Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Five a.m na pala kailangan ko ng maghanda baka malate ako sa oras ng call time namin sa school. Putik nman kasing seminar na to, kung di lang talaga nirequired sa amin di na sana ako sasali pa. Hays! Nakakatamad. Pagpasok ko sa banyo agad akong naghubad at nilagay sa basket ang hinubad kong damit at naligo. Pasado alas sais na akong bumaba para mag-agahan after kong magawa ang morning routine ko’t tamang-tama tapos ng magluto si Manang Nemi.
“Oh! Iho, halika na’t kumain na”, si Manang.
“Ano hong pagkain manang?” tanong ko.
“Yung paborito mong agahan iho. Fried rice na may itlog at hotdog”, sagot ni Manang.
“Lakas ko talaga sayo Manang. Hehehe!”
Pagkatapos kong kumain ay tinext ko yung matalik kong kaibigan at classmate kong si James, “Tol san kana?”, text ko. Napagkasunduan kasi naming sabay kami pupunta sa school dahil walang maghahatid sakin ngayon wala kasi sina Mommy at Daddy dahil nag-out of town, business trip raw. Pero uuwi sila bukas ng umaga, birthday ng bunso kong kapatid at may party sa gabi.
“Papunta na dyan sa inyo, hintay ka lang sa gate niyo.” Natanggap kong reply mula sa kanya. Lumabas na ako ng bahay at naghintay. After 15 mins may pumaradang 2016 Honda CB500F.
“Salamat dumating rin ang makupad.” sa isip ko.
“Oy tol! Angkas na baka malate tayo. Sensya natagalan ako.” patawang sabi niya.
“What do I expect from you, bro? Always ka namang late talaga eh. Haha.” sagot ko.
Ito pala si James Buenaflor, classmate ko to since kinder at kaibigan ko kahit di pa kami lumalabas sa sinapupunan ng aming mga nanay. Magkaibigang matalik kasi si mommy at tita, at sabay rin silang nagbuntis pero di sabay nanganak. Matanda ang siya ng limang araw sa akin. Sabay kaming lumaki at madalas rin akong iwanan nila mommy dati sa kanila pag may business trip sila. At naging mas close ko pa siya dahil dun. Naging partners in crime kami sa lahat ng kalokohan at kabastosan. Minsan nga ay sabay kaming nagjajakol at ang unang lalabasan ay manlilibre. Wala rin kaming itinatago sa isa’t-isa pati siguro nunal ay kabisado namin pati sa mga sex experience ay open rin kami. Sa kasalukuyan, kumukuha kami ng kursong Civil Engineering at nasa ikaapat na taon na sa isang sikat na unibersidad sa Davao. Ewan ko ba bakit civil rin kinuha nito sa pagkakaalam ko eh ayaw nito sa math pero matalino naman to sadyang ayaw lang niya daw sa numbers.
7:30 a.m na kaming nakarating sa school at marami-rami na rin ang mga estudyante. May mga taga-ibang school dahil congress ito ng organization related to our field. Pagpasok namin ay pinagtitinginan kami ng mga babae, di sa pagmamayabang ay may hitsura rin naman kami ng aking kaibagan. May lahi kasi ako briton at si James naman ay American. Si James ay 20 years old, mestiso, 6 flat, may magandang built ang katawan, may pamatay na ngiti dahil sa puti’t pantay na mga ngipin, may mapupungay na mata na wari’y laging nang-aakit at makakapal na kilay na bagay naman sa kanyang mukha. Ako naman ay si Jaycee “Jace” Montecarlo, 20 years old rin, 5’11”, leaned ang pangangatawan, mestiso, at chinito na namana ko sa aking ina at makapal rin kilay ko, nerdy type raw ako sabi ng karamihan dahil sa naka glasses ako at laging nagbabasa ng libro.
Umupo kami sa may bandang gitna at naghintay na magsimula ang programa. Habang naghihintay ay may tumabing magandang babae kay James, taga-ibang school siguro dahil di familiar ang mukha. Dahil sa bored ako naisipan ko na lang maglaro ng games sa cp ko at itong magaling kong kaibigan ay nakikipaglandian na sa kanyang katabi. 8 a.m at nagsimula na ang programa, pagkatapos ng dalawang sessions ay pinag lunch break muna kami at babalik mamayang 1 pm. Masaya naman, dahil kwela rin ang mga speaker at saka marami rin akong natutunan na magagamit ko pa sa trabaho.
“Jace, tol sabay muna kami ni Jessica kakain ha? Kita lang tayo mamaya,” si James.
“Sige tol, nga pala birthday ni bunso bukas ha regalo mo oy!” sagot ko.
“Nakabili na ako, malakas yun sakin eh. Haha sige tol inaantay na ako ni Jessica.” 5 pm na ng natapos ang seminar at ang sakit na ng pwet ko sa kakaupo pero ayos lang worth it rin naman.
“Tol hatid ko lang si Jessica ha? Commute ka na lang muna. Okay lang ba?” si James
“Ganyan tayo eh. Inuuna pa makipaglandian kaysa sa kaibigan. Sige, okay lang punta ka na doon!” sagot ko.
“Bro naman, sige na. Bawi ako sayo sa susunod.”
“Biro lang. Pero sige, libre mo ko ng Kryspy Kreme, wala ng bawian haha.” sagot ko na may halong tawa.
“Oo na. Sige alis na ako.” at nagmamadaling umalis.
Pagkauwi ko ng bahay ay kumain muna ako at umakyat sa kwarto para maglinis ng katawan at tapusin yung binabasa kong libro. Alas dyes na ng gabi ng maisipan kong matulog dahil maaga na naman akong gigising bukas. Kinabukasan, pagbaba ko ay nakita ko na sila mommy at daddy sa kusina at kumakain…