Enslaved Mind (Chapters 7 & 8)

Author’s Note

The change in the storyline begins in this chapter.

CHAPTER VII

“She went to my room and begged me to fuck her.”

Napatiim bagang si Raffy sa sinabing iyon ni Michael. Kahit pa pinaulanan niya na ito ng suntok at sipa, kahit pa pumutok na ang labi at kilay nito, hindi pa rin niyon mai-aalis ang poot na kanyang nararamdaman. Halos ayaw pa ring mag-sink in sa utak niya na nagawa iyon sa kanya ng kanyang fiancee.

My sweet angel, Monique.

Mababaliw na yata siya. Just thinking that another man touched her drives him nuts. He respected her vow of chastity. Mahal na mahal niya ang kanyang fiancee. Kahit pa may mga pagkakataong sabik na sabik na siyang makipagtalik dito ay pinipigilan niya ang sarili sapagkat alam niya na gusto nitong maging espesyal ang unang gabi nila bilang mag asawa.

Pero anong nangyari? Ano itong pinagsasabi ng business partner niyang si Michael?

He wants to beat Michael to death. But he calmed himself. Anuman ang motibo ni Michael ay kailangan niya pa ring kausapin si Monique para linawin ang lahat. He still has to give Monique the benefit of the doubt.

Iniwan niya si Michael na nakabulagta sa sahig. Tinungo niya ang kinaroroonan ni Monique. Naabutan niya itong mahimbing na natutulog. May dalawang nurse sa loob ng kwarto. Ang isa ay nagche-check ng suwero nito at ang isa naman ay nakamasid lamang. Ilang saglit pa ay lumabas na ang mga ito.

Umupo siya sa tabi ng kanyang nobya. Sinubukan niya sanang haplusin ang pisngi nito ngunit agad din naman niyang binawi ang kanyang kamay. Tila hindi niya maatim na hawakan ito ngayon. Umalingawngaw sa kanyang isipan ang pag-uusap nila ni Michael.

“I slept with her.”

“With whom?”

“With Monique. I slept with… Monique…”

“What did you say?”

“I said… I slept with your fiancee.”

“At hindi lang isang beses. We fu cked in the showroom, after nating mag-breakfast at busy ka na sa pakikipag-usap kay Xander. We fu cked again inside the hotel suite. And again, in my room, while you were so drunk and peacefully sleeping in the guest—“

Hindi na nito natapos ang iba pang sasabihin sapagkat sinuntok niya na ito sa pisngi. He punched him so hard that he almost kissed the floor.

“And I’m sure she liked it. She even begged for more.”

Puno ng galit ang kanyang dibdib. How did it happen? Inakit ba nito ang kanyang nobya? Sino ang unang nagbigay ng motibo? Napakaraming katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan. Hindi niya pa rin lubos maisip na totoo ang lahat ng mga sinabi ni Michael.

Nakita niyang gumalaw ang kamay ni Monique sapo nito ang tiyan.

“Are you alright? May masakit ba sa’yo?” Despite all the confusion, nangibabaw pa rin ang kanyang pag-aalala para rito.

Nabahala siya nang makitang nangilid ang luha sa mga mata ni Monique.

“Baby…” aniya sabay hawak sa kamay nito.

Bigla naman itong humagulhol. She cried so hard. Doon pa lang, nahihinuha niya na na maaaring totoo nga ang mga sinabi ni Michael. Pero hindi iyon sapat para sa kanya. Kailangan niyang makumpirma ang lahat. Kailangan manggaling kay Monique ang lahat.

“Is it true?” Tanong niya.

Hindi ito sumagot.

“Did you sleep with Michael?”

Nag iwas ito ng tingin.

“Answer me, Monique.”

Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga.

“Dammit! Answer my question, Monique!”

Impit na napahikbi ito.

“I… I’m… I’m s-sorry, Raf.” She said in between sobs.

Parang bombang sumabog sa harapan niya ang mga salitang binitiwan ng kanyang fiancee. Pisikal at emosyonal siyang nanghina. Hindi niya napigilang umiyak. Gusto niyang manuntok, sumigaw, at magwala. Pero tila wala siyang lakas upang gawin ang lahat ng iyon sa ngayon.

“Why did you do this to me, Monique? Why did you do this to us…” tumutulo ang luhang sambit niya.

Hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak.

“Alam mo kung gaano kita kamahal, ‘Nique. Alam mo ‘yun diba? Ba’t mo nagawa sa’tin ‘to?”

Tuluyan na bumuhos ang luha niya.

“Saan ba ako nagkulang? Ang sakit sakit ng ginawa mo ‘Nique. Kahit saang anggulo tingnan, niloko mo pa rin ako. Kaya sagutin mo ‘ko, saan ako nagkulang? Did you fall out of love? Hindi mo na ba ako mahal, ha?”

Umiling ilng si Monique.

“No… No, b-babe… It’s all my fault. I’m the one to blame. I-it’s all my fault…” Mugtung mugto na ang mga mata nito.

“Do you have feelings for him?” He asked. His lips almost pursed.

“No… No! I made a huge mistake… I’m so sorry, Raf. I’m sorry…”

Tila nag aatubiling ginagap nito ang kamay niya.

“R-Raf… B-baby… I love y-you…”

Bigla niya namang binawi ang kamay sa narinig.

“Bullshit!” Galit na sigaw niya.

“Raf, I’m sorry…” iyak pa rin ito ng iyak.

Lumabas na siya ng kuwarto. Tinungo niya ang nurse’s station at nagbilin sa isa sa mga nurse na bantayan si Monique. He needs to go somewhere else. He just can’t handle seeing her right now.

HINDI LANG HIYA hiya kundi pati na rin labis na galit at pagkamuhi ang nararamdaman ni Monique sa kanyang sarili. She felt so ashamed of herself. Anong klaseng nobya siya? Paano niya nagawa ang lahat ng iyon kay Raffy?

Tila wala siya sa sarili nang pauwi na sila ni Raffy sa Manila. Nang makarating siya sa kanyang condominium unit ay binalot siya ng pagkasuklam sa sarili. Naligo siya at nagbabad sa bath tub, thinking as if all the soap and deep scrubbing could wash away the dirt of her wretched and immoral soul.

Inisip niya na wala na wala nang pag asa pang malinis ang kanyang maruming pagkatao. Nadarang siya. Nagpadala sa tawag ng tukso. Nilason ng kamunduhan at tawag ng laman.

She decided to end her own life. She did all of these horrible things to herself and to their relationship. Siya mismo, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. Si Raffy pa kaya? Si Raffy na ang tanging ginawa ay mahalin siya ng buong puso at nirespeto ang kanyang kahilingan. Ang kanyang nobyong walang ibang inisip kundi ang kanyang kapakanan.

Isa siyang masamang babae. Sinira niya ang relasyon nila ni Raffy. She’d rather die than see him hurting because of what she did.

Pero hindi siya nagtagumpay sa planong pagkitil ng sariling buhay. Naagapan ang lahat sapagkat naabutan siya ni Raffy at agarang dinala sa ospital.

Sana hinayaan nalang siya nitong mamatay. Hindi niya kayang harapin ang konsekwensya ng kanyang kataksilan.

Napahagulhol na naman siya. What now? Ano na ang mangyayari sa kanya? Sa kanila ni Raffy?

Napatingala siya nang bumukas ang pinto ng kanyang hospital room. Nakita niya si Michael. Namamaga at putok ang kilay at labi nito.

“Oh my God…” bulalas niya.

“M-Monique…” Sambit ni Michael habang naglalakad papalapit sa kanya.

CHAPTER VIII

“M-Monique…” Sambit ni Michael habang naglalakad papalapit sa kanya.

“What are you doing here?! A-anong nangyari sa’yo?”

Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang kanyang kamay.

“How are you?” he asked as he caressed her hair.

“M-Michael… Please… umalis ka na. Baka bumalik si Raffy.”

“I don’t give a fuck. Bugbugin niya man ako ng paulit ulit, wala akong pakialam.”

Napakagat labi siya.

“Did he hurt you, Monique?”

“N-no.. Of course not. Hindi ako magagawang saktan ni Raffy.”

Humugot ng malalim na hininga si Michael bago nagsalita.

“I’m here for you…” anito at ipinagsalikop ang mga kamay nila. Bumitiw naman siya.

“Leave me alone, M…