi niya pa rin daw makalimutan ang pagtataksil ko sa kanya…”

Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya akalain na ganito pala kalaki ang problemang kinakaharap ng kanyang alaga.

“Yaya, I don’t know what to do…”

“Anak, hindi pa huli ang lahat para sa inyo ni Rafael. Alam kong mahal na mahal ka niya. Kaya, kakausapin natin siya at sasabihin mo sa kanya na buntis ka, okay?”

“But, yaya, you’re missing the point. I don’t know if this is his child I’m carrying. Paano kung hindi ito kay Raffy?’

“Monique, hija, alam mo ba kung gaano ka kamahal ni Rafael? Hindi lang ang mga magulang mo ang nilapitan niya upang hingin ang iyong kamay. Maging sa akin ay humingi siya ng basbas at nangakong mamahalin at aalagaan ka niya habangbuhay. Kung nasaktan ka man niya ay marahil dala lamang iyon ng bugso ng damdamin. Ngunit alam kong mabuting bata si Rafael. Mahal na mahal ka niya at ang pagmamahal niya sa’yo ang magtutulak sa kanyang mahalin ang bata sa sinapupunan mo mapasakanya man ‘yan o hindi.”

MONIQUE made up her mind. Kakausapin niya si Raffy hinggil sa kanyang pagbubuntis. May punto ang kanyang yaya. She encouraged her to go and see Raffy. Ang akala niya ay wala nang pag asa pa. But now, a tiny flicker of hope rose through her heart. Sana ay maging okay ang lahat. She wants to give her child a normal life, a happy family.

What could the future hold for them? Siguro, magiging masaya sila bilang isang pamilya.

She shivered at the thought of that. Paano kung si Michael ang ama ng bata at hindi iyon matanggap ni Raffy? Paano kung magiging malupit ito sa bata?

She shook her head. She shouldn’t be thinking of negative thoughts. Pinuntahan niya ang condo unit ni Raffy ngunit wala ito roon. She decided to head to his hotel to check if he’s there.

Naglalakad palang siya sa lobby ay namataan niya nang may kasama itong babae. She knows the woman. It’s Atty. Rebecca Gatchalian. The infamous lawyer who’s the senator’s mistress and who also happens to be Raffy’s best friend.

Best friend nga lang ba?Sigaw ng utak niya.

Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang dalawa. Napaka-sweet ng mga ito sa isa’t isa. Raffy seems to be feeding her with some sort of dessert and he appears to be beaming with joy.

Naglandas ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Yeah right, she let him go. Now he’s happy with someone else.

She poised herself. Kailangan niyang magig matatag. Kailangan niyang tumayong mag-isa at harapin ang lahat para sa baby niya.

Naglakad siya papalapit na kinauupuan nina Raffy at Rebecca. Nginitian niya ang dalawa nang nasa tapat na siya ng mga ito.

“Monique!” bulalas ni Raffy sabay tayo.

“What are you doing here? Is something wrong?” Masuyong tanong nito at hinawakan ang kanyang braso. Napakagat labi siya. She’s trying so hard not to cry in front of him. Just hearing the sweetness and concern in his voice pierced her heart.

Umiling siya bilang sagot. Kapagkuwan ay ngumiti. Sinulyapan niya si Rebecca na ngayon ay nakairap sa kanya.

“Nothing’s wrong. I just wanted to… I just wanted to give you this…” Hinubad niya ang kanyang engagement ring.

“I forgot to return this to you last time.” She held onto her Cartier diamond engagement ring.

And with one last look, she gave it back to Raffy.

CHAPTER 16

Great Warrior

Five years later…

“YAYA, I’m fine. Really… I promise. I miss you too!” natatawang saad ni Monique. Nakaipit ang telepono sa gitna ng kanyang tainga at balikat. Her Yaya Mercy won’t put the phone down. Kanina pa ito nangangamusta. Ramdam niya sa boses nito ang pangungulila.

“Mommy! The pancakes are burning!” sigaw ni Eon.

“Oh shit!”

“Don’t cuss, Mom! That’s bad!” lukot ang mukhang turan nito habang umaakyat sa upuan.

“Sige na ‘ya, bye na. Nasusunog na ‘tong breakfast ni Eon.” Wika niya habang ibinababa ang telepono.

“You didn’t let me talk to Yaya Mercy. I missed my Tagalog Time!” nakahalukipkip ito habang nakalabing nakatingin sa kanya.

“We’ll skip Tagalog Time for now, okay? You’re running late for class.” Aniya sabay halik sa tuktok ng ulo nito. Ang Tagalog Time na tinutukoy ni Eon ay ang pagtuturo ni Yaya Mercy ng Tagalog words at phrases. Aliw na aliw ito kapag may bagong natututunang salita. Apat na taong gulang na ito ngayon at nag aaral sa prep school malapit sa kanila. She opted to enroll him on a school which deviates from the regular schools in town. Ang eskwelahan nito ay may sariling curriculum na alinsunod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga bata. They subscribe to the idea of multiple intelligence. Apat na taong gulang pa lamang si Eon pero ayon sa mga guro nito ay advanced umano ang cognitive level of learning nito kaya matatas itong magsalita at mabilis makaintindi.

Inilagay nito ang table napkin sa dibdib nito at kumuha ng isang pirasong pancake at inilagay iyon sa plato.

“Oops, don’t eat that sweetheart. Mommy will make another one, okay?”

“It’s alright, Mom. I’ll just scrape off the burnt parts. You don’t have to cook again.” Anito sabay kindat. Lumitaw pa ang malalalim nitong dimples. Napakabait ang lambing nitong bata. She never had any difficulty raising him. He’s her pure bundle of joy.

“What about peanut butter and jelly sandwich? Hmmm? How does that sound for your snacks?”

“Yum!” he said while slowly chewing on his pancake.

Kumuha siya ng gatas at inilagay iyon sa baso. Eon likes milk. He can consume a couple of milk boxes a day. Kaya siguro ang bilis ding lumaki nito.

“Hurry. You don’t wanna be late for class.”

“Wait up, Mom.” Sagot nito at kinindatan na naman siya. Ginulo niya ang buhok nito. Eon’s quirky attitude just simply melts her heart.

MATAPOS niyang ihatid si Eon sa school nito ay dumiretso siya sa kanyang shop. It’s just a few blocks away from his school. Binati siya ng kanyang cashier na si Jenna. Tisay ang tawag niya rito sapagkat lutang na lutang ang American features nito. Anak ito ng caretaker ng kanilang bahay dito sa California.

“Hatid ka na ba sa school ni Eon?” Tanong nito sa kanya habang nagpupunas ng mga antique furniture.

Natatawang tumango siya. “Yes.”

Siguro kailangan ding sumali ni Jenna sa Tagalog Time ni Eon. Bali-baliktad kasi ang Tagalog nito. The girl works on the shop part time. Kapag dumadating na siya roon galing sa school ni Eon ay umaalis naman ito upang tumungo sa isa na namang part time job nito. At kapag oras na para sunduin ang kanyang anak bago magpananghalian ay rumerelyebo naman ulit sa shop si Jenna.

“Punta na ako, Ate ‘Nique!”

“Aalis ka na.” pagtatama niya sa sinabi nito habang kumakaway.

Noon ay palaging sumisikdo ang dibdib niya kapag tinatawag siyang ‘Ate Nique’ ni Jenna. Isang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya ng gano’n. ‘Yung taong pilit niyang kinalimutan sa loob ng limang taon.

She smiled at the thought. Kumusta na kaya ito?

Tumunog ang door chimes na siyang hudyat na may kapapasok lamang na customer.

“Good morning! Welcome to Gideon’s!” Masiglang bati niya.

Ngumiti naman sa kanya ang isang middle aged Caucasian.

“I’m planning to redecorate my living room, dear. Could you show me some designs that will suit my preferences?”

“Of course, ma’am. Do you have pictures of your living room? May I take a look? Just so I could check which types of furniture we could use.” Saad niya. Dito niya ipinagpatuloy ang hilig niya sa interior design. Bukod sa malaki ang kita ay mas nagkakaroon siya ng sense of fulfillment sa tuwing may napapasaya siya at ang kanyang team sa kanilang mga eksklusibong interior designs. She’s still in therapy with Dra. Delgado and they conduct their sessions through Skype. Sabi nito sa kanya na mainam ang pagkakaroon niya ng sariling negosyong pinagkakaabalahan dito sa California.

Natagalan sila sa pagdidisenyo ng living room ng kanyang bagong kliyente. Medyo may pagka maselan kasi ito sa mga furniture na gagamitin. She doesn’t mind though. Mas mabuti nga na hand-on ang ito sa pagdidisenyo.

Kung hindi pa dumating si Jenna ay hindi niya namalayang alas onse na pala ng umaga. Kailangan niya nang sunduin si Eon. Nang masigurong okay na ang mga designs ay iniwan niya ang kliyente kay Jenna.

Pagdating sa school ng kanyang anak ay nadatnan niya itong nakikipaglaro sa mga classmates nito. She just watched him joyfully kicking some ball on the playground. Hindi yata nito napansin na dumating na siya.

She took a deep breath. Wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya. Lumaking masaya at masigla ang kanyang anak. Nakayanan niya itaguyod itong mag-isa. Kaya, alam niya, kahit suriin pang maigi ang kanyang puso, wala anumang pagsisising makakapa roon.

Habang pinagmamasdan niya si Eon na nakikipaglaro ay kusang naglabay ang kanyang isipan sa nakaraan mahigit limang taon na ang nakalipas…

“HUWAG ka namang magpadalus-dalos sa pagdedesisyon, anak…” nanginginig ang boses na wika ng kanyang Yaya Mercy habang pinagmamasdan siya nitong mag-empake.

A bitter smile curved on her lips. Hindi naman siya nagpapadalus-dalos sa pagdedesisyon. Sa katunayan, maingat siyang nagpasya. All she knew is that she has to leave. She needs to leave. This is for the sake of her baby.

Nagpaalam na siya kanina sa kanyang mga magulang. Her dad was strongly against her idea but eventually, he gave in. Ipinaintindi niya rito na ang kanyang plano ay para sa ikabubuti ng kanyang anak. Her mom was crying the whole time. Napakasakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang kanyang mga magulang pero alam niyang kailangan niyang magpakatatag.

“I cannot decide on your behalf, hija. You need to decide for yourself. This is a part of your therapeutic process… to carefully make your decisions by weighing your options and foreseeing the possible consequences…” naalala niyang payo sa kanya ni Dra. Delgado noong huling therapy session nila.

After what seems to be countless of sleepless nights, she finally made up her mind. Sinunod niya ang payo ng doktora. Maingat niyang tinimbang lahat ng maaaring maging konsekwensya ng mga magiging desisyon niya.

Her yaya would always tell her that she should tell Raffy about her pregnancy. Pero nangangamba siya. Paano nga kung hindi si Raffy ang ama ng batang dinadala niya? Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung ano ang magiging reaksyon nito. Sa huli ay nangibabaw ang pangamba sa kanyang puso na baka pagmalupitan siya nitong muli kung darating sa puntong malalaman nito na hindi pala ito ang ama ng bata. Worst, what if he hurts the child?

The mere thought of that sent chills to her core. Hindi pa man naisisilang ang bata ay may mga problema na itong kinakaharap. Since she can’t know, for now, the paternity of her baby, she’s determined not to take any risks. Kaya niyang buhaying mag-isa ang anak niya. Alam niyang nandyan naman ang kanyang mga magulang at ang kanyang yaya para tulungan at gabayan siya.

Kaya nga buo na ang kanyang desisyong mangibang-bansa. Her father owns a vacation house in the suburbs of California. Namana nito iyon sa kanyang Lola Phoebe na Half-American. Naisip niyang mas makabubuti kung doon muna siya titira hanggang sa makapanganak siya. She needs a change of scenery. She needs to break free from everything that has happened to her in this country.

Inayos niya ang lahat ng dapat ayusin bago pa man siya umalis. She knows that she can’t just leave everything with just the drop of a hat. Paano na ang mga empleyado niya? Hindi niya naman maatim na iwan nalang ang mga ito ng basta basta. Kaya nilipat niya munaang proprietorship ng kanyang restaurant sa BGC sa kanyang mga magulang. Kinausap niya rin ang kanyang matalik na kaibigang si Nicole kung willing ba itong pamahalaan ang kanyang maliit na firm na nagca-cater ng interior designs para sa mga eksklusibong kliyente.

Kahapon niya lang naisaayos ang lahat-lahat. Kaya ngayon ay naghahanda na siya sa kanyang pag-alis…

Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga masasaganang luha na naglalandas sa kanyang pisngi. Gaya ng sabi niya, wala siyang pinagsisisihan. Alam niyang tama ang naging desisyon niya.

Namataan niyang tumatakbo papalapit sa kanya si Eon.

“Mommy!” sigaw nito habang kumakaway.

My sweet boy, Gideon Ysmael.

Again, she wiped away her tears. Her little warrior, Eon, is running towards her. His name, Gideon Ysmael, are both Hebrew names which literally translate to “Great Warrior” and “God Listens”.

Indeed, God listened to her fervent prayers because He gave her a great warrior.

God gave her Eon.

“Did someone hurt you, Mommy? Why are you crying?” He asked while tugging the hem of her dress.

Umiling iling siya saka yumuko upang halikan ang pisngi nito.

Inilapat naman nito ang dalawang maliliit na palad sa magkabilang pisngi niya.

“Your cheeks are damp and your eyes are swollen. I know you were crying, Mommy.”

Natatawang napahugot siya ng malalim na hininga. Eon is such an intelligent kid. Hindi siya makakapagsinungaling dito.

“It’s nothing, baby. Mom’s just happy.”

Kumunot ang noo nito, kapagkuwa’y nagkibit balikat.

“Okay. But tell me if someone hurts you, okay, Mommy? I love you.”

Nagkabikig na naman sa kanyang lalamunan.

“Mommy loves you too, sweetheart. Mommy loves you so much.”

CHAPTER 17

Home

MONIQUE held Eon’s little hand, giving it a tight grip. There was a lump on her throat as she heaved a sigh, resisting the urge to break down.

“Mommy,” untag ni Eon.

Tumingala siya para pigilan ang mga nagbabadyang luha. She has to compose herself. She needs to be strong.

“Yes, sweetheart?” Aniya. Nakita niyang tila balisa ang kanyang anak sa pagkakaupo. She loosened his seatbelt a bit and planted a soft kiss on his forehead.

“Are we there yet?” Tanong nito sabay hikab.

“Not for long, honey. Mommy told you to sleep. You’re so stubborn.”

He just smiled. Kita sa maamong mukha nito ang pagod at puyat. They have been on the plane for almost 15 hours now. Humigit kumulang dalawang oras nalang ay lalapag na ang kanilang sinasakyang eroplano.

“Mommy, Kindle.” Ungot nito.

“Eon, you have to sleep. Close your eyes, baby. Please?”

“But I’m not sleepy,” he countered with matching sad puppy eyes.

Napabuntong-hininga siya. Unlike most kids his age who likes to play games with their iPads, Eon wants to read books. Puno ang Kindle App nito ng mga libro. Mostly on Math, Science and World History. Minsan nga ay nababahala na siya sapagkat makapal na ang salamin nito sa mata dahil sa kakabasa ng mga libro.

“Please let your eyes rest naman, anak.” Aniya sa masuyong boses. Eon pursed his lips and nodded slowly.

Natawa siya. He seems to act like an adult. Sobrang cute tuloy nito kapag nag-aastang matanda.

Ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana. Alam niyang nagtatampo ito.

“Hay naku. Here’s your iPad. But you to promise me one thing…”

Bigla itong lumingon sa kanya. Nakangiti at tumatango-tango.

“No cereals for dinner, okay? And no more Kindle once we arrive.”

Nalukot ang mukha nito.

“Gideon Ysmael, you have to promise me!” She hissed. The middle aged couple from across the aisle even looked at them. Ginawaran niya ang mga ito ng mapagpaumanhing tingin.

“Promise,” ani Eon sabay kindat.

She inhaled deeply so as to calm herself. A promise coupled with a wink from her cute but stubborn son is a tell-tale sign that he’s up to something.

“You have to promise me without winking!” Mahina ngunit mariing turan niya.

“Promise,” he said while raising his right hand. But a few seconds later, he winked again.

“No. Kindle. For. You. Young. Man.” She said. Emphasizing each word.

He crossed his short arms around his chest and faced the window. Napailing nalang siya. Eon is, and will always be her bundle of joy. But with happiness brought about by having a sweet yet stubborn son, comes the burden of responsibility and instilling discipline to him. Mahirap iyon lalo pa’t single mother siya. She must admit she’s having a difficulty drawing the line between pampering him and disciplining him.

For the nth time, she heaved a sigh. At least, pansamantalang nawala sa isipan niya ang mas malaking problemang kinakaharap niya ngayon.

She closed her eyes. Soon enough they’ll be at NAIA. And all she could hope for is for things to be okay.

“MONICA, hija!” Tila lumukso ang puso ni Monique nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Isang tao lang naman ang kasi ang tumatawag siya sa kanya ng ‘Monica’.

“Mang Bert!” Nakangiting bati niya. She’s smiling but she can’t help her tears from falling. Si Mang Bert ay ang kanilang family driver. Mula pre-school hanggang college ay ito na ang naghahatid-sundo sa kanya sa eskwela pati na rin sa iba pa niyang lakad. Maituturing niya na rin itong pangalawang magulang kasama ang Yaya Mercy niya.

“Nagagalak ako’t sa wakas ay umuwi ka na, anak.” Anito sa basag na boses. Pero agad naman nitong inagaw ang mga bagahe niya mula sa airport staff kapagkuwan ay nakangiting bumaling kay Eon.

“Ito na ba si Eon?”

“Opo, Mang Bert.” Aniya. She grasped Eon’s hand. “This is Tatay Bert,” dagdag niya.

“Hello, Tatay Bert!” Masiglang bati nito. Hindi pa rin siya nito pinapansin. Perhaps he’s still mad because she did not allow him to use his iPad.

Mang Bert tussled his hair and guided them towards their SUV.

Nang makasakay na sila ay tila nananantiyang tiningnan siya ni Mang Bert sa rear view mirror.

“Gusto mo bang sumaglit muna tayo sa bahay, hija?”

“Sa ospital nalang po tayo, Mang Bert.”

Tumango ito at pinaandar na ang sasakyan. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa kanilang destinasyon ay unti unti rin siyang nanghihina. Unti unting nanunumbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa buhay niya.

Tama nga ba ang mga naging desisyon niya? Tama ba na lumayo siya? Sa kagustuhan niya bang magsimula ng panibagong buhay ay nakaligtaan niyang may mga importanteng taosiyang iniwan?

She tried her very best to hide her tears. She bit her tongue to keep herself from sobbing.

“Monica, anak… Magiging okay rin si Ser,” wika ni Mang Bert.

She just kept silent. Tears pooled i…